Fil 3rd Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region VI – Western Visayas


SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
La Paz, Iloilo City

A. Sagutin ang sumusunod na mga salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na
kahulugan nito.

1. /BU:kas/= __________________ 2. / bu:KAS/ = _________________

3. /LI:gaw/= __________________ 4. / li:GAW/ = __________________

5. /GA:lah/= __________________ 6. / ga:LAH /= __________________

7. /PU:la?/= __________________ 8. / pu:LAH/ = _________________

9. /BU:koh/= __________________ 10. / bu:KOH/ = ________________

B. Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong
gamit nito sa pangungusap.

(pala) 1. Dumating na _________ siya kagabi na may dalang maraming ____________.

(kasi) 2. Hindi nakadalo ang kanyang ________ _________ may lagnat ito.

(dating) 3. __________ matamlay na ang bata noong bagong ___________pa lamang nito.

(sila) 4. _________ ay na_________ ng malalaking Leon.

(lamang) 5. Ako ___________ dapat ang maging ____________ sa amin.

(tabi) 6. _________ po, maaari bang ta__________ sa iyo?

(taga) 7. Ang lalaking ___________ probinsiya ay may ___________ sa kanyang mukha.

(yaya) 8. Ang aming ______________ ay nag- _______________ nang mamasyal.

(busog) 9. Hindi ko magalaw ang aking ___________ sapagkat ako’y sobrang ____________.

(puso) 10. Ang pagpapaayos ng kanilang ___________ ang laging nasa kanyang __________.

C. Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang tambalang-salita na ginamit. 

1. Ang dating mamahaling gamot ay abot-kaya na ngayon.


2. Hatinggabi na ang uwi si Ron mula sa kanyang trabaho sa call center kaya matulog ka na.
3. May ginataan na bagong-luto sa kusina kaya magmerienda muna tayo.
4. Natapos mo ba ang ating takdang-aralin sa Sibika at Kultura?
5. Huwag kang maniwala sa tsismis dahil mga balitang-kutsero ang maririnig mo.
6. Ano ang hanapbuhay ng tatay mo sa Saudi Arabia?
7. Pusong-mamon si Rina kaya madali siyang umiyak kapag nanonood ng drama.
8. Kailangan mo ng lakas-loob kung sasabihin mo sa kanya ang katotohanan.
9. Si Maria ang nagsulat ng liham na ito dahil alam ko ang kanyang sulat-kamay .
10. Apat ang anak ni Aling Nena at si Pedring ang kanyang bunsong-anak .
D. Panuto: Isulat sa patlang ang tambalang salita na bubuo sa bawat pangungusap. Pumili
sa mga tambalang salita saloob ng kahon.
Abot-tanaw basag-ulo biglang-yaman

sirang-plaka kapuspalad Kapit-tuko

sampay-bakod Taos-puso

bukod-tangi labas-pasok

11. ____________ang pasasalamat ng biktima ng krimen sa mga taong tumulong upang


maligtas siya.
12. Bawal ang _______________ng silid-aralan habang hindi pa natatapos ang pagsusulit.
13. Naku, ________________ang mag-anak ni Tess dahil nanalo siya sa Lotto!
14. _____________ang bata sa kanyang tatay habang nakasakay sila sa motorsiklo.
15. Dahil hindi mo sinusunod ang sinasabi ng nanay mo, para tuloy siyang
_________________kapag pinagsasabihan ka.
16. _____________ang Bundok Isarog mula sa aming bahay sa bayan ng San Mateo.
17. Mukhang uulan na kaya kunin mo na ang mga _________________mo sa labas.
18. Nanalo sila sa paligsahan dahil ____________________ang kanilang pag-awit.
19. Huwag kang sumali sa __________________ng mga lasing sa labas ng tindahan.
20. Tungkulin natin ang tulungan ang mga ___________________sa ating pamayanan.

E. Pagtambalin ang mga sumusunod na halimbawa ng bugtong. Isulat ang titik lamang
bago ang numero.

1. Abaruray, abarinding kung A.


maalinsangan kumikending.

2. Dalawang ibong marikit, B.


nagtitimbangan sa bait.

3. Tubig na naging bato, C.


bato na naging tubig.

4. Isang magandang prinsesa, D.


ligid na ligid sa espada.

5. May langit, may lupa E.


may tubig walang isda.

6. Isang butyl na palay, F.


sakop ang buong bahay.
7. Dalawang balon, G.
hindi malingon.

8. Tungkod ni apo, H.
hindi mahipo.

9. Baboy ko sa Sorsogon, I.
kung di sasakyan di lalamon.

10. Baboy ko sa Mariveles, J.


balahibo’y matutulis.

Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa
si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang
pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali
at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob
ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat
ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria
ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak
nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog
na kanyang sunung-sunong.

You might also like