Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

May isang bata na nagpupumilit magbasa ng kanyang manipis na aklat na nakukulayan ng dilaw

sa pabalat nito. Mababakas din sa pabalat nito ang larawan ng ina na tinuruan ang kanyang anak. Sa
kabila ng malamig at madilim na gabi. Tanging liwanag lamang sa maliit na lampara ang nagbibigay linaw
sa binabasa ng bata. A Ba Ka Da… A Ba Ka Da Ee Ga… Patuloy ang paglamlam ng ilawan subalit ang
kagustuhan ng bata na matutong bumasa ay hindi mapipigilan lamang ng isang maliit na lampara.

Isang mapagpalang araw po inyo. Magtinginan po kayo sa isa’t-isa na may kasamang pagbati. Sa
ating mga kagalang-galang at mahuhusay na namumuno sa ating paaralan, sa mga guro na walang
sawang nagtitiyaga matuto lamang ang mag-aaral, sa mga magulang na patuloy ang suporta sa kanilang
mga anak at higit sa lahat sa mga batang tulad ng nabanggit ko kanina na walang lamparang maliit na
pipigil sa kanilang mga pangarap sa buhay. Mabuhay po kayo!

Ito ang araw na paggagawad ng mga gantimpala sa mga mag-aaral na halos ginagawang gabi ang
umaga at ang umaga ay ginagawang gabi. Ang ibig ko pong sabihin ay pagtitiyaga sa lahat ng oras upang
maisakatupan ang mga pangarap at makapagtapos ng pag-aaral. Ilang kilay na ba ang nasunog? Ilang
pluma na ba ang naubusan ng tinta? At higit sa lahat ilang pagpapagal pa ba ang ginawa makarating
lamang kaganapan na ito. May itatanong lamang po ako sa inyo. Alam nyo po ba ang katagang “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan?” na sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal.
Panigurado alam kong alam nyo ang ibig sabihin ng katagang iyon. Subalit isasalaysay ko sa inyo kung
paano na lamang nasabi ng ating pambansang bayani ang kataga niyang iyon. Sa huling kabanata ng
tanyag na nobelang Noli Me Tangere ay may isang pangyayari na inilagay ni Dr. Jose P. Rizal ang kanyang
pagkatao sa tauhang si Elias. Dumating na ang oras na kailangang may makaalam na nang itinatagong
kayamanan na pag-aari ng angkan ni Crisostomo Ibarra na isa sa mga pangunahing tauhan sa Noli Me
Tangere. Bago tuluyang bawian ng buhay si Elias ay nakausap nya si Basilio na noon ay isang musmos na
bata pa lamang. Sinabi niya rito “Basilio, sunugin mo ang aking bangkay bago pa sumapit ang bukang
liwayway at pagkatapos ay hukayin mo ang puntod ng nuno ni Ibarra. Naroon ang kayamanan at mga
alahas. Gamitin mo iyon sa tamang paraan at kapag dumating ang araw na ikaw ay tumanda ipagtuloy
mo ang mga nasimulang pangarap ni Crisostomo Ibarra.” Naisip nyo ba ang gusto talagang mangyari ng
ating pambansang bayani sa ating mga kabataan? Kaya kayong mga kabataan na naririto na loob ng
bulwagan na gagawaran ng mga gantimpala sana ay huwag nyong iwaglit sa inyong mga isipan na kayo
bilang mga mag-aaral ang tunay na pag-asa ng bayan. Darating ang panahon na kayo na ang bubuhay sa
inyong mga magulang, magtataguyod ng isang pamilya at magpapaunlad ng bayang sinilangan.
Ipagpatuloy lamang ang pagsusunog ng kilay, pagbuklat ng mga aklat na magbibigay ng kaalaman.
Ipagpatuloy pa ang pagpapagal at pagtitiyaga sapagkat ang lahat ng pangarap ay inyo ring makakamit.
Darating ang araw na makakating kayo sa pedestal at titingalain subalit huwag makakalimot sa
Panginoon at samahan ng pagdarasal ang lahat ng gawa at pagtitiyaga. Tandaan nyo ang aking mga
tinuran nung una mga kabataan at mag-aaral na walang maliit na lampara o malamlam na liwanag ang
maaaring pumigil sa inyong mga hangarin at pangarap sa buhay. Mabuhay po kayo at kasihan nawa kayo
ng mahal na Panginoon. Salamat po.

You might also like