Q1 - Aralin 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAYON INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Tuburan, Ligao City, Albay


Contact No. 09457789050
mayonista41@yahoo.com
S.Y. 2020- 2021

JUNIOR HIGH SCHOOL


Filipino 8
YUNIT I

ARALIN 2: Paghahambing

I. Layunin:
 Natutukoy ang iba’t ibang uri ng paghahambing.
 Nagagamit ang paghahambing sa paggawa ng isang talata.

II. Sanggunian:
 Filipino ng Lahi 8

III. Pagtalakay sa Aralin:


A. Gawain
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga larawan na nasa ibaba.
B. Pagtalakay sa Aralin:

Paghahambing

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalarawan ng mga magkakatulad at magkakaibang


bagay, idea, paniniwala, lugar, tao, pangyayari, at iba pa. Layunin nitong ilarawan ang mga ihinahambing
upang higit na masuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito.

Sa panitikan, nakapaghahambing sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay. Halimbawa nito


ay ang mga tayutay na pagtutulad at pagwawangis- mga matalinghagang pahayag na nagpapaigting sa
bias ng kahulugan ng isang kaisipan o damdamin. Sa pagtutulad o simili, gumagamit ng mga salitang
naghahalintulad gaya ng tulad ng, gaya ng, tila, parang, at iba pa.

Halimbawa:
Maputi gaya ng hamog
Mapula gaya ng rambutan
Nagngangalit na parang daluyong

Sa paggamit ng pagwawangis o metapora, hindi literal bagkus ay matalinghaga ang


paghahambingna taliwas kung payak at literal lamang ang pagpapakahulugan.

Halimbawa:
Isa kang anghel!
Ang ina ang ilaw ng tahanan.

Pansinin din ang paghahambing na ginawa sa halimbawang bugtong at sagot nito.

Bahay ko sa gulod
Iisa ang tukod
Sagot: kabute

Kapag iniisip ang sagot na “kabute”, mapapansing inihahalintulad ito sa isang bahay. Kung
iisipin pa, ang isang bahay ay hindi makatatayo na sia lamang ang haligi. Ngunit sa bugtong na ito,
inilalarawan ang bahay na may iisang tukod. Maiuugnay lamang ang palaisipang ito sa bugtong kapag
malinaw nang nailarawan ang hitsura ng isang kabute. Ganito maaaring gamitin ang paghahambing sa
panitikan o sa pagsulat ng isang bugtong.

Samantala, maari ring gumamit ng pag-iiba o pagkokontrast upang mabigyang-diin ang


magkasalungat na katangian ng anumang pinaghahambing. Ang pagkakaiba ay maaaring bahagya
lamang o lantaran upang makita ang intensidad ng paghahambing.

Halimbawa:
 Di hamak na mas maluwag ang buhay noon kaysa ngayon na napakataas na g mga
bilihin!
 Mas lawit ang dila ko ngayon kaysa kahapon pagkatapos tumakbo sa oval.
 Napakaraming tao ngayong Pasko sa mall kompara noong mga nakaraang Pasko.
C. Pagsasanay 1

Bumuo ng pangungusap na nagpapakita ng paghahambing gamit ang mga sumusunod na idyoma


o matalinghagang pahayag.

1. agaw-buhay – ________________________________________________________
2. balat-sibuyas – ________________________________________________________
3. anak- pawis – ________________________________________________________
4. bantay- salakay – ________________________________________________________
5. basag-ulo – ________________________________________________________
6. bukas ang isip – ________________________________________________________
7. haling ang kaluluwa – ________________________________________________________
8. maitim ang budhi – ________________________________________________________
9. isang kahig, isang tuka – ________________________________________________________
10. tubig at langis – ________________________________________________________

D. Pagsasanay 2

Ipaliwanag sa sariling pananalita ang mga sumusunod na salawikain. Ihambing ito sa iyong
kasalukuyang karanasan bilang isang estudyante. Gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng
paghahambing at pag-iiba ng iyong paliwanag.

1. Kung walang tiyaga, walang nilaga


________________________________________________________________________________
2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
________________________________________________________________________________
3. Huli man daw at magaling, naihahabol din
________________________________________________________________________________
4. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala
________________________________________________________________________________
5. Kung ano ang itinanim, ay siya mo ring aanihin
________________________________________________________________________________

IV. Pagtataya

Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Hanapin ang mga panlapi o salitang
ginamit na nagsasaad ng paghahambing. Pagkatapos, tukuyin kung ito’y pahambing na
pagtutulad o pag-iiba. Isulat sa nakalaang kahon ang mga sagot.

Pangungusap Panlapi o Uri ng


salitang ginamit paghahambing
1. Ang mga karunungang-bayan tulad ng
salawikain, kasabihan, at sawikain ay parehong
kasasalaminan ng mga kultura ng ating mga
ninuno na dapat nating pag-ibayuhin at
palaganapin.
2. Ang mga karunungang-bayan ay kasinghalaga
rin ng iba pang anyo ng panitikan sapagkat
pare-pareho silang kasasalaminan ng mga
kultura nating mga Pinoy.

3. Higit na nangangailangan ng malalimang pag-


unawa ang mga salawikain kaysa sa kasabihan
sapagkat hindi lantad ang kahulugan ng mga ito.

4. Di tulad ng salawikain at sawikain, higit hamak


na madaling unawain ang kasabihan sapagkat
halos lantad na ang kahulugan ng mga ito.

5. Ang mga salawikain at sawikain ay kapwa


nangangailangan nang mapanuring pag-iisip
nang matarok ang kahulugan ng mga ito.

You might also like