Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cvaite

Diagnostic test
Ekonomiks

Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutan ang mga sumusunod na tanong

Nang matanggap ni Jona at Enkut ang kanilang Mid – year bonus, nag desisyon ang
dalawang guro na magtabi ng pera bilang savings at maglaan ng salapi para sa kanilang
pagliliwaliw. 65 na bahagdan ang napunta sa savings at 35 na bahagdan ang nakalaan sa
pangkasiyahan. Pagkatapos mabilang at maitabi ang bahagi ng midyear bonus, sina Jona at Enkut
ay nagpunta sa SM Rosario para mag gala at mag liwaliw. Nanood sila ng sine, kumain sa isang
restaurant at bumuli ng damit sa isang sikat na brand. Naging masaya ang magkaibigan buong
araw. Pagsapit ng hapon, sina Jona at Enkut ay umuwi sa kanilang mga bayan.

1. Ang ginawa nina Jona at Enkut na paghahati sa mid-year bonus sa hindi pantay na bahagdan ay nakapaloob
sa konsepto ng ekonomiks. Ano ang pinakaaangkop na kahulugan ng ekonomiks batay sa ginawa ng
magkaibigan?
A. Ang ekonomiks ay agham panlipunan na tumutugon sa sistematikong paglikha ng mga produkto
B. Ang ekonomiks ay agham panlipunan na tumutukoy sa pamamahala ng pangangailangan at kagustuhan
C. Ang ekonomiks ay agham panlipunan na tumutukoy sa maayos at organisadong pamamahagi ng yaman
D. Ang ekonomiks ay agham panlipunan na tumutukoy sa matalinong desisyon sa paggamit sa kapos na
pinagkukunang yaman
2. Ang 65 bahagdan ng midyear bonus ay ilalagay ni Jona at Enkut sa savings at 35 bahagdan ang sa
pangkasiyahan. Ano ang nagtulak sa magkaibigan na magkaroon ng ganitong desisyon?
A. Mas binibigyang pagpapahalaga ng magkaibigan ang pagtatabi ng pera para sa kasalukuyan.
B. Mas binibigyang pagpapahalaga ng magkaibigan ang kasiyahan pagkatapos maghanapbuhay.
C. Mas binibigyang pagpapahalaga ng magkaibigan ang tamang pamamahala sa pera.
D. Mas binibigyang pagpapahalaga ng magkaibigan ang kanilang pera natanggap tulad ng bonus.
3. Sa paglalaan ng higit na mas mataas na bahagdan ng kita para sa savings, ano ang maaring idulot nito kina
Jona at Enkut?
A. Hindi masyadong makapagliwaliw at magenjoy ang magkaibigan dahil limitado ang perang nailaan sa
mga ito.
B. Mapamamahalaan ng magkaibigan ang bonus na kanilang natanggap mula sa pamahalaaan
C. Ang pangamba ng magkaibigan na wala ng pera na magagamit sa panahon ng pangangailangan ay
maiibsan na.
D. Matutugunan ng magkaibigan ang pangangailangan at kagustuhan ng kanilang pamilya dahil sa bonus na
natanggap

Isang Sabado, pagkatapos kapwa sumahod sa paluwagan, ang magkaibigan na sina


Jona at Enkut ay nagpunta sa baratilyo (tiangge) upang bumili ng mga gamit. Una munang
namili si Jona. Nakabili si Jona ng kurtina, pillow case at bed sheet. Sinamahan naman ni
Jona si Enkut na mamili. Pagkatapos makapag – ikot, nakapamili si Enkut ng isang jagger
pants, dalawang colored shorts, isang t – shirt at isang nauusong sombrero. Dahil
napagod sa pamimili, nagyayang kumain si Enkut ngunit hindi pumayag si Jona. Sa halip
ay umuwi na lamang siya at sa bahay na lamang kumain. Si Enkut naman ay nagtuloy
kumain sa fastfood ng hamburger, fries, softdrinks at vanilla sundae.
Nakauwi si Jona na may natira pang 800 pesos samantalang si Enkut ay 100 na lang.
4. Batay sa naging paggasta ni Jona at Enkut sa perang sinahod sa paluwagan, kapwa nagpakita ang dalawa ng
magkaibang kakayahan sa pagdedesisyon. Anong ugali ang ipinakita ni Jona?
A. Matipid C. Mapagpahalaga
B. Maaksaya D. Matalino
5. Pagkatapos mamili at kumain, ang naiuwing pera ni Enkut ay Php 100 na lamang. Ano ang maibubunga nito
para kay Enkut?
A. Kalabisan ng salaping ilalaan para sa cellphone load
B. Kakulangan ng salaping ilalaan para sa ipon
C. Kalabisan ng salaping ilalaan para sa computer games
D. Kakulangan ng salaping ilalaan para sa pamamalengke

6. Kapwa maraming items na nabili ang magkaibigang Jona at Enkut dahil sa kanilang sinahod sa paluwagan.
Ano ang pinakaangkop na kabutihang dulot ng paluwagan sa magkaibigan?
A. Kapaki-pakinabang dahil ibang tao ang nagtago ng kanilang naipon
B. Kapaki-pakinabang dahil nagkaroon ang magkaibigan ng karagdagang kita
C. Kapaki-pakinabang dahil sa baratilyo sila namili kung saan maaaring makatawad
D. Kapaki-pakinabang dahil kahit marami silang nabili ay may mailalaan pa ang magkaibigan sa ibang
gastusin

Ang Barangay Pinagpala ay sagana sa yamang dagat kung kaya ang pangunahing
hanapbuhay ay pangingisda. Sagana ang kanilang karagatan sa iba’t-ibang yaman.
Dahil dito, marami ang nahikayat na manirahan dito. Kaakibat ng paglaki ng
populasyon ay ang unti-unting pagkaubos ng mga yamang dagat sa Barangay
Pinagpala.
7. Ano ang tawag sa patuloy na pagkaubos ng yamang dagat?
A. Kakulangan C. Kakapusan
B. Kalabisan D. Kahirapan
8. Paano nagsimulang maubos ang yamang dagat sa Brgy. Pinagpala?
A. Pagkakaroon ng iba pang hanapbuhay ng mga mamamayan.
B. Hindi tamang paggamit sa yamang likas
C. Hindi karamihan ang dami ng yamang dagat sa Brgy. Pinagpala.
D. Pagkakaroon ng kalamidad
9. Kapag nagkaroon ng pagkasira ng yamang dagat dahil sa pagdami ng tao, ano ang mangyayari sa kabuhayan
ng mga taong naninirahan sa Barangay Pinagpala?
A. Dadami ang mga taong naninirahan at uunlad ang Brgy. Pinagpala
B. Mawawalan ng kabuhayan ang mga taong naninirahan sa Brgy. Pinagpala
C. Tataas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Brgy.Pinagpala.
D. Puunta sa ibang lugar at iiwan ang Brgy. Pinagpala
Ang Mt.Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas at dineklarang National Heritage
Park. Noong April 2, 2016 ay laman ng mga balita ang sunog na naganap sa Mt.Apo na
nagdulot ng pangamba sa mga tao. Dahil sa pangyayaring ito, maraming puno, halaman at
wild species na nananahan dito ang nasira at namatay. Pinag-iisipan ng mga awtoridad na
isarang muli ang bundok upang maibalik ang dati nitong ganda.
10. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng kakapusan?
A. Pagkasunog ng Mt. Apo
B. Pagpapasara ng bundok
C. Pagkaubos ng yamang gubat
D. Pagkawala ng ganda ng bundok
11. Anong sitwasyon ang maaaring idulot ng pakasunog ng Mt.Apo?
A. Maraming hayop at halaman na matatagpuan lamang dito ang mawawala
B. Patuloy na dadami ang mga hayop at halaman na matatagpuan sa bundok.
C. Mawawala ang malawakang pagbaha sa paligid ng lugar
D. Maraming tao ang magkakaroon ng malaking kita.
12. Sa nangyaring pagkasunog ng Mt. Apo, ano ang maaaring idulot nito sa mga taong naninirahan malapit
dito?
A. Maraming tao ang magkakaron ng kabuhayan dahil sa naganap na pagkasunog
B. Maraming tao ang magkakasakit at maaabala sa nangyaring pagkasunog sa Mt. Apo
C. Maraming tao ang lalong maeengganyo na magpunta sa Mt. Apo
D. Maraming tao ang masasalanta kung magkakaroon ng kalamidad

Si Mang Enan ay isang mangingisda. Siya ay pumapalaot ng madaling araw at


inilalatag nya ang lambat upang mapunan ito ng laman ngunit iilan lamang ang
kanyang nahuling isda. Umuwi siyang bigo at problemado dahil maliit na kita lamang
ang maibibigay niya sa kanyang pamilya.

13. Ano ang suliraning kinakaharap ni Mang Enan?


A. Marami siyang kakompetensyang mangingisda
B. Hindi siya makakapag-uwi ng malaking kita sa pamilya
C. Lumiliit na ang mga isdang kanyang nahuli
D. Walang nahuling isda si Mang Enan

14. Ano ang sanhi ng suliranin ni Mang Enan?


A. Nasira ang bangka ni Mang Enan
B. Hindi makabago ang kanyang kagamitan sa pangingisda
C. Namatay ang mga isda dahil patuloy ang pagtaas ng temperatura
D. Naubos ang yamang dagat dahil sa hindi tamang paggamit
15. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na mararanasan ni Mang Enan ang ganitong suliranin?
A. Hindi na makakapag-aral ang kanyang mga anak
B. Magkakaron ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya
C. Hindi niya matutustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya
D. Hindi tatamarin si Mang Enan na maghanapbuhay para sa kanyang pamilya

Ang elastisidad ng demand ay ang bahagdan ng pagtugon ng mga mamimili sa pagtaas ng presyo.
Bagamat lima itong uri, tatlo sa mga ito ang pangunahing: ang elastiko, di – elastiko at unitaryo. Matatawag na
elastiko ang demand kapag mas malaki ang bahagdan ng pagtugon ng “quantity demanded” kaysa pagbabago
sa presyo samantalang di – elastiko naman kapag mas maliit ang pagbabago sa “quantity demanded”. Unitaryo
naman ito kapag pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo at “quantity demanded”.
16. Ang mas maliit na bahagdan ng pagbabago sa “quantity demanded” kaysa bahagdan ng pagbabago sa
presyo ang inilarawan ng di – elastikong demand na may “coefficient” na mas mababa sa isa (<1). Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Ang mga produkto na hindi kailangan ay hindi bibilhin ng mga tao kaya nasa zero
B. May mga produkto na handang bilhin ng mga mamimili kahit tumaas pa ang presyo nito
C. Kapag ang presyo ng produkto ay tumaas mapipilitan ang mga mamimili na ibaba ang demand
D. May produkto na mahirap ihanap ng kapalit kaya di lubhang malaki ang pagbabago demand
17. Ang ilan sa mga produkto na kinokunsumo ng mga tao tulad ng bigas at kuryente ay mga produkto na
walang gaanong pamalit. Ano ang epekto sa elastisidad ng demand ng mga produktong tulad nito.
A. Ang pagtaas ng bilang ng bahagdan ay infinite
B. Ang bahagdan ng pagababago ay proportional
C. Ang bahagdan ng pagbabago ay higit sa isa (>1)
D. Ang bahagdan ng pagbabago ay mababa sa isa (<1)
18. Kung bababa ang presyo ng mga produkto na maraming pamalit, ano ang posibleng mangyari?
A. Tataas ang demand sa mga pamalit na produkto.
B. Bibili ang mga mamimili ng kahalintulad na produkto.
C. Walang magbabago sa demand ng produkto sa pamilihan
D. Bababa ang demand sa produkto na tumaas ang presyo.
Ordinaryong kawani sa pribadong kompanya ang asawa ni Gng. Ramos. Dahil hindi sapat ang kita,
kadalasan ay NFA ang kanyang binibili na kadalasan ay umaabot ng 10 kilo bawat linggo. Nakabahala kay
Gng. Ramos ang pagtaas ng 5 piso kada kilo ng bigas na karaniwan niyang binibili para sa kanyang may sakit
na anak.
19. Ano ang posibleng tunay na dahilan ng pagkabahala ni Gng. Ramos?
A. Dahil hindi na sapat ang kita ni Gng. Ramos
B. Dahil nagkasakit na ang anak ni Gng. Ramos
C. Dahil tumaas na ng 5 piso kada kilo ang bigas
D. Dahil ang trabaho niya’y sa pribadong kompanya
20. Kung ikaw si Gng. Ramos ano ang iyong gagawin?
A. Susubukang bumili ulit ni Gng. Ramos ng ibang klase ng bigas
B. Pansamantalang babawasan ang dami ng bigas na bibilhin
C. Hindi muna siya bibili ng bigas at uunahin ang pagbili ng gamot.
D. Iaantala niya ang pagbili ng mga gamot para sa maysakit na anak.
21. Ano ang magiging bunga ng pagtaas ng presyo ng NFA Rice sa demand ng bigas.
A. Wala ng bibili sa tindahan ng mga NFA Rice
B. Bahagyang mababawasan ang demand nito
C. Tataas ang demand sa ibang brand ng bigas
D. Mananatili ang dami ng demand sa NFA Rice
Nais ni Benjo na madagdagan ang kanyang baon sae kwela kaya naisipan niya na magbenta ng yema sa
kanyang mga kamag-aral. Naibebenta niya ang bawat piraso ng yema sa halagang P5.00. Naging patok ang
yema sa kanilang paaralan dahil dito, maraming tindero ang gumaya sa kanya, kaya mula sa P5.00, bumaba ang
presyo ng bawat piraso sa P3.00. Mula noon, lumiit ang kinikita ni Benjo sa pagbebenta ng yema kaya sa
bandang huli, napagdesisyunan ni Benjo na tumigil na sa pagbebenta ng yema.
22. Batay sa teksto, aling pangyayari ang maaaring nagpapaliwanag sa batas ng supply?
A. Mula sa presyong P5.00, naging P3.00 na lamang ang bawat piraso
B. Naibebenta ni Benjo sa kanyang mga kamag-aral sa halagang P5.00
C. Kailangan ni Benjo ng pera kaya ninais niyang magbenta ng yema
D. Maraming gumaya kay Benjo na magtinda ng yema dahil mahal ito
23. Sa iyong palagay, bakit bumaba ang presyo ng yema sa paaralan nang magsimulang dumami ang
nagbebenta nito?
A. Nagsawa ang mga mag-aaral sa lasa ng yema kaya bumaba ang presyo nito sa eskwela
B. Maraming nagkokompitensya sa pagbebenta ng yema kaya nagpababaan sila ng presyo
C. Nagmura ang mga hilaw na materyales na kailangan para makagawa ng maraming yema
D. Mariing ipinagbawal ng prinsipal ang pagbenta ng yema sa halagang P5.00 bawat piraso
24. Ano ang pinakamainam na gawin ni Benjo upang muling matamo ang dating antas ng mataas na kita?
A. Sarapan ang yemang ginagawa at gawin itong espesyal para maibenta niya ng mas mahal
B. Humanap o di kaya ay gumawa ng bagong produktong ibebenta na siguradong patok
C. Hilingin sa prinsipal na pagbawalan ang iba na magbenta dahil ikaw naman ang nauna
D. Kausapin ang ibang nagbebenta at bumuo ng kooperatiba ukol sa paglalako ng yema
Itong si Aling Janet, paiba-iba ng raket
Kapag Hunyo, sari-sari ang kanyang binebenta sa kanto
Mula sa pambalat ng libro hanggang sa makukulay na kwaderno
Sa magic ballpen at amazing eraser tiyak mapapabili kahit nanay mo
Kapag naman Disyembre iba naman ang kanyang bentahe
Makukulay na Christmas Tree, for sale sa kanyang garahe
Sa Christmas lights at parol na kumukutikutitap
Tiyak mata mo ay talagang kikislap
At tuwing sasapit naman ang panahon ng summer
Panis sa kanyang gimik ang naglalagablab na heat fever
Sa tinda niyang masarap na halo-halo at malinamnam na mais con yelo
Mapapatid ang uhaw mo, basta sa tamang presyo

25. Sa iyong palagay, bakit paiba-iba ng raket at ibinebentang produkto si Aling Janet?
A. Inaalam niya kung ano ang mabenta sa bawat panahon para malaki ang kanyang kitain
B. Hinihiling sa kanya ng mga malalapit na suki na magbenta siya ng iba’t ibang mga produkto
C. Marami siyang alam na produktong maaaring ibenta kaya paiba-iba ang mga ibinebenta niya
D. Nais ni Aling Janet na maging popular siyang negosyante kaya marami siyang ibinebenta
26. Ano ang maaaring mangyari kung pare-pareho at hindi gagawa ng pagbabago sa produktong ibinebenta ang
isang negosyante?
A. Mabilisang uunlad at agarang magiging kilala ang kanyang negosyo
B. Kaiinggitan siya ng ibang negosyante at gagayahin ang kanyang siya
C. Magsasawa ang mga mamimili na magpapababa ng kanyang kita
D. Malaki ang posibilidad na ipasara ng pamahalaan ang kanyang tindahan
27. Kung ikaw ay magiging isang negosyante, ano ang katangian na maaari mong manahin kay Aling Janet?
A. Pagiging malikhain sa paggawa ng produktong maaaring maibenta
B. Pagiging mabait upang magkaroon ng maraming customer na bibili
C. Pagiging masinop sa pera upang dumami ang puhunan sa negosyo
D. Pagiging masipag sa pagbebenta ng produkto upang lumaki ang kita

Matinding paghanga ang ipinakita ni Mika sa loveteam nina Alden at Maine na naging daan upang lumikha
siya ng mga memorabilias at key chains na may mukha nila. Naging patok at mabenta ang ginawa niyang
produkto na naging daan upang mahimok ang ibang negosyante na subukin ang negosyong ito.
28. Batay sa teksto, ano ang posibleng salik na nakaapekto sa paghina ng kita ni Mika?
A. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda ng produkto
B. Pagbabago sa teknolohiyang kanyang ginagamit
C. Pagbabago sa halaga ng materyales na ginagamit
D. Pagbabago ng presyo ng mga kaugnay na produkto
29. Sa paanong paraan higit na makakaangat si Mika upang patuloy siyang tangkilikin ng mga mamimili?
A. Pagpapanatili ng kalidad at presyo na kinawilihan ng mga mamimili
B. Pagpapababa ng presyo at pagpapataas ng kalidad ng produkto
C. Pagbibigay ng insulto sa produktong ibinebenta ng iba pang tindera
D. Paggawa ng bagong produkto na kakaiba sa itinitinda ng ibang tindera
30. Upang higit na mapamahalaan ni Mika ang lumalaking bilang ng order mula sa kanyang mga suki, bumili
siya ng mga bagong makina upang mas mabilis niyang maiprodyus ang mga produktong kanyang ibebenta.
Anong salik ang isinaalang-alang ni Mikay sa pagpoprodyus?
A. Teknolohiyang ginagamit
B. Bilang nagtitinda ng produkto
C. Halaga ng salik ng produksyon
D. Presyo ng kaugnay na produkto

Si Xian Henry ay nagsimulang mag-ipon at maglagay ng kanyang impok mula pagkabata sa mga nag-aalok ng
iba’t-ibang investment program sa mga bangko. Ang kanyang allowance, sariling kita at mga bonus ay patuloy
nyang inialagay sa investment program. Matapos ang labing limang taon ang naipon ni Xian sa investment
program ay umabot sa isang milyon. Muli niya itong inilagay sa investment at kumikita ng 25,000.00 kada
buwan. Malaking tulong at ginhawa ang dala nito sa buhay ni Xian Henry.

31. Ano ang isinakripisyo ni Xian sa pagpili nya sa investment program?


A. Ipon, kita allowance at bonuses
B. Loans
C. Mutual funds
D. Pension funds
32. Sa paanong paraan kumita ng malaki ang pera ni Xian Henry?
A. Pag-iipon sa mga bangko
B. Pagsali sa mga investment program
C. Pagsali sa mga pyramiding program
D. Pagtatayo ng sariling negosyo
33. Ano ang naging resulta ng pagsali ni Xian sa mga investment program?
A. Nahirapan sa pagtitipid
B. Naguluhan sa pagbabadyet
C. Yumaman sa medaling panahon
D. Guminhawa ang buhay

Si Diana ay nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Noon pa man ay nagpakita na siya ng pagiging masinop sa
buhay at katalinuhan sa klase. Kasabay ng kanyang pag-aaral ay ang hirap ng sitwasyon niya sa buhay. Ang
kanyang ama ay nanganganib na mawalan ng trabaho sa sususnod na buwan. Dahil sa sinop at talino ni Diana
ay napagsabay nya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho sa gabi. Nakakaipon sya ng pera na nagagamit sa
kanyang pag-aaral sa kolehiyo, sa kabila na siya ay isang iskolar. Ngayon, ay unti-unti nang nakakamit ni Diana
ang bunga ng kanyang sakripisyo. Pangarap na natupad ang pag-akyat niya sa entablado at pagkamit ng may
karangalan.

34. Anong ugali ni Diana ang nagdala sa kanyang tagumpay?


A. Siya a masipag at matiyaga
B. Siya ay matalino at masinop
C. Siya ay matiyaga at masinop
D. Siya ay masipag at matalino
35. Ano ang naging epekto ng kasipagang ipinikita ni Diana?
A. Siya ay tumanggap ng karangalan
B. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral
C. Siya ay nakaipon ng pera
D. Siya ay nakapagtrabo at nakapag-aral
36. Ano ang nagging bunga ng kanyang pinakitang katangian?
A. Maginhawang buhay
B. Mahirap na buhay
C. Maraming trabaho
D. Walang trabaho

Ang pamilya ni Pepito Manaloto ay pamilyang mahilig kumain, magshopping at maglakbay sa iba’t-ibang lugar
sa Pilipinas. Kumikita si Pepito ng 60,000.00 sa isang buwan na kaya nilang gastusin ng kanyang asawa at nag-
iisang anak. Sa di inaaasahan dinapuan ng sakit ang kanilang anak at mula noon ay natuto ang kanyang asawa
na mag-impok ng sampung bahagdan (10%) ng kanyang kita sa bangko.

37. Paano ilalarawan ang pamilya ni Pepito?


A. Isang pamilyang masayahin at mapagmahal
B. Isang pamilyang masasakitin
C. Isang pamilyang maluho sa paggasta
D. Isang pamilyang masinop sa pera

38. Paano sininop ng asawa ni Pepito ang kanyang kita.


A. Siya ay nagtayo ng maliit na sari-sari store
B. Siya ay sumali sa kooperatiba
C. Siya ay naghulog sa alkansiya
D. Siya ay nag-impok sa bangko
39. Kung sampung bahagdan (10%) ng kita ni Pepito ang inilalagay ng kanyan asawa sa bangko magkano
ang kabuuang impok nila sa isang taon :
A. 65,000.00
B. 68,000.00
C. 70,000.00
D. 72,000.00

Maagang namulat sa pagbabadyet si Nina. Sa loob ng apat na taon niyang pag-aaral sa hayskul ay napansin
niyang unti-unting nababawasan ang kasapatan ng kinikita ng kanyang ama. Nagmamahal ang presyo ng mga
bilihin, tumataas ang halaga ng pamasahe at kuryente. Maging ang gastos sa pang-araw-araw nilang
pangangailangan ay malaki na din ang itinataas.

40. Batay sa sitwasyon, ano ang kahulugan ng implasyon?


A. Ito ay ang patuloy na pagtaas ng pamasahe sa isang taon.
B. Ito ay ang patuloy na pagtaas nahalaga ng kuryente.
C. Ito ay ang pagtaas ng gastos ng pangaraw-araw na pangangailangan.
D. Ito ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan
41. Ano ang dapat gawin ng pamilya ni Nina upang maging sapat ang kanilang badyet?
A. Magtipid sa paggamit ng kuryente.
B. Iwasan ang paglabas/paggala kung kinakailangan.
C. Magkaroon ng prayoridad sa kanilang mga gastusin.
D. Makisabay sa kanyang mga kaklase sa byahe upang makatipid.
42. Kung hindi magdadagdag ng pamahalaan ang sahod sa mga manggagawa, ano ang posibleng mangyari
sa kanilang badyet?
A. Magkukulang
B. Kakapusin
C. Mabibitin
D. Magigingalanganin
Mula sa isang mahirap na pamilya si Fatima. Sa kagustuhang makatapos ng pag-aaral ay nagbebenta siya ng
bananacue na gawa ng kanyang ina. Nang magkasakit ang kanyang ina, napilitan siyang mag-angkat ng lutong
bananacue sa kanilang kapitbahay upang ibentana gumagamit ng gasul at mamahaling asukal sa pagluluto
kumpara sa kanyang ina.

43. Ano ang pagkakaiba ng presyo ng paninda ni Fatima bago siya nag-angkat ng produkto sa kanilang
kapitbahay?
a. Ang paninda ni Fatima ay mas mahal kaysa sa paninda ng kapitbahay nito
b. Ang paninda ni Fatima ay mas mura kaysa sa paninda ng kapitbahay nito.
c. Magkatulad ang presyo ng paninda nina Fatima at kapitbahay nito
d. Magkatulad ang presyo ng kanilang paninda subalit hindi magkasing dami.
44. Batay sa teksto, ano ang nakaapekto sa mataas na presyo ng bananacue ng kapitbahay ni Fatima?
A. Mataas na halaga ng sangkap sa pagluluto ng bananacue.
B. Malaking pasahod sa paggawa ng produktong bananacue
C. Maraming bumibili ng produktong bananacue
D. Mag-isa lamang siyang nagtitinda ng bananacue
45. Sa pag-angkat ni Fatima ng bananacue, ano ang dapat niyang gawin upang hindi bumaba ang kanyang
pang-araw-araw na kita?
a. Dapat dagdagan ni Fatima ang presyo ng produkto
b. Dapat dagdagan ni Fatima ang inaaangkat na produkto
c. Dapat maghanap ng ibang mapag-aangkatan ng produkto
d. Dapat maghanap ng alternatibong hanapbuhay

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko katulad ng WTO,


APEC and ASEAN, kaugnay nito ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay
nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal
kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao maging ito ay sa
sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya at maging sa
industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “Walang sinoman
ang mabubuhay para sa sarili lamang” o sa Ingles ang kasabihang “No man is an Island.”

46. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga samahang pangkalakalan sa daigdig, unti- unti
nating natutugunan ang suliranin ng kakapusan. Anong pangyayari ang maiuugnay sa gawaing ito na
kinasasangkutan ng Pilipinas?
A. Pandarayuhan
B. Pakikipagkaibigan
C.Pakikipagkalakalan
D. Paninilbihan
47. Sa pagsapi ng Pilipinas sa mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiko tulad ng WTO at APEC, ano
ang naging epekto nito sa maraming Pilipino at sa bansa?
A. Nahati ang kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa konsepto ng kalakalan
B. Umaasa na lamang ang Pilipinas sa mga produktong pumapasok sa bansa
C. Lumaganap ang diskriminasyon sa pagbili ng produkto
D. Pagsulong ng isang maayos at malayang kalakalan
48. Ano ang posibleng kahinatnan ng patuloy na pakikipagkalakalan ng Pilipinas?
A. Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian o tangkilikin
B. Mas magiging matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa
C. Nabibigyang pagkakataon na makilala at tangkilikin ang ating produkto sa ibang bansa
D. Nalilinang ang kaisipang kolonyal ng mga mamamayan sa pagpili ng produktong banyaga kaysa
sa local

Ang isa sa orihinal na kasapi ng Asia Pacific Economic Cooperation APEC) ay ang Pilipinas.
Noong nakaraang taon (2015), sa ating bansa nagpulong ang mahigit 10 bansa na kasapi
nito. Ang pagpupulong na ito ay may temang “Building Inclusive Economies, Building a
Better World. ” Sa pangyayaring ito, nasaksihan din natin ang kooperasyon ng pamahalaan
at mga mamamayang Pilipino upang maisagawa ng maayos at matagumpay ang APEC
Philippines 2015.

49. Ayon sa talata, Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing nais maprotektuhan sa paglahok ng
mga bansa sa APEC partikular na ang Pilipinas?
A. Pulitika
B. Sosyo-ekonomik
C.Ekonomiya
D. Sosyo-kultural
50. Sa pagsapi ng Pilipinas sa mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiko tulad ng APEC, alin ang
mararanasan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa?
A. Liberalisasyon
B. Economic embargo
C. Pagdami ng Kartel
D. Pagtaas ng Taripa
51. Ano ang posibleng kahinatnan ng patuloy na pagsapi ng Pilipinas sa mga kalakalang pandaigdig kagaya ng
APEC?
A. Lumalawak ang pambansang pamilihan
B. Mas maraming tulong teknikal sa bansa
C. Paghina ng maraming local na produkto
D. Pagdagsa ng kaisipang kolonyal

Ayon sa Census, ang export sales ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng 4.187 bilyong dolyar
noong January 2016, bumaba ito ng 3.9 porsyento mula sa 4.357 bilyong dolyar noong January
2015. Samantalang ang kabuuang naangkat na produkto ng Pilipinas sa buwan ng Enero ay
2016 ay nagkakahalaga ng 6.825 bilyong dolyar. Nagkaroon ng pagtaas ng 30.8 porsyento mula
5.219 bilyong dolyar na naitala noong Enero 2015. Ang mga halimbawa ng pagbaba ng kita ay
ang kita mula sa pagluluwas ng isda sa ibang bansa at ang mga produktong mineral.

52. Isa sa mga bumaba ang kita sa pagluluwas sa ibang bansa ay ang kita mula sa mga isda. Ano kaya
ang maaaring maiugnay na sitwasyon sa pagbaba ng export revenue ng mga isda?
A. Dynamite fishing
B. Dry weather
C. Thrawl fishing
D. Fish Kill
53. Tumaas ang pag-aangkat ng produkto ng ating bansa ng 30.8% sa taong ito buwan ng Enero mula
noong Enero ng nakaraang taon. Ano kaya ang direktang epekto nito sa mga lokal na produkto ng
ating bansa kung magpapatuloy ang pag angkat ng maraming produkto?
A. Marami ang maluluging tindahan o pagawaan dahil sa dami ng imported products sa pamilihan.
B. Magsasaliksik sila ng panibagong produktong maipagbibili sa murang halaga ngunit mataas ang
kalidad.
C. Hindi na muling magtitinda at hahanap na lamang ng ibang trabaho.
D. Mabibigyan ng pagkakataong tangkilikin ang sariling produkto
54. Kung magpapatuloy ang pagbaba ng export sales ng Pilipinas sa kalakalang panlabas, ano ang
maaaring gawin ng mga mangingisda at minero lalong lalo na at isa sila sa may naranasang pagbaba
ng kita sa pagluluwas.
A. Lilipat ng tirahan at maghahanap nang panibagong ikabubuhay.
B. Humingi muna ng tulong sa gobyerno upang matulungan sila sa kanilang nararanasan.
C. Magpapatuloy sa panghuhuling isda o magmimina dahil sa wala ng malilipatan pang trabaho.
D. Manghiram ng puhunan sa mga lending institutions upang makapagsimula ng bagong negosyo.

Isa sa naisasaayos ng patakarang pang-ekonomiya ay ang produksyon kung kayat


malaki ang epekto nito sa kalakalang panlabas ng bansa. Sa market economy, ito ay
ginagabayan ng malayang pamilihan. Ang command economy naman ay nasa
komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Samantala, ang mixed economy
ay pinaghalong command at market, samakatuwid may malayang pagkilos ang pamilihan
sa bawat pagawaan subalit may gabay pa rin ng gobyerno lalo na sa batas at regulasyon.
Sa mga nabanggit na patakaran, pumapaloob ang ekonomiya ng bansa sa mixed
economy.

55. Sa pinaghalong ekonomiya, hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makiaalam ang pamahalaan. Ano ang maaaring maiugnay na tulong ng sistemang
pang-ekonomiyang ito sa kalakalang panlabas ng bansa?
A. Nakagagawa ng pribadong pagpapasya ang mga pagawaan ng produkto subalit mayroon pa ring
paggabay ng gobyerno lalo na sa batas sa pakikipagkalakalan.
B. Malayang makagagawa ng produkto ang bawat pagawaan kung kayat napagpapasyahan nila kung
gaano karami ang nararapat iprodyus.
C. Malayang nailalabas ang mga produkto at bumaba ang ibinabayad ng mga kompanya sa buwis sa
mga produkto.
D. Pagtaas ng export sale ng bansa dahil sa pagtutulungan ng gobyerno at mga negosyo.
56. Ano ang maaaring maging sa kalakalang panlabas kung susundin ang patakarang pang-ekonomiya
na Command economy?
A. Mawawalan ng kalayaan ang mga tao na makapagtayo ng sarili nilang kompanya.
B. Bababa ang bilang ng produktong maipoprodyus ng bansa at tataas ang presyo.
C. Tanging ang gobyerno lamang ang makakapagdesisyons sa mga produktong mailuluwas.
D. Hindi na makikipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang bansa.
57. Malaya ang mamimili at nagbibili sa ilalim ng market economy. Ano ang maaaring mangyari sa
kalakalang panlabas ng Pilipinas kung gagamitin ito?
A. Tataas ang presyo ng bilihin sa ating pamilihan sapagkat wala ng gabay ng pamahalaan kung kayat
makapagtataas sila ng presyo ng ayon sa kagustuhan nila.
B. Ang prodyuser at konsyumer ay kikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng
malaking pakinabang sa pakikipagkalan sa ibang bansa.
C. Tataas ang bilang ng mga produktong mailuluwas sapagkat malaya na silang makagagawa ng
produktong nais nila.
D. Maraming bansa ang aangkat ang produkto sa Pilipinas dahil sa madaling pakikipagtransaksyon sa
kalakalan.

Kaakibat ng kalakalang panlabas ang mga patakaran at programa na ipinapatupad ng


pamahalaan. Isa sa mga nabanggit na programa ay ang liberalisasyon sa sektor ng
pagbabangko. Ito ay isinasabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko
sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng batas na ito, pinayagan ang
pagpasok , pangangasiwa at pamamahala ng kanilang mga sangay sa ating bansa kung kayat
mapapansin ang mga bangkong pag mamay-ari ng ibang bansa sa ating bansa.

58. Ang pagpasok ng mga dayuhang bangko sa bansa ay makapagpapatunay na mayroong ugnayang
panlabas ang Pilipinas sa ibang bansa. Anong pangyayari ang maiuugnay sa pagdami ng bangko ng
ibang bansa sa ating bansa.
A. Pagdagsa rin ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
B. Pagdami ng mga produktong imported sa bansa.
C. Pagkakaloob ng mababang buwis sa mga negosyo.
D. Pagbibigay ng gobyernong insentibo.
59. Ano ang epekto sa lokal na bangko ng bansa ng pagdagsa ng mga dayuhang bangko?
A. Maaaring pagsasara ng mga bangko dahil sa pagkalugi at kawalan ng mga taong nag-iimpok.
B. Magsasagawa ng panibagong Sistema ang mga lokal na bangko upang makasabay sa mga
bangkong internasyunal.
C. Magdudulot ito ng pagbaba ng interes sa pangungutang at magtatasas ng interes sa mga
nagiimpok.
D. Manghihiram ng puhunan sa Bangko Sentral upang lalong mapaayos ang suliraning kinahaharap.
60. Isa sa patakaran na ipinatupad ng pamahalaan kaakibat ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa ng
Pilipinas ay ang liberalisasyon sa pagbabangko. Ano ang maaring direktng mangyari sa mga lokal na
bangko sa pagdami ng mga dayuhang bangko sa bansa?
A. Mawawalan ng trabaho ang maraming empleyado ng bangko sa bansa.
B. Magdedesisyong ibaba ang ang interest sa pangungutang.
C. Maaaring unti-unting malugi ang maga lokal na banko dahil sa paglipat ng mga tao sa
internasyunal na bangko.
D. Makikipagkompetensya sa kabila ng naranasang suliranin sa Sistema ng pagbabangko.

You might also like