Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GENERAL LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL

General Luna, Surigao del Norte

Pangatlong Preliminaryong Pagsusulit (ESP 8)

Pangalan:____________________________________Taon/Seksyon:______________________ Petsa:_____________ Iskor:______

PANUTO: Basahin ng mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa apagsusulit para sa iba’t-ibang kurso
para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip.
d. Pag-isipan at pag-aralang Mabuti ang desisiyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli
2. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na niligawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa
kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila.
Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sap ag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong
galit sa kaibigan mo.
Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi?
a. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
b. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
c. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d. Nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
3. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay mag-relax. Alin sa mga
sumusunod ang hindi magandang paraan ng pag-relax?
a. Paglalakad sa parke
b. Paninigarilyo
c. Pagbabakasyon
d. Panunuod ng sine
4. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang Nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na
binibigyan ng inerpretasiyon ng kaniyang pag-iisip.
a. Kilos b. Mood c. Emosyon d. Desiyon
5. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa
madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang
kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot
nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
a. Makapag-ingat si Ana
b. Mapoprotektahan na ni Ana ang sarili
c. Hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
d. Makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
6. Pangarap ni Joey na maging katulad ang kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay
magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di
pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy Nakita
niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago
sa kalagayan ng kaniyang emosyon?
a. Ang kaniyang mood c. Ang mga pagsubok na naranasan
b. Ang naparaming nararamdaman d. Ang dikta ng kaniyang isip
7. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
b. Hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
8. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
a. Ang ating mga opinyon c. Ang ating ugnayan sa kapwa
b. Ang ating mga kilos o galaw d. Ang mabilis na pagtibok ng ating puso
9. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. Suntukin na lamang ang pader c. Huwag na lamang siyang kausapin muli
b. Kumain ng mga paboritong pagkain d. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng
iba
10. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang pagsisikap upang makakuha ng mataas na
marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil nagging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si
Hilda dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang
mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
a. Sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
b. Tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
c. Magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
d. Humingi ng paumanhin sa guro sa nagging pagkukulang sa klase
11. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao?
a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
b. Nagpapamalas ang lider ng integridad
c. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
12. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ___________________________.
a. Paggalang sa awtoridad c. Parehong paniniwala at prinsipyo
b. Pakinabang na tinatanggap d. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider
13. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsiyensiya na gagabay sa akanya sa pagtupad ng
kaniyang mga Gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan sa trabaho c. Mga pagpapahalaga
b. Kakayahang mag-organisa d. Pakikipagkapwa
14. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
b. Nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
15. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng _____________________________.
a. Awtoridad na maipatupad ang mga Gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
b. Impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
c. Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
d. Posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

II- ENUMERASYON
1-4. Ibigay ang apat na uri ng damdamin o emosyon.
5-9. Limang pangunahing elemento sa pagpapaunlad ng EQ ng tao.
10-20. Magbigay ng sampung pangunahing emosyon na naramdaman ng tao.
21-23. Tatlong uri ng pamumuno
24-27. Apat na katangian ng Adaptibong lider
28-30. Pangalan ng mga matagumpay na namumuno sa Transpormasyonal
31-33. Pangalan ng mga matagumpay na namumuno sa Inspirasyunal
34-35. Pangalan ng mga matagumpay na namumuno sa Adaptibo

You might also like