FILIPINO 205 Agoo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAKSA: MGA SIMULAIN SA PAGHAHANDA AT MGA URI NG AYTEM NG PAGSUSULIT

NI: APRIL LOVE L. AGOO


“Paghahanda ng Pagsusulit”
1. Pagpaplano ng Pagsusulit
a. Tiyakin ang layunin
b. Tukuyin ang kakayahan na susukatin
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (Behavioral Objectives)
d. Ihanda ang talahanayan ng espesipikasyon
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit
2. Paghahanda ng Pagsususlit
a. Isulat ang mga aytem
b. Suriin at ayusin ang mga aytem
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
d. Ihanda ang mga panuto
3. Pagbibigay ng Pagsusulit at pagwawasto ng mga papel
4. Pagpapahalaga sa pagsusulit
5. Pagbibigay ng KahulugaN sa Kinalabasan ng Pagsusulit

“Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit”


 Tama o Mali o True or False

Sa pagsusulit na ito ay isang uri ng aytem na kung saan tinutukoy ang mga salita, parirala,
pangungusap o talasalitaan na tama o mali ang kahulugan. Ito ay isang pangungusap na
pasalaysay na pagpapasiyahan ng mag-aaral kung ito ay tama o mali, totoo o hindi. May
“Modified” na anyo ito na kung saan maaring sagutin ng sang-ayon o hindi at kung hindi sang-
ayon ay dapat baguhin ang salita o pangungusap upang maging tama o sang-ayon sa paniniwala ng
sumasagot.

 Tuntunin sa Paghahanda ng Pagsusulit na Tama-Mali

1. Sikaping isa lamang ang paksang binabanggit sa pangungusap.


2. Ipahayag ng maliwanag at tiyak ang tanong upang hindi mapag-alinlangan ang sagot.
3. Gawing payak at maikli ang pangungusap.
4. Iwasan ang paggamit ng pananggi o negatibong salita sa aytem.
5. Kung gagamit ng opinyon, ibigay ang ngalan ng nagsasabi.
6. Iwasan ang paggamit ng mga pahiwatig tulad ng mga salitang kadalasan, lahat, kung minsan, maari,
lamang at iba pa.

 Pagtukoy sa Mali o Error Recognition


Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapgkat, sinusubok nito ang pangkalahatang
kasanayan sa wika. Iba’t iba ang maaring maging anyo ng pagsusulit na ito.

1. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may salunguhit at may
nakasulat na titik sa ibaba.
2. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating pangungusap.
3. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
4. Ang mali sa pangungusap ay maaring isang salita o bahagi ng salita na nawala.
5. Maaring magsama ng mga pangungusap na walang mali.

 May Pinagpipilian o Multiple Choice

Ang aytem sa ganitong pagsusulit ay binubuo ng dalawang bahagi: ang Stem o bahagi ng
tanong na nagpapahayag ng suliranin at ang opsiyon Ang mga opsiyon ay maaring tatlo, apat o
lima.
Ang Stem ay maaring nasa anyong patanong. Bubuuing pangungusa, o pangungusap na may
puwang o patlang.

 Tuntunin sa Paghahanda ng Pagsusulit na Multiple Choice

1. Ang bawat aytem ay dapat na may sinusukat na kaalaman o kasanayan. Tiyaking akma ang tanong na
kanyang sinusukat.
2. Ang aytem ay dapat na maging tahas/tiyak at maliwanag upang madali nitong maunawaan ng
kumukuha ng pagsusulit.
3. hanggang maaari, sikaping higit na mahaba ang stem kaysa mga opsiyon.
4. Higit na mabuti kung ang stem ay nasa positibong anyo. Kung kailangang maging negatibo, lagyan ng
salungguhit o isulat sa malaking titik ang mga negatibong salita.
5. Tiyaking iisa lamang ang tamang sagot at ito ay hindi mapag-alinlangan.
6. Hanggang maari at iangkop ang opsiyon sa kayarian ng stem.
7. Ingatan na walang pahiwatig sa stem na magsasabi ng tamang sagot.
8. Sikaping maging kaakit-akit ang mga distraktor para mag-iisip ang mga bata bago mapili ang tamang
sagot. Maari itong piliin ng tunay na mahihinang bata.
9. Ayusin ang mga opsiyon upang ang mga haba ay hindi maging palatandaan ng tamang sagot.
10. Pag-iba-ibahin ang posisiyon ng tamang sagot.
11. Iwasan ang paggamit ng opsiyong “lahat ay tama” o “wala sa mga nakatala” ang sagot.
12. Tiyaking ang bawat aytem ay walang kaugnayan sa ibang aytem na makatutulong sa bata sa pagpili ng
tamang sagot.
13. Kung magagawa ay sikaping magkatulad ang anyo at haba ng mga opsiyon.
14. Gumamit ng higit na maayos na pormat sa pagbuo ng mga aytem at opsiyon. Upang maging madali ang
pagwawasto ng mga papel, maghanda ng sagutang papel.

 Pagpuno sa Patlang o Completion Type

Ito lamang ang pagsusulit na obhetibo na ang sagot ay ibinibigay ng mga bata sa halip na pinipili
ang tamang sagot. Sa uring ito iisa lamang ang tamang sagot.

Angkop itong gamitin kung ang sagot ay paggunita lamang sa terminolohiyang pinag-aaralan,
ngalan ng pangyayari, pook, petsa, tao, katungkulan, titulo ng aklat o kuwento.

 Tuntunin sa Paghahanda ng Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o Completion Type

1. Ipahayag ang aytem sa paraang maikli at tiyaking iisa lamang ang tamang sagot.
2. Gamitin ang uring patanong o gamitin lamang ang patlang kung inaakalang higit itong maliwanag
para sa mga sasagot.
3. Ang tanong na hinihingi ay dapat na kaugnay ng tampok na diwa ng pangungusap.
4. Hanggang maaari ay ilagay ang patlang sa dakong hulihan ng pangungusap.
5. Kung ang hinhinging sagot ay bilang, ipaliwanag ang tiyak na sagot sa inaasahan.

 Pagsusulit na Pagtatapat-tapat o Matching Type

 Tuntunin sa Paghahanda ng Pagsusulit na Pagtatapat-tapat o Matching Type

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na may pagkakaugnay-ugnay o may pagkakatulad ang paksang
sinusubok.
2. Gawing maikli lamang ang stem.
3. Ilagay sa kaliwa ang mga stem at sa kanan ang mga sagot na pagpipilian.
4. Maaaring higit na marami o higit na kaunti ang pagpipiliang sagot kaysa sa stem. Kung higit na
kaunti, maaaring ang sagot ay magamit ng dalawang beses.
5. Tiyakin sa panuto ang nais na ipakita sa pagtatapat-tapat, halimbawa isang pahayag at nagsabi nito,
may-akda at ang sumulat, imbentor at ang kanyang tinuklas at iba pa.
6. Ang bilang ng mga aytem sa pagtatapat-tapat ay dapat na hindi hihigit sa sampu. Kung lubhang
mahaba ang pagsusulit dito. Maraming maaksayang panahon ang bata sa paghahanap ng tamang
sagot.
7. Dapat na malagay sa isang pahina lamang ang mga aytem sa pagsusulit.
8. Ihanay ang mga pagpipiliang sagot sa paraang paabakada para maging madali para sa mga bata ang
pagpili ng sagot.

You might also like