Module5 130929233102 Phpapp01

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Modyul 5: 1986 EDSA People Power Revolution at ang Hamon ng Pagbabago

Mga Paksa:
1. 1986 EDSA People Power Revolution
1.1 Mga Pangyayari tungo sa 1986 EDSA People Power Revolution
1.2 Ang 1986 EDSA People Power Revolution

2. Panunumbalik ng Demokrasya
2.1 Panunumpa ni Corazon Aquino bilang Pangulo
2.2 1986 Freedom Constitution
2.3 1987 Saligang Batas ng Pilipinas

3. Kalagayan ng Pilipinas pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution


3.1 Kahalagahan ng 1986 People Power Revolution
3.2 Mga hamon ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan

Tema:
A. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
B. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala

Bilang ng Oras: anim (6)

Alignment Matrix

Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang Saang gawain Anong level of Bilang ng
nakapaloob makakamit ang assessment oras
sa sanggunian? kakayahan? nakapaloob ang
gawain?

1986 EDSA People Mga Imahe ng 1. Naisasalaysay ang


Power Revolution 1986 EDSA pagkakasunod-sunod ng Gawain 2 Knoweledge
People Power mga pangyayaring naging * Maglaan
Revolution dahilan upang maibalik ang ng 30
demokrasya noong 1986 minuto
para sa
2. Natatalakay ang mga salik pagtalakay
na nakatulong sa Gawain 1 Knowledge ng
pagtatagumpay ng 1986 panimula
EDSA People Power
Revolution

3. Napahahalagahan ang 1 and ½


mga kontribusyong ng 1986 Gawain 6 Understanding
EDSA People Power
Revolution sa pamamagitan
ng pagsulat ng repleksiyon

1
4. Nasusuri ang epekto ng
sama-samang pagkilos ng Gawain 3 Knowledge,
mamamayan para sa Gawain 4 Understanding
kalayaan, demokrasya at Gawain 5 Knowledge,
karapatang pantao Skill/Processes
Understanding
Gawain 7 Knowledge
Inaugural Knowledge,
Address ni 5. Nasusuri ang epekto ng Gawain 8 Skill/Process
Pangulong sama-samang pagkilos ng
Corazon Aquino mamamayan para sa Gawain 9 Skill/Process,
kalayaan, demokrasya at Understanding
karapatang pantao
Gawain 10 Knowledge,
Skill/Process, 2
Understanding
6. Nasusuri ang talumpati ni
Pang. Corazon Aquino sa Gawain 11 Knowledge,
Panunumbalik ng kaniyang inagurasyong Understanding
Demokrasya bilang pangulo hinggil sa
Bahagi ng 1986 kinaharap na hamon sa Gawain 12 Knowledge
Provisional bayan sa pagpapanatili ng Gawain 13 Knowledge,
“Freedom” demokrasya Understanding
Constitution of
the Philippines

Bahagi ng 1987
Saligang Batas 7. Naipahahayag ang
ng Pilipinas paggalang sa opinyon at
paniniwala ng kapwa mag-
aaral tungkol sa mga
pangyayari na may
kaugnayan sa 1986 EDSA Gawain 14 Knowledge
People Power Revolution

8. Nasusuri ang epekto ng


sama-samang pagkilos ng
mamamayan para sa Gawain 15 Knowledge,
kalayaan, demokrasya at Understanding
karapatang pantao

9. Nasusuri ang talumpati ni


Pang. Corazon Aquino sa
kaniyang inagurasyong
bilang pangulo hinggil sa
kinaharap na hamon sa
bayan sa pagpapanatili ng
demokrasya
Kalagayan ng 10. Naiuugnay ang mga
Pilipinas 26 Years of kasalukuyang pangyayari sa
pagkatapos ng Freedom mga hangarin noong 1986 Gawain 16 Knowledge,
1986 EDSA People EDSA People Power Skill/Process
Power Revolution 26 Years after Revolution Gawain 17 Understanding 2
EDSA, where did 11. Nasusuri ang mga
we go wrong? suliraning hindi pa nalulutas Gawain 18
sa kasalukuyan
5 Lessons to 12. Naipaliliwanag kung
Remember from bakit mahirap lutasin ang

2
the EDSA People mga suliraning ito
Power 13. Nailalahad ang mga
Revolution mungkahi na dapat gawin ng
pamahalaan at ng kabataan
upang makamit ang
hinahangad na pagbabago.

14. Naipahahayag ang


paggalang sa opinyon at
paniniwala ng kapwa mag-
aaral tungkol sa mga Gawain 19
pangyayari na may
kaugnayan sa 1986 EDSA Knowledge,
People Power Revolution Skill/Process
Understanding
15. Napahahalagahan ang
mga kontribusyong ng 1986
EDSA People Power
Revolution sa pamamagitan Gawain 19
ng pagsulat ng repleksiyon Gawain 20

Pagganyak
a. Ipaliwanag ang panuto para sa Awit-Guhit.
b. Ipaskil ang lyrics ng awit na Handog ng Pilipino sa Mundo. Iparinig sa mga mag-aaral ang awit.
(Maaari ding ipakanta kung walang sapat na kagamitan).
c. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa pagguhit ng simbolo.
d. Tumawag ng mga volunteer upang ipaliwanag ang naiguhit na simbolo sa klase.
*Paalala: Kunin lamang ang pangkalahatang ideya ng klase ukol sa awitin.
e. Ipasagot ang pamprosesong tanong. Ang sumusunod ang inaasahang sagot sa mga ito:
1. Kalapati. Dahil ito po ay simbolo ng kapayapaan at kalayaan na siyang mensahe ng
awitin.
*Paalala: Maaaring tanggapin ng guro ang paliwanag ng mag-aaral kung ito ay kaniyang
mapapangatuwiranan.
2. 1986 EDSA People Power Revolution.

f. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsuri ng mga primaryang sanggunian


sa modyul. Ang tanong ay “Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at
kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos?”
*Paalala: Sabihin sa mga mag-aaral na dapat nilang maipaliwanag ang sagot sa tanong bago matapos
ang pagtalakay sa modyul na ito.

g. Ipabasa ang mga kakayahan na inaasahang makakamit sa pag-aaral ng Modyul 5.


Pagtalakay sa Panimula
a. Talakayin ang panimula at kontekstong pangkasaysayan tungkol sa mga pangyayaring nagbigay-
daan sa 1986 EDSA People Power Revolution. Maaaring gumamit ng larawan, dokyumentaryo at
video clips ukol sa nasabing pangyayari.

b. Ipaunawa ang timeline at graphic organizer na nasa Panimula.

c. Magbigay ng maikling pagsubok upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang


kontekstong pangkasaysayan.

3
Pagsuri sa mga Sanggunian:

1986 EDSA People Power Revolution


Sanggunian 1: Mga Imahe ng 1986 EDSA People Power Revolution

Gawain 1: Photo-Suri

LARAWAN DESKRIPSIYON SEKTOR PAANO IPINAKITA KAHALAGAHAN O


(Mamili sa mga ANG KONTRIBUSYON PARA
sumusunod: PAKIKIPAGLABAN SA PAGKAMIT NG
Simbahan, PARA SA KALAYAAN
Pamahalaan, KALAYAAN
Sundalo,
Pangkaraniwang
Mamamayan)
LARAWAN A Sama-samang Simbahan Sa pamamagitan Ang matibay na
nagtutulungan at ng mapayapang paniniwala sa Diyos ay
nagdarasal ang mga paraan nagbuklod sa mga
pangkaraniwang tao, mga mamamayang Pilipino na
madre at pari kaharap Sa pamamagitan nakatulong sa pagkamit
ang mga sundalo at ng pagdarasal ng kalayaan
tangke
Sa pamamagitan
ng paghingi ng
tulong sa Diyos
LARAWAN B Mga pangkaraniwang Pangkaraniwang Sa pamamagitan Ang pagkakaisa ng mga
mamamayan, bata, Mamamayan ng pagkakapit- mamamayan kahit na
matanda, babae o lalaki bisig magkakaiba ang kanilang
ay nagsasama-sama estado sa buhay ay
Sa pamamagitan nakatulong upang
ng mapayapang makamit ang kalayaan
paraan
LARAWAN C Mga kilalang Pamahalaan Sa pamamagitan Ang pakikibahagi ng mga
personalidad at opisyales ng hindi pagsunod kilalang personalidad sa
ng pamahalaan at militar sa utos ng pangulo lipunan at pamahalaan ay
nagpatibay sa pakikibaka
Sa pamamagitan upang makamit ang
ng mapayapang kalayaan
paraan
LARAWAN D Mga sundalo na Sundalo Sa pamamagitan Ang pagdedesisyon ng
inaabutan ng pagkain, ng hindi pagsunod mga sundalo na makiisa
rosary at bulaklak ng mga sa utos ng pangulo sa taong bayan sa halip
mamamayan na sila ay paalisin ay
Sa pamamagitan isang mahalagang salik na
ng pakikiisa sa nakatulong sa pagkamit
taong bayan ng kalayaan

4
Pamprosesong Tanong:
1. Opo. Dahil ang layunin ng pagkilos na ito ay upang mapaalis si Pangulong Marcos na siyang
dahilan ng pagkawala ng kalayaan sa pagpapahayag ng mga Pilipino.

2. Opo. Nagtipon at nagkaisa ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas at sektor ng lipunan
tulad ng simbahan, pamahalaan, mga negosyante, estudyante, at mga pangkaraniwang
mamamayan.

3. Masasabi ko po na ang pagkakaisa at pananalig sa Diyos ay mga dahilan ng tagumpay ng 1986


EDSA People Power Revolution.

Mungkahi sa Guro: Sa mas epektibong pagtalakay ng sanggunian, palakihin ang larawan at ipaskil sa pisara.

Paalala: Mungkahing Gawain Bilang 1

Gawain 2 – Guhit-Kasaysayan
1. Ipagawa ang Gawain 2 – pagguhit ng comic strip.
2. Ipaliwanag ang rubric para sa pagmamarka ng comic strip.
3. Italaga ito bilang Gawaing Bahay bilang 1.
4. Bago magsimula ang klase sa susunod na pagkikita ay tumawag ng
volunteer upang ilahad ang kaniyang comic strip.
5. Paalala: Ito ay mungkahing gawain bilang 1

Gawain 3 – Tulong-Isipan
a. Ipaliwanag sa klase ang panuto ng gawain. Bigyan ng kaukulang minuto upang makahanap
sila ng kanilang kapareha. Maaari din naman na ang guro ang magtakda ng magiging
magkapareha sa gawaing ito. Halimbawa, ipareha ang isang aktibong mag-aaral sa isang hindi
gaanong aktibo.

b. Ipaskil sa klase ang graphic organizer. Sabihin sa mag-aaral na kopyahin ito sa notebook at
lagyan ng pananda na Group Activity No. 1. Bigyan ng kaukulang minuto upang masagutan ng
mag-aaral ang gawain.

Inaasahang sagot:
1. Mahalaga ang naganap na 1986 EDSA People Power Revolution dahil napanumbalik ang
kalayaan at karapatan ng mga Pilipino sa malayang pagpapahayag.

2. Opo. Dahil bilang Pilipino, tungkulin ko na makiisa sa mga gawain na nagpapakita ng


pagmamahal sa kapwa at sa ating bansa.

3. Dapat kong ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution dahil nagtagumpay ang mga
Pilipino na mapaalis ang isang diktador na pinuno sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

5
Gawain 4 – Mga Pagbabago
a. Ipagawa ang Gawain 4 – Mga Pagbabago
b. Mga inaasahang sagot:
Pamahalaan – nagkaroon ng pagbabago sa mga namumuno. Nabago din ang mga batas na
ipinatutupad
Kalayaan sa Pamamahayag – muling nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na ipahayag ang
kanilang saloobin at opinyon sa pamahalaan
Ugnayan ng mga Mamamayan – nagkaisa ang mga mamamayan at nawala ang agwat sa
mayayaman at mahihirap
Diwa ng Demokrasya – muling naramdaman ang diwa ng demokrasya dahil nailuklok ang
pangulong tunay na nanalo sa halalan

Paalala: Mungkahing Gawain Bilang 2

Gawain 5 – Mind Map


a. Ipaliwanag sa klase ang panuto ng gawain. Maaari itong ipagawa sa bond paper at gumamit
ng makukulay na papel. Sabihan ang mga mag-aaral na magdala ng mga nabanggit na
kagamitan bago ipagawa ang mind map.

b. Inaasahang sagot:

DEMOKRASYA

SAMA-SAMANG PAGKILOS 1986 EDSA


KARAPATANG PANTAO
MAMAMAYAN
PEOPLE POWER
REVOLUTION

KALAYAAN

Paliwanag:

1. Ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan noong 1986 EDSA People Power Revolution ay
nagbigay-daan sa pagpapanumbalik ng demokrasya, karapatang pantao, at kalayaan sa Pilipinas.

Paalala: Tanggapin ang iba’t ibang konsepto na mabubuo ng mag-aaral ayon sa matalinong
paggabay ng guro.
*Ito ay mungkahing gawain bilang 2.

6
Gawain 6 – Pagsulat ng Repleksiyon

a. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang pagsulat ng repleksiyon ay isang paraan upang malaya
nilang maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinyon at mga naunawaan sa paksang tinalakay.
Nararapat din na ito ay naglalaman ng kanilang mga realisasyon o mga natutuhan na maaari
nilang magamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahalagang ipaliwanag sa mga mag-aaral
na hindi ito pagbubuod ng paksa.

b. Italaga ito bilang Gawaing Bahay bilang 2.

c. Bago magsimula ang klase sa susunod na pagkikita ay tumawag ng volunteer upang ibahagi
ang kaniyang repleksiyon.

Sanggunian 2 – Bahagi ng Inaugural Address ni Pangulong Corazon Aquino

a. Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ni Pangulong Corazon Aquino habang siya ay nanunumpa.
b. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
b.1 Sino ang nasa larawan? – Corazon Aquino
b.2 Bakit siya naging tanyag sa bansa at sa buong mundo? – Unang babaeng pangulo ng Pilipinas
at naging bahagi ng 1986 EDSA People Power Revoultion

c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula at ang nilalaman ng Sanggunian 2.


d. Ipasagot ang sumusunod na gawain:

Gawain 7 – Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon


1. Pebrero 25, 1986
2. Club Filipino, San Juan Metro Manila
3. Ang taong bayan/ Mamamayang Pilipino
4. Ang mamamayang Pilipino
5. Hinihikayat niya ang lahat ng mga mamamayan maging ang mga nasa panig ni Pangulong
Marcos na makiisa sa pamahalaan upang magtulong-tulong sa pagpapaunlad ng bansa.

7
Gawain 8 – Ayon sa Pangulo
a. Ipaliwanag ang panuto ng gawain – Ayon sa Pangulo.
b. Inaasahang Sagot

Pagpigil sa Pagkawala ng
kalayaan ng diwa ng
Pilipino sa demokrasya
pamamahayag
Mga pangunahing hamon
o suliranin ng Pilipinas
ayon sa Talumpati ni
Pangulong Corazon
Aquino
Hindi paggalang
Pagiging diktador
sa karapatang
ng pangulo/Pang-
pantao ng mga
aabuso sa
mamamayan
kapangyarihan

Pamprosesong Tanong:

1. Ang mga mamamayan/taong bayan


2. Pagpigil sa kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag. Dahil mahirap mabuhay sa isang
lipunan at bansa na walang kalayaan ang mga mamamamyan.
3. Napanumbalik ang diwa ng demokrasya dahil sa pagkakaisa ng taong bayan at sa tulong ng
Panginoong Diyos.
4. Mahalaga ang pagkakahalal kay Corazon Aquino bilang pangulo kapalit ni Ferdinand Marcos
dahil nagkaroon ng pagbabago sa mga batas at layunin ng pamahalaan. Higit sa lahat ay
napanumbalik ang kalayaan sa pamamahayag ng mga Pilipino at naigalang ang diwa ng
demokrasya.
Paalala: Tanggapin ang iba pang pananaw ng mag-aaral na may matalinong gabay ng guro.

Gawain 9 – Suri-Teksto
a. Hatiin ang klase sa limang pangkat.
b. Ipaliwanag ang panuto ng gawain – Suri-teksto
c. Ipaskil sa pisara ang mga bahagi ng inaugural address ni Pangulong Corazon Aquino.
*Mungkahi sa guro: Palakihin ang mga bahagi ng inaugural address ni Pangulong Corazon Aquino upang
mas madaling mabasa ng mag-aaral.
d. Magsagawa ng talakayan ukol sa mga sagot ng pangkat.
e. Inaasahang sagot:

8
Pangkat 1
Sagot:
1. I am grateful for the authority you have Binigyang-diin ni Pangulong Corazon Aquino na ang
given me today. And I promise to offer all that kaniyang posisyon ay ipinagkaloob ng taong bayan.
I can do to serve you. Bilang ganti ay hindi niya bibiguin ang bansa at
paglilingkuran ito nang buong lakas at katapatan.
Pangkat 2

2. It is fitting and proper that, as the rights Sagot:


and liberties of our people were taken away Nararapat na igalang ng pamahalaan ang karapatang
at midnight twenty years ago, the people pantao ng mga mamamayan tulad ng kalayaan sa
should firmly recover those lost rights and pamamahayag at pakikilahok sa pamahalaan. Walang
liberties in the full light of the day. halaga ang pamahalaan kung hindi ito maisasagawa.

Pangkat 3

3. . . . only the united strength of a people can


overturn a tyranny so evil and so well Sagot:
organized . . . . That power has shattered the Pinararangalan niya ang kabayanihan ng nagkakaisang
dictatorship, . . . and today has established a taong bayan. Maraming mabuting maidudulot ang
government dedicated to the protection and pagkakaisa ng mga mamamayan para sa ikauunlad ng
meaningful fulfillment of the people’s rights kanilang pamumuhay at ng kanilang bansa.
and liberties.

Pangkat 4
Sagot:
4. And now, I would like to appeal to everyone
Hangad ni Pangulong Corazon Aquino na makamit ang
to work for national reconciliation . . . So I call
tunay na pagkakaisa. Batid niyang mayroong mga hindi
on all those
Pangkat 5 countrymen of ours who are not
sang-ayon sa kaniyang pagigiging pangulo. Naniniwala
yet with us to join us at the earliest possible
siya na muling makakabangon ang Pilipinas kung
time so that together we can rebuild our
mawawala ang mga balakid.
beautiful country.

5. As I always did during the campaign I Sagot:


would like to end with an appeal for you to Mahalagang bahagi ng tagumpay ng 1986 EDSA People
continue praying. Let us pray for God’s Power Revoultion ang ating pananampalataya. Ang
help especially during these days. pagsusumikap ng tao na may kasamang pananalig at
panalangin ay magbubunga ng maganda.

9
Pamprosesong Tanong:
1. Nagpasalamat si Pangulong Corazon Aquino sa taong bayan dahil naniniwala siya na sila ang tunay na
dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution.

2. Tinutukoy ni Pangulong Corazon Aquino na hatinggabi ang panahon ng Martial Law at ang umaga ang
1986 EDSA People Power Revolution.

3. Nabigyang wakas ang pamahalaang diktaturyal ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng mapayapang


pagkilos ng nagkakaisang taong bayan na nananalig sa Dakilang Lumikha.

4. Hinikayat ni Pangulong Corazon Aquino ang lahat na magkasundo at magkaunawaan upang


magtulong-tulong sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan at kalagayan ng
bansa.

5. Ipinaalala ni Pangulong Corazon Aquino sa sambayanang Pilipino na palagiang magdasal dahil alam
niyang marami pang pagsubok na kakaharapin ang bansa at mahalagang magabayan ang bawat isa ng
Panginoong Diyos.

Mungkahing Gawain Bilang 3

Gawain 10 – Pagsulat ng sanaysay

a. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 10 – Pagsulat ng sanaysay


b. Ipaliwanag ang rubric sa pagmamarka ng sanaysay.
c. Italaga ito bilang Gawaing Bahay bilang 3.
d. Bago magsimula ang klase sa susunod na pagkikita ay tumawag ng volunteer
upang ilahad ang naisulat na sanaysay.
e. Paalala: Ito ay isang mungkahing gawain bilang 3

10
Mungkahing Gawain Bilang 4

Gawain 11 – Exit Card

a. Ang exit card ay isang halimbawa ng formative assessment (See Deped Order No.
31 S. 2011). Mayroon itong dalawang layunin: (1) Upang mabatid ng guro ang antas
ng pag-unawa ng mga mag-aaral ukol sa paksa; at (2) Upang mabatid ng guro kung
epektibo ang kaniyang istratehiya. Bagamat ito ay Gawain bilang 11, nasa
pagpapasiya ng guro kung kailan niya ito ipagagawa.

b. Kapag nakita ng guro na hindi gaanong naunawaan at maraming katanungan ang


mga mag-aaral ukol sa aralin, dapat niyang balikan ang paksa upang masagot ang
mga tanong at maitama ang mga maling pag-unawa ng mga mag-aaral.

c. Paalala: Ito ay mungkahing gawain bilang 4

Sanggunian 3 – Bahagi ng 1986 Provisional “Freedom” Constitution of the Philippines


a. Ipasuri sa mga mag-aaral ang kasabihan na “No one is above the law”.
b. Itanong sa mga mag-aaral:
b.1 Ano ang ibig sabihin ng kasabihan – Lahat ay dapat sumunod sa batas
b.2 Sang-ayon ka ba dito? Bakit? – Opo. Upang magkaroon ng kaayusan
Lahat ng mamamayan ay dapat sumuno sa batas.
b.3 Ano ang pinakamataas na batas na umiiral sa Pilipinas? – Saligang Batas

c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula at nilalaman ng Sanggunian 3.

Gawain 12 – Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon


Inaasahang sagot:

1. Ang pangunahing layunin ng Proklamasyon bilang 3 ay ang paghahayag ng pansamantalang


konstitusyon ng Pilipinas bilang paghahanda sa pagbuo ng bagong Konstitusyon.

2. Si Pangulong Corazon C. Aquino

3. Opo. Dahil makikita sa Pansamantalang Konstitusyon ang mga plano sa pagbuo ng bagong
Konstitusyon upang hindi na maulit ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng pangulo.

4. Sa aking palagay, tinawag itong “Freedom Constitution” dahil ginawa ito matapos lumaya ang
Pilipinas mula sa panahon ng Martial Law.

Iba pang mungkahing sagot:


Sa aking palagay, tinawag itong “Freedom Constitution” dahil binibigyang-diin dito ang
pangangalaga sa karapatan at kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.

11
Gawain 13 – Pagsusuri
a. Bago ang araw na ito ay ipaalala sa mga mag-aaral na dalhin ang nabuong graphic organizer sa
Gawain 8 na kanilang gagamitin sa pagsagot ng Gawain 13.
b. Ipaliwanag ang panuto para sa Gawain 13.
c. Mga inaasahang sagot:

SULIRANIN O HAMON PROBISYON NG FREEDOM PALIWANAG


CONSTITUTION
Pagpigil sa kalayaan ng Pilipino sa Artikulo II. Seksiyon 1 (b) Binibigyang-diin ang pangangalaga sa karapatan
pamamahayag at kalayaan ng mga Pilipino.
Pagiging diktador/Pang-aabuso sa Artikulo II. Seksiyon 1 (a) Sinasabi dito ang planong pagsasaayos ng
kapangyarihan organisasyon ng pamahalaan at masiguro na
malilimitahan ang kanilang mga kapangyarihan
Pagkawala ng diwa ng demokrasya Artikulo V. Seksiyon 5 Isa sa mga halimbawa ng karapatan ng mga
mamamayan sa isang demokratikong bansa ay
ang kanilang partisipasyon sa pagbuo ng
konstitusyon tulad ng pakikilahok sa plebisito.
Hindi paggalang sa karapatang Artikulo II. Seksiyon 1 (b) Binibigyang-diin ang pangangalaga sa karapatan
pantao ng mga mamamayan at kalayaan ng mga Pilipino

Pamprosesong Tanong:
1. Maaaring malutas ng mga napili kong probisyon ang mga suliranin o hamon dahil malinaw na sinasabi
ang paglalagay sa konstitusyon ng mga batas na nakatuon sa paglutas ng mga suliranin o hamon.

2. Hindi po. Bagamat may mga batas sa konstitusyon, nakasalalay pa din sa mga mamamayan at sa
kanilang pagsunod kung malulutas o mabibigyan ng solusyon ang mga suliranin o hamon

3. Para sa akin, mahalaga ang Freedom Constitution dahil sinisiguro nito ang pagpapanumbalik sa
kalayaan sa pagpapahayag at paggalang sa karapatan ng mga mamamayan.

Sanggunian 4 – Bahagi ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas


a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula at nilalalaman ng Sanggunian 4
b. Talakayin ang flowchart tungkol sa proseso ng pagbuo ng Saligang Batas

Insert flowchart

Gawain 14 – Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon


1. Saligang Batas ng Pilipinas 1987
2. Pangulong Corazon C. Aquino
3. Isinagawa ang plebisito noong Pebrero 2, 1987
4. Ipaalala sa mga mag-aaral na dalhin ang chart na kanilang ginawa sa Gawain 13 na gagamitin
sa pagsagot sa Gawain 15 sa gagawin sa susunod na pagkikita.

12
Gawain 15 – Paghahambing
a. Ipaliwanag ang panuto sa pagsagot ng Gawain 15.
b. Upang madali itong masagot ng mga mag-aaral, ipaalala ng guro ang mga naging talakayan sa
pagsusuri ng bahagi ng Inaugural Address ni Pangulong Corazon Aquino at 1986 “Provisional” Freedom
Constitution.
c. Ipasasagot ang Gawain.
d. Inaasahang sagot:

SULIRANIN O HAMON Tukuyin ang tiyak na bilang na Artikulo na tutugon sa PALIWANAG


(Batay sa iyong sagot sa suliranin
Gawain 8)
Bahagi ng Freedom Bahagi Saligang Batas
Constitution 1987
Pagpigil sa kalayaan ng Artikulo II. Seksiyon 1 (b) Artikulo VI. Seksiyon 5 (2) Ipinapakita sa mga Artikulo
Pilipino sa pamamahayag ng parehas na konsitusyon
Artikulo XIII. Seksiyon 15 ang pagbibigay ng kalayaan
at 16 sa mga Pilipino sa
pamamahayag
Pagiging diktador/Pang- Artikulo II. Seksiyon 1 (a) Artikulo VII. Seksiyon 3, Nasiguro sa mga nabanggit
aabuso sa kapangyarihan at 21. na Artikulo at Seksiyon ang
paglilimita sa kapangyarihan
Artikulo VI. Seksiyon 1 ng mga namumuno sa
pamahalaan partikular ang
pangulo ng bansa.
Pagkawala ng diwa ng Artikulo V. Seksiyon 5 Artikulo VII. Seksiyon 4 Binibigyang-diin sa mga
demokrasya nabanggit na Aritkulo ang
Artikulo VI. Seksiyon 1 partisipasyon ng mga
mamamayan sa mga
gawaing pampamahalaan
Hindi paggalang sa Artikulo II. Seksiyon 1 (b) Artikulo XIII. Seksiyon 1, Ginagarantiyahan ng mga
karapatang pantao ng mga 3, 4 at 14 nabanggit na Artikulo ang
mamamayan paggalang sa karapatan ng
mga mamamayan.

Pamprosesong Tanong:

1. Mahalaga ang dokumento na Freedom Constitution at 1987 Saligang Batas ng Pilipinas dahil mayroon
ng legal na batayan upang maipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

2.
a. Nalimitahan ang kapangyarihan ng Pangulo
b. Nasa kamay ng lehislatura ang kapangyarihan sa pagbuo ng batas. May partisipasyon din ang pangulo
at ang mga mamamayan.
c. Mas napapangalagaan at napahahalagahan ang karapatan ng mga mamamayan

13
3. Opo. Dahil mas binibigyan ng kapangyarihan ng 1987 Saligang Batas ang mga mamamayan at
nililimitahan namn ang kapangyarihan ng mga namumuno.

Sanggunian 5 - Sipi ng 26 years of freedom, isang editoryal, 26 years after EDSA where did we go wrong
at 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution

Gawain 16 – Paghahambing
a. Hatiin ang klase sa limang pangkat.
b. Ipabasa ang nilalaman ng Sanggunian
Pangkat 1 at 4 – 26 Years of Freedom
Pangkat 2 at 5 – 26 Years after EDSA where did we go wrong?
Pangkat 3 – 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution

c. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga pangkat upang maisakatuparan ang pagsusuri.

d. Inaasahang sagot:

Pangkat 1

Pamagat: 26 Years of
Freedom

Mga Suliranin bago ang 1986 EDSA


People Power Revolution na
nararanasan pa din sa kasalukuyan

Korapsiyon Mataas na Pagkawala Pang-


sa presyo ng ng mga aabuso sa
pamahalaan bilihin at journalist at karapatang
at patuloy na miyembro pantao na
maduming kahirapan ng sangkot ang
politika militanteng mga pulis at
grupo militar

14
Pangkat 2

Pamagat: 26 Years after EDSA,


where did we go wrong?

Mga Suliranin bago ang 1986 EDSA


People Power Revolution na
nararanasan pa din sa kasalukuyan

Pangkat 3
Patuloy na Korapsiyon sa Maling paniniwala
kahirapan ng pamahalaan at pagtitiwala sa
pamumuhay mga politiko

Pamagat: 5 Lessons to Remember from


the EDSA People Power Revolution

Mga aral na
Mahalaga ang natutuhan sa 1986 Ipaglaban ang iyong
pagkakaisa ng mga EDSA People prinsipyo at
mamamayan Power Revolution karapatan

Dapat na pangalagaan Makabubuti ang


at ipagtanggol ang pagkakaroon ng tunay
demokrasya na pananampalataya

Makakamit ang
ninanais na pagbabago
sa mapayapang paraan

15
Pangkat 4
TANONG SAGOT

26 Years of Freedom 26 Years after EDSA, where did we go wrong?

1. Sino ang sumulat ng artikulo? -------- Bobit S. Avilla

2. Ano ang kasalukuyang kalagayan Nahuhuli ang ekonomiya ng Kabilang pa din ang Pilipinas sa mga
ng ekonomiya ng Pilipinas? Pilipinas kung ikukumpara sa ibang tinatawag na 3rd world countries
bansa sa Asya

3. Ano ang pananaw ng mga may- Dapat na balikan ang mahahalagang Ito ay isang pangyayari na dapat na
akda ukol sa 1986 EDSA People aral ng 1986 EDSA People Power ikarangal ng mga Pilipino
Power Revolution? Revolution upang makatulong sa
pagpapabuti ng kalagayan ng Pilipinas

4. Sa iyong palagay, bakit Dahil marami sa atin ang nakalimot sa tunay na diwa ng 1986 EDSA People Power
nagpapatuloy pa din ang mga Revolution – ang pagkamit ng pagbabago sa mapayapang paraan. Kung muling
nabanggit na hamon o suliranin sa magkakaisa ang mga mamamayan at isasantabi ng mga nasa pamahalaan ang
kanilang pansariling interes ay makakamit natin ang tunay na pagbabago at pag-
bansa?
unlad ng ating bansa.

16
Pangkat 5

TANONG SAGOT

1. Para sa iyo, alin sa mga Batay sa sagot ng mag-aaral na may matalinong gabay ng guro
nabanggit na aral ang
maituturing na
pinakamahalaga? Bakit?

2. Sang-ayon ka ba sa Batay sa sagot ng mag-aaral na may matalinong gabay ng guro


nilalaman o pananaw ng mga
may-akda ng unang dalawang
artikulo? Pangatuwiranan.

3. Nararapat pa din ba nating Opo. Dahil napatunayan ng mga Pilipino sa buong daigdig na
ipagmalaki ang 1986 EDSA kaya nating makamit ang ninanais na pagbabago sa
People Power Revolution? mapayapang pamamaraan. Ipinamalas din dito ang tunay na
Bakit? pagkakaisa ng mamamayan at kabutihang naidudulot ng
matibay na pananalig sa Panginoong Diyos.

17
Mungkahing Gawain Bilang 5

Gawain 17 – EDSA Fever

a. Ipabasa sa mag-aaral ang panimulang impormasyon.

b. Ipaliwanag ang panuto ng Gawain 17 – EDSA Fever. Italaga ito na Gawaing Bahay bilang 4.

c. Talakayin sa susunod na pagkikita ang sagot ng mga mag-aaral.

Paalala: Magdadala ang guro ng mapa ng daigdig. Maaaring gumamit ng makukulay na papel
bilang pananda sa bansa na pagtutuunan ng pansin.

d. Tumawag ng volunteer upang tukuyin sa mapa ang mga bansa na nagsagawa din ng People
Power batay sa kaniyang sagot sa Gawaing Bahay bilang 4.

e. Ipasuri sa klase ang sagot. Tumawag pa ng ibang mag-aaral kung sakaling mali o may kulang
sa sagot ng mga naunang mag-aaral.

f. Kapag tama at kumpleto na ang mga sagot ay talakayin na ang mga pamprosesong tanong.

g. Mga inaasahang sagot:

1.Natuwa at ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino dahil tinularan tayo ng ibang bansa ang
ating ginawang paraan para makamit ang pagbabago.

2. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, pagsunod sa batas, pakikilahok sa gawain ng


pamahalaan at pananalig sa Panginoong Diyos.

3. Ang mapayapang paraan ng pagkamit ng pagbabago.

4. Sagot sa tsart:
1. Tatlong bansa na nagsulong ng
mapayapang pagkilos at kalian ito
isinagawa:
(a) Pilipinas, 1986
(b) Egypt, 2011
(c) Libya, 2011

2. Anong bansa ang nauna sa


paggamit ng mapayapang paraan sa
pagsulong ng pagbabago?

Sagot: Pilipinas

5. Paalala: Ito ay mungkahing gawain bilang 5

18
Mungkahing Gawain Bilang 6

Gawain 18: Dokyu-Kasaysayan

a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ipaliwanag ang panuto para sa paggawa ng Dokyu-
kasaysayan.

b. Ipaalala sa mag-aaral ang sumusunod:

b.1 Ihanda ang mga katananungan na ibibigay sa taong kakapanayamin


b.2 Maghanap ng taong kakapanayamin at hingin ang kaniyang pagsang-ayon
b.3 Ibigay ang kopya ng mga katanungan sa taong kakapanayamin ng mas maaga sa takdang
araw ng panayam
b.4 Kung may kagamitan tulad ng video recorder o voice recorder, ipaalam muna ito sa taong
kakapanayamin. Kung wala, ipatala sa pangkat ang tugon ng kinakapanayam.

c. Upang magkaroon ng ideya ang klase ukol sa magkabilang panig, sundin ang pagkakahati ng
pangkat:

Pangkat 1 – 3 – kakapanayamin ang taong nagsasabing tagumpay ang 1986 EDSA People
Power Revoultion hanggang sa kasalukuyan

Pangkat 4 – 6 – kakapanayamin ang taong nagsasabing hindi tagumpay ang 1986 EDSA Poeple
Power Revolution dahil sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan

d. Magtakda ng araw para sa presentasyon ng dokyumentaryo o panayam ng lahat ng pangkat.

e. Ipaliwanag ang rubric sa pagmamarka ng dokyumentaryo upang magabayan ang mag-aaral


sa pagsasakatuparan ng gawain.

f. Paalala: Ito ay mungkahing gawain bilang 6

19
Mungkahing Gawain Bilang 7

Gawain 19 - Pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution

a. Matapos ang presentasyon ng bawat pangkat, ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 19.

b. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na kailangan nilang umisip ng pinakamahalagang pamana ng 1986 EDSA
People Power Revolution para sa kanila at ipaliwanag ito.

c. Paalala: Ito ay mungkahing gawain bilang 7

Inaasahang sagot:
PALIWANAG

Dahil sa kasalukuyan ay
PINAKAMAHALAGANG Mapayapang tinutularan ng ibang bansa ang
PAMANA NG 1986 EDSA Paraan ng mapayapang paraan ng
PEOPLE POWER Pagbabago pagbabago na pinasimulan ng
REVOLUTION
mga Pilipino. Mahalaga din ito
sa pagbabago sa kasalukuyang
panahon.

Gawain 20 – Pagsulat ng repleksiyon

a. Matapos matalakay ang mg pangyayari, salik, epekto at kahalagahan ng 1986 EDSA People
Power Revolution, pasulatin ang mga mag-aaral ng repleksiyon ukol sa mga hakbang na maaari
nilang gawin bilang mag-aaral upang mapanatili ang diwa ng 1986 EDSA People Power
Revolution. Maaari din silang maglagay ng mga mungkahi kung paano matutugunan ang mga
hamon at suliranin na kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan.

b. Italaga ito bilang Gawaing Bahay bilang 5.

c. Bago magsimula ang klase sa susunod na pagkikita ay tumawag ng mag-aaral upang ibahagi
ang kaniyang repleksiyon.

20
Produkto/Pagganap

a. Ang Produkto/Pagganap sa modyul na ito ang siyang pangkalahatang produkto/pagganap (Final


Product/Performance Task) ng yunit. Ito ay nakasulat sang-ayon sa pormat na GRASPS upang
magabayan ang guro sa pagpapaliwanag ng gawain sa mga mag-aaral.

Goal – maipaalam sa mga tatakbong kandidato ang mga suliranin na nararanasan sa inyong
lugar

Role – miyembro ng samahan na nagsusulong ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa


gawain ng pamahalaan

Audience – mga kapwa kinatawan na kasama sa kumperensiya

Situation – kasama ka sa kumperensiya na pinatawag ng COMELEC upang mabigyan ng


kaalaman ang mga mamamayan ukol sa mga batas at alituntunin sa tuwing may halalan

Product – makagawa ng sulat na siyang maaaring maging batayan ng mga tumatakbong


kandidato sa pagbuo ng kanilang mga plano at proyekto

Standards – Ang nabuong sulat ay bibigyan ng marka batay sa mga sumusunod na pamantayan

 Nilalaman 30
 Partisipasyon 30
 Kaangkupan 20
 Organisasyon 20
Kabuuan 100

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ilahad sa klase ang sumusunod na panuto:
1. Ipagpalagay ng mga mag-aaral na sila ay kinatawan ng organisasyon na naimbitahan sa
kumperensiya na ipinatawag ng COMELEC.
2. Magsasagawa ng brainstorming ang mga mag-aaral ukol sa lalamanin ng sulat na kanilang
ilalahad sa iba pang miyembro ng kumperensiya.
3. Kinakailangan na ang sulat ay naglalaman ng mga suliranin at posibleng solusyon o magagawa
ng mamamamayan upang matulungan ang pamahalaan na malutas ang inihayag na suliranin.
4. Sa pagbuo ng sulat, dapat na isaaalang-alang ng pangkat ang rubric sa pagmamarka ng
produkto/pagganap.

c. Ipalahad sa pangkat ang nabuong sulat sa harap ng klase. Maaaring mag-imbita ng lokal na pinuno
upang masaksihan ang paglalahad. Kung hindi ito magagawa, ipaliwanag sa ibang pangkat na
ipagpapalagay nila na sila ay mga lokal na pinuno na siyang makikinig sa paglalahad.

d. Magsagawa ng malayang pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga nilalaman ng sulat ng bawat


pangkat. Maaaring ipadala ang sulat sa kinauukulan matapos na ito ay mabigyan ng marka ng guro.

21

You might also like