Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Ang Mangingisda Ni Ponciano B.

Peralta Pineda
Ang Mangingisda

Ni Ponciano B. Peralta Pineda

         Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita’y nagsasayaw pa rin sa kanyang
isip ang mga lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng mga daluyong.
Ang ugong ng kanyang motor, sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa
nagliliwanag na punduhan nina Fides.
          Ito ang kanyang lakas at pag-asa: ang mga lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina
Fides. Ang mga bagay na ito ang nagsilang sa kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang
diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan
ng mga pangyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan.
          Kanina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay
naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: ang pangungutang kina Fides.
          “Kung maaari sana’y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?”
          Tiningan lamang siya ni Fides. Ni hindi ito kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga
pautang.
          Nauunawaan niya ang katotohanang ibinadha ng naniningkit na mga matang iyon: pag-
aalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon.
          Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na napagdaan, ay hindi siya
nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangilangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang
kina Fides. Kaninang umaga’y  humingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides.
          “E, ano ang magagawa natin kung di ka nanghuli,” ang wikang payamot ng in ni Fides.
“Minalas ho ako,” nasabi na lamang niya. “Baka sakaling swertihin ako mamayang gabi.”
Sinabi niya ito upang magpaliwanag; upang humingi ng muling kaluwagan: upang kahit paano’y
hugasan ng pakiusap ang kanyang kahihiyan.
Hindi niya nagawang isipin ang pagbabayd kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang
ina kanginang umaga ng “Magdiskargo ka muna sa punduhan anak.” Nababatid niyang wala
silang ibabayad kung sa bagay.
Nalalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya’y magpaalam. Hindi
niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng naririnig niya sa ina ni Fides kapag hindi
nakababayad ang mga mangingisdang mangungutang sa punduhan: “Aba, e Pa’no naman kaya
kami kung ganyan nang ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso…”
Malaki ang kanyang pag-asa ngayon. Nagtitiwala siya sa kanyang sarili at sa dagat.
“Bukas hoy tinitiyak kong makababayad na ako.”
Gabi na nang umalis siya sa Tangos.
Nakagapos siya sa dagat. Ngunit kailanma’y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas- ang
lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat,
kagaya ng may-ari ng mga lantsang pamalakaya sa tabi ng malaking punduhan.
Sapul ng pag-ukulan siya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama siya ng
kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa balang araw. Pag
nagkaroon siya ng lantsa’y hindi nasiya gagamit ng motor; hindi na siya sasagihan ng munti
mang pangamba, mangitngit man ang habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na
pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maaari na niyang marating ang inaabot na mga
lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya nang lingguhan. At pagbabalik niya’y daan-daang tiklis
ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya
nakakabayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mga mata ni Fides. 
Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasoline sa kanyang barko. Kung makakatabi
ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni
Don Cesar. “Ilang araw kayo sa laot, ha?” itatanong niya. Siya’y sasagutin ko. At, “ako’y
tatlumpong araw,” sasabihin niya pagkatapos.
Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong nang payabong, paganda nang
paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya kung gabi’y tila kinikiliti siya ng ugong ng
mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga
lantsa’y kapangyarihan manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan.
“Balang araw, Inang,” ang pagtatapat niya isang gabi,” ay bibili ako ng lantsa.”
“Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapgtatawid sa atin araw-araw.”
“Magsasama tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na.”
Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo’y kanilang natanaw ang
nagliliwanag na punduhan nina Fides ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig
hanggang sa kanilang madilim na tahanan ang alingawngaw ng halakhakan ng mga taong
nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan.
‘Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso’y punung-puno ng makulay na pag-
asa.
“Talagang bibili ako ng lantsa, Inang.”
Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa bangka na lamang.
“Ang kaligayahan ng tao, anak…”
Hindi niya naunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa niya’y nasa
malayo. Nasa dagat, nasa laot…
Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay niya bilang mangingisda, bago siya
nakapagtipon ng sapat na salaping ibibili ng motor. Iyon ay isa sa makasaysayang pangyayari sa
kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walang pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan
sa kanyang sarili’t sa kanyang ina.
“Di na ako ga’nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako’y nagpapalaot. Ito na ang simula,
Inang…”
Nauunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak.
“Huwag mong kalimutan ang Maykapal, anak,” ang sabi ng kanyang ina.
Maykapal ang lagging ipinang-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng
sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsa. Kagaya ng kung siya’y
hindi pinapalad. Kagaya nitong tatlong araw na nangagdaan.
Nakabili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang
damdamin ni Don Cesar nang siya’y unang magkaroon ng lantsang pamalakaya- ito ang wika
niya sa sarili.
Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin nang maging dalawa ang mga lantsa sa tabi ng punduhan.
Ang kanyang sarili’y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo:
samantalang siya’y hindi nagkakaroon, hanggang ngayon, ng kahit isa man lamang. Ito’y
katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumuni. At lalo itong
di niya matugon kung sasaklawin niya ng titig ang gawing hilaga ng ilog; doon ay may
punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, may mga bangkang malalaki, may mga bagay
na naggagandahan, may mga lantsa, mga barko; ngunit sa gawing timog- sa kanilang pook- ay
may mga bahay-pawid na naglawit sa ilog, bangkang maliliit, mga manggagawa, mga
mangingisdang porsiyentuhan lamang.
Naging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palaki ang punduhan nina Fides. At siya-
nagtutumimbay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa higit pang nagkakulay ang kanyang
paghanga sa punduhan.
Minsan ay narinig niyang pinag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping
ipapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.
“Isang labas lang pala ng bagong lantsa ay halos bawi na ang puhunan,” ang pagbabalita ng isa.
“At ang pakinabang sa isang labas, kung sinuswerte’y santaon na nating kikitain,” anang isa pa.
“Ow, di natin kikitain…” ang pabuntot ng isa naman.
Pinagpatibay ng ganitong usapan ang kanyang mithiin.
Isinalaysay niya sa kanyang ina ang balitang nasagap sa umpukan.
“Kita mo na, Inang” ang pagmamalaki niya, “biro mo iyon! Di ka na mahihirapan…”
Hindi makapangusap ang kanyang ina.
“… Di ka na gagawa…”
Pinigil na lamang ng kanyang ina ang pangingilid ng luhang ikinubli sa kadiliman.
Hindi siya nilayuan ng pagkayamot nitong nagdaang tatlong araw.
“Malas,” wika niya, “malas na malas.”
Marahil, naisip niya, kung lantsa ang kanyang gagamitin sa pangingisda’y hindi siya
magkakagayon. Kung may lantsa siya’y malayo ang kanyang aabutin; lalaban sila sa panahon;
makakarating siya sa malalim na pangisdaan; aariin niya ang mga isda ng buong karagatan.
Hindi uuwi nang walang huli.Kahit humangin.Kahit sumigwa. Uuwi siyang may huli…
maraming huli. Magagalak ang kanyang ina. Hindi na sila maghihikahos…
Kangina, nang umalis siya sa kanilang tahanan upang magpakarga ng gasoline sa punduhan, ai
ipinasya na niyang isangla, o ipagbili kaya ang kanyang motor para makabayad sa kanyang
utang. Subalit hindi niya nagawa iyon. Mahal sa kanya ang motor, mahal na mahal. Hindi niya
ipinagbili ni isasangla, kanino man. Ang motor niya, ayon sa kanya, ay singkhulugan ng lantsang
hantungan ng kanyang mga pangarap.
 Hindi siya uuwi ng walang maraming huli ngayon;ito ang kaniyang pasiya. Walang salang mag-
uuwi siya ng maraming isda. Tiniyak niya iyon sa ina ni Fides.
“Bukas ho’y tinitiyak kong makababayad na ako.”
Ayaw niyang isagawa ang kanyang balak.Nalalaman niya ang maaaring ibunga niyon.Nababatid
niyang ipagbabawal ipinagbabawal ng batas.
Napasama na rin siya sa paggamit ng pamamaraang iyon noong araw. Ilang beses lamang
naman. At wala namang napahamak sa kanila. Hindi naman sila nadakip.Nag-uwi sila ng
maraming isda noon.Malaki ang kanilang napakinabang.
Ngayon, hindi dadako ang patrolya ng mga baybayin sa gawing tutunguhin nila, ganito ang
kanyang naisip. Siguradong walang sagabal; walang makahuhuli;walang magsusuplong;walang
magbabawa. Saka minsan lang naman.
Pinag-ingatan niya ang pagkakabalot ng dalawang malalaking dinamita sa ilalim ng kanyang
upuang nasasapnan ng lona. Hindi niya gagamitin iyon-kung…  kung siya’y papalarin…nasa
laot na siya. Waring ibig lumikot ng hangin, habang tumatanda ang gabi.Laganap ang karimlan.
Kukuti-kutitap ang mga ilaw ng mga mangingisda sa kalawakan ng dagat. Wala rin siyang huli.
Pagod na siya sa kahahagis ng kanyang lambat. Gayun ma’y naging kakatuwa ang kanyang
dama. Tiyak, tiyak nang makababawi siya sa kawan; makakabawi siya sa kawan. Muling
inihagis ang kanyang lambat.Maganda ang pagkakaladlad ng laylayan niyon.Natuwa
siya.Natiyak ang kawan.Hindi siya ililigaw ng kanyang karanasan.Mag-uuwi siya ng maraming
isda.Ipambabayad niya ang kanyang huli.Lumulukso ang kanyang puso.Inigot ang
lambat.Mabigat.Inigot muli.Ginamit ang kanyang lakas. Mabigat! Muling inigot.Inigot. At iyon
ay tila binitiwan ng isang malakas na kamay na nakikipaghatakan. Nagaid ang lambat!ang
lambat ay nagawak.
Talagang uuwi na siya. Ibig niyang makarating sa Tangos. Ibig na niyang mamahinga. Nauna sa
Tangos ang kanyang kamalayan. Umuwi na sa Tangos. At tila isang tabing ang nataas sa
kanyang isip. Nakikita niya ang mga lantsa ni Don Cesar na lalong magigilas sa dampulay ng
liwanag na nagbubuhat sa nagsasayang ounduhan nina Fides. Saglit na tumuon ang kanyang
paningin sa tubig. Nagiti siya. Nakikita na naman siya ng kawan. Muling naganyak ang kanyang
kalooban. Inapuhap ang nakabalot na mga dinamita. Binulatlat ang balutan. Kayganda ng
dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makauuwi na siya nang may dalang isda,
maraming isda. Makababayad na siya kina Fides. Sandali lamang ang pagsabog na niyon.
Pupugungin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating
ang patrolya sa mga baybayin. Saglit na pinatay ang kanyang motor. Hindi na siya nayayamot.
Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanya ang ugong ng kanyang motor. Kumilos
ang kanyang lantsa.Pinahinto uli ang kanyang lantsa.Mapuputi ang maiikling mitsa ng
dinamita.Maiging pinagdikit ang mitsa niyon, at kinamal ang dalawang bagay. Masisiyahan ang
kanyang ina, paggising nito kinaumagahan. “Sinuwerte ako, Inang.” Hindi ipagtatapat na
gumamit siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. “Sinuwerte ako, Inang… Sinuwerte
ako…!” kiniskisan ang posporo.Tumilamsik ang ga-buhanging baga.Ayaw magdingas ang
palito. Idinikit sa gilid ng kanyang kilikili ang posporo. Nag-iniy.Ikiniskis uli.Hinipan ng hangin.
Ikinubli niya ang pagkiskis sa labi ng Bangka at kinagat ng apoy ang palito inilapit, idinikit na
mabuti sa dulo ng maikling mitsa ng dinamitang mahigpit sa kamal sa kanyang kamay,
sumagitsit, sangkisap-mata lamang, sangsaglit lamang, mabilis,

sumagitsit- parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabay halos ng siklab na sumugat sa


gabi’y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.

           
           

--WAKAS—
 Ang Mangingisda ni Ponciano Pineda Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang
dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang
natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila
tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides. Ito ang
kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang
mga bagay na ito and nagsilang ng kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa
saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan
ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan.
Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay
naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides. "Kung maari
sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?" Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni
hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang
ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pagaalinlangan sa katuparan ng kanyang
mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon,
kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na
makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides.
Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides. "E ano and
magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho
ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling swertihin ako mamayang gabi." Sinabi niya ito
upang mapaliwanag upang humingi ng muling kaluwagan upang kahit paano'y hugasan ng
kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina
Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka
muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman
niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya
narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi
nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman
kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y
tinitiyak kong makakabayad na ako." Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa
dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya
lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng
lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang
lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib ibig niyang
magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng
maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang
habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na 1
 pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga
lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang
tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi
siya nakababayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides.
Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi
ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni
Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y
tatlumpong araw,"sasabihin niya pagkatapos. Ang hangaring iyon ay tila malusog na
halaman: payabong ng payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa
pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga
pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang
manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat
niya isang gabi, "bibili ako ng lantsa." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat
mangarap ng gayon. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-
araw." "Magsasampa tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka
na. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw ang
nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar.
Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng
mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga
mata. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa. "Talagang bibili ako ng
lantsa, Inang." Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang. “Ang
kaligayahan na tao anak….” Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang
ina. Ang diwa nya‟y nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot… Isang mahabang kawil ng mga
taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya nakapagtipon ng sapat
na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari, isang makabuluhang
pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walang pangalawa. Iyon
ay ipinagparangalan sa kanyang sarili‟t sa kanyang ina. “Di na ako ga‟nong mahihirapan sa
pagsagwan kapag ako‟y napapalaot. Ito na ang simula, Inang…” Naunawaan ng ina ang
katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak. “Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak,”
ang sabi ng kanyang ina. Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng
pagdarahop, ng sakit, ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung
minsan. Kagaya ng kung siya‟y hindi pinapalad. Kagaya nitong tatlong araw na nangagdaan.
2
 Nakabili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang
damdamin ni Don Cesar nang siya‟y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika
niya sa sarili. Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng
punduhan. Ang kanyang sarili‟y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa
sa ibayo; samantalang siya‟y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang.
Ito‟y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni.
At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tigang gawing hilaga ng ilog; doon
ay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang malalaki , may
mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa gawing timog-sa
kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang maliliit,mga
manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang. Ang kanyang mga pagtatanong
ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at
ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides! Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar.
Palaki nang palaki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay naman ang kanyang
pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan. Minsan
narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik
ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar. „Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don
Cesar ay halos bawi na ang puhunan,” ang pagbabalita ng isa. “At ang pakinabang sa isang
labas, kung sinusurwte‟y santaaon na nating kikitain ,” naganyakang kanyang kalooban.
Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang baluatan. Kay gaganda ng
dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na siya nang ,ay dalang isda,
maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang ang pagsabog iyon.
Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago
dumating ang patrulya sa mga baybayin.saglit nyang piñata ang kanyang motor at mga
lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. At
pinaugong uli ang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila
tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang kanyang lantsa.
Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Maiging
pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahan ang kanyang ina
paggising nito kinaumagahan.”Sinuwerte ako, Inang ,” sasabihin niya. “Ay! Salamt sa Diyos!”
sasabihin naman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita.
Malulungkot ang kanyang ina. “Sinuwerte ako, Inang…… Sinuwerte ako….” Kiniskisan ang
posporo. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng palito. Idinikit sa
kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang hangin. Inilapit, idinikit
na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang
kanang kamay, sumagitsit – parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng
siklab na sumugat sa gabi‟y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong
kalawakan. 3
 BUOD Ang maliwanag na ilaw sa punduhan nina Fides at lantsa ni Don Cesar ang
nagbibigay sa kanya ng lakas upang pangarap at umunlad sa buhay. Nais din ng
mangingisda na magkaroon ng punduhan at lansta. Madalas siyang nangungutang ng langis
at gasolina sa punduhan ni Fides at kung mahina ang kanyang huli ay hindi siya
nakakabayad. Hindi siya makatitig sa naniningkit na mata ni Fides tuwing uutang siya. Sa
mga sulyap pa lamang na iyon ay alam na niya ang nais nitong ipahiwatig na hindi na namn
siya makakabayad. Tuwing papanaog siya sa laot, lumalakas ang kanyang loob at
hangaring magkakaroon din siya ng lantsa tulad ng lantsa ni Don Cesar na nasa babayin ng
punduhan ni Fides. Kapag nagkaroon siya ng lantsa ay matutungo din niya ang layong
inaabot ng lanstang pamalakaya. Makakabayad na siya ng utang kay Fides at makaktitig na
sa singkit nitong mata. Ngunit lagi siyang pinaaalalahanan ng kanyang ina na huwag
mangarap ng mataas. Maging masaya na nahuhuli na makakasuporta na sa araw-araw na
pamumuhay. Madalas din siyang inaaliw sa mga pangaral na manlig sa Maykapal sapgkat
ito lang ang makakatulong sa mga problema na darating sa kanila. Ngunit madalas na
siyang nawawalan ng pananalig sa pagtatakang ang mga taga-Hilaga ay maganda ang
buhay, may mga pagawaan ng bangka, may punduhan, may lantsa at sa Timog sa kanilang
pook ay puro bahay na pawid na nagsilawit sa ilog. Patuloy siyang nagtatanong kung bakit
tatlo na ang lantsa ni Don Fides at lumalaki na ang punduhan ni Fides ngunit siya wala pa
kahit isa. Patuloy siyang nangangarap habang sinisindihan ang dinamitang inaakalang
magpapaganda ng kanyang buhay. Binilisan niya ang paghagis bago dumating ang patrolya.
Ngunit hindi na siya mahuhuli ng patrolya sapagkat wala na, wala na siya. II. Ang May-akda
Ang may akda ng maikling kwentong “Ang Mangingisda” ay si Ponciano Pineda. Si Ponciano
B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogada. Itinuring si Ponciano
Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag
ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.[1] Siya ay naging direktor ng
Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971
hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-
linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang
patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking
pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino
bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na
binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong
kapuluan. Ang “Diksyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksyunaryong
pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda.
Inilathala ni Pineda ang Diksyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng
pambansang leksikograpiya. Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si
Jose Villa Panganiban, nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod dito, naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa
Varsitarian. Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin
siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino. Kabilang sa kanyang mga akdang
pambalarila ang “Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan,” “Pandalubhasaan Sining
Ng Komunikasyon,” at “Sining Ng Komunikasyon Para 4
 Sa Mataas Na Paaralan.” Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang
gantimpala para sa kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim
ang Gabi” (1953). Kung ating mapapansin eksperto siya sa kulturang Pilipino,
nangangahulugan na alam niya ang buhay ng mangingisda lalo pa at ito ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Pilipino dahil ang ating bansa ay isang arkipelago. IV. Mga Tauhan
Ang Mangingisda Sa kanya umikot ang buong kwento at ang kanyang pangarap na
magkaroon ng lantsa at punduhan. Siya ay tauhang flat sapagkat walang anumang
pagbabagong naganap sa kanyang pananaw at paniniwalang matutupad niya ang kanyang
mga pangarap kahit anupamang pangaral ang sabihin sa kanya ng kanyang ina. Ngunit ang
kanyang pangarap ang nagbuhat sa sarili niyang kapahamakan. Hindi nagkaroon ng
pagbanggit sa kanyang pangalan upang maipakita ang katangian ng mga mangingisda at
mga taong nasa mababang uri ng pamumuhay. Marami sa mga Pilipino ay nangangarap na
magkaroon ng magandang buhay at makikitra natin ito sa paraan ng kanyang pananalita.
Namumutawi sa kanyang mga salita na magkakaroon siya ng lantsa. Ang hindi pagbanggit
sa kanyang pangalan ay hindi nakabawas sa kagandahan ng kwento. Ina Isang ina na
kontento na buhay, hindi na nagnanais ng higit pa sa buhay na tinatamasa. Mapapansin
natin na hindi siya nasisiyahan sa sobrang pangangarap ng kanyang anak ngunit
naiintindihan niya ito. May matinding pananalig siya sa Maykapal na ito ang tutulong sa mga
problemang maari nilang kaharapin. Fides Ang may-ari ng punduhan kung saan dito
nangungutang ang mangingisda ng gasolina at langis para sa bangka. Sinasabi na may
singkit itong mata na may posibilidad na isa siyang Tsinoy na negosyante. Nagagalit siya sa
mangingisda lalo na kung hindi ito nakakabayad ngunit pinauutang pa rin niya ito. V.
Tagpuan Ang buong kwento ay naganap sa tatlong lugar, sa bahay ng mangingisda, sa
punduhan at sa dagat. Nangangahulugan lamang na sa probinsya naganap ang kwento.
Mapupuna na nagkaroon ng pagpangkatpangkat ng mga tao batay sa estado ng buhay,
noong sinabi ng mangingisda kung bakit sa Hilaga nandoon ang mga pagawaan ng
bangkang malalaki, may apugan, punduhan, lantsa, barko at mga bagay na naggagandahan
samantalang sa Timog nandoon ang mga mangingisdang posyentuhan lang, mga bahay na
naglalawit sa ilog at mga manggagawa. 5
 Sa mga pahayag na yaon ng magingisda, masasabi natin talaga na sa lipunang ating
ginagalawan ay may dalawa lamang klase ng tao, mayaman at mahirap, makapangyarihan
at alipin. Alinman sa dalawang ito tayo nabibilang. Hindi nagkakaroon ng pantay na
pagtingin dito sa lipunan na ating ginagalalawan. Sa punduhan naganap ang pangungutang
ng mangingisda ng gasolina at langis kay Fides. Pinautang naman siya ni Fides ngunit hindi
nagkaroon maayos na pakikitungo ang mayayaman kay Fides. Nagkaroon ng
diskriminasyon sa mahihirap kapg nasa lugal ka ng may kaya sa buhay. Sa bahay nina
Fides, dito nagkaroon ng palitan ng pahayg ang mag-ina. Dito si Fides nagsimulang
mangarap na balang araw ay mapupunta rin siya sa Hilaga kung saan nandoon ang
mayayaman. Naging akma ang lugar na ito upang magpalitan ng pahayag ang mag-ina
sapagkat ito ang tamng lugar para sa isang pamilya. Ang huli ay sa dagat kung saan ito ang
maituturing na buhay ng mga taga-roon. Dito sila yumayaman o nasasawi ang buhay o kaya
naman ay nangangarap na magtungo pa sa mas malayong lugar. VI. Banghay  Panimula
Nangingisda siya gamit ang dinamita at kahit nasugatan na siya ay patuloy pa rin siyang
nangangarap na balang araw ay aangat din siya tulad ng nagliliwanag na punduhan ni Fides
at ang lantsang pamalakaya ni Don Fides. Saglit na Kasiglahan Nagpakarga siya ng
gasolina sa punduahn ni Fides para sa kanyang bangkang dimotor. Nakikita niya sa
naniningkit nitong mata ang gustong ipihiwatig ng mag iyon habang inililista ang kanyang
utang. Nanumbat na kung hindi na naman siya makahuli ng maraming isda ay hindi na
naman ito makakabayad. Sinabi na lamang niyang baka swertehin siya mamaya at baka
sakaling makabayad na siya upang mahugasan ang kanyang kahihiyan. Mga Suliraning
Inihahanap ng Lunas Binubuhayan siya ng pag-asa sa kanyang mga pangrap na pataas
nang pataas at patuloy na yumayabong. Patuloy ng mangingisdang sinasabi sa kanyang ina
ang kaniyang pangarap na magkaroon lantsa at punduhan. Kapag nagkaroon na siya ng
lantsa ay magiging maganda na ang buhay nila at hindi na sila kailanman magkakaroon ng
problema sa pagbabayad ng utang sa gasolina kina Fides. Sa mga oras na iyon ay lagi
siyang pina-aalalahanan ng kanyang ina na makontento na sa buhay na meron siya at
palaging manalig sa Maykapal. Ngunit nawawalan na siya ng pananalig sa Kanya lalo na
habang tinititigan niya ang gawing Hilaga kung saan andoon ang magagandang buhay na
maari nating maranasan na kabaliktaran ng buhay nila sa Timog.   6
  Kaukdulan Kanyang nalaman na tatlo n ang lantsa ni Don Cesar at patuloy na lumalaki
ang punduhan ni Fedes. Nalaman niyang ang isang labas lang ng lantsa ay nakapagbibigay
ng malaking kita sa kanila. Halos isang taon na nila iyong kita. Lalong lumawig ang kanyang
pangarap na lantsa at hinahangaang punduhan. Ang dalawang bagay na ito ang nagbibigay
sa kanya na lakas ng loob.Habang siya ay nasa kaligitnahan ay patuloy pa rin siyang
nangangarap habang nasisilayan niya ang maliwanag na ilaw sa punduhan at ang inaasam
niyang lantsa. Lalo siyang ginanahan at sinindiahan niya ang kanyang dinamita bago pa
man dumating patrolya.  Wakas Sa hindi inaasahang pangyayari kinain ng apoy at
lagabalab ng usok ang dagat. Kasamang nalusaw ang pangarap niyang magkaroon ng
lantsa. Pumanaw siyang nangangarap at ang pangarap ay nanatiling pangarap. VII.
Pagdulog  Pormalistiko Naging maganda ang banghay ng kwento mula sa simula
hanggang sa katapusan. Mapapansin na mayroong panandaliang pagbabalik-tanaw na
nakadagdag sa magndang daloy ng kwento. Ang lalong nagpaganda sa kwento ay ang
madalas na pagbanggit sa mga hangarin sa buhay ng mangingisda na nakapgpadagdag ng
kakintalan sa mambabasa kung ano ba ang nais ipahiwatig ng kwento. Sa huli hindi man
nabanggit kung ano ang tunay na nangyari sa mangingisda pero nagbigay ito ng dahilan sa
mambabasa para basahin ang akda hanggang sa huli nitong salita. Doon mo pa lamang
maiisip ang tunay na mensahe ng huling talata. Pagdating sa tauhan, may malinaw na
hangganan sa pagitan ng mayaman at mahirap. Ang mga mahihirap ninanais na umangat at
ang mayayaman ay patuliy pang yumayaman. Uunti man ang tauhan ngunit naging
makatotohanan pa rin ang kwento. Sinisimbolo ng pangunahing tauhan ang buong
mangingisda at mahihirap na dahil sa hirap ng buhay ay napilitang gumawa ng masama. Sa
kabilang banda ay may mga tao pa rin na nakokontento sa mga bagay na meron sila at
patuloy na naniniwala sa Panginoon sa kabila ng kahirapang dinaranas. Sa kabuuan, ang
tauhan, tagpuan at ang istilo ng akda ang nakapagpaganda ng kwento.  Moralistiko Ang
dahilan ng marami sa atin kung bakit tayo anag-aaral, nagtatrabaho at nabubuhay ay hindi
lang basta mabuhay kundi ang umangat, yumaman at makatakas sa lupit ng buhay. Sa mga
hangaring ito ay nagkakaroon nayo ng matinding pananalig sa Panginoon at kung walang
pagbabagong nagaganap ay umiisip tayo ng alternatibong bagay at kung minsan ay
nagbubunsod sa atin na gumawa ng masama. 7
 Ang Mangingisda Siya ay may magandang hangarin sa buhay. Nangangarap at wala naman
masamang magarap ngunit pinangimbabawan ng pangarap ang ang tama. Gumawa siya ng
masama bilang daan sa pagkamit ng pangarap. Ang gumawa ng masama ay labag sa utos
ng Panginoon. Isa pa sa nakawala ng kanyang moral ay ang noong siya ay nangingisda at
sinabi niya na hindi niya sasabihin sa kanyang ina na gumamit siya ng dinamita. Ina Makikita
sa kanyang mga pananalita ang mabuti niyang pag-uugali. Noong pinangangaralan niya ang
kanyang anak ay pilit niyang sinasabi na huwag mangarap ng gayon sapagkat alam niyang
iyon ang ikapapahamak nito. Lagi rin niyang pina-aalalahanan ang kanyang anak na manalig
sa Maykapal. Makikita na isa siyang maka- Diyos. Fides Hindi kalugod-lugod ang ginawa
niyang pagpapautang sa mangingisda sapagkat binigyan nga niya ng pera ang mangingisda
para sa gasolina pero hindi pa rin bukal sa loob niya ang pagpapautang. Sinumbatan pa rin
niya ang mangingisda kung sakaling hindi ito makabayad. Tama ang kanyang ginawa ngunit
mali ang paraan ng kanyang pagbibigay.  Sosyolohikal Nakikitungo tayo sa iba base sa
kung ano talaga ang ating ugali at minsa pinakikitunguhan nila ang ibang tao batay sa
estado ng buhay. Mangingisda Pagdating sa pakikitungo niya sa kanyang ina, makikita mo
na mahal niya ito talaga. Ang kanyang ina ang isa sa mga dahilan kung bakit siya
nangangarap na magakaroon ng magandang buhay. Upang maging hindi na sila magutang
kailanman. Sa kabilang dako, hindi pa rin niya nagawang sundin ito sa kabila ng mga
pangangaral nito. Kay Fides, makikita mo sa kanyang pananalita ang kahihiyan sa
pangungutang. Ninanais niyang hugasan ang kanyang kahihiyan sa pamamamagitan ng
pangangako. Ina Mahal na mahal niya ang kanyang anak. Makikita ang
magandangpakikitungo nito sa kanyang anak sa lahat ng pagkakataon. Nangangaral siya at
nagpapaalala sa kanyang anak ng tama tulad ng huwag mangarap ng mataas at manalig sa
Diyos. Fides Makikita na napakababa ng pagtingin niya sa mahihirap tulad ng mangingisda.
Nagkakaroon na siya ng pangitain na hindi makakabayad ng utang ito dahil madalas itong
nagaganap. 8
  Sikolohikal Ang ating utak ang nagdirikta sa anumang ating ginagawa, sinusulat at
sinasalita. Minsan may mga bagay na ating naiisip ngunit hindi naibubulalas ng ating mga
bibig ngunit makikita sa ekspresyon ng mukha. Mangingisda Noong nangangarap siya ay
makikita mo na marami siyang iniisip na magagawa para sa sarili at sa kapwa nya. Marami
pa siyang pangarap bukod pa sa pangarap niyang magkaroon ng lantsa. Noong siya ay
nangungutang kay Fides ay makikita mo na maraming gumugulo sa kanyang isipan tulad ng
kahihiyan at hangaring makabayad ng utang. Ina Kung ating susuriin sa paraan ng
pagsasalita ng ina ng mangingisda ay makikita mo ang pangamba. May mga iniisip siya sa
kung ano ang maaring mangyari sa anak dahil sa mga paghahangad. May mga bagay na
naglalaro sa kanyang utak at ito ay nagsisilbing pangitain sa mga maaring mangyari sa
kanyang anak. Fides Sa pagpapautang niya sa mangingisda ay natatakot siya may masabi
ang mangingisda sa kanya kaya niya ito pinautang. Labag man sa loob niya ang ginawa niya
ito kahit alam niyang posible na naman itong hindi makabayad. VIII. Bisa ng Akda  Bisang
Pangdamdamin Sa lipunang ating ginagalawan ay napupuno ito ng milyong milyong tao at
pagkatao pero nananatiling sa dalawa lamang tayo nabibilang mahirap at mayaman,
makapangyarihan at alipin, nangangarap at nakakaangat. Mahirap ang buhay sa ngayon at
kung ating iisipin masasawa na tayo buhay na meron tayo. Nagnanais talaga tayong
umangat paminsan-minsan. Gayunpaman, nakakalungkot isipin na may mga taong sobrang
nasisilaw sa kinang ng barya. Animoy mabubulag kakatitig dito at nagdudulot sa atin upang
gumawa ng masama. Napangunahan tayo ng hangararin natin sa buhay at ng mga
pangarap na masyado nating pinadali ang paghangad nito. Hindi naman masamang
mangarap basta ang mahalaga sundin natin ang tamang proseso sapagkat ito ang
magdadala sa atin sa tunay na tagumpay. Sa mga mayayaman dapat lamang na maging
mapagkumbaba tayo upang balang araw ay hindi tayo magdusa dahil sa ugaling ipinakikita
natin sa tao.  Bisang Pangkaisipan Ang kwento ay nagbigay ng malawak na kamalayan sa
tunay na estado ng lipunan. Lalong lalo na sa tunay na buhay ng ating mga mangingisda.
Maging sa buhay ng mayayaman. May malaking hangganan sa pagitan nila. At tanging
makawawasak nito ay ang may malawak na pananaw sa kung ano ang tama. 9
 Sa bahagi ng mayayaman, kung sakaling pagbigyan na lamang nila sa maraming
pagkakataon ay sila naman ang maaring magdusa. Hindi tama na kahit sila ay may
kayamanan ay magbibigay na lamang sila ng magbibigay at ang mga mahihirap ay
tatanggap na lamang nang tatanggap. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan at hindi basta na
lamang nakukuha. Umangat sila dahil naghirap sila ta ngayong mahirap na sila ay hindi sila
dapat sila magpatumpik-tumpik sapagkat maari silang lumagapak sa lupa. Mayroon ding
punto ang mga taong naghihirap tulad ng mangingisda sa maraming pagkakataon.
Nabubuhay sila upang mabuhay ng maayos at hindi maghirap at magdurusa. Walang
dahilan para sila ay mangarap at para makuha ito ay maari silang maglakas ng loob na
kumapit sa mayayaman. Iyon ang tama at madaling gawing bagay. Gumagawa rin tayo ng
masama hindi lng dahil gusto natin kundi may mga bagay pa tayong isinasaalang-alang.
Hindi natin sila masisisi. Bisang Pangkaasalan Ang ugali natin ay hindi lahat nababatay sa
kung paano tayo pinalaki minsan ito ay nakabatay sa sitwasyon. Kung inaapi tayo maaaring
patuloy tayong magpaapi o kaya naman ay lumaban. Kung marami namang umaasa sa
ating kakayahan ay posible tayong magreklamo o kaya naman ay magmalaki. Sa buhay,
hindi lang tayo ang gumagawa ng ugali maging ang sitwasyon Masyado minsan nating
sinasanto ang mga bagay na mali masunod lamang ang ating hangarin. Mali ito sa mata ng
Diyos maging sa lipunan. Huwag natin hayaang maging masama tayo dahil lamang sa pag-
aasam. Matuto tayong maghintay at paghirapan ang mga bagay upang ating maabot.
Mainam pa ang maglupasay ka sa hirap kaysa mayaman ka ngunit ang puso mo ay matindi
pa sa burak sa kanal. Sa Panginoon dapat tayo magtanong at magsabi kung ano ba ang
tama. Ang utak, walang tama at mali ang dinidikta nitoa y ang bagay na makapagpapasaya
sa katawan. Ang DIYOS muna bago ang lahat. 10
 KONKLUSYON Ang buhay hindi hawak ng ating mga kamay maging ang ating kapalaran.
Habang maaga, dapat na nating mabatid ang tunay nating misyon sa buhay na
isinasaalang-alang ang kahalagahan ng Panginoon. Ang ating mga desisyon ay dapat nating
pag-isipan. Maaari itong makabuti o makasa sa atin. Sa katunayan, karamihan sa atin ay
nag-aaral at nagtratrabaho dahil naghahangad tayo ng kayamanan o ng kapangyarihan.
Lalo na ang mga taong kapos-palad. Aminin man natin o hindi n a natin nabibigyan ng
panahon ang makapagnilay nilay sa Panginoon. Ang negatibong resulta nito ay ang
masamang gawain. Nagnanakaw, namamalimos at pumapatay dahil sa pera. Ang pera ay
hindi ang Diyos, hindi rin buhay. Sa tatsulok na mundo, ang nasa tuktok ay ang mga
makapangyarihan at nag mayayaman. Sila ang ating tinitingala, hinahangahan. Sa
gobyerno, sino ba ang namumuno, sino ang nagtatangkang lumaban sa eleksyon, walang
iba kundi ang mayayaman. Sila lamang ang may kakayahan. Gayunpaman, minsan
inaabuso minsan nila ang kanilang kapangyarihan. Nakakagawa sila ng marahas na bagay
para sa pera at kapangyarihan at sa sobrang abala nila sa pagpapayaman, nawawalan na
rin sila ng pananalig sa Panginoon. Sino ba ang lumikha sa tao, ang sarili ba nating yaman o
pangarap. Huwag tayong tumalikod sa Kanya. Siya ang tanging makalulutas sa walng
katapusang pagsubok ng panahon. Ang tamang oras ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang
taon. Purihin natin siya at pasalamatan sa kung ano tayo ngayon dahil baka sa huli hindi
yaman, kapangyarihan at pangarap ang alisin niya sa atin kundi ang ating buhay na
pinakaiingatan. 11
 12
 1. Ang Mangingisda<br />ni Ponciano Pineda<br />Maging nang sumabog sa kanyang
kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi
man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig
niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides.Ito
ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides.
Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanynag mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa
saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan
ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan.
Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay
naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides."Kung maari
sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?"Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni
hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang.Nauunawaan niya ang katotohanang
ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pag-aalinlangan sa katuparan ng kanyang
mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon,
kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na
makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides.
Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides."E ano and
magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho
ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling s'wertihin ako mamayang gabi."Sinabi niya ito
upang mapaliwanag: upang humingi ng muling kaluwagan;upang kahit paano'y hugasan ng
kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina
Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka
muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay.Nalaman
niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya
narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi
nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman
kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... ""Bukas ho'y
tinitiyak kong makakabayad na ako."Gabi ng nga umalis siya sa Tangos.Nakagapis siya sa
dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya
lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng
lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan.Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang
lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: ibig niyang
magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng
maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang
habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaliang lalabas siya sa
karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas
na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon.
Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at
langis. <br />Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides. Makakapagkarga na siya
ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ang kanyang barko ang
kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw
kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y tatlumpong araw,"sasabihin
niya pagkatapos.<br />Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng
payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y
tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo
sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa
kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat niya isang gabi, "bibili ako ng
lantsa."Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon.
"Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw.""Magsasampa
tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na.Sa pagkakaupo
nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw and nagliliwanag na
punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang
sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong
nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang
kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa."Talagang bibili ako ng lantsa,
Inang."<br />Ipinaggiitanng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang.<br />“Ang
kaligayahan na tao anak….”<br />Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng
kanyang ina. Ang diwa nya’y nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot…<br />Isang mahabang
kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya
nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang
pangyayari, isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang
tagumpay na walng pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarili’t sa kanyang ina.
<br />“Di na ako ga’nong mahihirapansa pagsagwan kapag ako’y napapalaot. Ito na ang
simula, Inang…”<br />Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng
anak.<br />“Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak,” ang sabi ng kanyang ina.<br
/>Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit,
ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Kagaya ng
kung siya’y hindi pimapalad. Kagaya nitong tatling araw na nangagdaan.<br />Nakbili na rin
siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni
Don Cesarnang siya’y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niyasa
sarili.<br />Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng
punduhan.<br />Ang kanyang sarili’y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang
lantsa sa ibayo; samantalangsiay’y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man
lamang. Ito’y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng
pagmumunimuni. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tit gang gawing
hilG ng ilog; doonay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang
malalaki , may mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa
gawing tomog-sa kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang
maliliit,mga manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang. <br />Ang kanyang
mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya
ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides!<br />Nagging tatlo ang
lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay
naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghangasa
punduhan.<br />Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami
ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.<br />‘Isang Labas lang
pala ng bagong lantsa ni Don Cesaray halos bawi na ang puhunan,” ang pagbabalita ng
isa.<br />“At ang pakinabang sa isang labas, kung sinusurwte’y santaaonna nating kikitain ,”
naganyakang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang
baluatan. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na
siya nang ,ay dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang
ang pagsabog iyon. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang
Bangka bago dumating angpatrulya sa mga baybayin.saglit nyang piñata ang kanyang
motorat mga lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng
patrulya. At pinaugong uliang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na
siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang
kanyang lantsa. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita.
Maiging pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahanang
kanyang ina paggising nito kinaumagahan.”Sinuwerte ako, Inang ,” sasabihin niya. “Ay!
Salamt sa Diyos!” sasabihin nasman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit
siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina.“Sinuwerte ako, Inang…… Sinuwerte
ako….”Kiniskisanang pospor. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng
palito. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang
hangi. Inilapit, idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitangmahigpit na
kamal sa kanyang kanang kamay, sumagitsit – parang kidlat na sumibad sa kalangitan at
kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabi’y isang nakabibinging dagundong ang
bumingaw sa buong kalawakan.<br />

You might also like