Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte

IKA-4 NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


SY 2019-2020

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong/pahayag sa bawat bilang. I-shade lamang ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado?
A. artisan B. maharlika C. mamamayan D. taga-sunod

2. Sa Sinaunang Gresya, kanino lamang nakalaan ang mga lungsod-estado?


A. kabataan B. hukbong sandatahan C. kababaihan D. kalalakihan

3. Sa Sinaunang Gresya, alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging isang mamamayang Griyego?
A. Isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
B. Isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
C. Maaaring maging politiko, administrador, husgado, at sundalo.
D. A, B at C

4. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang Pananagutan:


Walang sinuman ang nabubuhay, Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay, Para sa sarili lamang
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
C. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang
kaunlaran.
D. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan.

5. Basahin at unawain ang talata sa ibaba:


Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan:
naglilingkod,nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan

Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong bersyon ng Panatang Makabayan. Anong katangian ng isang
mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?
A. produktibo
B. makatao
C. mapanagutan
D. malikhain

6. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa
mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng
paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang
pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?
A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.
B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.
C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.
D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.

7. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang
Pilipino?
A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 1 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
Pagsasaayos ng Pagdulog sa isang Pagsusuri ng Pagpapalabas
mga Regional Trial hukuman sa ng kautusan ng
kakailanganing Court hinggil sa ligalidad at hukuman na
dokumento ng kahilingan ng authenticity ng kumikilala sa
isang dayuhang mga isinumiteng dayuhan bilang
nasa hustong isang dayuhang mamamayan ng
gulang. mamamayan . dokumento. Pilipinas.
8. Ang dayagram sa itaas ay nagpapakita ng isang prosesong may kaugnayan sa pagkamamamayan ng isang tao.
Anong ligal na proseso ito?
A. ekspatrasyon B. naturalisasyon C. pagtatakwil D. repatrasyon

9. Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si James na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
B. Si Samantha na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
C. Si Ramon na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
D. A, B, at C.

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?


A. Si Michael ay lumahok sa HARIBON Foundation.
B. Si Rowel na naging pangulo ng kooperatiba ng kanilang barangay.
C. Si Edna na nagpakita ng matinding pagtutol sa mga katiwalian sa pamahalaan.
D. Si Angelo na kasama ng mga opisyal ng pamahalaan na bumabalangkas ng mga programa para sa bayan.

11. Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan.
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin.
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa.

12. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal MALIBAN SA ISA:
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.

13. Paano inilalarawan ang pagiging aktibong pagkamamamayan ng mga sinaunang Griyego?
A. Paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.
B. Pakikiisa sa mga digmaan laban sa mga manlulupig.
C. Pagsali sa mga tradisyonal ng mga sayaw at musika.
D. Pagbibigay ng mga talumpati at mga piyesa.

14. Paano inilarawan ni Murray Clark Havens ang pagiging isang mamamayan at ugnayan nito sa isang nasyon-estado?
A. Ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.
B. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
C. Ang pagiging citizen ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
D. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen,
siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

15. tanggapan ng COMELEC (Commission on Elections) sa kanilang siyudad upang magpatala at makilahok sa pagpili ng
mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang
ginampanan?
A. magparehistro at bumoto
B. pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas
C. pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
D. gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 2 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
16. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa ng mga
grassroots organization.
A. civil society C. people’s organization
B. non-governmental organization D. trade union

17. Basahin ang sumusunod na mensahe:


“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pagunlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

18. Dokumentong naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England noong 1215 at nagbigay ng ilang karapatan ng mga
taga-England.
A. Bill of Rights B. Cyrus’ Cylinder C. First Geneva Convention D. Magna Carta

19. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
i. Magna Carta
ii. First Geneva Convention
iii. Cyrus’ Cylinder
iv. Universal Declaration of Human Rights

A. i, iii, ii, iv B. iii, i, ii, iv C. iii, ii, i, iv D. i, ii, iii, iv

20. Tinawag itong “International Magna Carta for All Mankind” dahil naglalahad ang dokumentong ito ng mga
karapatang pantao ng bawat indibidwal at tinanggap ng UN General Assembly noong 1948.
A. Bill of Rights C. Univeral Declaration of Human Rights
B. Magna Carta D. Preamble

21. Alin sa sumusunod ang HINDI akma sa nilalaman ng Bills of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng
1987?
A. Karapatan ng taumbayan bayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatang ng taumbayan ang magtatag ng union o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.

22. Ano ang pinakaangkop na interpretasyon sa larawan?


A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR.
B. Sila ang mga batang nakinabang sa mga karapatang pantaong nakatala sa UDHR.
C. Nakapaloob din sa UDHR ang pagpapahalaga nito sa mga karapatan ng mga bata.
D. Limitado ang mga binalangkas na karapatan ng mga bata batay sa UDHR.

23. Alin sa mga sumusunod na pahayag na mga karapatan ng mga bata ang hindi
kabilang?
A. Ligtas at malusog na buhay.
B. Mabuting pangangalagang pangkalusugan.
C. Sariling pagpapasya sa lahat ng nais niyang gawin
D. Proteksiyon laban sa lahat ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, at mental.

24. Sa Pilipinas, ang Commision on Human Rights ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang
pantao ng mga mamamayan. Kinikilala din ito bilang National Human Rights Institution. Saang probisyon ibinase
ang pagkakatatag ng naturang komisyon?

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 3 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
A. Artikulo III, Seksyon 11 ng Saligang-Batas ng 1987
B. Artikulo XIII, Seksyon 17 ng Saligang-Batas ng 1987
C. Artikulo XIV, Seksyon 14 ng Saligang-Batas ng 1987
D. Artikulo II, Seksyon 8 ng Saligang-Batas ng 1972

25. Batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003), ano ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa
pagunawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan?
A. kawalan ng pagkilos C. militance at pagkukusa
B. limitadong pagkukusa D. pagpapaubaya at pagkakaila

26. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa
kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
C. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
D. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang GABRIELA.
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa.
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan.

28. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong
patungkol sa isyung pang-ekonomiya?
A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang
kondisyon sa trabaho.
B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon.
C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagiging ligal ang paraan ng
pagkuha ng trabaho.
D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

29. Ano ang pangunahing layunin ng Task Force Detainees of the Philippines para sa pangangalaga ng mga karapatang
pantao?
A. Hangad nito magkaroon ng bansang may kultura na pakakapantay-pantay sa karapatang pantao at pang-
kasarian.
B. Ito ay may adhikaing matulungan ang mga political prisoner sa pamamagitang ng suportang legal,
pinansyal at moral.
C. Naglalayon ito na itaguyod, pangalagaan, at isakatuparan ang tunay na pakinabang ng mga karapatang
pantao sa Pilipinas.
D. Ito ay grupo ng mga Human Rights Lawyers na may adbokasiyang ipaglaban ang mga taong nausig sa
kadahilanang politikal, pang-aabuso ng military at karapatang pantao.

30. Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang
pantao?
A. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may hangaring kontrolin ang pamahalaan.
B. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may karahasan sa lipunan dahil sa pagiging aktibo sa lipunan.
C. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat.
D. Taglay ng bansang ito ang mamamayang patuloy na naghahangad na mahigitan ang karapatan ng pamaha-
laang mangasiwa sa bansa.

31. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang
kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran.

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 4 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung
pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutuhan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng
bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa
paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.

32. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa

33. Batay sa diyagram, Ano ang pinakaangkop na kongklusyon nito? Aktibong pagtatanggol
A. Dapat tahakin ng bawat Pilipino ang aktibong pagtatanggol sa karapatang pantao. sa karapatang pantao
B. Mas mapayapa ang pamumuhay ng tao kung nasa antas ng pagpapaubaya
sa paglabag ng karapatan.
C. Pantay ang antas ng pag-unawa ng kanilang mga karapatang pantao.
D. Madaling tahakin ang daan tungo sa aktibong pagtatanggol sa karapatang pantao.

34. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng mga karapatan ng mamamayang
Pilipino na bumoto?
A. Artikulo II B. Artikulo III C. Artikulo V D. Artikulo VI

35. Si Lina ay isang magsasaka na magisang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang
samahan na magtataguyod ng karapatan ng mga magsasakang katulad niya. Alin sa sumusunod ang nararapat
niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

36. Si Celestina ay isang magaaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang
magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

37. Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong.


Paglahok sa talakayan,
Paglahok sa iba't ibang
NGO People's Council konsehong panlungsod
pagpanukala, at pagboto sa
mga batas

Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?


A. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga
B. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre

38. Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN SA ISA:
A. Mas nagiging mulat ang mamamayan sa kalagayan ng lipunan.
B. Naipararating natin ang ating mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan.
C. Nabibigyang pansin ang kapakanan ng iba’t ibang pangkat sa ating lipunan.
D. Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapangabuso.

39. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


A. Maaaring mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 5 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
D. Ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang ating mga interes.

40. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organization

41. Ang sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas MALIBAN SA ISA:
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul
C. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa
6 buwan bago maghalalan

42. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng Saligang-Batas ng 1987, ang Pilipinas ay isang estadong republikano at
demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
awtoridad na pampamahalaan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TOTOO?
A. Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa pamahalaan.
B. Ang kapangyarihan ng estado ay tinataglay ng mga mamamayan nito.
C. Ang estado ay malaya mula sa pag-aangkin ng iba pang bansa.
D. Ang estado ay pinamumuno ng sambayanan at ng pamahalaan.

43. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng Saligang-Batas ng 1987, ang Pilipinas ay isang estadong republikano at
demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
awtoridad na pampamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumasang-ayon sa nakalahad sa taas?
A. Ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay
nagmumula sa mga mamamayan.
B. Ang mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan
ang mga hamong panlipunan.
C. Ang mga mamamayan ay kailangang may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan.
D. Nararapat na buuin ng pamahalaan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

44. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?


A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.
B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa
hamon ng lipunan.
C. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng
pamahalaan.
D. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng komunidad.

45. Alin sa mga sumusunod ang mga tamang konsepto ng pagboto?


i. Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa
tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos
ii. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan
iii. Pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino
iv. Ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno
bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig
ang mga nagpapahirap sa bayan.

A. Ang I at IV lamang ang tama. C. Ang I, III at IV ang Tama.


B. Ang II at III lamang ang tama. D. Lahat ng nabanggit ay tama.

46. Alin sa mga sumusunod ang mga totoo tungkol sa civil society?
i. Binubuo ng mga mamamayangnakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-
Governmental Organizations/People’s Organizations
ii. Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo, mga partido politikal, at mga armadong
grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 6 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
iii. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng
accountability (kapanagutan) at transparency(katapatan) mula sa estado
iv. Sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya ng
isang estado

A. Ang I at IV lamang ang tama. C. Ang I, III at IV ang Tama.


B. Ang II at III lamang ang tama. D. Lahat ng nabanggit ay tama.

47. Alin sa mga sumusunod ang mga katuturan ng participatory governance?


i. Ang Participatory Governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para
maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.
ii. Ang Participatory Governance ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga
ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng
mga solusyon sa suliranin ng bayan.
iii. Sa Participatory Governance ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan
upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
iv. Ang Participatory Governance ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist democracy’
kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.

A. Ang I at IV lamang ang tama. C. Ang I, III at IV ang Tama.


B. Ang II at III lamang ang tama. D. Lahat ng nabanggit ay tama.

48. Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?


A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.
B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang element upang magkaroon ng isang participatory governance.
C. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.

49. Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga NGO’s at PO’s?


A. Ang paglahok sa mga ganitong samahan ay nakakasira sa demokrasiya.
B. Pinagyayaman ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at pagkilala at
pagrespeto sa karapatang pantao.
C. Naglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay
hindi natutugunan ng pamahalaan.
D. Sa pamamagitan ng paglahok sa mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang
kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

50. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?


A. Mas maraming sasali sa civil society.
B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan.
C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan.
D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan kung aktibong kasangkot ang mamamayan sa
pagplano at pagpapatupad ng mga ito.

 GOOD LUCK!!! 

Prepared by:

ANTONNIETTE JOANNE A. SAVELLANO


Guro sa Araling Panlipunan 10

MICHA JOY B. GABRIEL

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 7 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
Guro sa Araling Panlipunan 10

Checked/Recorded:

ELIZABETH O. PASCUAL
Teacher III, TIC-AP/TLE

Approved:

CONNIE MARIE ANGELIE MAE P. BALIGNASAY


School Principal I

Validated:

JHONREY D. ORTAL
Education Program Supervisor

KEY TO CORRECTIONS

1. C
2. B
3. C
4. D
5. C

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 8 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of the City of Batac
City of Batac National High School Poblacion
City of Batac, Ilocos Norte
6. B
7. D
8. B
9. C
10. B
11. A
12. D
13. A
14. B
15. C
16. D
17. B
18. C
19. C
20. C
21. C
22. B
23. C
24. B
25. B
26. A
27. B
28. B
29. A
30. C
31. A
32. C
33. D
34. D
35. B
36. D
37. D
38. A
39. B
40. B
41. C
42. B
43. D
44. D
45. D
46. D
47. D
48. D
49. D
50. D

City of Batac National High School Poblacion Doc. Control No.: Page 9 of 9
Address: 17 Tabug, City of Batac, 2906, Ilocos Norte 320804-LG-QF-001 11 August 2020
Contact No.: (077) 677-4208 Revision No.: 00 5:00 a8/p8
email address: cbnhspob@gmail.com Effective Date: 14 January 2020

You might also like