Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Isang bapor tabo ang naglalayag at sakay nito sa ibabaw ng kubyerta

sina Simoun, Isagani, Basilio, Kapitan Heneral, Donya Victorina,Don Custodio,


Padre Irene, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Kapitan Basilio,at Padre
Florentino. Napag-usapan nila ang tungkol sa suliranin sa ilog. Makikita rin sa
bapor tabo ang mahirap na kalagayan ng mga taong nasa ilalim ng kubyerta.
Napag-usapan din ng ilang nabanggit na tauhan ang tungkol sa ilang mga
alamat.

Nang makarating si Basilio sa San Diego ay nakita niya si Simoun sa lugar kung
saan nakalibing ang kanyang inang si Sisa. Nalaman niya na ang mag-aalahas
na si Simoun ay walang iba kundi si Crisostomo Ibarra na nagbabalatkayo.
Tinangka ni Simoun na patayin si Basilio upang ang lihim niya ay hindi
mabunyag. Naghunos-dili si Simoun at hinikayat na lamang si Basilio upang
tulungan siyang maghiganti at baguhin ang bulok na sistema ng pamahalaan.
Ngunit tumanggi si Basilio at pinili na magpatuloy sa pag-aaral at di makialam
sa mga plano ni Simoun.

Hiniling ng mga estudyante ang pagpapatayo ng isang paaralan para sa pag-


aaral ng Wikang Kastila. Bagamat hindi pa ito aprubado ay sinisikap ng mga
estudyante na sila ay magtagumpay sa kanilang adhikain.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakipagkita si Simoun kay Basilio upang
hikayatin itong maghimagsik at tulungan siyang makuha si Maria Clara. Ngunit
sa kasamaang palad , si Maria Clara na ililigtas na sana ay pumanaw na noon
ding hapong iyon.

Samantalang ang mga estudyante na bigo naman sa kanilang panukala na


magpatayo Akademya para sa wikang Kastila ay nagsalu-salo sa Panciterìa
Macanista de Buen Gusto. Dahil sa tahasang pagtuligsa ng mga estudyante sa
mga prayle sa pamamagitan ng talumpati ay pinadakip sila dahil sa bintang na
sila ang may pakana ng mga paskin na naglalaman ng pagtuligsa,
paghihimagsik at pagbabala sa harap ng pinto ng unibersidad. Kasama si Basilio
sa mga nadakip kaya si Juli na kanyang kasintahan ay labis na nagdamdam.

Nakalaya naman kaagad ang mga estudyante sa tulong ng kanilang mga kamag-
anak na inilakad sila para mapawalang-sala maliban kay Basilio. Dahil sa
kahirapan ay wala ni isang namagitan sa kanya at dahil sa wala na rin si Kapitan
Tiago ay nananatili siyang nakakulong. Inihingi ni Juli si Basilio ng tulong kay
Padre Camorra ngunit sa halip na makatulong ito ay siya pang naging sanhi ng
kanyang kamatayan dahil sa pagkahulog nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisakatuparan ang plano ay nakipagsosyo siya kay Don Timoteo


Pelaez na ipakasal ang kanyang anak na si Juanito kay Paulita Gomez.
Ang ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral at kasama sa mga dadalo sa
pagdiriwang ang mga may katungkulan sa Pamahalaan.

Matapos ang dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun kaya’t


umanib sya rito. Ipinakita nya kay Basilio ang bomba na gagamitin sa
pagpapasabog sa pagdiriwang ng kasal. Ang bombang ito ay lampara na may
hugis ng granada at sinlaki ng ulo ng tao. Ang lamparang ito ay magbibigay ng
liwanag sa kasal at matapos ang dalawampung minuto ay lalabo. Sa oras na
hatakin ang mitsa nito upang mapaliwanag at magdudulot ito ng pagsabog at
wala ni isang naroroon ang mabubuhay . Sa kabilang banda naman , magiging
hudyat ng paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun ang pagsabog ng ng
dinamita sa lampara.

Habang si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay na pinagdarausan ng


pagdiriwang ay nilisan ni Simoun ang lugar. Susunod na sana si Basilio kay
Simoun ngunit nakita niya si Isagani. Sinabihan nya ito na umalis ngunit
nagkibitbalikat si Isagani. Ipinagtapat ni Basilio ang plano kay Isagani.

Nang mapansin na lumalabo na ang ilaw ng lampara ay agad itong inihagis ni


Isagani sa Ilog. Dahil sa pumapalpak ang plano ni Simoun na himagsikan ay
nakituloy siya sa tahanan ni Padre Florentino. Siya ngayon ay pinag-uusig na ng
mga maykapangyarihan. Nang palapit na ang mga darakip kay Simoun ay
uminom ito ng lason upang hindi na mahuli ng buhay at ipinagtapat ang
kanyang tunay na pagkatao kay Padre Florentino. Isinalaysay nya lahat mula sa
pagbabalik nya sa Pilipinas galing Europa , labintatlong taon na ang
nakakalipas. Isinalaysay din nya ang pagmamahalan nila ni Maria Clara at ang
pagpapanggap nya bilang si Simoun na mag-aalahas na may layuning
maghimagsik sa Pamahalaan. Matapos ang makumpisal ay namatay si Simoun.

Upang hindi na magamit pa sa kasamaan ang kayraming kayamanan ni Simoun


ay tinapon ito lahat ni Padre Florentino sa karagatan.
Ang mga tauhan sa El Filibusterismo

 Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na


umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo
Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre
Florentino.
 Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
 Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng
lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling
apo.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
 Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi
ng suliraning pampaaralan.
 Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

 Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.


 Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San
Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani
 Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
 Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila
 Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit
biglang nawala sa oras ng kagipitan.
 Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban
ng mga mag-aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa
namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito
Pelaez.

 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng


konsulado sa Pilipinas.
 Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
 Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don
Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi
dahil sa kanyang panlabas na anyo.
 Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
 Gertrude - mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL

“While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty.

Si Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda ay ang Pambansang Bayani


ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-
aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso
23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de
Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong
1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang
Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”


naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag
siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay
ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo,
industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa


Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung
saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na
magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa


dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga
Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na
maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan, na
ngayo’y tinaguriang Luneta Park.

Bakit nga ba naisulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere? Ang Noli Me
Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal para maipakita at maipamulat sa mga
Pilipino ang mga pang-aabusong ginawa ng mga pari noong panahon ng mga
kastila. Ang akdang ito ni Rizal ay nangangahulugang “Touch Me Not” sa
Ingles at “Wag Mo akong Salingin” sa Filipino. Ang titulo ng nobelang ito ay
repleksyon ni Rizal sa mga pangyayari sa ating lipunan noong panahong
nasakop tayo ng mga dayuhan. Para mas lubos na maintindihan ang nobelang
ito, narito ang maikling kabuuan o buod ng Noli Me Tangere:

Buod ng Noli Me Tangere

Isang binatang Pilipino ang umuwi sa Pilipinas matapos ang pag-aaral sa


Europa ng pitong taon, ang binatang ito ay walang iba kundi si Juan Crisostomo
Ibarra.
Sa kanyang pagbabalik ay naghandog si kapitan Tiago ng isang hapunan.
Habang nagaganap ang piging na ito ay makalawang hinamak siya ng isang
prayleng pransiskano na dati nang naging kura ng San Diego at dating kaibigan
ng kanyang ama. Siya ay walang iba kundi si Padre Damaso.
Humingi ng paumanhin si Ibarra at lumisan sa kadahilanang siya ay may
mahalaga pang pupuntahan.
Si Maria Clara na katipan ni Crisostomo Ibarra ay isang kaakit-akit na binibini.
Para kay Ibarra si Maria Clara ay sumasagisag sa Inang Pilipinas. Ang
binibining ito ay anak sa turing ng isa sa mayayaman sa Binundok at
makapangyarihan kung ituturing, si kapitan Tiago.
Kinabukasan, matapos maidaos ang hapunang yaon ay dinalaw ni Crisostomo
Ibarra ay kanyang iniibig na si Maria Clara. Sa kanilang pagkikita ay sinasariwa
nila ang mga ala-ala ng kanilang kamusmusan at ang tunay na pagmamahalan
nila kahit sila ay paslit pa lamang. Inilabas ni Ibarra ang tuyong dahon ng
sambong na nababalot sa isang papel na may sentimental na halaga. Ang sulat
naman na ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara bago niya lisanin ang Pilipinas ay
binasa ng dalaga.

Bago umuwi si Crisostomo Ibarra ay nailahad ni Tenyente Guevara ang sinapit


ng kanyang ama na isang taon nang namayapa. Sinabi niya na nangyari ang
lahat ng ito matapos ipagtanggol ang isang bata sa isang kubrador na
aksidenteng nabagok ang ulo kaya namatay. Umabot ang kaso sa hukuman at
nagsilabasan ang kaaway ni Don Rafael Ibarra. Nang malulutas na ang kaso ay
siya namang namatay si don Rafael sa loob ng hukuman. Hindi pa nagpaawat si
Padre Damaso.

Ipinahukay niya ang bangkay ni Don Rafael at ipapalipat sana sa libingan ng


mga intsik ngunit dahil sa umuulan ng panahong iyon ay tinapon na lamang sa
ilog ng bay.

Kaysa maghiganti, si Crisostomo ay ipinagpatuloy ang nasimulan ng kanyang


ama. Isinagawa niya ang panukala ng ama tungkol sa pagsusulong ng pagtuturo.
Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.
Noong babasbasan na ang paaralan ay may batong muntikan nang ikamatay ni
Ibarra. Mabuti na lamang at siya ay iniligtas ni Elias. Sa halip na si Ibarra
ang mamatay ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway niya ang nasawi.
Muli siyang hinamak ni Padre Damaso.

Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili at sasaksakin na niya ang pari ng kutsilyo
ngunit siya ay napigilan ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag si Ibarra ng Arsobispo sa Simbahang


Katoliko. Ang sitwasyon ay sinamantala ni Padre Damaso. Iniutos niya kay
Kapitan Tiago na hindi ituloy ang kasal ni Maria Clara at Ibarra. Sa halip ay
ipakasal si Maria Clara kay Linares na isang binatang kadadating pa lang sa
Pilipinas.

Napawalang-bisa ang pagiging eskomulgado ni Ibarra at tinanggap muli siya sa


simbahan ngunit sa di-inaasahang pagkakataon ay hinuli at ikinulong dahil
naparatangan siya na nanguna sa pagsalakay sa kuwartel.

Sa naganap na paglilitis ay napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra ngunit


sinundan muli ito ng panganyaya dahil sa liham na sinulat niya kay Maria Clara.
Kahit walang kaugnayan ito sa kaso ay ginamit ito ng may kapangyarihan
upang hamakin ang binata.

Habang ginaganap ang hapunan para sa kasal ni Linares at Maria Clara ay


nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang lumisan ay hiniling muna ni Ibarra na makausap si Maria Clara.


Sinumbat niya ang sulat na ginamit sa hukuman ngunit mariin itong itinanggi ni
Maria Clara. Sinabi niya na inagaw mula sa kanya ang liham. Kapalit nito ang
liham mula sa kanyang ina na nagsasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre
Damaso. Sinabi pa niya na kaya siya magpapakasal kay Linares ay para sa
dangal ng ina, ngunit ang pagmamahal niya para kay Ibarra ay di lilipas at di
mawawala magpakailanman.

Tinulungan siya ni Elias sa pagtakas ngunit naabutan sila ng palwa ng sibil. Sa


pamamagitan ni Elias ay nailigaw niya ang mga tumutugis at nakatakas si
Ibarra. Nang makalundag si Elias sa tubig ay pinagbabaril siya.
Sa pagkalat ng balita sa pahayagan na namatay si Ibarra, si Maria Clara ay lubos
na namighati. Nakiusap siya na pumasok sa kumbento upang magmongha at
walang magawa si padre Damaso dahil kung hindi ito papayag ay
magpapatiwakal ang dalaga.

Ang balitang kumalat ay walang katotohanan sapagkat si Crisostomo ay


nakaligtas sa tulong ni Elias.

Si Elias na sugatan at halos naghihingalo na ay nakarating sa gubat ng mga


Ibarra. Bago siya tuluyang pumanaw ay humarap siya sa Silanganan at nagwika
na kung hindi man niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, ang
makakakita ay batiin ito at huwag kakalimutan ang mga nabulid sa dilim ng
gabi at iyon ang huling mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere


I. Angkan ni Crisostomo Ibarra
 Crisostomo Ibarra – nag -iisang anak ni Don Rafael Ibarra at siya ang
kasintahan ni Maria Clara
 Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo Ibarra at isa mga mayayamang
tao sa San Diego
 Don Saturnino – lolo ni Crisostomo Ibarra
 Don Pedro Eibarrimendia – ninuno ni Crisostomo Ibarra

II. Angkan ni Maria Clara


Maria Clara – kasintahan ni Crisostomo Ibarra at anak-anakan ni Kapitan
Tiago
 Kapitan Tiago – kilala bilang Don Santiago De los Santos , ama-amahan
ni Maria Clara at isa sa mga mayaman at maimpluwensya sa simbahan at
gobyerno
 Pia Alba – ina ni Maria Clara
 Tiya Isabel – tiya ni Maria Clara at pinsan ni Kapitan Tiago
III. Mga Pari
 Padre Damaso – ninong ni Maria Clara at isang Paring Franciscano
 Padre Salvi – kura sa San Diego na pumalit kay Padre Damaso
 Padre Hernando de la Sibyla – Kura ng tanawan
 Padre Manuel Martin – paring Agustinong mahusay sa pagsasalita

IV. Mga Mag-asawa


 Donya Victorina – asawa ni Don Tiburcio
 Don Tiburcio de Espadaña – asawa ni D onya Victorina
 Donya Consolacion – asawa ng alperes at kaaway ni Donya Victorina
 Alperes – asawa ni Donya Consolacion at makapangyarihan sa San
Diego

V. Pamilya ni Sisa
 Sisa – inang nabaliw at asawa ni Pedro
 Pedro – asawa ni Sisa at iresponsableng ama sa kanyang mga anak
 Basilio – panganay na anak ni Sisa
 Crispin – bunsong anak ni Sisa at napagbintangang nagnakaw

VI. Elias
-Nagligtas kay Crisostomo at anak ng kaaway ng mga ninuno ni Ibarra

VII. Pilosopong Tasyo


-Antas ngunit baliw para sa ibang tao at pinakamatalino sa San Diego

VIII.Iba pang tauhan


 Don Filipo – ama ni Sinang
 Nol Juan – namahala sa pagpapatayo ng paaralan
 Lucas – nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra
 Linares – napili ni Padre Damaso para kay Maria Clara
 Kapitan Basilio – isang kapitan sa San Diego
 Tinyente Guevarra- hepe ng guardia civil na nagging kaibigan ni Don
Rafael Ibarra

You might also like