Materials

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KAALAMAN

https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM

https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ

Mensahe mula sa
Sulong Wikang Filipino
: "Sa Enero 25, 2016, magde-desisyon na ang University Council ng UP Diliman kung ilan ang
magiging bagong bilang ng minimum number of units ng General Education Program ng UP
Diliman. Dito na rin mababatid kung anong mga kurso ang magiging required. Papayag ka bang
maging 21 na lamang ang minimum number of units ng UP Diliman GE? At papayag ka bang
walang Filipino sa bagong G.E. ng UP? Para kanino ba ang ating pamantasan? Para saan ba ang
nalilikha nating kaalaman? Hindi ba't para sa mga Pilipino at para sa ating mga kapwa Pilipino?
Walang ibang magbibigay ng halaga sa ating pagka-Pilipino kundi ang UP bilang pambansang
pamantasan. Ngayon, higit kailanman, sa samu't saring banta ng globalisasyon at pagkalusaw ng
kultura't identidad ng mga bansang dumaan sa mahabang yugto ng pananakop tulad ng Pilipinas,
walang ibang paraan upang angkinin ang ating pinag-ugatan at itanyag ang pagiging isang lahi kundi
ang patuloy na pagtangan sa pag-aaral at muli't muling pagtuklas sa kadalisayan ng ating wika.
Huwag nating hayaang manaig ang pagyukod ng Unibersidad sa dayuhang pamantayan ng
pagkatutong walang pagpapahalaga sa ating bansa. Walang ibang magpapahalaga sa ating
kasaysayan, panitikan at kultura kundi tayong mga Pilipino!"
Ang Tanggol Wika ay nakikiisa sa panawagan ng mga guro at estudyante ng UP laban sa
pinungusang General Education (GE). SAGIPIN ANG GE SA UP AT SA BUONG PILIPINAS!
Itaguyod ang holistiko, progresibo, mapagpalaya at makabayang edukasyon!

HABI COLLECTIVE Position


Paper: Sulong Wikang Filipino
HABI COLLECTIVE MEDIA·SATURDAY, JANUARY 16, 2016·READING TIME: 4 MINUTES

Ang Habi Collective Media ay isang grupong gumagawa ng mga dokyumentaryo't


awdyo-biswal na produksyon. Ang pinakatampok nilang likha ay ang dokyumentaryong
"Walang Rape sa Bontok" na nagwagi bilang Pinakamahusay na Dokyumentaryo sa
38th Gawad Urian noong 2015.

------------------------------------------

May banta o panganib na tanggalin ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang core subject
sa mga pamantasan at kolehiyo. Sinabi ni Propesor Bomen Guillermo sa panayam sa
kanya ni Propesor Det Neri: kapag natuloy, ito ang papatay sa intelektwalisasyon ng
wikang Filipino.

Lubos ang pagsang-ayon namin sa kanyang tinuran, kaya naman kaisa kami sa
panawagang PANATILIHIN at PALAWIGIN ang Filipino bilang core subject sa lahat ng
pamantasan at kolehiyo sa buong bansa.

Nakikita namin ang kahalagahan ng intelektwal na pag-aaral, pagsusuri at paggamit ng


Filipino at mga wikang Pilipinas -- sapagkat napakarami na naming karanasan bilang
isang media production team, na pawang nakalulungkot at nagpapatunay na unti-unting
napapabayaan at nililimot ang wikang Filipino.

At hindi katanggap-tanggap na limutin ang ating wika!

Makabagong Pananaw

Sabi ng isa naming kaibigang matagal nang naninirahan sa ibayong-dagat, ayos lamang
para sa kanya ang pagtatanggal ng Filipino bilang core subject sa kolehiyo. "Bakit
kailangan pang aralin sa college eh lagi mo na ngang ginagamit? Atsaka hindi na dapat
ginagamit 'yung mga makalumang salita. Sabi nga di ba, dynamic ang language, so dapat
matuto tayong mag-adapt, para kaisa natin ang mundo."

May panganib sa ganitong pananaw, sapagkat kapag nilimot ang mga makalumang salita
(lalo na kapag tumigil ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino), mawawalan tayo ng
tulay pabalik sa ating matatandang kaugalian -- magagandang kaugalian.

Wika Bilang Salamin ng Identidad (at Mapa ng Prayoridad)

Sinasabing sa wika matutukoy kung gaano umiikot ang buhay ng bansa sa isang
konsepto. Halimbawa, sa mga Sami ng Scandinavia at Russia, mahigit 150 ang salita nila
para sa "snow", at sa mga Eskimo ng North America naman, mahigit 50.

Gayun din naman, tayo ay may iba't ibang salita para sa "rice". Rice with husk ay palay.
Unhusked rice ay bigas. Steamed rice ay kanin. Burnt rice ay tutong. Cold rice ay bahaw.
Popped young rice ay pinipig. Tagalog pa lang iyan. Marami pang iba, sa iba pang mga
wika ng Pilipinas.

Sa madaling sabi, umiikot ang buhay ng Pilipino sa "rice", kaya marami tayong salita
para rito.

Ano ang praktikal na maidudulot ng kaalamang ito? Mas gaganahan tayong


himukin/kalampagin ang gobyerno sa paglikha ng mas maraming programa para sa mga
magsasaka natin, sapagkat sila ang pangunahing tagapagpunla ng napakahalagang "rice"!
Priority dapat ito!

Marami rin tayong salita para sa "imagination", "dreaming" at "creative thinking".


Nariyan ang haraya, hiraya, pangarap, panaginip, guni-guni, gunam-gunam, diwa, isip, at
marami pang iba. Malalim ang pagpapahalaga ng Pilipino sa PAGLALAKBAY NG
DIWA. Kaya, hindi kataka-takang maraming Pilipino ang nasa larangan ng sining.
Mahusay at malikhain din ang ating mga siyentista!

Muli, ang praktikal na maidudulot: batay sa kaalamang ito, maaari nating i-restructure
ang ating curriculum upang bigyan ng higit pang pokus ang malayang pag-iisip kaysa sa
pagsasaulo ng mga bagay na nakakulong sa libro... dahil nga, mas magaling ang Pilipino
kung nakalilipad nang malaya ang kanyang kaisipan.

Wika Bilang Balon ng Asal

Sa pagsasaliksik namin para sa dokyumentaryong "Walang Rape sa Bontok", napagtanto


naming nakararami sa mga salitang Filipino ay "gender-neutral" -- hindi mahalaga kung
babae man o lalaki ang tinutukoy. Halimbawa, "siya" imbis na "she" o "he" sa Inggles.
"Kanya" imbis na "his" or "hers" sa Inggles. "Ang" imbis na "el" o "la" sa Espanyol. Sa
Tagalog pa lamang ito; liban pa ang mga wika sa buong kapuluan na may gender-neutral
terms din.

Malaking kaibahan ito sa mga wika halimbawa sa Europa, na karamihan ay gendered.


Maging ang mga konsepto ng ‘lupa’, ‘kalayaan’, ‘daigdig’, ‘bansa’, ‘kapatiran’ at iba pa
ay gendered din sa kanila.
Wika ang nagtutulay pabalik sa ating matandang kaugalian: MATAGAL NANG
GENDER-SENSITIVE ANG ATING MGA PAMAYANAN, lalong-lalo na noong hindi
pa tayo nasasakop ng mga banyaga.

Sa mga Pilipinong nagsasabing "Nakakalungkot maging Pilipino, wala man lang tayong
ambag sa sibilisasyon, di tulad ng mga Intsik na nag-ambag ng papel, mga Ehipto na nag-
ambag ng pyramids, mga Griyego na nag-ambag ng demokrasya..." ito ang sagot namin:
WIKA ANG MAGSASABING ANG MAAARING I-AMBAG NG PILIPINO SA
KABIHASNAN NG MUNDO AY ANG PANTAY NA PAGTINGIN SA MGA
KASARIAN.

Pangwakas

Ang lahat ng ito ay napagtanto lamang namin dahil naging matindi at malalim ang aming
pag-aaral sa Filipino noong kami ay nasa pamantasan pa.

Bukod pa, malaking utang na loob namin sa Filipino GE subjects ang pagiging epektibo
ng dokyumentaryong “Walang Rape sa Bontok”. Sa mga subjects na ito nagmula ang
matibay na pundasyong konseptwal na naipaloob namin sa aming pelikula.

Hindi dapat alisin ang Filipino at mga wikang Pilipinas bilang core subjects sa kolehiyo.
Sa halip, dapat pa nga itong patuloy na pagyamanin at pag-aralan nang malalim... sa
buong buhay natin bilang Pilipino.

Nakasalalay ang tunay at maalab na "Filipino pride" sa lalim at tindi ng pagkakakilala


natin sa ating sariling mga wika.
https://soundcloud.com/musikangrabay/speak-in-english-zone-musika

http://cnsupdiliman.weebly.com/uploads/4/7/1/0/4710922/mula_tore_patunong_palengke_-
_neoliberal_education_in_the_philippines.pdf

Filipino, ang pambansang


wikang dapat pang ipaglaban
Ano nga ba sa Filipino ang “The square root of 4 is 2?”
advertisement

 
Dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa.
Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng mga tutol na gamitin ang Filipino sa
pagtuturo, lalo na sa mga larangan ng Agham at Matematika, para palitawin na baka
mauwi lang ang usapan sa katatawanan.
 
“Ang parisukat na ugat ng apat ay dalawa.”
Sadya ngang kakaibang pakinggan.
 
Katulad nga naman ito ng mga pagpupumilit na gamitin ang “salumpuwit” para sa
upuan at “salung-suso” para sa “bra,” na para bang mangingimi kang itanong kung
ano ngayon ang magiging salin ng “panty” at “brief.”  
 
May nagsasabi na ang dapat na salin ng “The square root of 4 is 2” ay “Ang skwer rut
ng apat ay dalawa.”  
 
May mga purista naman na tataas ang kilay sa paraang ito ng pagsalin. Ito rin ang mga
taong hindi masaya na mabasa ang mga salitang tulad ng “jornal”, “sentens”,
“referens”, “iskwater”, “kompyuter”, “basketbol” at iba pang ang salin ay
nanggagaling sa tunog at iniba lang ang baybay o “ispeling.”
 
Sa ganang akin, ang mas tanggap ko na salin, dahil ito ang likas at mas maiintindihan
ng kausap, ay “Ang square root ng apat ay dalawa.” O kaya ay “Ang square root ng 4
ay 2,” na kung saan ang 4 ay bibigkasin na “apat” at ang 2 naman ay “dalawa.”
 
Ito ay sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang magkaunawaan.
 
Naniniwala rin ako na walang saysay na isalin pa ang mga unibersal na diskurso ng
Agham at Matematika.
 
Kaya labis akong naguguluhan kung bakit kailangan pang maging usapin ang salin ng
mga matematikal na pangungusap, at bakit ito ay pinagkaka-abalahan lalo na ng mga
laban sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa larangang teknikal katulad ng
Agham at Matematika.
 
Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong
pinagdaraanang hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa
ating kamalayan. At mapapaisip ka lalo kapag malaman mo na ang mga pag-
aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa mga uring intelektwal o
nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong mamamayang sanay na
na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino.
 
Ang pagtutol sa pagkakaroon ng pambansang wika ay lalong binibigyan ng bangis ng
mga argumento ng mga aktibistang rehiyonalista, na nagngangalit sa di-umano ay
problematikong daloy ng pagbubuo nito. Sa kanila, ang Filipino ay isang imposisyon
ng imperyalistang sentro na nakabase sa Katagalugan, manyapa’t ang balangkas o
struktura ng Filipino ay halaw lamang sa wikang Tagalog. Para sa kanila, malulusaw
ng paggamit ng Filipino ang pagiging matatas nila sa kanilang mga rehiyonal na wika,
at nakaamba ang panganib na dulot nito upang tuluyan nang burahin ang mga
etnolingwistikong kaakuhan o identidad.
 
Naroon na ako. Marahil nga ay mas litaw ang mga salitang Tagalog sa kasalukuyang
balangkas ng Wikang Filipino. Ito ay patunay lang siguro na sa obhetibong pagtaya,
mas malawak ang gamit ng at pag-kakaunawa saTagalog. Siguro nga, ito ay epekto ng
katotohanang dahil ang Maynila ang naging sentro ng kolonyal na Pamahalaan ay dito
rin nagmula ang lahat ng daloy ng pagbuo ng isang kamalayan pambansa, mula sa
pagtatag ng pamahalaan, sa pagpapalago ng ekonomiya, at hanggang sa
pagpapalaganap ng kulturang popular.
 
Nang nasa Butuan ako, ang nakita kong babala para huwag pumarada ang mga
sasakyan sa isang panig ng palengke doon ay “Bawal pumarada dito.” Nang nasa
Bikol ako, kahit na ginamit ko ang Bikol Buhi para itanong sa tindera kung magkano
ang maruya, na kung tawagin namin ay “sinapot,” ang sinagot sa akin ng tindera ay
Tagalog. Sa buong kapuluan, aliw na aliw ang mga tao sa “Eat Bulaga” na ini-ere sa
Tagalog. Pinag-usapan ang kontrobersyal na pagmamahalan ni Eric at Vincent sa “My
Husband’s Lover” na bagama’t ang pamagat ay sa Ingles ay malawakang tinangkilik
maging sa Kabisayaan at sa Mindanao na gamit ang Tagalog. Tumatak din sa diskurso
ng ordinaryong tao ang pangangaliwa nang ipalabas ang “The Legal Wife” sa
Tagalog, na ngayon ay sinundan ng “Ang Dalawang Mrs. Real” na kung saan
napapanood natin na nagsasalita ng Tagalog maging ang mga karakter na dapat sana
ay mga Cebuano. Wala sa ating gawain ang mag-subtitle o mag-dubbing ng mga
telenovela at teleseryeng nagmumula sa mga network na nakabase sa Manila at ang
gamit ay Tagalog.
 
Ito ang katotohanang pilit binabangga ng mga aktibistang rehiyonalista. Ang
nakababahala ay ang hindi pagproblematisa ng mga aktibistang ito sa katotohanang
kung walang wikang Filipino na gagamitin upang makapag-usap tayo lahat bilang
mga mamamayan ng isang bansa, ang gagamitin natin ay ang wika ng mananakop,
ang wikang kolonyal, ang Ingles.
 
At dito, mukhang naliligaw ng landas ang mga rehiyonalistang ito.  
 
Para sa kanila, tanda lamang na tunay na may gahum o “hegemony” ang Filipino, na
ayon sa kanila ay isa lamang na nagbabalatkayong Tagalog, ang pagiging talamak nito
sa lahat ng sulok ng ating bansa. Galit sila sa gahum ng Filipino, subali’t di nila
binabanggit ang gahum ng Ingles na siya pa nilang mas gustong gamitin upang tayo
lahat ay makapag-usap at magkaunawaan.
 
Subalit ang tanong ay ito: Tunay nga bang may gahum ang Filipino? 
 
Ayon kay Antonio Gramsci, nagkakaroon lamang ng gahum o “hegemony” kung
merong malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng puwang para sa mga aktibistang
rehiyonalistang ito upang labanan ang diskurso ng Filipinisasyon ay tanda na walang
malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng pagkilala, maging sa ating Saligang Batas
na dapat payabungin at pagyamanin ang Filipino sa pamamagitan ng iba pang wika sa
Pilipinas ay malinaw na pagbubukas sa pag-angkat ng mga salita mula sa ibang
rehiyon, at ito ay hindi angking kakanyahan ng isang wikang ang kapangyarihan ay
ganap at nakaukit sa bato. Ang malayang paggamit ng mga rehiyonal na grupo sa
kanilang mga wika, upang pagyamanin ito, na maging ang pambansang awit ay may
salin na sa kani-kanilang mga wika, at may mga programa na sa lokal na himpilan ng
mga TV Networks tulad ng mga balita na gamit ang mga wikang rehiyonal, ay mga
patunay na walang gahum ang Filipino.
 
Paano magkakaroon ng gahum kung mismong sa larangan ng Estado, at sa mga
paaralan at pamantasan ay may pagkiling pa nga para gamitin ang Ingles?
 
Paano magkakaroon ng gahum kung sa mga korte, ang mga salaysay ng mga saksi ay
sa Ingles sinasalin at hindi sa Filipino?
 
May gahum ba ang isang wikang Pambansang kailangan pang paglaanan ng isang
buwan, ang Agosto, para lamang ipaala-ala na meron pala tayo nito?  
 
Agosto ngayon, kaya minarapat ko na maglaan ng isang artikulo na nakasulat sa ating
wika. Paano magkakaroon ng gahum kung kailangan pa ng okasyong katulad nito
upang magkaroon ako ng pagkakataong maipahayag ang aking sarili na ang ginagamit
ko ay ang wikang Filipino?
 
Nakalulungkot na sa panahong ito, patuloy pa rin ang pakikipaglaban para magkaroon
ng lehitimong lugar sa ating kamalayan ang isang wikang matagal na nating gamit. Ito
ba ang wikang may gahum?
 
Paano magkakaroon ng gahum kung patuloy na nakikipaglaban hanggang sa ngayon
ang mga nagtuturo ng at nagmamahal sa wikang Filipino upang magkaroon man lang
ng 3 units ito sa bagong GE na isasakatuparan sa 2016? May gahum bang
matuturingan ang isang wika kung kailangan mo pang magdulog ng mga petisyon,
magmartsa sa lansangan, at magbuo ng kilusan, tulad ng Tanggol Wika, upang
labanan ang mga pagtatangkang burahin ito sa kurikulum ng Kolehiyo?
 
Sa mga pamantasan sa ngayon, may mga tunggaliang nangyayari na dulot ng
kontrobersyal na kautusan mula sa Commission on Higher Education (CHED), ang
CMO 20, na kung saan nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng mag-aaral sa
Kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa
bagong GE sa Filipino. Tanda ba ito ng isang makapangyarihang wika na lumukob na
sa kamalayan ng mga Pilipino, at may angking gahum na hindi mapasusubalian? May
gahum ba ang isang wikang Pambansa nga pero ay ginawa na lamang na isang
opsyon?
 
Paano magkakaroon ng gahum kung ang pagsusulat naming mga nasa Pamantasan ng
mga silabus ng kursong aming itinuturo, maliban kung ito ay sa kursong Filipino, ay
dapat una muna sa Ingles, at saka lang namin puwedeng isalin sa wikang Filipino?
May gahum ba ang Filipino kung ang mas tanggap na midyum para ituro ang kursong
“Purposive Communication” ay ang wikang Ingles? May gahum ba ang Filipino kung
hindi ito ang default na wika?
 
At may gahum ba ang isang wikang ang mas lantad na pananaw ay balakid ito sa
pagsulong ng ating ekonomiya, at isang sagka para tayo ay malayang makisama sa
agos ng globalisasyon at integrasyon sa ASEAN?
 
May gahum ba ang Filipino samantalang ginagawa pa nga nating katatawanan kung
paano isalin ang teknikal na terminong “square root”?
 
Walang gahum ang Filipino, kahit ito ang wikang Pambansa. Lagi pa rin itong
nakikiusap. Lagi pa ring nitong ipinakikipaglaban ang kanyang lugar.
 
At walang gahum ang Tagalog sa Filipino, dahil bukas ang huli upang pagyamanin ito
ng iba pang wika. Ang patunay pa nga na walang gahum ang Tagalog ay ang paulit-
ulit ko na paggamit ng salitang “gahum” na mula sa Cebuano, bilang salin ng
“hegemony.”
 
Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na
siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad.  Ang pangambang ito ay Isang
hungkag na pangamba.
 
Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na
dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may
malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang
pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-
kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap
ng isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay
ang Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay
mapagyaman at mapayabong.  
 
At ito rin ang dahilan kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang Wikang Filipino, at
panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga Iba’t-
ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi malulusaw ang wika ng mga
Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles.  
 
Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito,
dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang
Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga
wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa isang
sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak.
 
Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil ginagamit ang
Ingles ay mabubura na ang Filipino.  
 
Ang kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming
Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon, sa pamahalaan man o sa
pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng Filipino sa
kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles
o mag-Filipino, samantalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa
mga Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong
matatas magsalita sa Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika.
 
The author is a former dean of De La Salle University. The views expressed in this
article are those of the author and do not necessarily reflect the position of this
website. 

12 reasons to save the national

language
AUGUST 10, 2014
DAVID MICHAEL M. SAN JUAN

The Philippines extols is national language for a month, but


dismisses it for the rest of the year as unworthy of recognition
as the official language of communication and primary medium
of instruction
“Uno y otro os olvidais de que mientras un pueblo conserve su idioma, conserva la prenda de su
libertad, como el hombre su independencia mientras conserva su manera de pensar. El idioma
es el pensamiento de los pueblos .” – Simoun in Chapter VII of Jose Rizal’s El Filibusterismo
Some citizens – victims of what Renato Constantino labeled as (neo)colonial “miseducation” –
even have the gall to demand the use of English language or a regional language as the country’s
language of communication and medium of instruction, despite the fact that Filipino has been the
national language since 1935! 
Worse, Filipino subjects have been obliterated through Commission on Higher Education/CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Hence, instead of celebrating this year’s
National Language Month (Buwan ng Wikang Pambansa), everyone is requested to help turn the
tables against the enemies of our beleaguered national language. 
Allow us to enumerate a few compelling reasons why Filipino should be used as medium of
instruction in college and why Filipino subjects must be included in the college curriculum.  
1. Filipino as medium of instruction at all levels is a mandatory provision of the Philippine
Constitution (Article XIV, Section 6): “The national language of the Philippines is Filipino....
The Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official
communication and as language of instruction in the educational system.”
SPONSORED

P &G S afeguard declares vis ion for a SAF E Philippines to help the country

rebuild from COV ID -19


It is thus abominable that most government agencies use English as their main language of
official communication, and most universities are still reluctant to progressively implement the
Filipinization of the curriculum. 
2. Using Filipino as a medium of instruction in college will only be effective if Filipino is taught
as a subject/discipline too.
3. In the era of globalization and imminent Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
integration, Filipinos should further strengthen their own language, literature, and culture as part
of our contribution to the project of global and regional socio-cultural integration. For what can
we contribute to the global and regional projects of integration if we have no language nor
culture to share with the world and ASEAN?  
4. Expanding and further developing what students have learned in junior and senior high school
is necessary. Hence, there is a need for at least a Filipino subject in college, as a number of
subjects/disciplines in the senior high school curriculum – such as English, Arts Studies, Political
Science, Science and Math – have parallel or related subjects in the new General Education
Curriculum. Why obliterate Filipino in college when other subjects/disciplines are included in
both the secondary and tertiary level curricula?
5. Skills for Filipino language and Philippine literature are included in the College Readiness
Standards (CRS) contained in CHED’s Resolution No. 298-2011, hence including Filipino
language and literature subjects in college is a must, if the CRS is to be genuinely useful. Such
subjects will ensure that skills learned in high school will be further developed in college.
6. The National Achievement Test (NAT) results for Filipino in high school are still below the
Department of Education’s own standards for mastery, considering that the highest national
mean percentage score for Filipino has never breached 52% in recent years. Hence, retaining
Filipino as a college subject will ensure that the necessary task of improving students’ facility of
the Filipino language beyond the secondary level is accomplished.
7. The content of the Filipino senior high school curriculum cannot cover all content and skills
currently taught in college. 
8. Filipino is the national language and language of political democratization as it is spoken by
99% of the population. It is the most effective language of national public discourse. It is the soul
of our country’s identity and culture. Songs, poems, speeches, essays, stories in Filipino unite us
as a people. Giving our national cultural heritage some space in all levels of education is a must.
Obliterating it is obliterating ourselves and our collective identity.
9. In K to 12 countries such as the United States of America, Malaysia, and Indonesia, national
language and/or literature are part of the mandatory core courses in their college curriculum. 
10. Filipino subjects designed in a multi/interdisciplinary way are feasible, as proven by the
dozens of proposals submitted to CHED by various institutions and organizations. 
11. The inclusion of the national language in the college curriculum is a relatively new thing,
compared with the inclusion of the English language and literature in the college curriculum.
English was imposed as the sole medium of instruction in 1906 and it still enjoys over-all
supremacy in most tertiary level institutions. Meanwhile, Filipino in college has been effectively
institutionalized only in 1996.  It is about time this historical injustice is remedied.
12. Filipino is a global language taught in more than 80 schools, institutions, and universities
abroad (in some cases, full bachelor’s degree and/or master’s degree are also offered).
Obliterating the space for Filipino and Philippine Studies at the tertiary level in Philippine
colleges and universities will certainly negatively affect the status of Filipino as a global
language. – Rappler.com 
A Brunei-born Filipino citizen, David Michael San Juan serves as associate professor at De La
Salle University-Manila. He is also a board member of the Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino and a convenor of Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino/Alliance of Defenders of the Filipino Language (Tanggol Wika).

https://www.academia.edu/28690297/Madalas_Itanong_Hinggil_sa_Wikang_Pambansa_Frequently_As
ked_Questions_on_the_National_Language

You might also like