Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PN REVIEWER FINAL TERM

Fliptop

- isang pagtatalong pa-rap.


- Nahahawig ito sa balagtasan dahil sa mga bersong mini-rap ay magkatugma
- Hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pinag tatalunan. Kung ano lang ang
paksang sisimulan ng naunang kalahok ang siyang sasagutin ng kanyang katunggali.
- Walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at
maiibilang sa ibat ibang barayti ng wika.
Pickup Lines
- Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay madalas
maiiugnay sa pag-ibig at ibang aspeto ng buhay.
- Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga batang manliligaw na nagnanais magpapansin,
magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa dalagang nililigawan
Hugot Lines
- Tinatawag ding love lines o love quotes.
- Mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa cute, cheesy at minsan nakakainis
- Karaniwan magmula sa mga teleserye at pelikula

Tabloid
- isang diyaryo na nakasulat sa wikang Filipino
- mas binibili ng masa o mga karaniwang tao dahil ito ay mas mura at nakasulat sa wikang
higit nilang naiintindihan
Broadsheet
- nakasulat sa wikang Ingles
- pormal ang wikang ginagamit
- nagtataglay ng malalaking headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa
Jargon
- mga terminong kaugnay ng mga trabaho o ibat ibang hanapbuhay o larangan
Mass Media
- dahil dito mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ay nakapagsasalita, nakuunawa at
gumagamit ng wikang Filipino.
Social Media
- Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr at iba pa
- Nagiging daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga
mahal sa buhay.
Code Switching
- Pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin sa pagpapaikli ng mga
salita o paggamit ng daglat sa mga post at kometo rito.
Kulturang Popular
- Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang ibat ibang paraan ng malikahing
paggamit nito dala na rin ang impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng
media.

Sitwasyong Pangwika sa Text


- Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang
text masaage o text ay isang mahalagang bahagi ng komukisayon sa ating bansa
- Higit - kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at tinatanggap sa bansa natin araw
araw
- Karaniwan dito ang code switching
- Pinapaikili ang mga salita (Hal. “d2 na me. W r u na?)
- Paggamit ng shortcuts (Hal. BTW, HBD, ILY)
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
- Paggamit ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr at iba pa
- Tinuturing isang biyaya dahil nagiging daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan
ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay na malayo sa isat isa o matagal nag hindi
nagkikita
- Pinagisipan ang mga salita o pahayag bago ito i-post dahil mas maraming tao ang
maaring makabasa nito
- Karaniwan din ang code switching
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
- Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom. Ingles din ang wika sa mga
Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center. Memo, kautusan, kontrata at iba
pa ay gumagamit ng Ingles.
- Filipino at ibat ibang barayti ng wika ay ginagamit sa mga pagawaan o production line,
mga mall,restoran, mga pamilihan, mga palengke at direct selling. Ginagamit din ito sa
mga komersiyal o patalastas pang telebisyon o pangradyo

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

- Filipino ang unang wikang wikang gamit bilang wikang panturo sa mababang paaralan at
magkahiwalay na asignaturang pangwika (K hanggang Grade 3)
- Sa mataas na antas ay nananatiling bilingual kung saan ginagamit ang wikang Ingles
bilang wikang panturo.
- Ang pagkakaroon ng batas na sinusunod ng mga paaralan ay nakatulong ng malaki upang
higit na malinang at malaganap ang unang wika ng mga mag-aaral.
Register o Barayti ng Wika Ginagamit sa Ibat Ibang Sitwasyon
- Isa sa mga uri ng sosyolek ay ang jargon na mga terminong kaugnay ng mga trabaho o
ibat ibang hanapbuhay o larangan
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
- Ang telebisyon ay itinuturing pinakapmakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
maraming mamamayan ang maabot nito
- Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon ng Pilipinas
Sitwasyong Pangwika sa Radyo
- Halos lahat ng mga estasyon ng radio ay gumagamit ng Filipino at ibat bibang brayti nito.

Goodluck! Kaya mo yan <33

You might also like