Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MGA MANANALIKSIK: Arianne Macatimpag, Hazel Montalla, Mavy

Tiu, Hanz Matias, Stephen Monjardin

AKSYON RISERTS: Attention Deficit Hyperactivity Disorder

(ADHD): Epekto nito sa Pagbasa at Pag-unawa ng mga Mag-aaral

PUBLIKASYON: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto

tungo sa Pananaliksik
ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Attention Deficit

Hyperactivity Disorder, isang problema sa utak na puwedeng

makakaapekto sa paaralan at pakikipag-ugnayan ng isang tao

[ CITATION Leg20 \l 8201 ]. Tinatalakay dito kung ano ang ADHD at

kung may lunas ba ito, negatibong epekto nito sa pagbasa’t

pag-unawa, at paano komprontahin ang mga dumaranas ng sakit

na ADHD. Gamit ang laptop at internet, nagsagawa ng masusing

pangongolekta at pag-aanalisa sa mga artikulong may

kinalaman sa ADHD. Sa pamamagitan nito, natuklasan na ang

ADHD ay isang neurological na sakit na walang lunas ngunit

may gamot para sa mga sintomas, mayroon din itong negatibong

epekto sa pag-unawa’t pagbasa ng mga mag-aaral tulad ng

kahirapan sa p ag-pokus at madaling naiistorbo, kaya naman

nangangailangan sila

ng malalim na pagintindi at pag-unawa sa kalagayan.


A. INTRODUKSYON

Marami’t marami pa rin ang mga nakakaranas ng kahirapan

sa pagbabasa at pag-unawa. Ayon sa artikulo ni Kathryn

Drummond, halos 10 milyong mga bata ang nakakaranas ng

problemang ito. Gayumpaman, 90-95% ng mga estudyanteng may

kahirapan sa pagbasa ay maaaring makaraos kung maaagapan sa

murang edad [CITATION Kat09 \l 1033 ].

Isa sa mga dahilan ng kahirapan sa pagbabasa ang sakit na

Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD. Ang ADHD ay

isang pangkaraniwang sakit sa pag-uugali na may kinalaman sa

utak ng tao. Ang mga batang may ganitong kondisyon ay

madalas na sobrang likot, hindi maka-pokus at mahirap

kontrolin kapag may gusto [CITATION DrL16 \l 1033 ].

Tinatayang apat hanggang limang porsyento ng mga bata sa

buong mundo ang naapektuhan ng neurological disorders base

sa National Council of Disability Affairs. Ang ADHD din ay

ang pinaka-‘diagnosed’ na sakit sa pag-uugali sa mga bata

ayon sa New York Times at ito ay puwedeng madala hanggang sa

pagtanda.

Ayon kay Dr. Lim Boon Leng, ang sakit na ito ay

nakakaapekto simula pa sa pagkabata ng isang tao hanggang sa

pagtanda. At, ang pinaka-mababang kaso ng ADHD ay mula sa


ika-pitong taong gulang, sa kadahilanang hindi nalalaman

kung handa na ba sa paaralan ang bata o hindi [ CITATION Jil16 \l

1033 ]. Mas marami din and mga lalakeng nagkakaroon ng ADHD

kaysa sa mga kababaihan Ngunit wala pang sapat na paliwanag

ang siyensiya ukol ditto [CITATION DrL16 \l 1033 ].

Isinasaad din ni Castillo na mapa-hanggang ngayon,

nanatiling misteryo ang pinagmulan ng ADHD ngunit sinasabing

ito ay may kinalaman sa pagsa-salin lahi o namamana. Patunay

dito ang sinabi ni Dr. Leng na mga sanhi ng naturang sakit

kung saan puwedeng mamana ang ADHD, makuha dahil sa hindi

balanseng kemikal sa utak o masasamang bisyo tulad ng

paninigarilyo, pag-inom ng alak, paggamit ng ipinagbabawal

na droga at hindi tamang nutrisyon sa panahon ng

pagbubuntis.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Attention Deficit

Hyperactivity Disorder” o ADHD, isang kundisyon kung saan

may kakulangan sa istraktura ng utak na nagdudulot ng labis

na pagkabalisa o kawalan ng kakayahang tumutok ng isang

indibidwal sa isang bagay, at layon nitong sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

 Ano ang sintomas ng ADHD at kung may lunas ba ang ADHD?

 Ano ang mga negatibong epekto ng ADHD sa pagbasa’t

pagunawa ng mga mag-aaral?

 Paano dapat ituring ang mga taong may ganitong

kondisyon?

C. LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mabigyan ng

edukasyon ang myembro ng pamilya na may kamag-anak na ADHD

para lumawak ang kanilang pag-unawa, maging pasesyoso at

pano alagaan ang may ADHD. Ang mga batang may ADHD ay
nahihirapan magbigay-pansin, kumikilos nang hindi nag-iisip

o padalus-dalos at nagiging masyadong malikot. Gayumpaman,

maaaring ganito talaga ang mga bata lalo na kung maliit pa

sila. Pero sa mga batang may ADHD, ganito ang kanilang

ikinikilos parati at hindi ito nawawala o nababawasan. Ang

mga sintomas na ito ay may negatibong epekto sa kanilang

buhay, lalo na sa bahay, sa paaralan, at sa kanilang

pakikipag-ugnayan sa iba.

D. MATERYALES, METODO AT AKSYON

Isinasaad ang mga materyales, metodo at aksyong ginamit

upang maisagawa ang pananaliksik.

MATERYALES

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng makabagong

teknolohiya tulad ng laptop at internet upang makakuha ng

impormasyong kailangan.

METODO

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng malalim at

deskriptibong imbestigasyon upang maunuwaang maigi ang

isinagawang pananaliksik.

AKSYON
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagkalap sa mga

artikulong may kaugnayan sa paksa. Pagkatapos ay nagkaroon

ng analisasyon sa mga datos na nakolekta upang magamit

bilang mga katibayan o kasagutan sa isinagawang

pananaliksik.

E. NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Isinasaad ang mga natuklasan sa pananaliksik, mga

kongklusyong nabuo sa pamamagitan nito at ang

mairerekomendang suhestiyon ng mga mananaliksik.

NATUKLASAN

Napag-alaman batay sa isang artikulo ng Mayo Clinic na

ang ADHD, isang kondisyon sa utak at paguugali ay walang

lunas. Gayumpaman, makakatulong ang maagang ‘diagnosis’ at

paggamot nito para makontrol ang mga sintomas, ngunit ang

sinasabing paggamot ay hindi nakakalunas [ CITATION Att19 \l 1033 ].

Ayon sa WebMd, may tatlong kategorya ng sintomas ang ADHD,

ito ay ang: kawalan ng atensyon, sobrang aktibo at

impulsibo. Para sa kawalan ng atensyon, nakakaranas ang

batang may ADHD ng kawalan ng pokus, hindi organisado,

makakalimutin, hindi nakikinig at madaling malingat ang

atensyon. Sa sobrang aktibo naman pumapasok ang pagiging


hindi mapakali sa isang puwesto ng bata, masyadong

nagsasalita, hindi matahimik at laging gumagalaw. Panghuli,

sa impulsibo nakapaloob ang hindi pagiging pasensyoso at

kahirapan sa paghintay ng tamang oras para magsalita o

magbigay reaksyon [ CITATION Sym12 \l 1033 ].

Ang paggamot sa ADHD ay maaring sa pamamagitan ng

nireresetang gamot o therapy. Pinaka-epektibo ang paggamit

ng mga nireresetang gamot ngunit para sa National Institute

of Mental Health, maiging hindi lamang mga kemikal na gamot

ang gamitin bagkus ay mag-konsidera ng ibang paraan. Sa

gamot, maaaring ireseta ng doktor ay stimulant o non-

stimulant, depende sa kalagayan ng pasyenteng may ADHD

[ CITATION ADH18 \l 1033 ]. At para sa therapy, merong

psychotheraphy at behavioural therapy.

Ang negatibong epekto ng ADHD sa pagbasa ay ang

kahirapan ng isang mag-aaral na makapag pokus sa kanyang

pagbabasa, at Malaki rin ang epekto nito sa pagunawa ng

isang mag-aaral dahil nahihirapan siyang intindihin ang

nilalaman ng teksto [ CITATION Jil16 \l 8201 ] . Sa kahirapan sa

pagbigay atensyon ng mga may ADHD, nahihirapan silang

magbasa sapagkat hindi sila napaka-atentibo sa klase na siya

namang maaaring maging isa sa mga dahilan pa ng pagkakaroon


niya ng dyslexia, isang sakit na nakakaaapekto sa

pagbasa[CITATION Ang28 \l 1033 ]. Ayon naman kay Amanda Morin, ang

batang may ADHD ay laging argumentatibo o gusto laging siya

ang huling salita sa isang alitan. Sa ibang sitwasyon, gusto

ng mga batang may ADHD na sa kanila ang atensyon at hindi

natitigil hangga’t hindi nakukuha ang kagustuhan. Ang

impulsibong pag-uugali na ito ng isang may ADHD ay

nakakaapekto sa pag-unawa niya sa ibang tao o sa isang

bagay. Bukod pa roon, dahil hindi madaling nakakapag-pokus

and may ADHD sa isang bagay, nakakadagdag ito sa hindi niya

pag-unawa dito[ CITATION Mor13 \l 1033 ].

Ayon kay Merlinda Smith (2019) upang makatulong sa mga

taong may ADHD kailangan ay tulungan natin sila makipagusap

ng harapan at dahan dahan. Pwede ring gumamit ng non-verbal

cues gaya ng eye contact, tono ng boses, at mga galaw upang

mapadali pakikipagusap. Marapat ring tulungan sila sa

kanilang pakikinig at iwasan na sila ay maistorbo. Sinabi

niya rin na kapag sila ay nagtatanong, sagutin dapat ng

maayos upang maintindihin nila ang mga bagay na hindi nila

maintindihan, at sa huli tulungan sila sa pag aayos ng

kanilang emosyon, kung pakakalmahin o pasisiyahin [ CITATION

Smi19 \l 8201 ].

KONGKLUSYON
Batay sa mga nakalap na impormasyon ang ADHD ay

nakakaapekto sa pag-iisip ng isang bata o matanda

naaapektuhan nito ang pagbasa at pagunawa na dapat ay

pagtuunan ng pansin at paglaanan ng mahabang pasensya sa

pag-unawa.

REKOMENDASYON

Batay sa nahinuhang kongklusyon, ang mga mananaliksik

ay nakabuo ng suhestiyon ukol dito.

 Para sa mga hindi nakakaranas ng ADHD- Kailangan ng

mahabang pasensya sa pakikisalamuha at pagintindi sa

mga nakakaranas ng Attention Deficit Hyperactivity

Disorder dahil ang sakit na ito ay may kinalaman sa

utak o pag-iisip at pag-uugali.

 Para sa mga magulang- Mainam na ipatingin sa doktor ang

anak sa murang edad upang malaman kung positibo ba sa

mga sintomas ng ADHD, at ng maihanda ang bata sa

maaaring maranasan. Nararapat ding i-angkop ang

kaniyang pag-aaral sa tamang eskwelahan na tumatanggap

sa kalagayang ADHD, tulad ng Special Needs Education

(SPED)na paaralan.
F. BIBLIYOGRAPIYA

ADHD Treatment Options. (2018). Retrieved Pebrero 25, 2020,

from Healthline:

https://www.healthline.com/health/adhd/treatment-

overview

Angela. (2011, Enero 28). How Does ADHD Affect Reading

Skills? Retrieved Pebrero 29, 2020, from Reading

Horizons: At-Home Solutions:

https://athome.readinghorizons.com/blog/how-does-adhd-

affect-reading-skills

Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) in children.

(2019, Hunyo 25). Retrieved Pebrero 25, 2020, from Mayo

Clinic: https://www.mayoclinic.org/diseases-

conditions/adhd/symptoms-causes/syc-20350889
Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder. (2019, Setyembre).

Retrieved Pebrero 25, 2020, from National Institute of

Mental Health:

https://www.nimh.nih.gov/health/topics/attention-

deficit-hyperactivity-disorder-adhd/index.shtml

Castillo, J. E. (2016, Oktubre 18). A Quick Overview of

Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Retrieved

Pebrero 25, 2020, from Smart Parenting:

https://www.smartparenting.com.ph/parenting/kids-with-

special-needs/basics-attention-deficit-hyperactivity-

disorder-adhd-a1162-20161018-lfrm?

fbclid=IwAR1QSN6iqTcH4cPFk9_5jZA7K_Urd7odxe9IsvKYDNSrki

J18annlpOyIeU

Drummond, K. (2009, Nobyembre 8). About Reading

Disabilities, Learning Disabilities, and Reading

Difficulties. Retrieved Pebrero 25, 2020, from Reading

Rockets: https://www.readingrockets.org/article/about-

reading-disabilities-learning-disabilities-and-reading-

difficulties?

fbclid=IwAR0yf7ddu7WsRD44jdiDy941w4p7P4PcwDifAv35XuH6rx

PwCKTnuZDV5RE

Legg, T. J. (2020, Pebrero 19). 14 Signs of Attention

Deficit Hyperactivity Disorder. Retrieved Pebrero 26,


2020, from Healthline:

https://www.healthline.com/health/adhd/signs

Leng, D. L. (2016). ADHD sa mga bata: Sanhi, sintomas at

treatment. Retrieved Pebrero 25, 2020, from The Asian

Parent: https://ph.theasianparent.com/ano-ang-adhd

Morin, A. (2013). What Teachers See: How ADHD Impacts

Learning in Grade School. Retrieved Pebrero 29, 2020,

from Understood:

https://www.understood.org/en/learning-thinking-

differences/child-learning-disabilities/add-adhd/what-

teachers-see-how-adhd-impacts-learning-in-grade-school

Smith, M. (2019, Nobyembre 20). Adult ADHD and

Relationships. Retrieved Pebrero 25, 2020, from Help

Gudie: https://www.helpguide.org/articles/add-

adhd/adult-adhd-attention-deficit-disorder-and-

relationships.htm

Symptoms of ADHD. (2012). Retrieved Pebrero 29, 2020, from

WebMd: https://www.webmd.com/add-adhd/childhood-

adhd/adhd-symptoms#

You might also like