Professional Documents
Culture Documents
Detalyadong Banghay Aralin Sa Agham Iii
Detalyadong Banghay Aralin Sa Agham Iii
I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng 50 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nasasabi ang gamit ng kuryente,
2. nakapagbibigay ng mga kagamitan na ginagamitan ng kuryente sa loob ng tahanan, at
3. naipapakita ang pagpapahalaga ng paggamit ng kuryente sa pamamagitan ng slogan.
b. Pamantayan sa Pagkatuto
Enumerate Uses of Electricity
c. Proseso
Pagmamasid
d. Pangunahing Konsepto
Gamit ng Kuryente
Ang kuryente ang nagbibigay buhay sa ating mga kagamitan na siyang dahilan
kung bakit gumagaan ang ating mga gawain at upang guminhawa o kumportable
ang ating buhay.
e. Mga Sanggunian
Cupcupin, Joyce M., et,al (2014) Real-Life Science, Textbook of Grade 3,
Published by Avida Publishing House, Inc. Avida Bldg. 851-881 G. Araneta
Avenue, Quezon City (TX) pp. 116-123
Scatropes, Arthur DC., et,al (2015) Science-Grade 3, Teachers Guide, Printed in
the Philippines by Bloombooks Inc. 5218-A Que Grande St. Ugong Valenzuela
City (TG) p. 162
Scatropes, Arthur DC., et,al (2015) Science Ikatlong Baitang, Kagamitan ng Mag-
aaral sa Tagalog, Inilimbg sa Pilipinas ng REX Bookstore Inc. 5th Floor, Mabini
Building, DepEd Complex Meralco Avenue Pasig City (TX) pp. 144-148
f. Mga Kagamitan
Bidyeo clip, tsart, larawan na ginagamitan ng kuryente, kartolina, illustration
board, lapis at marker
a. Pagbati
b. Pagdarasal
c. Pag-awit
d. Pagtatala ng mga Pumasok at
Lumiban sa Klase
2. Pagsasanay
Mga bata mayroon akong mg larawan na
ipapakita sa inyo. Kapag ang nakita niyo ay
isang halimbawa ng natural (tunay) na
liwanag sasabihin niyo ang salitang
“HEPHEP” kasabay ng pagpalakpak ng
dalawang beses at pag artificial (di-tunay) na
liwanag naman sasabihin niyo ang salitang
“HORRAY” kasabay ng pagtaas ng inyong
dalawang kamay.
Naunawaan niyo ba?
Opo.
3. Pagbabalik Aral
Magaling!
Ngayon alam na natin ang ating paksang
tinalakay kahapon, mayroon akong ipapakita
na mga larawan sa inyo.
Upang masimulan na ang ating gawain sabay
sabay nga ninyong basahin ang ating panuto. PANUTO:
Ilagay sa tamang kategorya (De-Kuryente,
Isinasaksak sa Electrical Outlet, De-
Kuryente at Isinasaksak sa Electrical Outlet)
ang bawat larawan.
Salamat!
Ngayon hahatiin ko kayo sa limang grupo na
may anim na miyembro. Ang unang
makakatapos at may tamang sagot ay sila ang
panalo.
Handa na ba kayo? Opo!
Simulan na.
Isinasaksak sa De-baterya at
DE-BATERYA Electrical Isinasaksak sa
Outlet Electrical
Outlet
Mahusay! Ang lahat ng inyong sagot ay tama
pero ang ikalawang grupo ang unang natapos
sa pagsagot. Kaya ang ikalawang grupo ang
nanalo.
4. Pagganyak
Ngayon maaari ba kayong magbigay ng mga
bagay na ginagamitan ng kuryente sa loob ng
inyong tahanan?
Maaari ka bang magbigay, Alex Brian?
Ang bagay na ginagamitan ng kuryente sa
loob ng aming tahanan ay Rice Cooker po.
Tama!
Ibigay mo naman ang gamit ng Rice
Cooker, Maricel.
Ang gamit po ng Rice Cooker ay
pinaglulutuan ng bigas.
Magaling!
Magbigay ka naman ng bagay na gnagamitan
ng kuryente sa inyong tahanan, Michelle.
Ang bagay po na ginagamitan ng kuryente sa
loob ng aming tahanan ay Washing Machine.
Mahusay!
Ibigay mo nga ang gamit ng Washing
Machine, Camille.
Ang gamit ng Washing Machine ay para
maging malinis ang maruruming damit.
Magaling!
Ngayon naman magbigay pa nga kayo ng mga
bagay na ginagamitan ng kuryente sa inyong
komunidad.
Magbigay ka nga ng isa, Lorenzo.
Ang bagay na ginagamitan ng kuryente sa
aming komunidad ay Poste ng ilaw.
Magaling!
Ibigay mo nga ang gamit ng Poste ng ilaw sa
inyong komunidad, JM.
Ang gamit ng Poste ng ilaw ay nagbibigay
liwanag sa aming kimunidad.
Tama!
Ano pang bagay na ginagamitan ng kuryente
ang nakikita mo sa inyong barangay, Aira?
Ang nakikita ko pong bagay na ginagamitan
ng kuryente ay Christmas Light.
Mahusay!
Ibigay mo nga ang gamit ng Christmas Light,
Monaliza.
Ang Christmas Light ay nagbibigay liwanag
at ganda dahil ito ay ginagamit na dekorasyon
sa aming barangay.
Magaling!
Lahat ng inyong sinabi ay may kinalaman sa
ating paksang tatalakayin ngayong araw.
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Panimula
Ang ating pag-aaralan sa araw na ito ay
tungkol sa “Gamit ng Kuryente”.
Ano nga ulit ang pagg-aaralan natin sa araw
na ito, Geraldine?
Ang ating pag-aaralan sa araw na ito ay
tungkol sa “Gamit ng Kuryente”.
Tama!
3. Pag-alala sa Pamantayan sa
Panonood
Pamantayan sa Panonood:
1. Umupo ng maayos.
2. Huwag gumawa ng ano mang-ingay.
3. Intindihin Mabuti ang pinapanood.
Salamat!
4. Panonood ng Palabas
Ngayon ay uumpisahan na nating manood
kaya mga bata unawain ninyong mabuti ang
ating papanoorin, dahil magkakaroon tayo ng
gawain pagkatapos natin manood.
Handa na ba kayo?
Opo.
(Papanoorin na ng mga bata ng sabay sabay
ang palabas)
5. Pag-alala sa Pamantayan sa
Pangkatang Talakayan
Ngayon tapos na nating panoorin ang bidyeo
may inihanda akong gawain para sa inyo
upang malaman natin kung naintindihan
ninyo ang ating pinanood at paa maipakita
niyo ang pagpapahalaga sa paggamit ng
kuryente.
Pero bago iyon, maaari mo bang isa-isahain
ang Pamantayan sa Pangkatang Talakayan,
Jaisa.
6. Pangkatang Talakayan
Upang masimulan na ang ating gawain maaari
mo bang basahin ang ating panuto, Mardee.
PANUTO:
Gumawa ng slogan na may temang
“PAGPAPAHALAGA SA KURYENTE”.
Salamat! Isulat ito sa kartolina.
Mayroon lamang kayong limang minuto
upang tapusin ang gawain.
7. Pag-uulat
Ngayong natapos na ang lahat maaari bang
pumunta ang leader ng unang grupo dito sa
harap at ipaliwanag ang inyong mga ginawa.
TAMANG pagkunsumo sa
KURYENTE ay ugaliin,
dahil patungo ito sa
C. PAGLALAHAT
Magaling!
Magbigay ka nga ng halimbawa ng bagay na
ginagamitan ng kuryente, Imee. Ang bagay na ginagamitan ng kuryente ay
electric fan.
Tama.
Ibigay mo nga ang gamit ng kuryente sa
electric fan sa atin, Charlie. Ang kuryente po ay ginagamit sa electric fan
upang magbigay ng hangin sa atin.
Magaling!
Magbigay ka pa nga ng bagay na ginagamitan
ng kuryente, Mona. Ang bagay na ginagamitan ng kuryente ay
ilaw.
Tama.
Ibigay mo nga ang gamit ng kuryente sa ilaw,
Karen. Ang kuryente ay ginagamit sa ilaw upang
magbigay ng liwanag sa ating mga tahanan.
Mahusay!
Magbigay ka pa nga ng bagay na ginagamitan
ng kuryente, Rea. Ang bagay po na ginagamitan ng kuryente ay
refrigerator.
Tama.
Ibigay mo naman ang gamit ng kuryente sa
refrigerator, Agnes. Ang kuryente ay ginagamit sa refrigerator
upang lumamig at tumagal ang pagkain.
Magaling!
Maaari ka pa bang magbigay ng bagay na
ginagamitan ng kuryente, Aira. Ang bagay na ginagamitan ng kuryente ay
telebisyon.
Tama.
Ibigay mo naman ang gamit ng kuryente sa
telebisyon, Michelle. Ang kuryente ay ginagamit sa telebisyon
upang makapanood ng mga balita at teleserye.
IV. PAGTATAYA
A. Iguhit ang tatsulok kung ang pahayag ay tama at parisukat naman kung ang pangungusap ay
mali.
B. Lagyan ng tsek (/) kung ang bagay ay ginagamitan ng kuryente at ekis (X) naman kung hindi.
____4. _____5.
V. TAKDANG ARALIN
Inihanda ni:
CHARINA JOY P. BRUNO
Demonstrato
Natunghayan ni:
JAYANA E. JOVE
Gurong Tagapayo