MODYUL Panitikan NG Kahirapan at Pangkat Minorya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGALAN:

SEKSIYON:
PAKSA: Panitikan Hinggil sa Kahirapan at Pangkat Minorya
BABASAHIN: Ang Deklarasyon ng UN sa Karapatan ng mga Katutubo
Ako, Mangyan (Maikling Kuwento)
Dati Pa Silang Nakangingiti (Tula)
Tata Selo (Maikling Kuwento)
Maaaring Isa Ka sa Limampu’t Pito (Tula)
Para sa Bangkay na Hubad sa Ngalan (Tula)
GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
A. Ano ang pinatutungkulan ng videong Lupalop? (5 pts)

B. Naisasabuhay bas a kasalukuyan ang mga karapatang idineklara ng UN para sa mga


Katutubo? Ipaliwanag. (10 pts)

C. Ano-anong paglabag sa karapatang pantao ang nilabag sa mga karakter ng Ako, Mangyan?
Suportahan ang iyong sagot. (10pts)

D. Ano ang damdaming namamayani sa tulang Dati Pa Silang Nakangingiti? Magbigay ng


tektwal na patunay. (5 pts)
GAWAIN 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
A. Sino ang nirerepresenta sa lipunan ng mga sumusunod na tauhan sa Tata Selo at ipaliwanag
kung bakit: (5 pts bawat tauhan)
 Tata Selo -
 Alkalde –
 Saling –

B. Sino ang tinutukoy na ‘sila’ sa bahaging ito ng Maaaring Isa ka sa Limampu’t Pito at
suporthahan ang iyong sagot. (5 pts)

kahit sino ka pa
ano mang yaman mayroon o salat ka
hindi ka maliligtas
kapag umatake na naman sila

C. Sino ang kinakausap ng may-akda sa kaniyang tula? (Kaugnay pa rin ng Tanong B) (5pts)

D. Tungkol saan ang tulang Para sa Bangkay na Hubad sa Ngalan? (5 pts)

E. Sino ang kinakausap ng may akda sa kaniyang tula? (Kaugnay pa rin ng Tanong D) (5 pts)

F. Maaari ba nting iugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa dalawang tulang (Para sa
Bangkay na Hubad sa Ngalan at Maaaring Isa ka sa Limampu’t Pito) binasa? Sa paanong
paraan? Magbigay ng sitwasyon. (10 pts)
GAWAIN 3. Pagsulat ng Ambahan.

Kung babalikan ang kuwento na Ako, Mangyan, may makikitang bahagi doon na binabasahan ni Bulan
ang kaniyang Inang Aniw ng isang Ambahan. Ano ba ang Ambahan?
Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, partikular ang mga Hanunuo at
Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro at San Jose naman
sa Occidental Mindoro. Ang mga grupong ito ng mga Mangyan ay may sariling sistema ng pagsulat na
ginagamit na nila bago pa man dumating ang mga Kastila.
Ang ambahan ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring
higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga pagkakataong ang nagsasalita ay maaaring may mahaba o
maigsing pangalan. Ang unang linya sa ambahan ang nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita.
Binibigkas itong parang isang engkantasyon ngunit walang nakatakdang tono o kasabay na anumang
instrumento.
Ang sukat na pitong pantig sa bawat taludtod ngn ambahan o sukat na gansal, ay karaniwang
matatagpuan sa mga katutubong tulang Tagalog tulad ng tanaga, ullalim ng mga Kalinga sa norte, at sa
epikong Ulahingan ng Mindanao (p. xiv). Isahang tugma ang kailanan ng tugmang Ambahan.
Mahalagang katangian ng ambahan ang tugma na ang karaniwang ginagamit ay ang an dahil ito ang
karaniwang panlapi para sa mga pandiwa sa wika ng Hanunuo. Ngunit meron din naman silang a, ak, ag,
ang, as, aw, ay. Pag nagsimula ito sa tugmang an, an ang tugma hanggang sa dulo.

Halimbawa:
Kawayan sa Marigit
Pag tanaw ko, palapit
Labong pa siyang kay liit
Nang daanan ko pabalik
Siksikan mga tinik
Mainam nang pang-sahig!
Buli sa may kaingin
Noong s'ya pa'y musmusin
Hindi ko pinapansin
Nang gumulang, pagsapit
Tanggi ko ang lumain
Sariwa kong kukunin
Bayong kong lalalain
Lagi kong sasakbitin!

Maaari ding balikan ang kuwento ni Bulan at muling basahin ang ginawa niyang Ambahan.

Mula sa https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/ang-ambahan-ay-isang-katutubong-tula-na-nililikha-ng-mga-mangyan-partikular-ang-/398540093537424/
Panuto: Bilang panghuling gawain, sumulat ng isang Ambahan na ang tema ay maaaring
patungkol sa mga katutubo at mahihirap. Muli ang pormat ay pipituhing pantig kada
taludtod at may iisang tugmaan. Ang ating Ambahan na isusulat ay bubuoin ng 10
taludtod. (25 pts)

You might also like