maaaring estudyante ka sa ateneo o lasalle o up o ust
o kaya manedyer sa bangko o kilalang kainan maaaring artista o musikero o kaya serbidor sa mga bar na sosyal o nagmamay ari ng malaking bahay sa ayala alabang maaari ding tagaluto ka sa malaking hotel o simpleng tagapagbenta sa isang turo turo nagtitinda ng samalamig at manggang may bagoong sa kanto o mahilig sa starbucks o seattle’s best o ikaw na adik sa facebook at twitter nagkakandarapa sa latest ipod, psp o wii o di na makapaghintay na mapasakamay ang iphone o blackberry maaaring may magara kang sportscar o kaya maraming body guard sa iyong harapan modelo ka ng kilalang mga brand sapatos pabango kotse pulitiko o damit at ang suot mo’y mahal pa sa nalilimos ng mga batang paslit kahit sino ka pa ano mang yaman mayroon o salat ka hindi ka maliligtas kapag umatake na naman sila dahil wala kang ginawa para matigil ang ganitong pangmamasaker maaaring ikaw ang isa doon sa pitumpu’t pitong bumulagta humandusay na saklot ng pangamba humalik kay kamatayang di pa ibig makasama kung saan ang sariling dugo ang umagos sa katawan at sa lupa na pinangyarihan ng krimeng tatatak na sa kasaysayan ng mga aba at hanggang ngayon di pa nananagot ang mga may sala
Talumpati Upang Magbigay Impormasyon Sa Kapwa Kabataan Upang Mas Maging Responsible Sa Pagpapahayag o Paggamit NG Social Media at Mga Makabagong Teknolohiya.