Mayroong isang bata na ang pangalan ay Sibuyan. Palagi siyang
umiiyak, kahit na walang ginawa sa kanya. Kapag gutom siya, umiiyak. Kung wala na siyang bagong laruan, umiiyak. Kung ayaw niyang maligo, umiiyak din. Hindi alam ng mga magulang niya, na hindi totoo ang mga luha niya. Umiiyak lang siya para makakuha niya ang gusto niya. Isang gabi, gusto niyang maglaro sa gubat, pero hindi siya pinayagan ng magulang niya, kaya muli siyang umiyak. Noong nakita ito ng Diwata ng Luha, siya ay nagalit kay Sibuyan. Habang naglaro si Sibuyan sa gubat, biglang lumitaw ang Diwata ng Luha. “Bakit palagi kang umiiyak?” ang tanong ng Diwata. “Eh, para makuha ko ang mga gusto ko,” ang sagot ni Sibuyan. Nang marinig ng Diwata ito, isinumpa niya si Sibuyan: “Mula ngayon, hindi ka na makakaiyak.” At iniwan niya si Sibuyan. Kinabukasan ay sinubukan ni Sibuyan na umiyak., subalit kahit gaano man siyang kalungkot, ni isang luha ay tumulo. Sa mga sumusunod na araw, napansin niya na may mga ugat siya sa paa, at tumataba siya. Isang araw, bigla lang nawala si Sibuyan. Lahat ng mga tao sa bayan niya ay humahanap sa kanya. Nang bumalik ng magulang niya s abahay, napansin niyang isang halaman. “Ano kayang halaman ito?Bakit kaya diyantumubo?Tila nagpapapansin!Agad nila itong hinukay upang ilipat ng lugar.Nagulat ang mag-asawa nang Makita nila ang bilugang bungang-ugat nghalaman – tila may tapis na pula, katulad ng paboritong malong na pula ni Sibuyan! Ngayon, tuwing hinihiwa natin ang sibuyas, lumuluha tayo nang walang dahilan. Ito daw ay ang mga luha ni Sibuyan Ipinasa ni: