Lapu 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagdating ng mga Dayuhan sa Pilipinas (Panahon ni Lapu-Lapu)

Narrator: Noong ika-labinlimang siglo, nagkaroon ng mahahalagang pangyayaring pulitikal at


pangkabuhayan sa Europe. Ginusto ng mga bansa sa Europe na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo.
Ferdinand Magellan: Ako si Ferdinand Magellan, isang Portuges na nagbalak maglayag sa
Silangan sa pamamagitan ng paggamit ng ruta sa Kanluran. Ngayon taong 1521, tumulak ang
aking ekspedisyon na binubuo ng limang sasakyang pangdagat.
Kawal 1: Kami ay lulan ng limang sasakyang pandagat na nagngangalang Victoria,
Concepcion, Santiago, Trinidad, at San Antonio.
Kawal 2: Mga kasama, ngayon ay Marso 17, 1521 at tayo ay narito ngayon sa Homonhon, na
nasa bukana ng Golpo ng Leyte.
Ferdinand Magellan: Tayo na at pumunta sa Limasawa at makipagkilala sa mga hari ng
Butuan.

Lapu-Lapu: Ako si Lapu-Lapu, isang mandirigmang Pilipino. Magaling ako sa pakikipaglaban
at handa kong ipaglaban ang aking bansang Pilipinas!
Mandirigma 1: Tahimik at matiwasay tayong namumuhay dito sa ating bansa kaya hindi tayo
makapapayag na gambalain tayo ng mga dayuhan!
Narrator: Nakipagkita nga ang pangkat ni Magellan kina Raha Kulambu at Raja Siagu, at
nagkaroon ng Sanduguan, isang ugaling Pilipino na nagpapakita ng kanilang pakikipagkaibigan.

Mandirigma 2: Mahal na Lapu-Lapu, abala si Magellan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Lapu-Lapu: Hindi natin ito kikilalanin! Sila ay mga dayuhang lamang sa ating isla!
Mandirigma 3: Masamang balita mahal na Lapu-Lapu, subalit nandyan na sila Magellan at sa
tingin ko ay mayroon siyang hukbo na hindi bababa sa animnapung dayuhan lulan ng tatlong
barko. Kasama nila ang mandirigmang katutubo na sakay naman ng walumpung Bangka!
Narrator: At sa araw ding yaon, Abril 18, 1521, nagkaroon ng labanan. Sinalakay ng mga
Espanyol ang Mactan. Lingid sa kanilang kaalaman ay naging handa sina Lapu-Lapu.
Lapu-Lapu: Gamit ang ating mga patibong, sibat, pana, bolo, itak at panangga sa mga
sandatang pumuputok na dala-dala ng Espanyol, buong tapang natin silang haharapin! Sugod!

Narrator: Tuluyan na ngang naganap ang labanan sa Mactan at napatay ni Lapu-Lapu si
Magellan. Dahilan din ito upang panghinaan ng loo bang mga Espanyol at tuluyan nang umatras.

You might also like