Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NITO

Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa


pinagkukunang yaman. Ipinapapakahulugan ang kakapusan bilang hindi kasapatan
(insufficiency) ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ang kakapusan ay umiiral dahil sa dalawang kalagayan. Una pisikal na
kalagayan na tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman at ang ikalawa ay ang kalagayang
pangkaisipan na tumutukoy naman sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Hindi ipinahihiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na


salat sa pinagkukunang-yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na
mayaman ang bansa sa pinagkukunang-yaman. Samakatwid, hindi inaalintana ng kakapusan ang
pisikal na dami ng pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyan diin sa konsepto nito ang paraan kung
bakit hindi nakatugon ang pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaaasahan
na isa sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaaasahan din na
isda ang pangunahing produkto at pagkain dito. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring
marami sa ilog at dagat ang nangamatay (biologically dead) dahil sa polusyon. Maaasahan na
bababa ang produksiyon ng isda. Marami ang umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang
mga umaasa sa isda bilang pagkain ay mahihirapang humanap ng pamalit dito.

Batay sa halimbawa, likas ang kakapusan sa yaman ng dagat at ilog. “Likas ang
kakapusan” dahil dito bumababa ang kakayahan ng mga ito na buhayin ang sarili(self-replenish)
dahil sa mapang-abusong paggamit dito ng tao. Ang kakapusan naman ay namalas lamang nang
unti-unti nang nararanasan ng tao ang pagbaba ng produksiyon ng isda. Ipinapalagay sa
halimbawa na ito na ang kakapusan ay simulang naranasan sa paglaganap ng polusyon.

SA YAMANG LIKAS

Bagama’t ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman, ang hindi wastong paggamit nito ay
magdudulot ng kakapusan. Halimbawa, ang walang tigil na pagputol ng mga puno ay magiging
dahilan upang unti-unti ay maubos ang kagubatan at wala nang maiiwan sa susunod na
hernerasyon. Ang mga limitadong pinagkukunang-yaman ay hindi sapat sa lumalaking populasyon
na may maraming pangangailangan. Bunga nito, mahalagang isaalang-alang ang pinakamataas
na kapakinabangan na makakamit ng tao sa bawat paggamit ng yamang likas. Ang isa sa mga
salik na nakakaapekto sa ating likas na yaman at nakapagpapababa ng produksiyon na nakukuha
rito ay ang polusyon. Ang biglaang pagbaha dahil sa baradong mga dakuyang kanal at ilog at
landslide ay ilan sa mga bunga ng polusyon. Sa hangin, nababawasan ang dami ng oxygen na
maaaring malanghap ng tao bunga ng maitim at makapal na usok mula sa mga pabrika at
sasakyan.
KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NITO
Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa
pinagkukunang yaman. Ipinapapakahulugan ang kakapusan bilang hindi kasapatan
(insufficiency) ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ang kakapusan ay umiiral dahil sa dalawang kalagayan. Una pisikal na
kalagayan na tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman at ang ikalawa ay ang kalagayang
pangkaisipan na tumutukoy naman sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Hindi ipinahihiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na
salat sa pinagkukunang-yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na
mayaman ang bansa sa pinagkukunang-yaman. Samakatwid, hindi inaalintana ng kakapusan ang
pisikal na dami ng pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyan diin sa konsepto nito ang paraan kung
bakit hindi nakatugon ang pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaaasahan
na isa sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaaasahan din na
isda ang pangunahing produkto at pagkain dito. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring
marami sa ilog at dagat ang nangamatay (biologically dead) dahil sa polusyon. Maaasahan na
bababa ang produksiyon ng isda. Marami ang umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang
mga umaasa sa isda bilang pagkain ay mahihirapang humanap ng pamalit dito.
Batay sa halimbawa, likas ang kakapusan sa yaman ng dagat at ilog. “Likas ang
kakapusan” dahil dito bumababa ang kakayahan ng mga ito na buhayin ang sarili(self-replenish)
dahil sa mapang-abusong paggamit dito ng tao. Ang kakapusan naman ay namalas lamang nang
unti-unti nang nararanasan ng tao ang pagbaba ng produksiyon ng isda. Ipinapalagay sa
halimbawa na ito na ang kakapusan ay simulang naranasan sa paglaganap ng polusyon.

SA YAMANG TAO
Ang pangunahing indikasyon ng kakapusan sa yamang tao ay ang haba ng kanyang
buhay. Ngunit sa kasalukuyan, ang edad ng tao ay 70 taon. Sa katunayan, kabilang ang edad ng
tao sa batayan ng pag-unlad. Ang panukat ay tinatawag na longevity. Ang dami (magnitude o size
at antas ng paglago (growth rate) ng populasyon sa bansa ay isa pang indikasyon.
Nagaganap sa ilang mauunlad na ekonomiya (Developed economies) tulad ng Canada,
Japan, Great Britain, New Zealand, at United States ang isang halimbawa ng kakapusan sa
yamang tao. May mga pagkakataon na ang mga nabanggit na developed countries ay umaangkat
ng paggawa mula sa ibang mga bansa. Kapag may kakulangan ang mga bansang naturan sa
mga tagapaghatid ng batayang serbisyo o paglilingkod sa kanilang mga mamamayan., kalimitang
umaangkat sila ng paggawa mula sa mga bansang may mataas na antas na growth rate. Isa pang
kadahilanan ng pag-angkat ng paggawa ang kakulangan sa kasanayan ng kanilang mamamayan
na tugunan o tustusan ang pangangailangan nito sa iba’t – ibang aspekto ng pamumuhay.
Halimbawa ng mga inaangkat ng mauunlad na ekonomiya ay ang paglilingkod ng mga
tagapangalaga sa matatanda at may kapansanan (caregivers), guro sa mababang paaralan, at
mga doctor at nars ng pribadong hospital.
Sa pag-angkat ng paggawa, dumarami ang bilang ng mga dayuhang maggagawa sa isang
industriya kumpara sa bilang ng mga lokal na manggagawa ng nag-angkat na ekonomiya.
Ang kalusugan at mga kasanayan(skills) ng tao ay kabilang din sa yamang tao kung saan
ang isang bansa ay maaaring may kakapusan. Ang kakapusan sa aspekto ng kalusugan ng tao ay
naipapamalas sa mga sakit at epidemya na nakaaapekto rito. Maaaring lumalala ang kalagayan
ng kalusugan ng isang taong may sakit. Maaari din niya itong ikamatay. Maaari din siyang
makahawa.
Samantala, ang kasanayan ay tumutukoy sa kakayahan at kahusayan ng tao sa isang
gawain. Ang isang ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa kasanayan sa paggawa kapag
hindi maayos ang edukasyon ng mamamayan. Malaking salik din ang hindi pagdalo sa
pagsasanay (tulad ng seminar at workshop) at mga komperensya (conferences). Matatandaan na
ang edukasyon, mga pagsasanay, at mga komperensiya ang nagbibigay ng malalim nap ag-
unawa, kinakailangang kaalaman, at wastong pag-uugali upang maayos na magampanan ng mga
mamamayan ang kanilang tungkulin bilang propesyonal at negosyante.

KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NITO


Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa
pinagkukunang yaman. Ipinapapakahulugan ang kakapusan bilang hindi kasapatan
(insufficiency) ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ang kakapusan ay umiiral dahil sa dalawang kalagayan. Una pisikal na
kalagayan na tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman at ang ikalawa ay ang kalagayang
pangkaisipan na tumutukoy naman sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Hindi ipinahihiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na
salat sa pinagkukunang-yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na
mayaman ang bansa sa pinagkukunang-yaman. Samakatwid, hindi inaalintana ng kakapusan ang
pisikal na dami ng pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyan diin sa konsepto nito ang paraan kung
bakit hindi nakatugon ang pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaaasahan
na isa sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaaasahan din na
isda ang pangunahing produkto at pagkain dito. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring
marami sa ilog at dagat ang nangamatay (biologically dead) dahil sa polusyon. Maaasahan na
bababa ang produksiyon ng isda. Marami ang umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang
mga umaasa sa isda bilang pagkain ay mahihirapang humanap ng pamalit dito.
Batay sa halimbawa, likas ang kakapusan sa yaman ng dagat at ilog. “Likas ang
kakapusan” dahil dito bumababa ang kakayahan ng mga ito na buhayin ang sarili(self-replenish)
dahil sa mapang-abusong paggamit dito ng tao. Ang kakapusan naman ay namalas lamang nang
unti-unti nang nararanasan ng tao ang pagbaba ng produksiyon ng isda. Ipinapalagay sa
halimbawa na ito na ang kakapusan ay simulang naranasan sa paglaganap ng polusyon.

SA YAMANG KAPITAL
Isa sa mga dahilan ng kakapusan ng yamang kapital ay ang kawalan ng teknolohiya o
kaalaman na kailangan upang itaas ang productivity nito. Malaki ang nagagawa ng teknolohiya
upang papigilan ang mabilis na pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman. Halimbawa nito ay
ang paggamit ng geothermal energy upang maiwasan ang pagiging palaasa sa langis. Ang
kawalan ng mga investment ay isa ring dahilan ng kakapusan ng yamang kapital. Kailangan ng
bansa ang mga papasok na puhunan upang makatulong sa produksiyon ng bansa.
Ang Yamang Kapital ay ang mga goods na ginagamit upang makalikha ng iba’t ibang
goods at serbisyo. Ang kahit anong bagay na magagamit ng isang negosyo sa paggawa ng mga
goods at serbisyo ay maibibilang dito.Ang mga gusali ay kung saan naipapamahagi ang mga
serbisyo sa mga mamimili. Kabilang dito ang mga mall, mga supermarket, mga kainan, mga
bangko, mga hotel, atbp. Hindi lamang mga business institution ang maituturing na mga gusaling
yamang kapital. Maisasali rin ang mga paaralan sapagkat ang binibigay nitong serbisyo ay ang
edukasyon.Ang mga daanan ay nagsisilbing mga yamang kapital sapagkat napapabilis ang
pagbahagi ng mga produkto at serbisyo na hatid ng mga sasakyan at ng mga trak. Dito rin
dumadaan ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho.Ang mga pabrika naman ay kung saan
nagaganap ang paggagawa ng mga produkto. Ang paggawang ito ay mabilis at nakalilikha ng
maraming produkto (mass production) na ipamamahagi sa mga mamamayan upang kanilang
gamitin.

Ang kasalukuyang mamimili ay nanggugusto ng mga produktong makabago, at may


mataas na aspektong teknolohikal. Samakatuwid, ang mga negosyong hindi makapagpapalabas
ng ganitong mga produkto ay mapahuhuli at mawawalan ng mga mamimili. Ang nararapat gawin
ngayon ay manguha at ipabuti ang teknolohikal na estado ng mga yamang kapital. Ngunit sa
pamuhunan ng dagdag pang yamang kapital, kinakailangan ang sandaliang pagtigil ng paggamit
ng mga produkto at serbisyo. Ang pamuhunan sa bagong mga yamang kapital ay maaaring
mangahulugan ng kaunting paggamit sa kasalukuyan ngunit higit pang mga produkto at serbisyo
sa hinaharap

KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NITO


Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa
pinagkukunang yaman. Ipinapapakahulugan ang kakapusan bilang hindi kasapatan (insufficiency) ng
pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang kakapusan
ay umiiral dahil sa dalawang kalagayan. Una pisikal na kalagayan na tumutukoy sa limitadong
pinagkukunang-yaman at ang ikalawa ay ang kalagayang pangkaisipan na tumutukoy naman sa walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Hindi ipinahihiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na salat sa
pinagkukunang-yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na mayaman ang
bansa sa pinagkukunang-yaman. Samakatwid, hindi inaalintana ng kakapusan ang pisikal na dami ng
pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyan diin sa konsepto nito ang paraan kung bakit hindi nakatugon ang
pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaaasahan na isa sa
mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaaasahan din na isda ang
pangunahing produkto at pagkain dito. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring marami sa ilog at dagat
ang nangamatay (biologically dead) dahil sa polusyon. Maaasahan na bababa ang produksiyon ng isda.
Marami ang umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang mga umaasa sa isda bilang pagkain ay
mahihirapang humanap ng pamalit dito.
Batay sa halimbawa, likas ang kakapusan sa yaman ng dagat at ilog. “Likas ang kakapusan” dahil
dito bumababa ang kakayahan ng mga ito na buhayin ang sarili(self-replenish) dahil sa mapang-abusong
paggamit dito ng tao. Ang kakapusan naman ay namalas lamang nang unti-unti nang nararanasan ng tao
ang pagbaba ng produksiyon ng isda. Ipinapalagay sa halimbawa na ito na ang kakapusan ay simulang
naranasan sa paglaganap ng polusyon.

IBA PANG PINAGKUKUNAN NG YAMAN


Mayroon pang tatlong mahahalagang pinagkukunang-yaman sa ekonomiks bukod sa likas, yamang
tao, at yamang kapital. Kilala ang mga ito bilang Espasyo(space), impormasyon (information), at oras o
panahon (time).

ESPASYO. Ang konsepto ng espasyo sa ekonomiks ay ang bawat detalye ng lugar o lokasyon na
nakakaapekto sa pagdedesisyon ng tao. Ang rehiyon ay isang espasyo. Ang pagitan ng isang tindahan
mula sa bahay ay espasyo. Ang pagsasama-sama ng mga negosyo sa isang pook ay espasyo. Tinatawag
itong agglomeration. Ang hiwalay na kinalalagyan ng mga kagkakatulad ng relihiyon sa isang bansa
(halimbawa, mga Muslim sa Quiapo at mga Muslim sa Jolo) ay espasyo.
Sa ekonomikis, mamamalas ang kakapusan ng espasyo kapag masikip na ang isang lugar.
Halimbawa, pagkalipas ng ilang taon, nadoble ang populasyon ng NCR. Maaasahan na sa ganitong mga
lugar dahil sa pagtatayo ng mga kabahayan. Sa ganitong punto, bababa ang kakayahan ng NCR na
mabigyan ng panatag na pamumuhay ang mga mamamayan nito. Ang antas ng kakayahan ng espasyo
(tulad ng NCR) na makapagpanatili ng mainam na pamumuhay ay nakapaloob sa konsepto ng carrying
capacity. Kapag bumababa ang carrying capacity ng espasyo, asahan na magaganap ang mga trahedya at
kaguluhan.

IMPORMASYON. Ang konsrpto ng impormasyon ay tumutukoy sa mga kaalaman na mahalaga up[ang


makalikha ang tao ng matatalinong desisyon. Ang impormasyon ay maaaring tumukoy sa dami ng tao sa
Pilipinas sa susunod na 20 taon. Maaari din ito ay tungkol sa mga naidulot ng isang patakaran sap ag-
uugali ng tao.
May palatandaan na may kakapusan sa impormasyon kapag kakaunti o wlang datos tungkol sa
isang kaganapan na sinusuri. Kapag kaunti o walang datos, hindi maipaliliwanag ng tao sa isang
mahalagang kaganapan upang makagawa siya ng matalinong desisyon. Maaaring kaunti o walang datos
dahil wala pang ibang nakapag-aral hinggil sa sinusuring kaganapan. Maaari din naming iilan lamang ang
nakababatid nito.

ORAS. Ang konsepto ng oras sa ekonomiks ay tumutukoy sa panahon na nagugugol sa pagsasagawa at


pagpapatibay ng desisyon ng tao. Ang oras na tinutukoy ay maaaring 10 segundo, limang oras, o 20 taon.
May kakapusan sa oras dahil hindi na ito naibabalik kapag ito ay lumipas na. Maaaring magsimula ang
isang bagong araw o taon, ngunit hindi na maibabalik yaong lumipas na. Ang mga lumipas na araw o taon
ay maaaring mahalaga upang may buhay na masalolohan o mga kaguluhan na maaagapan. Kalimitan
kasi, ang tao ay nagiging ningas-kugon o hindi natatapos ang isang gawaing sinimulan. Maaaring hindi nga
nauubos ang oras ngunit ang paggamit ditto patungkol sa isang layunin ang nasasayang.

You might also like