Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maryknoll College of Panabo, Inc.

Purok Atis, National Highway, Brgy. Sto. Niño, Panabo City


PAASCU Accredited School Level 1
Junior High School Unit

Semi-Final Examination
FILIPINO 10

Pangalan:______________________________________ Petsa: _______________


Baitang at seksyon:_______________________________ Puntos: ______________

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

_____ 1. Kailan isinilang si Dr. Jose P. Rizal?


A. Hulyo 16, 1861 C. Hunyo 16, 1861
B. Hulyo 19, 1861 D. Hunyo 19, 1861
_____ 2. Sino ang paring nagbinyag sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal?
A. Fr. Florentino Claveria C. Fr. Rafael Izquierdo
B. Fr. Pedro Casanas D. Fr. Rufino Collantes
_____ 3. Pang-ilan sa labing-isang magkakapatid si Jose Rizal?
A. Anim C. Siyam
B. Pito D. Walo
_____ 4. Anong eksaktong petsa namatay si Dr. Jose P. Rizal?
A. Disyembre 19, 1896 C. Disyembre 30, 1896
B. Disyembre 25, 1896 D. Disyembre 31, 1896
_____ 5. Ang nobelang El Filibusterismo ay nauuri bilang nobelang
A. Pamahalaan C. Panlibangan
B. Pampulitika D. Panlipunan
_____ 6. Saan nalimbang ang ikalawang nobelang naisulat ni Jose Rizal?
A. Barcelona, Spain C. Ghent, Belgium
B. Berlin, Germany D. Paris, France
_____ 7. Ilang kabanata mayroon ng nobelang El Filibusterismo ni Rizal?
A. Animnapu’t apat C. Tatlumpu’t siyam
B. Apatnapu’t siyam D. Tatlumpu’t walo
_____ 8. Sino ang tagapagligtas ng ikalawang nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal?
A. Ferdinand Blumentritt C. Maximo Viola
B. Jose Maria Panganiban D. Valentin Ventura
_____ 9. Kailan natapos ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
A. Enero 23, 1896 C. Pebrero 27, 1894
B. Marso 29, 1891 D. Nobyembre 25, 1893
_____ 10. Ano ang tawag sa mga taong kalaban ng relihiyong Katoliko o simbahang Katoliko?
A. Bucanero C. Filibustero
B. Corsario D. Indio
_____ 11. Sa nobelang El Filibusterismo, sino ang pamangkin ni Padre Florentino na kinalinga
niya?
A. Basilio C. Tano
B. Isagani D. Macaraig
_____ 12. Sa mga tauhan ng El Filibusterismo, sino ang naging kompesor ni Kapitan Tiago?
A. Padre Camorra C. Padre Irene
B. Padre Florintino D. Padre Millon

Filipino 10 | 1
_____ 13. Sinong matalik na kaibigan ni Maria Clara na anak nina Kapitan Basilio at Kapitana
Tika?
A. Juliana o Juli C. Pepay
B. Paulita Gomez D. Sinang
_____ 14. Sino ang naging kompesor ni Maria Clara noong nasa beateryo ng Santa Clara?
A. Padre Camorra C. Padre Salvi
B. Padre Irene D. Padre Sibyla
_____ 15. Anong kurso ang kinuha ni Basilio nang pinag-aral siya sa kolehiyo?
A. Enhinyero C. Medisina
B. Guro D. Pagka pari

II.Pagkilala
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang tauhang isinasaad sa bawat
bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa mga nakalaang patlang bago
ang bawat bilang.

Simoun Kapitan Heneral Mataas na Kawani Padre Irene Ginoong Pasta

Padre Florentino Padre Camorra Don Tiburcio Padre Salvi Padre Sibyla

Isagani Basilio Kapitan Basilio Juli Tano Paulita Gomez

Tadeo Padre Fernandez Padre Millon Tata Selo Kapitan Tiago

Macaraig Placido Penitente Juanito Pelaez Donya Victorina Quiroga

Ben Zayb Hermana Bali Kapitana Tika Don Timoteo Pelaez

Hermana Penchang Pepay Maria Clara Don Custodio Sandoval

_______________ 16. Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Masugid siyang


manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahing si Donya Victorina.
_______________ 17. Isang mayamang mangangalakal na Intsik na nagnanais na magtayo ng
konsulado ng bansang Tsina sa Pilipinas. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan.
_______________ 18. Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa
kagustuhan ng amang siya’y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon.
_______________ 19. Kilalang peryodista sa isang pahayagan na madalas hingian ng payo at
opinion ng ilang pinuno ng pamahalaan.
_______________ 20. Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Makikita sa kanya
ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.
_______________ 21. Siya ay nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiyago sa murang halaga. Naging
kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
_______________ 22. Kinikilalang tagapayo ng mga prayle sa mga suliranin tungkol sa batas.
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na
abogadong Pilipino.
_______________ 23. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang
maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin.
_______________ 24. Marami ang nakakalam na kasintahan niya ang kababatang si Juli. Minsan
ay hinikayat siya ni Simoun na sumama sa isasagawa niyang balak.
_______________ 25. Isang paring kanonigo na kilala sa kanyang ahit at mamula-mulang mukha.
Siya ay panig sa pagkakaroon ng paaralang magtuturo ng wikang Esanyol sa mamamayang
katutubo.

Filipino 10 | 2
_______________ 26. Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit
niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito.
_______________ 27. Isang babaeng indiyo na nakapag-asawa ng pilay at bungal na Espanyol.
Dahil sa napangasawa niya, itinuturing niya rin ang kanyang sarili na may lahing Espanyol.
_______________ 28. Isang batikang panggingera. Siya ang nagunguna sa pagbibigay-payo sa mga
may suliranin sa kanilang baryo.
_______________ 29. Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi
niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumuan at salungat siya lagi sa pasiya ng
Mataas na Kawani.
_______________ 30. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa
magagandang dilag.
_______________ 31. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang magsalita.
_______________ 32. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika. Mahilig
siya sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas.
_______________ 33. Kilala bilang isang makata at estudyante sa Ateneo Municipal. Matapang
siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa
likong paraan sa pagkakamit ng adhikain.
_______________ 34. Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Masugid siyang
manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahing si Donya Victorina.
_______________ 35. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan. Nawala siya sa katinuan.
Siya ay nanging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio.
_______________ 36. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod
na mag-aral, at palabasa kay nagunguna sa pagbabago. Siya ay nakapayaman at bukas-palad
sa kapwa.
_______________ 37. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa
buhay para makatulong sa pamilya. Nagsilbi bilang katulong ni Hermana Penchang.
_______________ 38. Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon
ng mga mag-aaral. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.
_______________ 39. Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang
lalaki. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
_______________ 40. Kilala sa pagsusuot ng salaming de-kulay at nagtataglay ng makapal na
balbas upang itago ang tunay na katauhan.

III. Enumerasyon
Panuto: Ibigay ang mga isinasaad sa bawat pahayag.

41-45. Magbigay ng limang tauhan na makikita sa Noli Me Tangere hanggang sa El Filibusterismo.


41.
42.
43.
44.
45.
46-50. Magbigay ng limang kapatid ni Dr. Jose Rizal. (IN ORDER)
46.
47.
48.
49.
50.

Filipino 10 | 3

You might also like