Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Lopez, Quezon Branch
Bachelor of Science in Accountancy

Takdang Aralin

1. Bakit sinabi ni Rizal na ang kanyang ina ay isang pambihirang babae?

Sagot: Sapagkat ang kanyang ina ay malawak ang kaalaman sa literature, mas mahusay

magsalita ng Kastila, isa siyang matimatisyan, itinatama niya ang mga tula ni Rizal. Si Donya Teodora ay

katulong ng kanyang ama sa pamamahala ng lupain at nagsisilbing guro ng mga anak.

2. Ano ang nais ipahiwatig ni Rizal sa kanyang tula “ Sa Aking Kabata ”?

Sagot: Walong taon ng naisulat niya ang tulang “ Sa Aking Kababata” – ang tulang itinataas niya
ang Wikang Tagalog bilang kapantay ng Wikang Kastila at naglalarawan ng kanyang pagkamakabayan at
idealism. Nakapaloob dito ang paghahambing ng taong malayang nakakapagpahayag gamit ang kanyang
wika sa isang ibon na malayang nakakalipad sa himpapawid. Sa ganitong kalayaan na kaloob sa
mamamayan, kailangan ng tungkulin na mahalin ang wika. Dapat ring palawigin ang kaalaman hinggil sa
nilalaman ng wika.

3. Ano ang paniniwala ni Rizal sa mga palong kanyang natatanggap noong siya ay nag-aaral sa Binan?

Sagot: Naniniwala si Rizal na ang mga palong kanyang natatanggap sa Binan ay malalagom sa
tatlong salita lamang; magsimba, mag-aral at maglaro.

4. Bakit ang bansang Alemanya ay labis na napamahal kay Rizal?

Sagot: Labis na napamahal kay Rizal ang Alemanya dahil sa mga karanasang nabuo sa bansang
ito. Lumawak ang kaalaman ni Rizal sa mga kaugalian, pamumuhay ng mga Aleman at katangian ng mga
kababaihan dito. Sa pook na ito ay lubos na nakatagpo ng katahimikan si Rizal sa piling ng mga taong
umunawa at nakibahagi sa kanyang mga pangarap, suliranin at kabiguan. Sa Brlin,Germany niya natapos
ang huling bahagi ng Noli Me Tangere at dito ito unang naipalimbag. Labis na humanga siya sa
napakagandang pook ng Heidelberg kung kaya’t isinulat niya ang tulang “ a Las Flores de Heidelberg
(Para sa mga bulaklak ng Heidelberg) “ noong April 22, 1886.

You might also like