Ako ay si, DAVID S. QUEZON, Pilipino, nasa wastong gulang
at nakatira sa 123 Dao St., Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, nanunumpa ayon sa batas at malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:
1. Ako ay pasyente ni Dr. Faustino F. Bautista, MD;
2. Ako ay kusang loob na kumonsulta at kinuha ang
serbisyong medical ni Dr. Dr. Faustino F. Bautista, MD, dahil may karamdaman ako sa aking mata at kailangan itong ipatingin, ipagamot o operahan;
3. Kusang loob akong nagtungo kay Dr. Dr. Faustino F.
Bautista, MD, sa River Valley Eye Center (RVEC) sa 4th Floor ng Marikina City Health Office kung saan ang akong doctor ay may “visiting privileges”;
4. Ang pagpunta ko kay Dr. Dr. Faustino F. Bautista, MD, ay
boluntaryo kong ginawa at walang pumilit o nag-udyok sa akin na empleyado, ahente o sinuman na may relasyon sa RVEC o kay Dr Dr. Faustino F. Bautista, MD;
5. Hindi ako pinapunta o ni-refer ng empleyado ng gobyerno
o ng pamahalaang local ng Marikina sa kanya;
6. Ginawa ko itong Salaysay na ito para patotohanan ang
aking mga sinabi at para sa kung anumang legal na dahilan at layunin na maari nitong gampanan.
DAVID S. QUEZON Nagsasalaysay
LUMAGDA AT NANUMPA sa aking harapan ngayong ika-14
ng Hunyo, 2019, dito sa Lungsod ng Quezon, ang nagsasalaysay na pinakita ang kanyang government issued ID. Aking pinapatunayan na aking kinilatis ang sumumpa ng salaysay na ito at ako ay naniniwala na kanyang naintindihan ang mga nilalaman ng Salaysay na ito at kanyang ginawa ito ng Malaya at sa kanyang kusang loob.