Class Prophecy 2020

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

 CLASS PROPHECY

Lulubog.. Lilitaw.. Sisisid.. Lulutang..


Ako si Denver Capistrano. 'Yan ang trabaho ko bilang isang Marine Engineer. Mapagod,
ngunit masaya. Malayo man sa pamilya, ngunit kailangang isakripisyo ang oras ko sa kanila para
sa aking trabaho. Umaapaw man ang lungkot sa aking puso't isip, wala akong magagawa. Alang-
alang sa aking pamilya, magpapakatatag ako. Minsan sa aking pagninilay-nilay hindi mawagli sa
isip ko ang mga alaala naming binuo ng aking kabiyak na si Jewel Morales-Capistrano.
Napakasaya at hindi ko maikaila ang kilig nang ako ay kanyang sagutin. Napakasaya ko ng araw
na iyon.

   Abot langit ang aking pag-iisip, kung paano kaya niya napagsasabay ang pag-aalaga sa tatlo
naming anak at ang kanyang trabaho bilang isang police? Hayyy.. Napakahirap. Kaya naman
ipinagpapasa Diyos ko nalang lahat, lalong higit ang kaligtasan ng aking pamilya.

  Isang araw sa aming paglalayag, minabuti kong magpahinga sa isang sulok. Ang sarap
pagmasdan ng karagatan. Kaya, ninais kong maupo. Sa ilang sandali, sumagi sa aking mga mata
ang isang mumunting babasahin. Wari ko'y hindi pangkaraniwan ang aklat na iyon. Aking
kinuha at binasa. Sa ilang sandali,.. "napakagandang kwento", ang sambit ko sa aking isip. "Sino
kaya ang author ng aklat na ito?". Agad kong hinanap, at laking gulat ko ng mabasa ko ang
pangalan ng dati kong kaklase, "Patrick M. Donina". Ako'y napatulala, hindi ko lubos maisip
na ang isang dating mahilig kumain at tila nagsasabing siya ang may ari ng daan kapag siya ay
naglalakad at higit pa 'ron tila pagnguya ng sari-saring pagkain ang kanyang exercise. Kung
sabagay hindi maipagkaila na siya'y magiging isang "Writer", sa hilig ba naman niyang magbasa
at mangulekta ng iba't ibang libro e, ewan ko nalang.

   Binitawan ko ang binasa kong aklat at napukaw naman ang aking mata sa isang magazine.
"Ang ganda ng mga larawan. Hanep sa effects." ang sambit ko. Ipinagpatuloy ko ang
pagbubuklat, may mga larawan ng iba't ibang pagkain, tila umugong ang aking sikmura sa sarap,
tingin palang mabubusog ka na. Isang note ang binasa ko at... "Oh? Hindi nga? Sina Mariel C.
Romero at Nicole M. Motilla, isa na pala silang nagmamay ari ng isang sikat at kilalang
Restaurant." Napakainam naman Chef na pala sila. Inusig ko pa ang pagsiim sa bawat pahina,
"Veterenary Note", "ano iyon?", tanong ko sa sarili. "Ah siguro tungkol sa mga doktor ng mga
hayop". Teka! Sandali lang.. parang kilala ko 'to ah, ang aking sambit. Hindi ako maaaring
magkamali, "Angela Dilanco"? Isa nang Veterienarian??, tanong ko sa aking isip na tila ba
ako'y naulirat. "Akala ko mag-aartista siya". Magaling kasi siya sa actingan at sayawan. Kung
alam ko lang, sana hiniling ko nalang na maging hayop ako para sa kanya ako magpapagamot!!!,
ang biro ko sa aking sarili. Ininagli ko ang magazine at sa paglapag ko nito, pangalan na naman
ng dati kong kaklase ang aking nabasa, photos Credited by "John Rey Samaupan". Iba talaga
ang katas ng Beguito Nuevo Elementary School, akalain mo ba naman, si John Rey na bihirang
magsalita at hindi mo alam kung galit na ba o masaya pa, photographer na pala ngayon.
Nakatutuwa, ang sarap sa pakiramdam ang aking mga kaklase successful na pala. Kamusta na
kaya 'yong iba? ang tanong ko sa kawalan.

   Naalala ko, dadaong na pala bukas ang barko kung saan ako nakasakay. Excited na ako sa pag-
uwi ko.

   Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi alintanang sumadsad ang barko, ako'y napatumba at
tumama ang aking ulo sa sofa. Nagtamo ako ng maliit na sugat at nawalan ng malay. Sa ilang
sandali, nauulinigan kong nag-uusap ang aking mga kasamahan. "Dok Vanessa, kamusta na po
siya? ang tanong ng isa. "Well, he's fine and nothing to worry about." ani ni Dok. "Ah, sya nga
po pala wag nyo ng tawagan ang pamilya nya para hindi na mag-alala", ang suhestiyon ni Dok,
"Oho Dok!", ang sagot ng isa pang kasamahan. "Anyway, ano nga palang pangalan ng patient?",
ang tanong ni Dok. "Ah, Mr. Denver D. Capistrano, dok.", ang sagot sa kanya. At bigla itong
nagulat. Napasigaw si Dok.. "Denver? HA? Si Denver na ba ito?", ang pagkagulat at usisa ni
Dok Vanessa. Sakto namang bumalik ang aking ulirat.

    Bigla akong nagulat, dahil pasigaw at tila ba gusto pang tumalon sa tawa. "Denver, ikaw pala
yan, tingnan mo nga naman oh, dito pa tayo nagkita, at kung alam ko lang na ikaw ang pasyente
ko, sana hindi kita ginamot!", ang biro nito.

   Habang ako naman nakatulala, "Sino ba 'tong babaeng ito, ang ganda at ang sexy, kilala ko ba
sya? Tinawag nya kong Denver".. at teka sandali.. si Vanessa M. Martin ba ito? Ako ay
nakatulala sa kanya habang sinisiguro ko kung sino nga ba talaga sya. At bilang nyang tugon..
"Oo, Denver ano ka ba? Ako to.", sagot nya. "Isa na akong doktor".

   Tingnan mo nga naman ang dating masugid mag-aral at lalong higit ang kumain, ay isa na
palang doktor ngayon, at ang sexy nya ngayon ah, pang Miss Universe, hanep binago sya ng
sistema. Hindi ko talaga akalain, sa lakas ba naman niyang kumain noong kami ay nag-aaral pa.
Napakasaya ko tila nabawasan ang aking lungkot dahil nakasama at nakakwentuhan ko ang
aking kaibigan. Sa tagal ng panahon, ngayon nalang ulit kami nagkita.

   Napasarap ang aming kwentuhan at laking gulat niya ng sabihin kong andun din sina Manuel
M. Poon at Patrick G. Tuscano. Oo, isa na rin silang ganap na Seaman. Napatulala si Dok
Vanessa sa aking winika, "Ang liit talaga ng mundo ano?", ani niya. "Oo naman, akalain mo ba
naman dito pa tayo nagtagpo.

  "Ano ka ba, we're just good friends lang talaga. Siya nga pala nagpropose na sa akin ang
masugid kong manliligaw noon na si Vincent M. Eco, isa na syang Civil Engineer ngayon.", ang
kwento nya. "Ah! Talaga ba? May POREBER talaga kayo ano?", ang sagot ko, habang kibit-
balikat lamang si Dok Vanessa.
   "Teka, sandali, paano ka nga pala napunta rito?", ang tanong ko. "Dito kasi ako naassign.", ang
sagot niya, at hindi na ako nagtanong pa. Sa ilang sandali, bumalik na siya sa kanyang area at
ako naman ay nagpahinga na. Hindi namin namalayan ang oras.

   Kinabukasan... Excitement... 'yan ang nadarama ko. Sa wakas, matapos ang ilan taon sa barko,
makikita ko ng muli ang aking asawa at mga anak. At dahil excited akong umuwi, hindi na ako
nakapagpaalam sa aking kaibigan.

   Kasabay kong umuwi sina Manuel Poon at Patrick Tuscano. Naisipan naming mag-eroplano
nalang kesa sumakay sa service van ng aming kompanya. Habang kami ay nasa eroplano na,
may napansin si Patrick na isang flight attendant. "Wow pare, tingnan mo ang ganda ni Mis,
nakatingin sa akin, mukhang na love at first sight yata sya sakin", ang wika ni Patrick. Hindi pre,
mukhang ako ang tinitingnan ang sambit naman ni Manuel. "Tumigil nga kayo, baka mamaya
pababain tayo habang nasa ere, kayo ang gagawin kong parachutte", ang sabat ko. Itong si
Denver talaga oh! Hanggang ngayon, killjoy ka pa rin!", angal ni Patrick.

   Sa ilang saglit, lumapit ang babaeng kanina pa niya pinagmamasdan. Habang papalapit,
"sandali.. parang classmate natin sya noong high school ah.." wika ko. Agad namang tumayo si
Patrick, oo nga parang si.. si.. basta si..", naguguluhang sagot ni Patrick. "Si Bia Alfonso yan",
ang sagot ni Manuel na halos mapasigaw. "Oo nga si Bia", sabat naman ni Patrick. At kaming
tatlo ay biglang napatayo, at hindi alintana ang aming seatbelt, "Yes, sir, is there any problem
sir?". "Oh, nothing", sagot namin nang sabay-sabay. "Bia B. Alfonso, right?", ang tanong ko sa
kanya. "Yes, sir, how did you know my fullname?", ang tugon ni Bia. "Tingnan mo nga naman
oh! Kahit sa himpapawid, akalain mo 'yon dito pa tayo sa eroplano pagtatagpuin.." wika ni
Patrick ng ubod ng sigla. "Hindi mo ba kami nakikilala?", ang tanong namin sa kanya. At siya'y
napatili at sabay wika sa aming mga pangalan.. "Patrick, Manuel at Denver, kaya pala parang
pamilyar ang mga mukha nyo", ang sambit ni Bia. "Aba oo naman, mapabarko o eroplano,
namamayagpag ang kagwapuhan namin.", ang payabang na biro ni Manuel. "Ikaw talaga, hindi
ka pa rin nagbabago, payat at mahangin ka pa rin..", ang pabirong sagot ni Bia.

    Tumagal ang aming pagkwekwentuhan hanggang makalapag kami. Habang kami ay


naghihintay ng service, napagtanto kong, ang bilis talaga ng panahon, si Bia na ubod ng hinhin
noon, isa ng flight attendant at ayon pa sa kanya, si King Jeth Canaria pala ang piloto ng
eroplanong aming sinasakyan, ang isang laging tila nananaginip ng gising nasa alapaap na pala,
isa nang ganap na Piloto.

    "Yun nga lang dahil sa hectic sched nung dalawa, hindi na namin sila nagawang tagpuin."

  Dumating na ang aming service, sa aming paglalakbay, naisipan naming pumunta sa banko para
magpapalit ng cheke. At sa aming pagtungo, nadatnan namin ang grupo ng mga empleyado na
tila ba nagrereunion, iyon pala malayo palang nakilala na kaming dalawa. Inisip kong tila
hearthob at malakas lang talaga ang aming charisma. Medyo mahangin ako sa part na 'yon. Wala
pala ang boss nila kaya tila mga dagang naglalaro. Laking gulat namin nang bilang silang
nagpakilala kahit hindi naman namin tinatanong ang kanilang mga pangalan... at sa ilang saglit
nawalan kami ng ulirat na tipong pag aari namin ang lugar na iyon akalain ba namang
sina, Jaymie Mae Dichoso, Denize L. Tabor at Genevie Laine Cana na tila ba na starstruck
kay Patrick, ay mga Certified Public/Private Accountant na.

  Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam sa mga oras na iyon. Tila kami ay balik eskwela
napuno ng ingay ang banko na aming pinuntahan. "Napakasaya.." iyon lamang ang sambit ko sa
aking isipan.

    Gaya pa rin ng dati, oras ang magtatagpo sa aming mga landas at oras din ang magbubukod sa
amin. Nakauwi na kami da kani-kanila naming tahanan, kasama ko na ang aking asawa at mga
anak. Ang lalaki na nila, parang kailan lang ng iwan ko sila at syempre ang aking asawang si
Jewel, lalong gumanda tila ba hindi nagbuntis.

   Nag-aaral na pala ang aming anak. Ang dami nilang kwento sa akin, sabi nila, kilala ako ng
kanilang mga teachers. "Hon, pano naman nangyari iyon, eh hindi pa naman ako nakapupunta sa
eskwelahan ng ating mga anak ah.", ang paguusisa ko sa aking asawa. "Hulaan mo hon, kung
bakit at paano?", ang mapanghamong sagot ng aking asawa. "Huwag mong sabihing ilan sa mga
teacher ng mga anak natin eh, mga dati nating classmates?", ang tugon ko. "Tumpak hon!", ani ni
Jewel. "Sina teacher Marina Alfonso, Jessa Mie Aureus at Anica Mae Mejillano ay mga
propesyonal teacher na sa eskwelahan ng mga anak natin, ang galing di ba, hon? At ito pa ah,
natatandaan mo ba si Micaella Aga?". "Sino? Yung parang amazona at siga maglakad?", singit
kong sagot, "Grabe ka hon ah, hindi ka maniniwala, isa na rin syang Police at kasamahan ko pa
sya. Grabe hon, well-dedicated siya sa serbisyo.

"Talaga hon? Ayos ah, ang galing talaga ng mga classmates natin," ang wika ko. "Ano ka ba
hon, wag ka nang magtaka, iba talaga ang katas ng BNES, mga dedicated sa buhay," sambit ng
aking asawa. "Oo nga," ang aking tugon.

   Kinabukasan, ipinasyal ko ang aking mag-anak, sumabit ang aking tingin sa isang poster, ako
ay biglang nagulanta ng mabasa ko ang pangalan ng dati kong classmate. Si Danica Mayhay,
bigatin may concert sya sa Araneta. Ipinursue pala niya ang pagiging singer at the same time
composer na rin. Talented talaga sya. Kaya hindi na ako magtataka. Ganun din si John Kenneth
Eje, ang nakatuluyan niya, isa na pala siyang Seaman, kaso hindi ko alam kung saan sila
nakadestino.

   Natapos ang aming pamamasyal. Umuwi kami sa bahay matapos kumain sa labas. Binuksan ko
ang TV, at nanuod ng balita, at laking gulat ko, namatahan ko si Marvic Allones, nasa isang
interview, ganap na palang sundalo iyon, ang small but terrible kong kaklase, binago na rin pala
sya ng sistema. Natapos na ang balita kaya naisipan kong manuod sa ibang channel, hinanap ko
ang isa sa mga paborito kong palabas ang savare debate, programa yun para sa mga aspiring law
students.

   Libang na libang ako sa panunuod habang nagluluto ang aking asawa at naglalaro naman ang
aming mga anak. Hindi ko alintana ang mga pangalan ng mga taong pinapanuod ko, ang
gagaling nilang magdebate kahit mga estudyante palang lalong higit, ubod ng galing ang mga
attorney sa pagbibigay ng mga supporting details, very witty talaga sila. Magtatapos na ang
palabas, isa isa ng pinasalamatan ang mga kalahok at maging ang mga lawyers na tumayo bilang
mga hurado. At tila hindi nasayang ang oras ko sa panunuod, pumantig sa aking pandinig ang
pangalan ng aking dating kaklase noong kami ay elementary, Attorney Anne Sherly Archivido.
Ako'y napasigaw at pati ang aking asawa at mga anak ay nagulat, lahat sila ay napatingin sa
aking pinanunuod, at bukas loob kong ipinagmalaki sa aking mga anak na ang isang lawyer sa
programang iyon ay dati kong kaklase noong ako ay nasa elementary pa lamang.

You might also like