Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Araw ng mga Guro

Ang araw ng mga guro o “Teacher’s day” ay isa sa mga araw kung saan ipinapakita natin ang halaga ng ikalawang
magulang natin, ang ating mga guro. Dahil kung mapapansin natin ngayon hindi na natin nakikita ang halaga ng
isang guro dahil kung minsan tinutulungan na lamang nila tayo, sila pa ang mali. Nakikita pa ba natin ang halaga ng
isang guro?

Una sa lahat, paano natin nakikita ang mga guro? Lahat tayo iba ang paningin sa ating mga guro pwede natin silang
makita bilang isang kapatid na tumutulong sa atin sa mga panahon na kailangan natin sila, pwede din naman bilang
isang kaibigan na kaya mong ilabas lahat ng gusto mong sabihin at makikinig sila sayo, o kaya bilang isang isang
magulang na sumusuporta sa iyo at nagaalala sa palagay mo araw-araw. Kung tutuusin natin ang daming dinaanan at
pinag-aralan ng ating mga guro bago sila tumayo sa harapan mo at magturo.

Kaya ang Araw ng mga guro ay isang malaking selebrasyon para sa kanilang walang labis na pagtulong at paghulma
sa ating mga estudyante. Ang araw na ito ay ihinahandog talaga sa mga guro na naghirap, nagpagod, nagtiis, at
nagturo sa atin ngayon. Ngunit hindi lamang ang ating mga guro ngayon ang kailangan nating pasalamatan sa araw
na ito, pati rin ang ating mga magulang na ating unang guro sa buhay. Bago pa man ang inyong mga guro ngayon na
nakatayo sa harapan ninyo, ang ating mga magulang na ang nagtuturo sa atin ng mga mabubuting asal. Kaya huwag
natin silang kalimutan kahit lumipas man ang panahon.

Paano natin maipapakita na mahalaga sila sa ating buhay? Simple lamang ang kailangan nating gawin. Galangin
natin sila kahit mahirap para sa atin, dahil kapag ginalang natin sila ay gagalangin din nila tayo, sabi nga sa isang
kasabihan “Respect begets Respect.” Sa huli, lahat ng tinuro nila maaalala mo kung gaano sila kahalaga sa buhay
mo, dahil isa sila sa mga taong tumutulong sa iyo na makamit ang inyong mga pangarap. Kaya ang masasabi ko
lamang sa atin mga guro ngayon ay “Maraming Salamat po sa lahat!”

Written By: Rosmin Mogatas

You might also like