Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUOD:

Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang
pawis, pag-iisip at salapi upang kumita. Sa panahon ngayon hindi madali ang magtayo ng negosyo.
Kailangan ng sapat na kaalaman at diskarte upang mapatakbo ang isang negosyo at mapaunlad ito.
Mahalaga rin na ang ibebenta o iaalok na serbisyo ay naaayon sa panahon ng pagtitinda nito. Bilang mga
estudyante ng komersyo, nararapat naming malaman kung kalian magandang magnegosyo at kalian
hindi. Isang magandang pagkakataon para sa mga nais magnegosyo ang panahon ng pangangampanya.
Ang eleksyon ay ang panahon kung saan ang mga mamamayan ng isang bansa ay pipili o maghahalal ng
mamumuno ditto. Kung kaya naman sa tuwing darating ang panahon ng eleksyon ay talaga namang
gumagastos nang husto ang mga kandidato upang mangampanya. Gagawin ng isang kandidato ang lahat
upang makuha ang boto ng mga mamamayan. Sa katunayan, ang paggastos nang malaki ng mga
kandidato ay nagbibigay ng malaking oportunidad sa mga negosyante upang kumita nang malaki.

https://www.scribd.com/document/396018967/pananaliksik

You might also like