Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ARALIN 2: MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIKO: PAGBUO NG TALA-

BASA O READER RESPONSE JOURNAL

Layunin:
 Pagkatapos ng aralin ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral
ang mga sumusunod:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan, katangian, at proseso ng mapanuring


pagbasa sa akademiya;
2. Naisasagawa ang pagsulat ng talata, mg tanong at mga panggrupo at
pang-indibidwal na gawain kaugnay ng mapanuring pagbasa; at
3. Nakabubuo ng reader-response journal ( tala-basa ) o tala ukol sa binasa.

Ayon sa pagpapakahulugan ni Bernales et al, “ang pagbasa ay bahagi ng


pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat”.

Mapanuring pagbasa, mapanuring pag-iisip, mapanuring mambabasa


Isa sa mga hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagbasa.
Sa bawat asignaturang kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral, may mga libro,
manwal, artikulo, report, at iba’t ibang anyo ng sulatin at Gawain na kailangan
basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman nila sa konsepto,
ideya, at impormasyon. Ito rin ay upang mapaunlad ang kakayahan nila sa
mapanuring pag-iisip. Ayon nga sa teoryang Iskema ni Badayos, 2000 “ Ang lahat
ng natutuhan at nararanasan ng tao ay nakaimbak sa isipan at maayos na
nakalahad batay sa isang tiyak na kategorya”. Ang isang mambabasa ay hindi
lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakakakuha ng rin ng mas malawak na kahulugan ng salita, natatanto niya ang
gustong buuing konsepto ng isang tao.
Ayon sa aklat ni Arvin kim A. Arnilla na pinamagatan “ Gabay sa pagbasa,
pagsulat at pananaliksik sa Filipino”, ay may dalawang kasanayan sa
akademikong pagbasa, ito ay ang ideya at detalye. Ang ideya ay tumutukoy sa
kaisipang nalilinang sa talata. Samantala, ang detalye ay tumutulong,
nagpapalawak at nagbibibgay-linaw sa ideya.

Mga katangian ng pag-basa


Ayon kay bayados – 2008 ang mga katangian ng pagbasa ay ang mga
sumusunod;
1. Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng
isang mambabasa.
2. Ang pagbasa ay isang prosesa ng pag-iisip.
3. Ang interaktibong mambabasa ay epektibong mamababasa.
4. May maraming hadlang sa pagbasa at sa pagunawa .
5. Ang mabilis na pagunawa ay nagpapabilis sa pagbasa.

MGA PROSESO AT KATANGIAN NG PAGBASA


Ayon kay William Gray ( sa pagkalinawan 2004 ), ang pagbabasa ay
dumadaan sa apat na hakbangin.
1. Persepyon – kinilala ang simbolong nakalimbag.
2. kumprehensyon – pag-unawa sa mga mensaheng inihahatid ng mga simbolo.
3. Reaksyon – paglalapat at pagpapahalaga sa mga kaisipan inilahad ng awtor.
4. Integrasyon/Asimilasyon – pag-uugnay ng mga bago at dati ng karanasan at
kaalaman ng bumabasa.

MGA TEKNIK NG PAGBASA


1. Iskaning – ang pokus ay makuha ang mga ispesipikong impormasyon.
2. Iskiming – ang pokus ay ang paghahanap ng pangkalahatang impormasyon.
3. kaswal – pag-uubos ng oras lamang ng pagbabasa walang tiyak na intension.
4. Kritikal – pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyon iyong binabasa.
5. Komprehensibo – pagkuha ng detalye maging ito man ay maliit o malaking
detalye.
6. Pribyuwing – kinukuha lamang ng mambabasa ang mga mahahalagang
impormasyon ng isang binabasa.
7. Replektib – pagsasabuhay ng isang mambabasa sa kanyang binabasa at
naunawaan niya ito nang lubos.
8. Re-reading – tumutulong upang maging pamilyar ang mambabasa sa mga
detalye ng binabasa tungo sa lubos na pagka-una.
9. Pagtatala – pagsasalungguhit o paghahalay sa binabasa.

ESTRUKTURA NG TEKSTONG AKADEMIKO


1. Deskripsyon ng paksa - kasama rito ang mga depinisyon, paglilinaw,
pagpapaliwanag.
Halimbawa: Nahahati ang pasusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang
bahagi ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan na matatagpuan sa ilang
mga kalipunan at kasaysayan pampanitikan. Ang ikalawang bahagi na may
pumapasok sa usapin ng saklaw at bisa ng naturang konsepto, batay sa ugnayan
nito sa mga panitikang rehiyunal at panitikang sectoral.
2. Problema at solusyon – dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang
pangungisap ang pinaka tema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa.
Halimbawa: May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na
kinababaliwan ng mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro sa sagabal sa
kanilang pag-aaral.
3. Pagkakasunod – sunod o sekwensya ng mga ideya – maari itong kronolohikal
o hierarkikal.
Halimbawa: Upang maging malinaw ang pagtalakay sap ag-unlad ng wikang
Filipino bilang wiakang pambansa at wikang opisyal ay susuriin ang mga
pinagmulan nito sa iba’t ibang yugto ng pag-iral nito.
4. Sanhi at Bunga – nagaganit ito para pagbatayan ang mga ebidensya at
katuwiran sa teksto.
Halimbawa: Isa sa mga maaaring tingnan ay ang epekto ng kalamidad sa
kabuhayan ng mga tao.
5. Pagkokompara – kaugnay ito ng pagkakapareho at pagkakaiba ng mga datos
upang patibayin ang katuwiran.
Halimbawa: Ang Jeepney ay katulad ng maaring bagay at ugaling bahagi na ng
buhay Pilipino. Aang desenyo ay halo-halo na maski paanong tulad ng sangkap
ng lutong pinakbet, at makulay na parang ati-atihan sa aklan. Ang loob ay sing-
ingay ng palengke ng dibisoya, ngunit relihiyosong tulad ng simbahan ng Quiapo.
MGA PARTIKULAR NA ESTRUKTURA NG TEKSTONG AKADEMIKO
DEPENDE SA LAYUNIN
1. Estruktura ng Tesis – kaugnay ito ng mga tekstong nangangatwiran o may
pinapatunayan.
Introduksiyon – pangunahing paksa.
Katawan – binubuo ng paksang talata, mga detalye, argumento o katuwiran,
paksang pangungusap at mga detalyang pangungusap.
Kongklusyon – argumentong kongklusyon.
2. Estruktura Factual Report – walang pinapanigan isyu o katwiran, isa itong
ulat.
Introduksyon – pangunahing paksa
Katawan – binubuo ng mga detalye at mga paliwanag.
Kongklusyon – pangkalahatang buod.

METAKOGNITIBONG PAGBASA TUNGO SA MAPANURING PAGBASA AT


MAMBABASA

Tatlong terya ang, pananaw, o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literal


o pagkatuto kaugnay ng pagbasa.
1. Tradisyunal na pananaw – maatatagpuan sa teksto ang lahat ng ideya,
impormasyon, at kahulugan para sa sa mambabasa.
2. Pananaw na kognitibo – may interaksyon ang mambabasa sa teksto.
3. Metakognitibong pananaw – pangunahing katangaian nito ang pag – iisip
kung ano ang ginagawa habang naagbabasa.

PROSESO NG METAKOGNITIBONG PAGBASA


1. Estraheya – tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o
gustong basahin ang teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap – ito ang pangungusap
sa loob ng teksto – kadalasa’y nasa unang talata o introduksyon – na
tumutukoy sa paksa o gustong Patunayan kaugnay ng paksa.
3. Linawin , bigyang-tuon,at balik – balikan ang layunin ng may akda
habang binabasa ang teksto.
Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalyeo ebidensya.
Suriin ang paraan ng pagkakasulat. Organisa baa ng mga ideya?
Alamin ang mga gamit ng wika. Angkop ba ito sa teksto?
Gumawa ng tuloy-tuloy na prediksyon.
Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto. Maaring ibatay ito alinman sa
mga sumussunod:
a. Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang ugnayan ng
mga bahagi sa kabuuan ng teksto.
b. Pagkasunod-sunod ng mga ideya mulsa sa iyong pagtatala.
c. Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
d.Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng teksto.
e. Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang
pangkalahatang mensahe ng teksto.

TEKSTONG BINABASA SA KOLEHIYO


Panitikan -Tekstong pampanitikan ( tula, dula, nobela, sanaysay, maikling
kwento).
Pagpapahayag o komunikasyon pang broadcast - ( artikulo sa diyaryo, balita,
report sa radio, telebisyon, tabloid, interbyu, datos sa sosyal midya, prorama sa
radio at telebisyon).
Pisika – ( resulta ng eksperimento)
Sining – ( akdang pansining, rebuy ng akdang pansining).
Antropolohiya – ( case study sa isang komunidad, artikulo/libro ng pag-aaral sa
isang pangkat etniko).
Sikolohiya – ( Eksperimento sa laburatoryo, case study, siyentipikong report)
Lingguwistika – ( analisis ng grammar ng isang wika, pag-aaral ng diksyunaryo
at bukabolaryo ng isang wika).

Bukabularyo

Tala-basa o readers-response journal – ay isang kuwaderno kung saan ang


isang mag aaal ay nagsusulat ng tungkol sa isang libro na binabasa niya.
Teksto – ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t
ibang taoo impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.
Akademiya - ito ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong
mga iskolar, artista at siyensista na nag layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at
palawakin ang kaalaman at kasanayan pangkaisipan upang mapanatili ang
mataas na pamatayan ng partikular na larangan.
Estruktura – ito ay ayos o porma ng bagay bagay.
Metakognitibo- ay kakayahan ng isang utak o kaisipan na kumuha ng kaalaman
at maunawaan ang impormasyon sa pamamagitan ng masusing pag-iisip,
pagsisiyasat sa pamamagitan ng mga tanong, paglagay ng sarili sa binabasa.
Kronolohikal- ay ang pagkasunod-sunod ng mga bagay o pangyayari na
nagpapakita ng isang buong diwa o kaisipan.

References
Komunikasyon Sa Akademikong Filipino
-Ni Arvin Kim A. Arnillia

Gabay Sa Pagbasa, Pagsulat At Pananalisik Sa Filipino


-Ni Arvin Kim A. Arnillia

Filipino Sa Piling Larangan (AKADEMIYA)

You might also like