Pagsusuri Sa Isang Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lyceum Northwestern University

Institute of Graduate Professionals and Studies


Tapuac District, Dagupan City, Pangasinan
Ikalawang Semester

Pangala : Melanie O. Sindayen


Kurso : MED FILIPINO
Propesor : Dr. William C. Macob
Asignatura : Pagbasa sa Obra Maestrang Filipino

MOVIE REVIEW O PAGPAPAHALAGANG PMAPELIKULA

Pamagat ng Pelikula : FOUR SISTER IN A WEDDING


Direktor : Cathy Garcia-Molina
Production Company : ABS-CBN Fil Productions, Inc.
Executive Producer : Charo Santos-Concio at Malou N. Santos
Writer/Screenplay : Jose Javier Reyes
Musical Scorer/Background : Raul Mitra
Cinematograpiya : Noel Teehankee
Copyright Reserved : 2013
Mga Tauhan
: Toni Gonzaga – bilang Teddie, panganay na anak, nagtrabaho sa Espanya.
: Bea Alonzo – bilang Bobbie, pangalawang anak, nagtrabaho sa New York.
: Angel Locsin – bilang Alex, pangatlong anak, isang anak na mas piniling
bumukod, isang film assistant director.
: Shaina Magdayao – bilang Gabbie isang guro at mapili sa mga manliligaw.
: Enchong Dee – bilang CJ, bunsong anak, isang IT professional nan a base
sa Metro Manila.
: Coney Reyes – bilang Grace Salazar, isang ilaw ng tahanan ng pamilya
Salazar.
: Angeline Quinto – bilang Princess Antoinette May, nobyo ni CJ.
: Carmi Martin – bilang Jeanette, isang mayaman at negosyanteng ilaw ng
tahanan, ina ni Princess Antoinette
: Boboy Garovillo – bilang honey Boy, isang mayaman at negosyanteng
haligi ng tahanan, ama ni Princess Antoinette.

Pagpapahalagang Pampelikula

A. Ayon sa Nilalaman
1. Tema ng Pelikula
Ang tema ng pelikulang ito ay mahigpit na pagmamahalan ng isang pamilya.
2. Buod ng Pelikula
Ang storya ay nag simula sa apat na babaeng magkakapatid na humuhiling ng
isang baby brother ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at
maturing nila itong bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso
nilang kapatid ay ginanpanan ni Enchong Dee bilang si "CJ". sa pag lipas ng mga taon ang
limang magkakapatid ay may mga kanya kanya ng trabaho at mga sarili ng desisyon. 
Dito pumasok ang pagpasya ng nakabubunso nilang kapatid na si CJ na magpakasal sa
kanyang nobya na si  "Princess" na ginanpanan ni Angeline Quinto. ngunit ang apat na
nakakatandang kapatid ni CJ ay hindi sumasang-ayon sa kanyang desisyon. Iniisip nila ang
mga  negatibong resulta kung sakaling ituloy ni CJ ang pag-iisang dibdib sa kanyang nobya. at
dito nadin pumasok ang gulo sa pamilya "Salazar". Ang panganay sa mag kakapatid ay
ginampanan ni Toni Gonzaga bilang "Teddie" isa syang waitress sa ibang bansa. si Bea
Alonzo bilang si "Bobbie" ang pinaka matalino sa limang magkakapatid, at Shaina Magdayao
bilang si "Gabbie" ang certified katulong ng pamilya at isang professor, at ang huli ay si
Angel Locsin bilang si "Alex" ang gig-addict ng pamilya na naimpluwensyahan ng kanyang
boyfriend na si "Chad" sa pagiging rakista.
Kasing yaman ng gutierrez family sa totoong buhay ang mapapangasawa ni CJ wala
namang kakikitaang masamang ugali ang pamilya nito sa halip sila pa ang mapagkumbaba at
gagastos sa kasal ng dalawa, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay duda sa mga
pinapamalas na ugali ng pamilya Bayag....
Kaya't ang apat na magkakapatid ay gumawa ng paraan upang matigil ang kasalan at
dahil dito mas lumala ang problemang kinakaharap ng pamilya Salazar, ngunit ang apat na
nakakatandang kapatid ni CJ ay may mga kanya kanya ding hinanakit at pagkukulang sa
pamilya. ngunit sa huli ay nangibabaw pa din ang kapatawaran sa isa't isa, at nag kaayos ang
dalawang pamilya. ang pelikulang ito ay may kapupulutang aral, ito'y pang pamilya
kinapapalooban ng comedya at drama na tumutukoy sa modernong pamumuhay.

B. Ayon sa Artistiko at Teknikal na kaanyunan


1. Kaayusan at Balangkas ng mga Pangyayari
Isang pelikula na tungkol sa pamilya, halos lahat ng genre ay matatagpuan dito,
mayroong komedya, drama, romansa.

2. Sapat na Damdamin Panlasa sa Kagandahan at Sining


Naipakita ng mahusay ang bawat damdaming napapaloob sa bawat linyang
nilalahad ng bawat tauhan. Mayroong galit, tuwa, inis at poot na nakukuha ang interes ng
manunod.

3. Katotohanan at kaayusan ng pagkakaganap ng papel ng mga tauhan.


Nabigyang katarungan ng mga tauhan o karakter ang kanilang papel na ginampanan.
Maayos nan a naipapakita ang pag-uugali na mayroon ang karakter na kanilang
ginagampanan.

4. Kalinawan ng Tagpo at kahalagahan ng pinapaksa


Maayos at malinaw ang bawat tagpo ng pelikulang ito at naipakita ang tunay na
pagmamahal sa pamilya at ang kahalagahan nito.

5. Kagandahan ng Tagpuan
Ang mga tagpo sa pelikula ay akmang akmang nagamit. Ang isang tagpuan ay
ang tahanan ng pamilya Salazar. Sa tagpuang ito, naipakita at nailahad ang mga nagtataas
emosyon.

6. kahusayan ng Pagkakalapat ng Musika


Mahusay, maayos, maganda at nagbigay linaw sa mga pangyayari ay nagbigay daloy
sa nararamdaman ng mga manonood ang bawat tunog at musika na nailapat sa pelikula.

C. Ayon sa Kahalagahang Pangmoral


1. pagtutumbas sa Tunay na Buhay ang mga Pangyayari
Batay sa pelikulang ito, naipakita ang kaugaliang Pilipino sa loob ng tahanan.
Naipakita sa pelikula ang tinatawag na A family that stays together praise together at angclose
famiy ties na kung saan isa ‘yan a ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa pelikulang ito
nailahad ang pagpapahalaga natin sa ating pamilya na kahit anong mangyari, ang pamilya ang
agad na makakaintindi at lagging karamay.
2. Sentimentalidad at Tiyakang Pangangaral
Pagmamahal ng sobra sa pamilya. At pagsuporta sa kahit sinong miyembro ng
pamilya. pagiging positibo ang pananaw na naipakita ng pelikula dahil sa kabila ng mga
suliranin ay naranasan ng mga pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang kanilang
paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto muli.

3. Aral o Pilosopiyal na Matatagpuan sa Pelikula


Binibigyang diin ang halaga ng pamilya para sa mga Pinoy. Binigyang diin din
ang kakayahang umahon sa pagkakamali at magsimula muli—na siyang nagagawa kapag
natutong magpatawad sa mga pagkukulang. Sa kabilang banda,  may mga biro at sitwasyon na
medyo maselan at di angkop sa mga bata kaya't mas nararapat ito sa mga manunuod na nasa
hustong gulang.

You might also like