Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA

KUMUKUHA NG KURSONG EDUKASYON SA


TEODORO M. LUANSING COLLEGE OF ROSARIO”

KABANATA I
SULIRANIN AT KALAGIRAN NITO
A. Panimula o Introduksyon
Ang paksang tinatalakay sa aming pananaliksik ay tumutukoy sa paggamit ng
teknolohiya sa pag-aaral sa mga kumukuha ng kursong edukasyon. Ang teknolohiya
ay ang pagsulong at pag-usbong ng mga kasangkapang makina, kagamitan at
proseso. Ang teknolohiya ay isa sa pinaka-importanteng mapagkukunan ng
impormasyon ng mga mag-aaral sa panahon ngayon sa pmamagitan ng
“cellphone”, “laptop o computer”, at “projector”. Mabilis mo ng makikita ang
hinahanap mong impormasyon, hindi katulad noon na libro lamang ang gamit. Ang
mga tao ngayon sa panahon ng modernisasyon ay nakikipagsabayan sa paggamit
ng makabagong teknolohiya. Mas nagiging epektibo ang nagiging resulta sa
paggamit nito kaya malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa mga mag-aaral lalo na
kanilang mga pag-aaral.halimbawa na lang sa pagaaral ng mga estudyante katulad
tesis sa pamagitan ng teknolohiya na napapagaan nito ang mga Gawain, katulad ng
computer sa panahon ngayon ay hindi na natin kaylangan pumunta sa computer
shop upang gumawa ng mga tesis dahil uso na ang laptop na magaan at madaling
dalhin kahit saan man magpunta hinder in kailangan magrenta ng computer sa shop
upang gumamit lang ng internet dahil nagkaroon na din ng android phones na
pwedeng gamitin upang makapanaliksik ng datos sa internet. Malaking tulong din
ang teknolohiya sa mga magaaral napapagaan nito ang mga Gawain at mas
nakakatipid pa sa oras ng mga estudyante. Pagdating naman sa ibat ibang aspeto
sa paggamit ng teknolohiya katulad sa agrikultura napakalaki ng natutulong ng mga
makabagong kagamitan halimbawa sa pagsasaka,pagtatanim at marami pang
produksyon sa ating bansa ay mabilis na nagagawa at natatapos hindi katulad ng
mga nagdaang panahon na mano- mano ang paggawa. Pagdating naman sa usapin
tungkol sa mga naranasan ng ating mundo katulad ng mga ibat – ibang kalamidad
ay nariyan ang mga makabagong teknolohiya upang malaman kung may kalamidad
na padating hali bawa ay bagyo. Sa pamamagitan ng teknolohiya bay
napaghahandaan natin ito. Ang isa pang nakakamangha bagay ay nakikita natin ang
ibat – ibang planeta, butuin at ibang na sa labas ng ating mundo. Sa tulong ng
teknolohiya ay nagkakaroon tayo ng mga kaalaman o impormasyon tungkol sa mga
ito ay nakakatulong sa ating pagaaral .masasabi natin ang teknolohiya ang isa sa
mga nakatulong sa ating bansa para mapaunlad at sa buong mundo dahil kung
walang teknolohiya ay wala ang pag asenso ng bawat bansa sa buong mundo.
BATAYANG KONSEPTWAL

Kinalabasan
Pinagbatayan Pamamaraan

Positibo at Suhestiyon ng mga


Negatibong Epekto mag aaral sa
sa mga mag aaral kinauukulan
Antas ng mga mag
aaral ng mga
kumukuha ng
kursong edukasyon
na gumagamit ng
teknolohiya sa pag
aaral

Figure 1. Iskema ng pag aaral

B. LAYUNIN NG PAGAARAL
Ang pangunahing layunin ng paksang ito ay magbigay ng datos/impormasyon
hinggil sa kontribusyon ng paggamit ng teknolohiya at ditto maiipahayag ang
pagkukumpara ng epekto pag may paggamit at walang paggamit ng teknolohiya sa
kumukuha ng kursong edukasyon ng sa ngayon ay mailalahad ang positibo at
negatibo epekto ng paggamit ng mga estudyante ng teknolohiya sa pagaaral.
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga tagasagot batay sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Lugar na tinitirhan

1.4 Teknolohiyang ginagamit?


2. Ano ang positibong at negatibong epekto ng teknolohiya sa iyong paggamit sa
pagaaral?
3. Paano nakakatulong ang paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang
pagaaral?
4. Ano ang madalas mong gamiting teknolohiya sa pagaaral?
5. Ilang oras ang nagagamit mo sa paggamit ng teknolohiya sa pagaaral?

C. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
Ang kahalagahan ng pagaaral na ito na may paksang tumutukoy sa epekto sa
paggamit ng teknolohiya sa kumukuha ng kursong edukasyon sa Teodoro m.
leasing college of rosario ay para makatulong at malaman kung epektibo ba ang
paggamit ng teknolohiya sa pagaaral at para magkaroon din ng hinuha ang mga
guro. Mga magulang at at lalo ang mga magaaral kung nagagamit nila ang
teknolohiya sa pagaaral ng tama at hindi nakakasama.

D. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang sakop ng aming pagaaral ay ang mga magaaral ng TEODORO M. LUASING
COLLEGE OF ROSARIO. Ito ang aming napiling sakop ng pagaaral na gagawin.
Haggang ngayon man may mga bagay na hindi maiiwasang maitanong sa inyong
isipan. Ano ba ang positibong epekto ng teknolohiya sa pagaaral? Paano
nakakatulong ang paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang pagaaral? At iba
pang mga katanungan na masasagot sa pagtatapos ng pananaliksik na ito. Hindi
natin masasabi sa ngayon kung isa bang problema ang naiidulot nito. Ang tanging
sigurado lang ay may magiging epekto sa mga magaaral.
Ang pagaaral na iito ay hindi sumasakop sa iba pang antas ng TEODORO M.
LUANSING COLLEGE F ROSARIO .tanging mga magaaral lamang na kumukuha
ng kursong esurian ng kaisipandukasyon ang sakop ng pagaaral na ito.
E. DEPENISYON NG MGA TERMONALIHIYA
Ang mga sumusunod na salita ay ang mga termonahiyan ginamit ay makikita sa
kabuuan ng papel. Nilagay ito upang mas lalong maintindihan ang bawat Mabasa na
mga kahulungan o definisyon na ginamit sa pagsulat ng pananaliksik.
1.TELEPONO(CELPHONE))
Isang elektronikong kagamitang pangkuminikasyon na nagpapadala ng bose,
tunog o ingay sa dalawang pinagmulan . ito ay ginagamit upang makatawag sa
ibang tao.
2. KOMPYUTER(COMPUTER)
Isang gamit na nilagyan ng surian ng kaisipan na maihahalintulad sa bahagi ng
kaisipan ng tao. Isa itong elektronikang gamit na patuloy na pinauunlad upang
matugunan ang yumayabong na sistemang nasa bahagi ng celpon, kalkulatse,
laptop, atm at iba pang kagamitan na na
3. APARATO NG CINO(PROJECTOR)
Makina na gumagamit ng ilaw upang lumikha ng isang imahe sa isang ibabaw
karaniwan ay isang patag na ibabaw tulad ng isang screen ng pelikula o isang
paper.
4. LAPTOP
Isang uri ng kompyuter o kagamitan na maaring dalahin kahit saan dahil ito ay
maliit lamang.
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG – AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa


pananalisik na ito, kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang
ibang mga kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at iba pang sanggunian na
magagamit na batayan sa pagsusuri

Kauganay na Literatura

Tungkulin ng mgn kabataan ang mag-aral. kapag ang mga mag aaral ay napapagod na sa kanilang
pag-aaral. dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para may lakas sila upang
ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa
tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posebling oras at pagkakataon.

Ang paksang tinatalakay sa aming pananaliksik ay tumutukoy sa paggamit ng


teknolohiya sa pag-aaral sa mga kumukuha ng kursong edukasyon. Ang teknolohiya
ay ang pagsulong at pag-usbong ng mga kasangkapang makina, kagamitan at
proseso. Ang teknolohiya ay isa sa pinaka-importanteng mapagkukunan ng
impormasyon ng mga mag-aaral sa panahon ngayon sa pmamagitan ng
“cellphone”, “laptop o computer”, at “projector”. Mabilis mo ng makikita ang
hinahanap mong impormasyon, hindi katulad noon na libro lamang ang gamit. Ang
mga tao ngayon sa panahon ng modernisasyon ay nakikipagsabayan sa paggamit
ng makabagong teknolohiya.
Mas nagiging epektibo ang nagiging resulta sa paggamit nito kaya malaki ang
naitutulong ng teknolohiya sa mga mag-aaral lalo na kanilang mga pag-
aaral.halimbawa na lang sa pagaaral ng mga estudyante katulad tesis sa pamagitan
ng teknolohiya na napapagaan nito ang mga Gawain, katulad ng computer sa
panahon ngayon ay hindi na natin kaylangan pumunta sa computer shop upang
gumawa ng mga tesis dahil uso na ang laptop na magaan at madaling dalhin kahit
saan man magpunta hinder in kailangan magrenta ng computer sa shop upang
gumamit lang ng internet dahil nagkaroon na din ng android phones na pwedeng
gamitin upang makapanaliksik ng datos sa internet.

Malaking tulong din ang teknolohiya sa mga magaaral napapagaan nito ang mga
Gawain at mas nakakatipid pa sa oras ng mga estudyante. Pagdating naman sa ibat
ibang aspeto sa paggamit ng teknolohiya katulad sa agrikultura napakalaki ng
natutulong ng mga makabagong kagamitan halimbawa sa pagsasaka,pagtatanim at
marami pang produksyon sa ating bansa ay mabilis na nagagawa at natatapos hindi
katulad ng mga nagdaang panahon na mano- mano ang paggawa. Pagdating
naman sa usapin tungkol sa

agaaral

Ayon kay Bertllb (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ag naiambag ng teknolohiya. Sa


katunayan. itoy isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali. at
mabisa kung kaya naman napakaraming magmaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa
kanilang pag-aaral.

Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa
telebisyon , cellphone at syempre ang personal kompyuter at! ang dala nitong internet
Masabi natin na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa ating buhay. Iahat ng sector sa ating
komunidad ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya sa pang araw araw na
pamumuhay. Tunay nga‘t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng buhay ng mga mag-aaral. Ang
mga imposible dati ay kaya ng gawin ngayon. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang mga mag-aaral
upang magamit ng maayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay sumasama kapag
nasubrahan at isa sa mga bagay na ito teknolohiya.

Sa umiiral na DepEd Order number 434 order number 373 at order number 82 mahigpit na
ipinagbabawal ang paggamit ng teknolohiya sa mga estudyante habang nasaloob ng klase.
Pinakiusapan din ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit ng cellphone hinikayat rin
ang mga guro na gabayan ang mga estudyante sa tamang paraan sa paggamit ng naturang
teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag ang mga ito sa malinggawain tulad ng
masasamang gawain bagkus ay gamitin lang ito sa mas makakabuti.

Ayon kay Henry Thoreau (d.1862) sinasabi niya na ang patuloy na paglawak ng teknolohiya ay
walang katapusan.

Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad.
Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan
upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng
isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa

Ambag ng teknolohiya sa mga tao


Ayon kay Jessa H. Villa (2008) Mas napapadali na ang buhay naten sa panahon ngayon kesa
sa panahon dati na mag lalaan ka ng maraming oras para sa isang gawain.

Ang mga pamilyang dating walang ugnayan sa kanilang mahal sa buhay ay tumatanaw na
ngayon ng pagasa dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang bagay na hatid ng teknolohiya tulad na
lamang ng telepono, laptop, computer at iba pang naging instrumento sa pagkakatupad ng
munting samo ng mga pamilyang nawalay sa isat isa.

Dati ratiy nagtitiis tayo sa munting radyo makasagap lamang ng inaabangang balita at mga
drama na siyang libangan, ngayon ay nariyan ang telebisyon upang mas higit nating
manamnam ang balita at ilang mga palabas. Ang mga estudyante noon ay hirap upang
matapos ang mga proyektong kailangan pangisangguni sa libro, ngayon aba! Sosyal na at
karamihan ng proyekto ay computerize na at hango pasainternet Di na rin kaiba ang
mgagadgetskagaya ng laptopdi lang sa mga guro kundi sa ilang mga magaaral na rin.

Gamit ang teknolohiya mas naipapahayag natin ang ating mga sarili sa iba kagaya nalamang
kung tayo ay nagsusulat o nagba- blog sa internet. Nakakalikom din tayo ng mga
panibagong mga kaibigan mula sa ibat-ibang panig ng daigdig at nakikipagugnayan sa
tulongnng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter.

Bagamat kadalasay may mga negatibong pananaw ukol sa teknolohiya di pa rin paawat sa
paggamit nito ang maraming mga kabataan mag aaral kahit may mga nagsasabing masama
ang dulot nito sa mga kabataan lalo na angcomputer dahil sa nakakaadik at kung minsan ay
kakapulutan ng hindi magandang aral at hindi maipagkakailang mayroon itong ambag sa
paghubogng atingpagkakakilanlan.
Anu't ano pa man ang hatid sa atin ng makabagong teknolohiya at ang pangunahing
halaganito ay ang pagpapahusay ng ating mga sarili at paggamit nito para din sa ikauunlad
ng iba. Kung walang teknolohiya, anong agos ng buhay mayroon kaya tayo ngayon?

Ayon naman sa aming pagsisiyasat sa aming pananaliksik sa mga estudyente ng mga


kumukuha ng kursong edukasyon sa Teodoro M. Luansing College of Rosario ay
nagsasabing mas naging epektibo ang paggamit nila ng teknolohiya sa pag aaral mas
napapagaan at napapadali ang kanilang mga gawain sa tulong ng paggamit ng teknolohiya.
Meron din naman nagsasabing nasa estudyante ang disiplina sa paggamit ng teknolohiya
kung hahayaan nila itong makaapekto sa pag aaral nila at hindi gagamitin sa magadang
pamamaraan.

Kabanata III
METODOLOHIYA
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang desenyo ng pag-aaral, instrumentong gagamitin
at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin ang bilang ng
tagatugon sa pag-aaral. Nakapaloob dito ang mga gagamiting paksang sinisiyasat at
gayundin ang uri ng estadistika na angkop sa paksa.
Desenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinisagawa ayon sa disenyo ng pamaraang quantitative na
pananaliksik. Sa pag-aaral na ito, gumawa kami ng mga tanong para sa mga tagatugon sa
aming pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa TEODORO M. LUANCING COLLEGE
OF ROSARIO sa taong 2019-2020.
Respontente at Populasyon
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag aaral na
kumukuha ng kursong edukasyon na gumagamit ng teknolohiya sa pag aaral.

Teknikal sa Pagpili ng mga Respondente


Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respodente ay through social media. Ito ay
sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 50 na mag-aaral. Ito ang
piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang mga piling tagatugon ay may kakayanan
para masagot ang mga katanungan.
Instrumento ng Pananaliksik
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente na mga mag aaral na gumagamit ng
teknolohiya sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga sagot na kinakaylangan
sa pamanahong-papel na ito.
Ang pag-aaral na ito ay isinisagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay
naghanda ng mga talatanungan na naglalayong makapangalagap ng mga datos upang
masuri ang mga mag aaral sa kanilang mga pananaw at kaalaman sa paggamit ng
teknolohiya.

Nagsagawa rin ng pangangalagap ang mga mananaliksik upang makakuha pa ng ng mga


impormasyon sa mga aklat, tisis, pamanahong-papel. Nangalap din ang mga mananaliksik
ng ilang impormasyon sa internet.
Hakbang sa Paglikom ng mga Datos
Ang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos ay sinimulan sa paggawa ng
talatanungan at susundan ng pagsasaayos upang matiyak ang kaangkupan ng mga sagot sa
mga promblemang nais lutasin ng mga mananaliksik.
Matapos ang masusing pagbabalido ng mga tanong para sa "sarbey" sa gurong
tagapagsubaybay sa Filipino, ito ay naaprubahan. Ang mga mananaliksik ay humingi ng
pahintulot/pagsang-ayon sa mga nakatataas sa paaralan o "Dean" sa pamamagitan ng
liham. Nang maaprubahan ito, ang mga katanungan ay ipinamahagi at itinally.

Rosario, Batangas
Ginoo/Ginang:
Isang malugod na pagbati sa inyo.
Ang mananaliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa "TOPIC".
Bilang tugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino : Sa iba't ibang Disiplina.
Kaugnay nito, hihingi ang mga mananaliksik ng inyong pahintulot na makuha ang datos
na kinakailangan sa pananaliksik mula sa mga mag-aaral ng Teodoro M. Luancing College of
Rosario sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng aming talatanungang inihanda.
Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa kahilingan naming ito.
Maraming salamat po.
Pinagtibay ni:
Bb. ROSE ANN PADUA
INSTRUCTOR
Ipaprubahan ni:
Sir. PATRICK JON MACARAIG
Program Head, Computer Science

Estatistikang Pamamaraan
Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng porsyento upang makuha ang
resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nakalap na mga sagot ng mga respontente sa bawat
katanungan. Ang "respondents" ng aming pag aaral ay tatlumpung mag-aaral ng Teodoro
M. Luancing College of Rosario sa may kursong Edukasyon sa taong 2019-2020.
Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga
mag aaral na kumukuha ng kursong edukasyon sa Teodoro M. Luansing College of Rosario
sa kanilang mga pananaw sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral.
Talahanayan 1
Pananaw ng mga Respondante sa Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pag
aaral

Opsyon Bilang ng Bahagdan Ranggo


tumugon
1. Nakakatulong ito upang
mapadali ang mga gawain sa
pag aaral 14 28% 2

2. Nakakatulong ito upang


mamumulat ang mga estudyante
sa paggamit ng teknolohiya sa pag
aaral dahil mas napapalawak nito 18 36% 1
ang kanilang kaalaman.
3. Itoy nakakabuti upang mas
mabilis ang interaksyon ng mga
8 16% 3
guro at mga mag aaral sa
paggamit ng teknolohiya.
4. Itoy nakakasama sa mga pag
aaral sapagkat nakakaapekto ang
paggamit ng teknolohiya sa
pamamagitan ng kawalan ng 4 8% 5
pokus pag aaral.
5. Itoy hindi mabuti sa pag aaral
dahil magiging tamad ang mga
6 12% 4
estudyante na mag aral at aasa
nalang sa teknolohiya.
Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1 na (18) ang nagsasabing ang paggamit ng teknolohiya


ay epektibo sa pag aaral dahil ito ay nakakatulong upang mamumalat ang mga
estudyante sa paggamit nito sapagkat napapalawak pa teknolohiya ang ating mga
kaalaman at ito ay may 36%. Labing - apat (14) naman kanila ang nagsasabing
nakakatulong ito upang mapadali ang mga gawain sa pag aaral at ito ay may 28%.
Walo (8) naman sa kanila na may 16% ang nagsasabing sa pamamagitan ng
teknolohiya ay napapabilis ang interaksyon ng mga guro at mga mg aaral sa tulong
ng paggamit ng teknolohiya. Anim (6) naman sa kanila ang nagsasabing hindi
nakakabuti sa pg aaral ang paggamit ng teknolohiya dahil nagiging tamad ang mga
estudyante sa pag aaral sapagkat sa teknolohiya nalang lagi aasa sa pagkuha ng
impormasyon at ito ay may katumbas na 16%. Apat (4) naman sa limampung
respondente ang nagsasabing ito ay nakakasama sa pag aaral dahil nawawala ang
pokus ng mga estudyante sa pag aaral at ito ay may 8%.
Ayon sa nakalap na resulta, nasuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondente ay may pananaw na epektibo ang pagamit ng teknolohiya sa pag aaral
dahil mas napapabilis nito ang ating mga gawain at nagkakaroon tayo ng
karagdagang kaalam o impormasyon na nagagamit natin sa ating pag aaral.
Base sa resulta ng pag aaral, nangunguna sa ranggo ang pangalawang opsyon na
epektibo ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral. Pumapangalawa naman ang
opsyon na mas napapabilis nito ang mga gawain sa pag aaral. Haabang pangatlo
naman ang opsyon na mas nagiging mabilis ang interaksyon ng mga guro at mga
mag aaral sa tulong ng teknolohiya. Ika - apat naman sa ranggo na ito ay ang
opsyon na hindi nakakabuti ang paggamit ng teknolohiya sapagkat mas nagiging
tamad ang mga estudyante na mag aral. Ang huli naman at ikalima sa ranggo ay
ang opsyon na hindi nakakabuti ang paggamit ng teknolohiya dahil nawawala ang
pokus ng mag aaral.

Talahanayan 2.1
Positibong Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pag aaral
Opsyon Bilang ng Bahagdan Ranggo
tumugon
1. Mapabilis at
mapagaan ang mga
8 16% 3
gawain
2. Magkaroon ng
karagdagang
kaalaman 10 20% 2
3. Pag unlad ng
antas sa pag aaral ng
25 50% 1
mga estudyante

4. Pagiging handa sa
lahat ng mga gawain
5 10% 4
5. Walang
positibong epekto
2 4% 5
Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahanayan 2.1 na dalawampu't lima (25) sa limampung (50)


respondente ang tumugon na ang pangunahing positibong epekto ng paggamit ng
teknolohiya sa pag aaral ay makakatulong upang umunlad ang antas ng pag aaral
ng mga estudyante na kung saan may katumbas itong bahagdan na 50%. Sampu
(10) naman sa kanila ang nagsabing ang positibong epekto ng paggamit ng
teknolohiya ay magkakaroon ng karagdagang kaalaman at ito ay may 20%. Walo (8)
naman sa respondente na tumugon na mapapabilis at mapapagaan ang mga
gawain at may katumbas itong 16%. Lima (5) naman sa kanila na may 10% ang
nagsabing pagiging handa sa lahat ng mga gawain at dalawa (2) naman ang
nagsabing wala itong posibong epekto at ito ay may 4%.

Batay sa natuklas na mga resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang


pangunahing positibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral sa mga
kumukuha ng kursong edukasyon ay nagsasabing makakatulong ito upang mas
lalong umunlad ang antas ng pag aaral ng mga estudyante.
Ang positibong epektong nangunguna sa ranggo ay ang opsyon 3 na kung saan ito
ay nagsasaad na mapapaunlad ang antas ng mga estudyante sa pag aaral gamit
ang teknolohiya. Pumapangalawa naman ang opsyon 2 na nagsasabing
magkakaroon ng karagdagang kaalaman. Pangatlo naman ang mapapabilis ang
mga gawain na nasa opsyon 1. Pang-apat naman ang pagiging handa sa lahat ng
gawain na nasa opsyon 4 at pang lima naman ang walang positibong epekto.

Talahanayan 2.2
Negatibong Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pag aaral

Opsyon Bilang ng Bahagdan Ranggo


tumugon
1. Kawalan ng 15 30% 1
pokus sa pag aaral
2. Pagiging tamad 12 24% 2
3. Pagiging adik sa 9 18% 4
teknolohiya
4. Iresponsable 10 20% 3
5. Walang 4 8% 5
negatibong epekto
Kabuuan 50 100%

Ayos sa talahanayan 2.2 sinang-ayunan ng labing lima (15) na respondente na may


30% na ang negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ay
nawawala ang pokus ng estudyante sa pag aaral. Labing dalawa (12) naman sa
kanila ang nagsasabing pagiging tamad sa pag aaral na kung saan may katumbas
itong bahagdan na 24%. Sampu (10) sa kanila na may 20% ang tumugon na ang
nagiging negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ay pagiging
iresponsable. Siyam (9) naman sa kanila ang tumugon na pagiging adik sa
teknolohiya dahil wala ng limitasyon ang paggamit at ito ay may katumbas na 18%.
Bukod dito apat (4) naman na may 8 % ang nagsasabing walang negatibong epekto
ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral.

Base sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang pangunahing


negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral sa mga kumukuha ng
kursong edukasyon ay pagiging kawalan ng pokus sa pag aaral.
Malinaw na nangunguna sa ranggo ang opsyon 1 na nagsasabing kawalan ng
pokus sa pag aaral. Pumapangalawa naman ang opsyon 2 na kuns saan ito daw ay
nagiging sanhi ng pagiging tamad mag aral ng estudyante. Ikatlo naman ang
pagiging iresponsable. Pang- apat naman ang opsyon 3 na sinasabing pagiging adik
sa teknolohiya wala ng limitasyon ang paggamit. Panghuli naman sa ranggo ang
walang negatibong epekto ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral.

Talahanayan 3
Suhestiyon ng mga Mag aaral sa kinauukulan

Opsyon Bilang ng Bahagdan Ranggo


tumugon
1. Pahintulutan na
gumamit ng
teknolohiya sa pag 26 52% 1
aaral

2. Ituro ang
tamang paggamit
ng teknolohiya 9 18% 2

3. Ipagbawal ang
pagdadala ng
teknolohiya 2 4% 5

4. Alamin ang
limitasyon sa
paggamit ng 5 10% 4
teknolohiya
5. Sumunod sa
patakaran ng
paaralan 8 16% 3

Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahanayan 3 ang mga suhestiyon ng mga mag aaral sa kinauukulan ukol sa
paggamit ng teknolohiya sa pag aaral sa kumukuha ng kursong edukasyon. Dalawampu't
anim (26) sa limampung respondente na may bahagdan na 52% ang nagsabing dapat ay
pahintulutan ang mga estudyante na magdala ng teknolohiya upang magamit sa pag aaral.
Siyam (9) naman sa kanila ang nagsabing dapat ituro sa kanila ang tamang paggamit ng
teknolohiya sa pag aaral at ito ay may 18%. Walo (8) naman sa kanila na may 16% ang
nagsabing sumunod nalang sa patakaran ng paarala kung ipinagbabawal magdala ng kahit
anong klaseng teknolohiya. Lima (5) sa kanila na may katumbas na 10 % ang tumugon na
kaylangan alamin ng mga mag aaral ang limitasyon sa paggamit. Dalawa (2) naman ang
nagsabing ipagbawal nalang ang pagdadala ng teknolohiya sa mga estudyante, at ito ay
may katumbas na 4%.
Dahil sa mga nakalap na impormasyon, napag-alamanan ng mga mananaliksik na halos
lahat ng mga respondente ay may kagustuhan na dapat pahintulutan ang mga estudyante
na magdala o gumamit ng teknolohiya sa pag aaral sa halip na ipagbawal dahil malaki ang
naitutulong nito sa mga mag aaral.

Makikita sa talahanayan na nangunguna sa ranggo ang opsyon 1. Sinang-ayunan ng


maraming estudyante tagatugon na dapat pahintululutan na gumamit ng teknolohiya sa pag
aaral sa halip na ipagbawal. Pangalawa naman ang opsyon 2 na nagsasabing ituro ang
tamang paggamit ng teknolohiya. Pangatlo sa ranggo ang opsyon 5 na sumunod nalang sa
patakaran kapag ipinagbabawal magdala ng teknolohiya. Pang apat naman ang opsyon 4 na
nagsabing alamin ang limitasyon sa paggamit ng teknolohiya sa pag aaral. Pang huli naman
ang opsyon 3 na kung saan ito ay nagsasaad na ipagbawal ang pagdadala ng teknolohiya sa
mga estudyante.

Kabanata V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag aaral, konklusyon, at


rekomendasyon para ang kasagutan o solusyon ay maitala at maibigay ng
mananaliksik sa ginagawang pag aaral sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa
mga kumukuha ng kursong edukasyon sa Teodoro M. Luansing College of Rosario.

Lagom ng mga Natuklasan


Ang paglalathala ng pag aaral tungkol sa epekto ng paggamit ng teknolohiya ay naganap.
Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na ginawa ng mga mananaliksik,
at ang resulta ay ang mga sumusunod.
1. Batay sa resulta ng pag aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
sumagot mula sa respondente ay naniniwala na ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral
ay nakakatulong upang mas lalo pa tayong mabigyan ng impormasyon o karagdagang
kaalaman na magagamit natin, lalo na ang mga kumukuha ng kursong edukasyon.

2.1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang positibong epekto na naidudulot ng paggamit


ng teknolohiya sa pag aaral ay makapagpapataas pa lalo ito ng antas ng pag aaral ng isang
estudyante.

2.2. Bukod dito, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas malinaw na ang pangunahung
negatibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ay kawalan ng pokus sa pag
aaral ng isang estudyante dahil sa distraksyon.

3. Ayon sa mga nakalap na mga datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa


mga respondente ay nagsabing dapat pahintulutan ang mga mag aaral o estudyante na
gumamit ng teknolohiya sa pag aaral sa halip na ipagbawal.

Konklusyon
Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon.

1. Ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral sa mga kumukuha ng kursong edukasyon ay


nakakatulong upas mas lalo pang madagdagan ang kanilang mga kaalaman o impormasyon
pagdating sa pag aaral.

2.1. Ang positibong epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ay nakakatulong ito
upang mas lalo pang tumaas o umunlad ang antas ng isang mag aaral o estudyante
pagdating sa pag aaral.
2.2. kahit may negatibong epekto ito, nakadudulot pa rin ito ng positibong epekto sa mga
mag aaral. Ang pangunahing negatibong epekto nito ay kawalan ng pokus sa pag aaral dahil
sa distraksyon ng paggamit ng teknolohiya.

3. Suhestiyon ng mga mag aaral na dapat pahintulutan ang mga estudyante na gumamit ng
teknolohiya sa pag aaral sa halip na ito ay ipagabawal.

Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong pagpapakumbabang
inerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.

1. Sa halip na ipagbawal ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral dapat bigyan nila ng
pansin ang mga mag aaral na pahintulutan ang mga ito na gumamit dahil hindi lang naman
negatibong epekto ang nakukuha rito, sa halip mas malaki ang positibong naidudulot nito sa
pag aaral isa na ang pagtaas ng antas ng mag aaral pagdating sa kaisipan. Nadadagdagang
ang mga impormasyon o kaalaman na magagamit nila sa kanilang pag aaral para ang mga
estudyante ay magkaroon ng kamalayan sa ganitong bagay.
2.1. kailangan alamin muna ang hinaing ng mga guro at magulang bago pahintulutan na
gumamit ng teknolohiya ang mga estudyante sa pag aaral upang matiyak at masigurong
maganda ang naidudulot nito sa pag aaral at hindi makakasama.

2.2. Kung ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ay nakapagbibigay ng negatibong


epekto ay dapat pagtuunan nila ng pansin ang magandang naidudot nito sa isang
estudyante dahil na sa isang mag aaral parin ang kakalabasan ng isang desisyong gagawin
kung ito ay makakabuti o makakasama.

3. Kailangan suportahan o pahintulutan ng pamahalaan ang mga estudyante na gumamit ng


teknolohiya sa pag aaral dahil malaki parin ang nagiging positibong epekto nito sa mag aaral
lalo na kung makakatulong ito sa pang edukasyon.

MEMBERS:
Alexis Masacayan Cueto
Marco
Anna Guerra Sangalang
Marc Sherwin Balmes
Jhosh Guiterrez

You might also like