Professional Documents
Culture Documents
DISKURSO
DISKURSO
Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin,kaisipan o ideya sa kahit sinumang lahi ng tao sa
mundo.Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao.Nagmula ito sa Middle English na
“discours” na mula sa Medival at Late Latin na “discursus” at “kumbersasyon.”Sa makalumang
kahulugan nito,tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging
makatwiran ng isang tao.
Ayon naman sa diksyonaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay may
kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.Marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay isang
pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t-ibang paksa, pasulat man o pasalita .Dahil sa diskurso maraming
nalaman ang tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga
taong nakipagpalitan-tugon sa pamamagitanng pagsasalita sa kanilang mga kausap.
Proseso ng komunikasyon
Ang Mensahe
1.Nagpapadala ng Mensahe -tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Sila
ang nag-eenkowd ng mensahe.
Dalawang kategorya
2. Tagatanggap ng mensahe
Pisikal na Sagabal – mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning taknikal na kaugnay ng
sound system
Pisyolohikal na Sagabal – mga matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng mensahe
tulad ng kapansanan sa panigin, pandinig, o pagsasalita.
1. Paglalarawan
Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop, bagay, lugar,
pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at hayop.Samakatuwid ang
paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na
magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagiging malikhain.
2. Pagsasalaysay
3. Paglalahad
Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at
impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at dagdag na kaalaman ng ibang tao.Dahil sa
diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang
imbentor,pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba.
· Pagbibigay ng kahulugan
· Pag-iisa-isa
· Pagsusunod-sunod
Tatlong Uri ng Pagsusunod-sunod
· Sikwensyal na Pagkakasunod-sunod
· Kronolohikal
· Prosidyural
4. Pangangatwiran
Halimbawa:
-Pagtatalo o debate
paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil may paksang
pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambbabae o panlalake
layunin – bawat diskurso ay nagaganapdahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil dito,
iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa katuparan ng layunin,
maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa
pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil
na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung
papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng kinakausap.
tagatanggap– ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may iba’t ibang takbo ng pag-
iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring
iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.