Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gie Marie F.

Umali
BSEd 3A
Epikong Maragtas
Pedro Alcantara Monteclaro
Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu.  Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa
pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-
Panay.
Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong,
ganito ang mga pangyayari:
Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao.  Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan.  Kanya ring
pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga
datu na nasa ilalim niya.
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin
ng masamang sultan.  Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao.
 Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao.  Nag-
usap-usap silang palihim.  Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.
Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino.  Alam niya ang kasaysayan ng
maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag.  Dinalaw ni Datu
Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.  Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na
nais nilang gawin.  Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.
Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti.  Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao.
Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.  Ipinasiya nina
Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo.   Hindi
nila magagapi si Makatunao.  Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay.
Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon.  Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan
Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya
at maunlad.  Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.
Nagpulong nang palihim ang sampung datu.  Sila'y tatakas sa Borneo.  Palihim silang
naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay.
 Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong
paglalakbay.  Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at
binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain.  Madalas ang pag-uusap
ni Sumakwel at ni Datu Puti.  Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa
gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.  Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing
na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.
Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang
sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong.  Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata.
 Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay
Katorong na kapatid ni Sumakwel.  Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan,
si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at
Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan.  Ang apat na
binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.
Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya.  Malakas ang loob
nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni
Sumakwel sa paglalayag.  Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas
ang pulo ng Palawan.  Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang
mababait at namumuhay nang tahimik.  Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti.  Makaraan ang ilang araw at gabi nilang
paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay.  Ang matandang pangalan nito ay
Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad.  Nakita niya ang isang Ati.  Siya ay
katutubo sa pulong iyon.  Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong.  Sa
tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya
kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.  Ipinabalita ni Datu Puti
kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.
Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay.  Siya ay mabuting pinuno.  Ang lahat sa pulo ay
masaya, masagana at matahimik na namumuhay.  Walang magnanakaw.  Ang lahat ay
masipag na gumagawa.  Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.
Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng
mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti.  May isang malaking sapad na bato sa baybay
dagat.  Ito ang kapulungan ng mga Ati.  Ito ang Embidayan.  Dito tinanggap ni
Marikudo ang mga panauhin.  Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating.
 Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng
Aninipay.  Nais nilang bilhin ang lupain.  Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong,
ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang
makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.
Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan.  Nagpahanda si
Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya.  Dumating
mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay.  Nakaupo na
sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan.  Katabi ni Marikudo ang k
anyang asawa na si Maniwantiwan.  Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga
Bisaya.  Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso.
 Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay.  Ang
lahat ay nasiyahan.  Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati.  Tumugtog ang
Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw
pandigma, ang sinurog.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti.  Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay.  Ibinigay niya ito kay Marikudo.
Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan.  Ito'y
kuwintas na lantay na ginto.  Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas.  Pinigil
ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas.  Madaling
ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo.  Sinabi ni Marikudo, na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim)
ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o
buwan ng pag-aani).
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya.  Ibinigay rin nila ang
kanilang mga bahay.  Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya.  Si Datu Bangkaya kasama ang
kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at
katulong ay tumira sa Aklan.  Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at
asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay.  May
mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga
buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.  Sina Lubay, Dumalogdog,
Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel.  Sila ay sa Malandog naman
maninirahan.  Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel.  Kanyang pinagbilinan si
Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya.  Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa
kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si
Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu
Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at
Datu Balensuela.  Narating nila ang pulo ng Luzon.  Dumaong ang tatlong barangay sa
Look ng Balayan.  Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang
mga "Taga-ilog".  Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan
upang bumalik sa Borneo.

You might also like