Wasto at Malinaw Na Bigkas NG Salita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Dapat

Isaalang-
alang sa
Pagtatalumpati

Ipinasa kay:

Gng.Beonify C. Opinion,Ed.D

Ipinasa nina:

Mary Knoll T. Protacio

Jerico Reyes

Ana Mae Pelayo


1. Ang Mananalumpati

Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa

harap ng kanyang tagapakinig: paraan ng kanyang pagbigkas ng salita,

kanyang pananamit, asal sa entablado, kumpas ng kamay at laging dapat

tandaan niya ay siya ay sa harap at pinakikinggan at pinapanonood ng

mga tao

2. Ang Talumpati

Kailangang isaalang –alang ang nilalaman ng talumpati upang

matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit

sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais maiparating ng

talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig

3. Ang tagapanood/tagapakinig

Higit na mabuting malaman ng mananalumpati ang uri at antas ng

kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang

gagamitin na mapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang

mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati: mahalaga ring

malaman kung sino ang tagapakinig upang maibigay sa kanila ang

talumpati at malinaw ang kahulugan ng talumpati para sa kanila


Wasto at Malinaw na bigkas ng salita

Dapat tandaang mahalaga sa pananalumpati ang malinaw na

pagbigkas ng salita. Nasasalaysay sa wastong gamit ng mga sangkap sa

pagbigkas o ang tinatawag na mga artikulador at resonador ang wasto at

malinaw na pagbigkas. Ang mga sankap na ito ay ang labi, ngipin,

ngalangala, dila, babagtingang-tinig at iba pa. Ang kapinsalaan sa alin

man sa mga ito ay magbububnga ng di wasto at di malinaw na bigkas ng

salita. Sa pananalumpati sa Pilipino, bigkasing malinaw at may pagkaiiba-

iba rin sa diin ang mga salita Bata (ba:tah) “gown’’ kaysa sa Bata (ba:ta)

“child”.Magkaiba sila sa diin Ang bata “gown” ay malumay samantalang

ang bata “child” ay may diing malumi.

Bigkasing malinaw ang bawat salita na binibigyang diin ang mga salitang

nagpapalutang na mabuti sa kaisipang nais pangimbabawin

Bigkasing malinaw hindi lamang ang mga patinig kundi ang mga katinig

din naman . Gawing malinaw ang pagkaiiba ng b, sa p, ng d sa t ng k sa

g, ng m sa n at sa ng, ng l sa r, at iba pa. Tiyaking iba ang b sa v, p sa f,

at s sa z.

a. Ang tulin o bilis at bagal ng pagsasalita ay may malaking epekto sa

malinaw na salita at sa mabisang pagpapalutang ng diwa ng

talumpati. Walang tiyak na panuntunan sa dapat na maging mabilis

ng pagsasalita. Ito’y nababatay sa pangungusap na binibigkas.


Isaalang-alang ang diwa ng talumpati. Kung naglalarawan ng

sunud-sunod na mabibilis na pangyayari, ang pagsasalita ay

matulin. Ang mahahalagang bagay naman ay binibigkas nang

mabagal-bagal upang tumiim ang diwa sa tagapakinig at upang

mabigyan sila ng sapat na panahon na maunawang mabuti at

ganap ang kaisipang inilalahad. Sa anu’t ano man dapat ding

gunitaing huwag magmalabis sa paggamit ng teknik na ito ng

pagpapatulin o pagpapabagal ng salita.Sapagkat kung labis ng tulin

na wika nga’y parang nagtatadtad ng karne o parang nagpapaputok

ng machine gun, baka hindi na maunawaan ng nakikinig ang sinsabi

ng tagapagsalita. Ang mga tagapakinig ay hindi nagiging relaks.

Kung labis naman ang bagal ng pagsasalita at bago masundan ang

unang salita ng susunod ay napakatagal, naiinip ang tagapakinig at

maaari pang isipin nila na hindi gasinong handa ang nagtatalumpati

pagkat ngayon lamang nag-iisip ng angkop ng salitang bibitawan

Isa pa’y lubhang kabagu’t bagot pakinggan ang isang tagapagsalita

Tindig

Ang tindig ng isang nagtatalumpati ay unang nakatatawag ng pansin ng

mga tagapakinig kahit bago pa man siya bumigkas ng kanyang unang

pangungusap. Tandaan, magtatalumpati ka. Nais mo silang papaniwalain sa

iyong mga sasabihim. Kayatumindig kang may pagtitiwala sa sarili ngunit

tumindig nang maginhawa at maluwag. Natural, wika nga. At relaks. Iwasan


ang tindig military o tuwid na tuwid na tila babarilin. Huwag naming kimi at

nakayuko. Maging kagalang-galang sa pagtayo: Iwasan ang mga tindig

mayabang – nakapamaywang o kaya’y nakadukot ang kamay sa bulsa.

Sa pag-akyat sa entablado o pagtungo sa rostrum, lumakad nang masigla.

Hindi lakad-mayabang o lakad kimi, kundi lakad ng isang may tiwala sa

sarili, ng isang may nais ibahaging mahalaga sa iba. Maging natural.

Pagdating sa rostrum o sa entablado, tumayong matuwid una nang bahagya

ang kanang paa. Huwag magsimula agad sa pagsasalita. Hagurin ng

masayang tingin, tinging may init at sigla ang tagapakinig. Ngumiti. Ituon

ang buong diwa sa mensaheng sasabihin at magsimula. Unti-unti mawawala

ang kaba. Maiwawala ang libong paro-parong naglipad-lipad sa sikmura pati

ang pag-uumpugan ng mga tuhod.

Tandaan bago tumayo patungo sa rostrum, huminga nang malalim. Ang

hanging papasok ay siyang magbibigay ng lakas at sigla sa bolyum ng tinig.

Ito ay makapapawi rin ng kaba at makapagdaragdag ng tiwala at

magandang tindig.

Kasama ring mababanggit sa bahaging ito ng pagtalakay sa wastong tindig

ang kaayusan ta pananamit ng nagsasalita.

Habang nagsasalita ipakita ang sigla at maalab na kawilihan sa sinasabi.

Kung tila wala kang gana, walang sigla at walang kawilihan sa sariling

pagsasalita, sino pa ang magkakaroon nito upang making sa iyo at mag-ukol


ng pansin sa pagsasalita mo? Kung minsan ang tila walang siglang anyo ay

bunga ng kakimian o pagkamahiyain o dili kaya’y dahil sa matinding nerbyos

o kaba ng dibdib. Ang maayos at wastong pananamit ay makatutulong sa

pagkakaroon ng tiwala at pagkawala ng kaba. Nasisira kung minsan ang

porma wika nga ng isang nagsasalita dahil sa walang tigil na kahihila at

kaaayos ng kanyang pananamit. Ang malinis at maayos na pananamit,

angkop na kaayusan, payak at angkop mula buhok hanggang paa ay dapat

ding pag-ukulan ng pansin ng tagapagsalita sa kanyang paghahanda sa

pagsasalita. Isiping ang tagapakinig ay naroroon hindi lamang nakikinig

kundi nanunuod pa rin sa iyo. At kailangang matugunan hindi lamang ang

intelektwal kundi gayon din ang estetikong kahingian.

Galaw

Ang galaw at pagkilos ng mananalumpati ay nakatatawag ng pansin ng

mga nakikinig. Unang-unang dapat tandaan, ang galaw sa ibabaw ng

tanghalan ng nagtatalumpati ay dapat maging natural – walang pakunwari.

KATANGIAN NG TALUMPATI

1. Tumatalakay o pumapaksa sa mga napapanahong usapin.

Mahalagang ang paksain ay mga patungkol sa mga usaping

napapanahon upang ang lahat ng mga nakikinig ay makaugnay at makuha

nito ang atensyon.


2. Pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral.

Ang lahat ng ating mga bibitawang mga impormasyon ay kailangang

may masusing pag-aaral at dapat may kaukolang ebedinsya upang lubos na

katanggap-tanggap ang mga ito. Isa sa mga dahilan ng o layunin ng

talumpati ay upang manghikayat dapat lang na ang mga salita dito ay may

matibay at masaligang pinagkunan.

3. Maayos ang pagkasusunod-sunod ng impormasyon

Dapat isaalang-alang ang mga impormasyon na nakapaloob sa

talumpati upang lalong madaling maintindihan ang nais mong ipahiwatig.

Mayroong mga impormasyong hindi o wala sa tamang sunod kaya’t sa

unang dinig ay hindi madaling makuha ang nais ipahiwatig.

4. Piling-pili ang mga salitang ginagamit.

Isang katangian ng magandang akda ay ang mga salitang nakapaloob

dito. Masasabing kapag ang talumpati ay pinag-isipang mabuti makikitaan

talaga ito ng mga piling salita na angkop sa pangungusap. Hindi madaling

pumili ng mga salita para lamang mailahad ng maayos ang nais ipahiwatig

na ideya sa mga nakikinig. Ito’y nangangailangan ng oras at pagbabagyo

ng isip upang matamo ang ninanais na resulta o layunin ng talumpati.

5. Angkop sa mga nakikinig


Isa sa napakahalagang katangian ng talumpati ay dapat angkop sa

mga tagapakinig. Nakapaloob dtto ang pagpili ng mga salita na madaling

maintindihan. Kung ang mga nakikinig ay mga high school student dapat na

ang mga terms o salita ay angkop sa kanila at kung mga bata naman ay

dapat na nasa level nila ta kung mga professional naman ay dapat na pang

profesional din.

KUMPAS

Ang bawat kumpas ng kamay ay may layuning linawin, patingkarin o

bigyang-diin ang isang kaisipan o damdaming ipinapahayag.

Mga uri ng kumpas sa Talumpati

• Palad na nakalahad sa harap, Bahagyang nakabukas ang

dalawang bisig- nagpapahiwatig ng dakilang damdamin.

• Palad na nakataob at ayos na patulak- nagpapahiwatig ng pag-

tanggi, ng hindi pagsang-ayon.

• Kumpas na parang may itinuturo(ginagamit ang hintuturo)-

Ginagamit upang tawagin ang pansin.

• Kumpas na paturo(nanunurot)-Ginagamit sa paghahamak,

panduduro o pagkagalit.
• Kumpas na pasubaybay- Gina-gamit ito kung nais bigyan ng diin

ang magkakaugnay na diwa.

• Palad na nakataob , at ayos na padapa(parang nakapatong sa

balikat ng pinagpapagunitaan)-ginagamit kung pinalalamig ang

kalooban ng tagapakinig.

• Palad na nakakuyom- nagpapa- hayag ng isang masidhing dam-

damin,(pagkagalit, pagkalungkot, panlulumo, pagtitimpi)

Ang mga uri ng kumpas na binanggit sa unahan ay mga mungkahi at

maaaring baguhin. Tandaan ang kumpas ng kamay ay nakatutulong sa

pagpapalutang ng kaisipan kung ito’y

1. Nasa tamang panahon, hindi una, hindi huli;

2. Maluwag, maginhawa at natural;

3. Angkop sa diwang inilalarawan; at

4. Tiyak, may buhay at hindi matamlay.

Talasanggunian:

Belvez, Paz M.,Catacataca, Pamfilo et al.1985. Sanaysay, Debate at


Talumpati. Metro, Manila Philippines: National Book Stores Inc.

You might also like