Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

RENZO & HANZ


Malaya na ako! (H & R)
Sa wakas! Malaya na ako! (R)
Kaya ko na muling gawin kahit ano! (H & R)
Ang sariwang hangin, ang malawak na lupain (R)
ang mga taong nagpapasaya sa akin (R)
Sa wakas! Makikita ko na muli kayo! (R)

2. MAVY
Talaga ba? Talaga bang malaya ka na?
Paano mo nasabing kaya mo na gawin kahit ano?
Ano itong bagay na naguudyok sayo?

3. ROOSH
Kalayaan kaibigan
Lahat ng tao ay mayroon nito
Ikaw at ako ay kayang gawin kahit ano
Dahil gusto ko at malaya ako

4. BABY
Nagkakamali ka kaibigan
Hindi lahat ng iyong ginagawa’y dahil sa kalayaan
Lahat ng pangyayari ay may dahilan
Ngayon ang konseptong ito ay iyong pagisipan ng marahan

5. MAVY
Ang konseptong determinismo
Sa batas ng kalikasan naayon ito
Hindi ba’t lahat ay nakatadhana na?
Ngayon sabihin mo, malaya ka pa rin ba?

6. CHESKA
Hindi ba’t ito’y aking kagustuhan?
Piniling gumawa ng mali at humantong sa kulungan?
Ito’y aking intension simula pa lamang
Hindi pangyayari na sa aki’y itinadhana

7. PIPER
Yung totoo aking kaibigan? Itinadhana nga ba tayo o pinagtagpo?
Pinagtagpo ng pareho nating landas
Landas na kung saan ay alam natin ang kahahantungan
Na dapat ay pareho nating harapin at panindigan

8. HANZ
Ako’y naguguluhan, salitang responsibilidad ay napakinggan
Ako bilang preso ay wala talagang kasalanan
At ito ang inyong dapat malaman
Nakatadhana ang lahat mangyari kaya ako’y walang pananagutan
9. PECJO
Umalis na kayo, ang iingay niyo!
Di nyo ba alam nakakaistorbo na kayo dito?
Hindi ba’t malaya na kayo?
Bakit ayaw nyo pang umalis dito?

Ay sorry po
Sorry po

You might also like