Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Gamit ng

Wika sa
Lipunan
Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit
ng wika sa lipunan
2. Naipapaliwanag ang gamit ng
wika sa lipunan sa pamamagitan
ng pagbibigay halimbawa
“Uuuy pare!Long-time-no-see.
Maligayang Kaarawan!”

“Bumangon ka na at mamalengke.
Bumili ka ng buhay na manok para sa
salusalo mamaya.”
“Paano magparehistro bilang botante
st
para sa mga 1 time voters?”

“Ang sa akin lang, hindi ako


komportable na nagpopost ng litrato
sa internet gamit ang aking social
media account tulad ng facebook at
instagram.”
“Anu-anong element ang
matatagpuan sa planetang Mars?
Sapat ba ito para suportahan ang
buhay ng halaman? ”
“Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang
P2P Bus System o Point-to-Point system na
may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City
– Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan.
Naglalayon itong maibsan ang matinding
trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay
nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling
bus stop.”
Gamit
ng Wika
sa Lipunan
INTERAKSYONAL
Interaksiyonal
• ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga
relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t
ibang okasyon, panunukso, pagbibiro, pang-
iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-
kuro tungkol sa isang partikular na isyu.
• paggamit ng mga salitang pang-teen-
ager, liham-pangkaibigan, lenggwahe
ng mga bakla, propesyunal na jargon,
palitang ritwalistik, at dayalektong
rehiyunal.
INSTRUMENTAL
Instrumental
•tumutulong sa tao para maisagawa ang
mga gusto niyang gawin.
•Tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
• magagamit ang wika sa pagpapangaral,
verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos, pakikiusap , liham
pangangalakal at pagpapakita ng mga
patalastas tungkol sa isang produkto.
•maisasagawa niya ang anuman
at mahihingi ang iba’t ibang
bagay sa tulong ng wika.
REGULATORYO
Regulatoryo
May gamit ding regulatori ang wika na
nangangahulugang nagagamit ito sa
pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang
tao, sitwasyon o kaganapan.
• Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o
palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o
di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o
pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-
ayon at/o di-pagsang-ayon, pagbibigay paalala,
babala at pagbibigay panuto.
• Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto
ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng
pagsusulit at direksyon sa paggawa ng
anumang bagay ay mga halimbawa ng
tungkuling regulatoryo.
PERSONAL
Personal
• pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang
indibidwal.
• Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan.
• Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
• Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na
padamdam, pagmumura, paghingi ng
paumanhin, pagpapahayag ng mga
pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat,
hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang
pansariling pahayag.
HEURISTIKO
Heuristiko
•ginagamit ito ng tao upang matuto at
magtamo ng mga tiyak na kaalaman
tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o
propesyunal na sitwasyon.
• Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng
kaalaman.
• Kabilang dito ang pagtatanong,
pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon,
panunuri, sarbey at pananaliksik.
• Nakapaloob din dito ang pakikinig sa
radyo, panonood ng telebisyon,
pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog
at mga aklat kung saan nakakukuha
tayo ng impormasyon.
IMPORMATIBO
Impormatibo
Ang wika ay instrumento upang
ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at
insight tungkol sa mundo.
Ang wika ay ginagamit upang
magbigay ng impormasyon/datos
sa paraang pasulat at pasalita.
Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat,
panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag,
pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng
pamanahunang papel o tesis.
IMAHINASYON
Imahinasyon
Likas sa mga Pilipino ang
pagkamalikhain. Sa pamamagitan
ng wika napapagana ang
imahinasyon ng tao.
Nakasusulat ang tao ng:
> tula
> maikling kuwento
> atbp.
Nakaukit sa isipan ng tao ang
kanyang mga pangarap na
nagsisilbing gabay sa kanyang
hinaharap.
PASULIT
1. Anim ang patay sa trahedya sa lansangan
kahapon ng umaga sa may baryo San Agustin.
2. Magandang umaga Sarah!
3. Heneral Luna: “Kung magiging isang bansa man
tayo kailangan natin ng isang radikal na
pagbabago. Mga kapatid, mayroon tayong mas
malaking kaaway kaysa mga Amerikano- ang
ating mga sarili.”
4. Pabili po ng isang kilong asukal at harina.
5. “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman, dili
na ko mogukod sa tawong kusog modagan.”
Takdang Aralin:
Tingnan at basahin ang mga post ng iyong
mga kaibigan sa newsfeed ng inyong
Facebook account. Pansinin kung anong
gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t
ibang post. Base sa iyong obserbasyon,
paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang
social media? Magbigay ng limang
halimbawa (post ng inyong mga kaibigan)
bilang suporta sa iyong sagot.

Isulat sa inyong Quiz notebook.

You might also like