Argumentatibo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sinusuri ng papel na ito ang sanaysay na “Intelektwalismo at Wika” ni Renato

Constantino bilang isang panitikang pangwika na nagsasaad ng mga mapapait na katotohanan


hinggil sa nakukubling problema na humahamon sa intelektwal na kapasidad ng isang Pilipino.
Mayroong tatlong bahagi ang papel na ito. Una, ang panimula o pagbibigay intoduksyon sa
nasabing sanaysay. Pangalawa, ang pagpapaunlad, o ang paglalahat ng masusing impormasyon
upang mas maging malinaw ang estratihiyang gagamitin nang lubos na maunawaan ang kontra-
diskurso. Pangatlo, ang konklusyon na nagbibigay-buod na pangkalahatang mensahe sa
mambabasa. Dito nakapaloob ang mga taglay na puntos na nakuha mula sa binasa, at pagtibag ng
anumang problemang umiiral sa bansa.

Mayroong dalawang layunin ang may-akda sa nasabing sanaysay: Una, maipakita ang
korelasyon ng wika ang epekto nito sa “intellectual tradition” ng isang bansa; at pangalawa,
maipakita ang kahalagaham ng pagkakaroon ng sariling wika na na mapayayabong upang
umunlas ang kaalaman ng isang bansa. Lingid sa kaalaman ng nakararami na upang tayo ay
makaiwas sa imperyalismo ay nararapat lamang na maging mapagtanggap tayo sa pagbabago
upang matamo ang hangaring mapagpalaya, hindi ba?

Ayon kay Constantino, kulang ang mga Pilipino ng tinatawag na “intellectual tradition”
at nagbubunga ito ng kamangmangan ukol sa intelektwal na karanasan sa layunin. Mayroong
limang kadahilanan kung bakit unti-unting naglalaho ang tradisyong ito: Una, dahil hindi
napagtutuunan ng pansin ang mga kaisipan na ibinibigay ng ating kapwa Pilipino; pangalawa,
ang pagkalat ng “miseducation” dahil sa “miseducators” na nagkakalat ng maling impormasyon
na nakabibiktima sa ‘kolonyal na kamalayan;’ pangatlo, ang pagyakap sa “mga pelikula o
palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa paglutas ng mga problemang
personal;” pang-apat, ang status quo na nangangahulugang “ang dating kalagayan” na naglalagay
sa tao upang ipahdamot ang intelektwal na kamalayan; at ang panglima, ang pagiging alipin sa
wikang banyaga. Bakit nga ba mababa ang intelektwal na antas ng mga Pilipino? Sumasang-
ayon ako sa kamangmangan ng ating mga kababayan dahil sa hindi natin pagtanggap sa
kamalayan. Ang patuloy na pagpigil ng bagong kamalayan upang maibahagi sa iba ang hindi
naisasagawa bagkus pinipigilan natin ang pag-usbong nito.

Sa pangalawang layunin naman ng sanaysay ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


sariling pagkakakilanlan o wika. Ang wika ay isa sa mga dahilan ng pagbubuklod ng mga tao at
mag-organisa ng iisan layunin at pangarap. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay hindi
nangangahulugang patalsikin ang wikang Ingles at tangkilikin lamang kung ano ang sa atin.
Hindi maiiwasan ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ito ang midyum ng komunikasyon ng
mga tao sa buong daigdig, at nang dahil na rin sa globalisasyon na umiiral sa kasalukuyan.

Kung tunay ngang wika ang magbubunsod ng kalayaan, mapalalaya rin ba nito ang mga
taong kulong sa kamangmangan? Kung ito na nga ang kasagutan bakit walang gumagawa ng
hakbang upang masolusyunan ang problema? Ang mapanuring sanysay na ito ay may layunin
upang buksan an gating mga mata mula sa sanhi at bunga ng paggamit ng iba’t ibang wika at
upang maipakita ang aktwal na reyalidad sa bansa.

Sanggunian:

Constantino, Renato. (1996). Intelektuwalismo at Wika. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino,


No. 1 8-12. https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939

You might also like