Professional Documents
Culture Documents
ESP2 - DIMAANO - Quarter 1 Modyul4
ESP2 - DIMAANO - Quarter 1 Modyul4
Ikaapat na Linggo
Panimula
Magandang araw mga bata, ang sumusunod ay ang layunin natin para sa ating aralin:
BILANG PINAKAMAHALAGANG MGA GAWAIN
MGA ARALIN LC CODES NG PAMANTAYANG SA SA PAGKATUTO
ARAW PAGKATUTO
Aralin 4: Naisakikilos ang mga paraan Tayong
Pangangalaga sa EsP2PKP- ng pagpapanatili ng kalinisan, Maggupit at
Katawan Id – 11 5 kalusugan at pag-iingat ng Magdikit!
katawan.
Source: https://www.vectorstock.com/28921039
Maligayang Bati
Maligayang bati,
Maligayang bati,
Maligayang, maligayang,
Maligayang bati.
Gintong Aral
Malinis, malakas at malusog na
Mga Gawain katawan
Kailangan ng batang tulad mo.
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Gawain 1
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong opinyon:
Pumili sa mga sumusunod na paraan na iyong ginagawa upang mapangalagaan ang
katawan.
a. Pagkain ng gulay at prutas
b. Pag-eehersisyo
c. Pagtulog ng walo o higit pang oras
d. Paliligo
e. Lahat ng nabanggit
Gawain 2
Sa ngayon, natuklasan mo ang dapat gawin upang mapangalagaan ang iyong katawan. Piliin
ang naangkop na sagot.
Sino sa mga sumusunod na bata ang gumagawa ng tamang paraan upang mapangalagaan
ang kanilang sariling katawan.
a. Si Malakas na hindi nagsesepilyo pagkatapos kumain.
b. Si Makisig na naglalaro ng cellphone tuwing gabi at napupuyat.
c. Si Mayumi na kumakain ng gulay at prutas upang lumakas.
d. Si Maganda na laging kumakain ng mga chichiria o junk foods.
Gawain 3
Sa loob ng kahon ay may makikitang kang iba’tibang larawan ng pagkain. Pillin ang mga
pagkain na makakatulong upang ikaw ay magkaroon ng malusog na katawan.
Pakikipagpalihan
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Gawain 4
Tayong Maggupit at Magdikit!
Sa gawain ito ay maghahanap ka ng mga larawan kung paa mo mapapangalagaan ang iyong
katawan.
Mga Kagamitan:
tatlong larawan gunting glue o paste bond paper
Mga Hakbang:
1. Maghanap ng mga larawan na nagpapakita kung paano mo mapapangalagaan ang
iyong katawan.
2. Pumili ka ng tatlong larawan.
3. Sa tulong ng isang nakakatanda magpatulong sa paggupit ng mga larawan iyong
napili
Paalala: Ang gunting ay hindi laruan kaya naman mag-ingat sa paggamit nito at
magpatulong sa isang nakakatanda.
4. Idikit sa isang malinis na bond paper ang mga larawan.
5. Lagyan ng angkop na kapsyon ang bawat larawan
6. Pagkatapos ay picturan ang ang natapos na gawain at iuupload sa text box sa ibaba.
7. Ang sumusunod ay ang rubriks para sa pamantayan ng iyong gawain.
Gawain 5
Piliin ang pusong kulay pula kung tama ang isinasaad ng pangungusap at pusong kulay itim
kung mali.
5. Mag-eehersisyo ako.
Gawain 6
Piliin ang bituin na kulay berde kung tama ang isinasaad ng pangungusap at bituin na kulay
itim kung mali.
Mga Sanggunian
https://www.vectorstock.com/28921039
Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Kagamitan ng Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City
Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Patnubay ng Guro. Meralco Avenue, Pasig City