Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PROVINCE OF PAMPANGA

MUNICIPALITY OF MEXICO

Know all men by these presents:

Ako is Dr. Luis L. Esguerra tatay ng nasirang si Louiegie S.


Esguerra, nasa wastong gulang at kasal kay Angelita S. Esguerra
nakatira sa #189 Laug, Mexico, Pampanga ay taos pusong nanunumpa sa
ngalan ng Diyos at saligang batas ng Pilipinas na noong:

1.) Pebrero 01, 2019 ganap na 5:30 ng umaga ay nakatanggap ang


asawa ko ng tawag sa cellphone number na 09171609977 na pag
aari ng anak kong si Louiegie S. Esguerra na nagtatanong ng
ganito, “Kilala niyo ba ang Plate number CAA 3424 ang sagot ng
asawa ko “Opo, alam ko sa anak ko yan kay G-boy”,” naaksidente
po kritikal yung lagay ng driver”,” Oh, sige po punta kami dyan”
sagot ng asawa ko. Habang kami ay paalis dito sa bahay may
natanggap kami ulit na tawag galing sa Paramedic” ang sabi saan
na po kayo?’ dinala na po naming ang driver dito sa JBLRH ER”
and sagot ng asawa ko “sige po naglalakbay na kami papunta
dyaan, paki asikaso na lang po”. Pagdating naming sa JBLRH ER
lumapit sa akin ang isang Paramedic ang sabi “Kayo po ba ang
kasamahan? “Opo”, ang sabi ko “ Ako ang tatay” Ito po ang nakuha
naming sa sasakyan isang relo, isang wedding ring, isang
cellphone.” “Asan ang wallet?” tanong ko “ibinigay po naming sa
mga puli” sabi ng Paramedic isang minute ang nakalipas nilapitan
ko ang anak ko.
 Nakita ko na walang malay at naka intubate. (ito’y isang
paraan upang matulungan ang isang pasyente na kritikal
ang lagay sa paghinga)
 May sugat siya sa kanang bahagi ng noo malalim at
dumudugo
 Dumudugong sugat sa ilong
 Dilat na pareho ang kanyang “pupil” at hindi na
nagrerespond sa anumang nakakasilaw na liwanag (Brain
Dead)
 May tibok na Puso
 May hininga (Regular)
 Hindi gumagalaw at nagreresponde sa anumang masakit na
“stimuli”

Nilapitan ko ang Doktor ang pangalan ay Dr. De Guzman, saglit


kaming nag usap sa lagay ng pasyente at ang advised sa akin kailangan
siyang sumailalim sa CT scan ng ulo, serye ng X-ray para malaman kong
may iba pang pinsala sa ibang parte ng katawan at blood test. Nilinis at
tinahi ang mga sugat, nilagyan ng sonda at ipinasok na sa ICU.
Pagkapasok as ICU ikinabit na ang kayang tubo sa ventilator, “himala na
lang ang pag asa naming sabi ko sa sarili ko” hindi ako mapakali mga
7:30am pumunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
Tiningnan ko ang kotse at napasin kong wasak na wasak ang unahang
bahagi nito, Dala ang kaba ako’y daglian bumalik sa JBLRH kung saan
nadatnan ko ang anak ko na si Nikoll S. Esguerra isang Mechanical
Engineer na nag tatatrabaho sa Petro Limay Bataan at ang kapatid kong si
Leonilo L. Esguerra at iba pang kamag-anak. Inutusan ko ang kapatid
kong pumunta sa Compact Police Station upang kunin ang wallet dahil
batid ko na ito’y may usaping legal. Mga isang oras ang nakaraan bumalik
ang kapatid ko at sinabi na wala daw ang wallet ng anak ko sa kanila. Ang
sagot ko sa kapatid ko “Eh, ang sabi ng Paramedics dito sa akin sa ER,
Nasa pulis Daw?” “walang lamang wallet ang shoulder ban a inabot sa
kanila”, sabi ng kapatid ko, sa mga sandaling iyon sinabihan ko ang asawa
ko na si Angelita S. Esguerra na itext and asawa niyang si Geneva A.
Esguerra na umuwi kaagad dito sa Pampanga dahil naaksidente ang
kanyang asawa. “Tinext ko na kanina pa ng papunta tayo dito sa hospital”
“sige” sagot ko. Lumapit ulit sa akin yung kapatid ko ng mga sandaling iyon
at sinabihan ako na pumunta ako sa presinto dahil naaksidente daw ang
drayber doot at kung hindi kami magsasampa ng reklamo sa loob ng 18
hours ay kanilang pakakawalan. Tuliro man, kasama ang malaking kaba sa
dibdib pumunta kami ng asawa ko kasama si Geneva (asawa ng
namayapa) na noong sandaling iyon ay dumating galling Cainta, Rizal.
Pagdating ng presinto kinausap kami ni P01 Levy Almadin at isang Police
na Nakita ko lang ang pangalan sa name tag “Sason”.

Ang unang tanong ko “Sino po ba ang Driver?” ano po ba ang


nangyari?” pangalawang tanong ko na parehong di sinasagot ng akusado,
na tahimik lang na nakaupo sa harap ng mga police, siya nga po pala si
Mr. Jay Ortiz may ari ng truck sabi ni P01 Almadin. “kayo po ba
magsasampa ng reklamo o hindi? kasi pakakawalan naming ang drayber
sa loob ng 18hours”. “Pwede ba wag muna nating pag usapan yang mga
bagay nayan dahil agaw buhay sa hospital ang anak ko. Pangalawa, hindi
ko pa madedesisyonan yan nasa stage of shock kaming lahat dahil sa
biglang pangyayari, wala bang CCTV tanong ng asawa ko. Pwede bang
maghanap tayo ng CCTV?” sabi ulit ng asawa ko. “Pwede” sabi ni P01
Almadin. Umalis si P01 Alamadin at makalipas ang 30-45 mins bumalik
siya sa presinto at ang sabi” may nakuha ako sa shell station pero di
hagip”. Nang mga sandaling iyon kinausap ko na yung manugang ko na
magsampa siya ng kaso kasi di kami pwedeng mga magulang dahil sila ay
legal na kasal. Ginagawa siya ng statement ng mga pulis”. O sige Pa-
Inquest niyo nay an at magrereklami daw” ang sabi ng Police nasi Sason.
Bumalik kaming mag asawa sa JBLRH dala dala ang pag asa n asana
bigyang himala ang anako kong mabuhay kahit alam kong brain dead na
siya doon pa lamang sa Emergency Room. Kinahapunan (2-3pm),
pumunta sila sa Fiscal at naghain ng reklami, ganap na 6:00-6:30pm
bumalik sila sa JBLRH at sinabihan akong pinakawalan ang drayber dahil
sa di sapat ang ebidensya. Inutusan ko yung asawa ko at anak ko na si
Nikoll. S. Esguerra na alamin sa presinto kung bakit nagkaganoon ang
desisyon gayong Deep Coma na ang lagay ng anak kong si Louiegie. Ilang
saglit pa ang lumipas tumawag ang asawa ko galing sa presinto at
nakikiusap daw si Mr. Jay Ortiz na iunload ang dalang buhangin ng truck
at saka ibalik” hindi wag nyong paalisin ang sabi”. Nang hindi ako pumayag
nakiusap daw si Mr. Jay Ortiz sa anak kong si Nikoll na payagan silang I
unload ang buhangin dahil baka daw pumutok ang gulong”. Sige na
payagan ta ne “ang sagot at tanong ng anak ko sa ina niya. Tumawag ulit
sa akin ang asawa ko at sinabi niyang pumayag ang anak kong si Nikoll na
ialis ang truck kinausap ko si Mr. Ortiz at nangako siya sa amin na i unload
ang buhangin at saka niya ibabalik”. Mapapangahwakan ko ba ang iyong
mga pananalita”. “Opo” sagot niya. Doon naputol ang aming usapan.

2.) Pebrero 02, 2019 ganap na 8:00am bumalik ako sa istasyon ng


pulis at tinanong ko kung naibalik na ba yung truck, hindi pa ang
sagot ng isang pulis na di ko na maalala ang pangalan.

3.) Pebrero 03, 2019 8:30-9:00pm bumalik ulit kami sa istasyon ng


pulis at inalam kung ibinalik na ang truck. Nagkaroon kami ng
pagtatalo ng mga naka duty na police dahil sa pagrelease ng truck”
gusto niyo puntahan naming sa Nueva Ecija para lang masiyahan
kayo” sagot ng Police nan aka duty na pulis na di ko maalala ang
pangalan.

4.) Pebrero 04, 2019 nagkaroon ng 3x cardiac arrest ang anak ko.

5.) Pebrero 05 ganap na 2:00 ng umaga ganap na sumakabilang


buhay ang aking anak. Bumalik ako sa istasyon at ipinagbigay alam
sa mga naka duty na pulis, pumunta sila sa hospital at beneripika
ang aking salaysay.

6.) Pebrero 05-09, 2019 – lamay wala manemisaryo o pakikiramay na


natanggap sa kabilang Partido. Bumuhos ang pakikiramay ng mga
ka-baryo at kasamahan kong Doctor.

7.) Pebrero 10, 2019 inihatid na sa huling hantungan ang aking anak
(Paalam Mahal kong anak, sana sumalangit nawa ang iyong
kaluluwa)

8.) Pebrero 11, 2019 bumalik kaming mag asawa kasama si Geneva
at balaing si Gelsie Gaspar upang kumuha ng update. Ang sabi ni
Police Sason pinadalhan na nila ng sulat yung may ari na ibalik ang
truck. Daglian kaming pumunta sa LBC Center malapit sa
intersection upang berepikahin at nakita naming ang petsang 02-07-
2019 pinadala ang sulat kay Manuel Ortiz Lamzon, Barangay
Maligaya Cabiao, Nueve Ecija.

9.) Pebrero 13, 2019 bumalik kami ulit sa Police Station upang humingi
ng tulong ng karagdagang imbestigasyon at ebidensya.
Nangkasundo kami ni Police Sason na tutulong siya at team sapag
hanap ng karagdagang ebidensya. Kinabukasan, umuwi kami ng
puno ng pag asa at maluwag ang dibdib na kahit papaano ay
mareresolba na ang pagkamatay ng anak ko.

10.) Pebrero 14, 2019(Valentine’s Day) ganap na 7:45 ng umaga


nauna pumunta sa pinangyarihan ng aksidente. Doon ko nakita ang
mga unipormadong tao kulay asul ang suot na may luminous early
warning device natuwa ako sa pag aakala na ang mga taong ito ay
galing sa Compact Police at nililinis ang gilid ng kalsada sa
gagawing re-imbestigasyo. Umupo ako at nagmamasid sa paglilinis
ng mga sidewalk vendor pati na ang illegal vulcanizing shop. Ilang
saglit pa may isang babae ang nagmasid din (katabi ko siya) sa
paglilinis ng isinasagawang “Bakit sila nagcle-clearing” tanong ko.
Meron kasing nabangga dyaan, isang puting kotse at truck, balita ko
kritikal ang drayber”. “Patay na ang drayber” sabi ko “anak ko siya”
naghahanap ako ng witness kaya ako nandito”. “Sana matulungan
moa ko” na umiiyak pa ng mga sandaling iyon.” “Atin kung balu ya
ing minunang menakit bayu la pa man dinatang reng pulis” sabi ng
babae. “Baka pwede mo kong sopan kaya”, sige pakulayit ke” sabi
ng babae. Ilang minute ang nakaraan dumating na ang asawa ko at
anak ko na si Al Timothy S. Esguerra, Geneva A. Esguerra at
Gelsie Gaspar. Nagusap kami at sa bandang huli pumayag siya na
maging testigo.

11.) Pebrero 15, 2019 - Preliminary Investigation Fiscal

12.) Pebrero 22, 2019 - Presentation of additional evidence.

13.) March 07, 2019 – Nakita ang wallet sa Passsenger Seat

14.) March 15, 2019 – Counter Affidavit

15.) March 22, 2019 – Rejoined sa usapin ni Fiscal

16.) Na ang lahat ng ito’y aking ginagawa upang mabigyan hustisiya


ang pagkamatay ng anak ko (Louiegie S. Esguerra)

17.) Na sa aking pag aanalisa ay tinakpan nila/sinira ang mga


ebidensya sa pamamagitan ng pagtago ng truck (blood stain at yupi
ng truck na makakapagbigay tulong sa imbestigasyon)
18.) Na lahat ng tama sa ulo ng nabubuhay ay lahat sa kanan na
may posibilidad na pagkabangga ay inatrasan pa siya na siyang
kanyang ikinamatay.

19.) Na di ibinabalik ang truck buhat ng February 2 to 26, 2019.

20.) Na wala man lang emersaryo sa kabilang Partido


nakiramay/nakibahagi sa tulong pinansyal dulot ng pagkamata ng
anak ko.

21.) Na ang buong pamilya ay nalungkot at di makapagtrabaho sa


loob ng isang buwan higit pa.

22.) Na ang lahat ng pangyayari ay dapat pagbayaran ng may ari at


drayber sa pagkamatay ng anak ko na naayon sa saligang batas ng
Pilipinas.

23.) March 07, 2019 – inutusan kami ni Fiscal na kunan ng litrato


ang unahan, likuran at magkabilang gilid ng kotse bago dalhin sa
insurance. Sa di ko maipaliwanag na pangyayari nautasan ko si
Genesis Agregado (Kapatid ng Asawa ng Namayapa) na silipin
ang ilalim ng passenger seat “Alas” sabi nya, nandun ang wallet na
may lamang: Driver’s License, Cash (P5,000.00), PRC ID at Alumni
ID

Dr. Luis L. Esguerra

You might also like