Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

WESTMEAD ACADEMY OF SCIENCE AND

TECHNOLOGY FOUNDATION, INC.

MGA ALAMAT O MITO

SUBMITTED BY: JHERMIN IAN C. LLACUNA

SUBMITTED TO: Ms. MELROSE A. SADIWA


Sampung Datu ng Borneo

Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama


ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina:
Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu
Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu
Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu
Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.
Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa
kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung
datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong
ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na
dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng
dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang
nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang
piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng
Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga
katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y
nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.

Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna
na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman
naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo—
Aklan, Irong Irong, at Hamitik.

Datu Kalantiaw

Matapos maitatag ng sampung datu mula sa Borneo ang kalaguman ng


mga barangay, na kinilala bilang Katilingban it Madya-as, sa isla ng
Panay, nahati ito sa tatlong sakop na kani-kanilang pinamunuan – ang
Aklan (sa pamumuno ni Datu Bangkaya), ang Irong-irong (sa
pamumuno ni Datu Paiburong) at ang Hantik (sa pamumuno ni Datu
Sumakwel).
Dalawandaang taon ang lumipas at narating ni Datu Bendaraha
Kalantiaw, isang paganong tulisang-pandagat, ang isla ng Panay. Dito,
kaniyang ipinahayag na siya ang bagong Punoan (o pinunong
tagapagpaganap) ng Madya-as at ng mga sakup o lalawigan na
kabilang dito. Ginamit niya ang titulong Rajah sa kanyang pamumuno
at itinatag ang kanyang kabisera sa Batang (o Batan). Bilang ikatlong
Punoan ng Panay, ipinatupad niya ang Kodigo ni Kalantiaw sa kanyang
mga sakop na barangay noong 1433. Tangan ng kodigong ito ang
labingwalong sugo o alituntunin na halintulad sa mga tanyag na kodigo
ng sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Ang pamumuno ni Kalantiaw ay tumagal hanggang 1435 nang siya ay
masawi sa kanyang pakikipagtuos kay Datu Manduyog, ang lehitimong
Punoan ng Aklan. Hindi naglaon, si Datu Manduyog ay kinilalang
Punoan ng isla.

You might also like