Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Buhay ng Tao

Tula ni
Jose Corazon de Jesus
Inakay na munting naligaw sa gubat,
ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.

Oh! ganito pala itong Daigdigan,


marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.
Ako’y parang bato na ibinalibag,
ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.

Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,


sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

At gaya ng isdang malaya sa turing
ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila
habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Ang palad ay parang turumpong mabilog,


lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
‹ 

Repleksyon:
Ang tula ni Jose Corazon De Jesus ay nagpapahiwatig sa buhay ng isang tao na ang buhay ay
hindi basta basta lamang maraming mga pagsubok ang iyong haharapin, kahit anong oras may
mangyayari na di mo akalain ang buhay daw ay maraming Gawain upang ikaw ay magkaroon ng
magandang buhay at sa darating na oras na ikaw ay magkamali wag mawalan ng pag-asa dahil
marami pang oras na ikaw ay bumuti.
Sa sinabi ni Jose Corazon De Jesus sa kanyang tula na “Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,”. Mabigat talaga ang buhay walang buhay na walang ganito
ngunit ganon talaga upang tayo’y mas maging malakas na harapin ang mga darating na problema
sa atin, ang buhay nga naman. Ang panangga lamang sa mga problema mo ay sa hindi pagsuko.
At sa sinabi nanaman ni Jose Corazon De Jesus sa kanyang tula na “At sa pagkabigo’y nag-aaral
na akong mangilag sa mga patibong sa mundo”. Ito’y magandang salita na makapagbago ng
iyong buhay na kahit ikaw ay mabigo ang importante meron kang natutunan at sa darating na
panahaon ikaw ay maging bihasa sa iyong kabiguan na iyong nagawa kaya wag tayong sumuko
sa buhay maraming mga paraan, maraming pwedeng gawin upang magapmanan ito. Ang tula ni
Jose Corazon De Jesus ay magandang tula, nakapumukaw ng isipan tungkol sa buhay natin

You might also like