Professional Documents
Culture Documents
Modyul Fil 11
Modyul Fil 11
FIL 11
KONTEMPORARYONG PANITIKAN
PAUNANG SALITA
“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang
mamamayan, sa lahat ng aspekto ng buhay.”
Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang
pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang
Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay
maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanang
angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.
Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga
kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Filipino.
Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang
higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa
yunit na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon
na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng
bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod
pang henerasyon.
Talaan ng Nilalaman
Pagbabalik-aral sa Alamat 1
Pagbabalik-aral sa Kuwentong-Bayan 5
Pang-abay na Pamanahon 25
Ang Epiko 26
Tula 42
Ang Pasyon 42
Dula 57
Maikling Kuwento 62
Balagtasan 67
at Florentino Collantes 68
Tulang Tradisyonal 78
Tulang Modernista 79
Maikling Kuwento 86
Tula 94
Komiks 133
vi
v
PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO
MGA ARALIN
PAGBABALIK-ARAL SA ALAMAT
Pang-abay na Pamanahon
Ang Epiko
1
Pagbabalik-aral sa Alamat
TALASALITAAN
Sikaping hanapin sa diksiyonaryo o sa iba pang sanggunian ang kahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit sa sumusunod na pangungusap:
PANITIKAN
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan
ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon
kaya’t siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may
takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang
mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na
iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
2
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang
nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang
mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang
may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na
natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya
mawari kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa
matatandang pantas. Sabi ng isang matanda, “Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.
Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay
siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang
nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay
kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan.
Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak, magsilapit kayo. Huwag
kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang
inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo
ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw,
bumalik kayo rito sa pook na ito.
3
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o
makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang
katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang
palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito
sa liwanag ng araw—lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punongkahoy at
pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo
ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punongkahoy naman ay patuloy sa
pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o
dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang
puno ay paghahati-hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay
kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang
mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog
nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang
tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-
ginto, upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag
ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang
kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
PAGPAPAYAMAN
4
TALAKAYAN
Makipagtalakayan sa klase ukol sa kuwento. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong:
1. Isa-isahing ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang kanilang motibasyon sa kung bakit
ganoon ang kanilang ikinilos?
2. Makatarungan ba ang naging parusa ng bathala sa inasal ng mga tao? Bakit o bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, bakit kaya masaklap o malungkot ang alamat na ito? Maaari kayang
maging masaya ang isang alamat tungkol sa kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto?
MALIKHAING GAWAIN
Sa isang pirasong papel, gumawa ng isang diagram tungkol sa iba’t ibang kultura at tradisyon ng
mga Igorot na ipinakita sa alamat.
Pagbabalik-aral sa Kuwentong-Bayan
PANITIKAN
Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang masamang Sultan sa isang kulungang bakal at itapon sa
dagat dahil sa paghihimagsik na kaniyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kaniyang harapan
na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kaniyang baywang ang isang
kumikislap na ginintuang tabak.
5
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw
ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na Sultan, sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng
dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais
na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok.
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat.
Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok.
"May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga
kamag-anak."
"Hintay," paghinto ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng Sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang
dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng
isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ako sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng
Sultan.
"Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman
po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang
magtungo rin doon.”
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin."
6
"Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga
ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't
ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing, at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong
kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng Sultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
Makipagtalakayan sa klase ukol sa binasang kuwento. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na
tanong:
1. Ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang naging motibasyon nila sa kanilang ikinilos?
Makatarungan ba ang mga ikinilos nila?
4. Ano kaya ang silbi ng mga kuwentong-bayan sa buhay ng ating mga ninuno?
5. Paghambingin ang alamat at kuwentong-bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito
bilang akdang pampanitikan.
PANIMULANG PAGTATAYA
Kumuha ng isang pirasong papel. Sagutan sa abot ng iyong makakaya ang sumusunod na tanong.
Huwag mag-alala kung hindi mo alam ang sagot— ginagawa ang pagtatayang ito upang malaman
ng iyong guro kung alin pang mga aralin ang kailangan ninyong balikan o pag-aralan. ANG RESULTA
NITO AY HINDI ISASAMA SA PAGTATAYA NG IYONG GRADO.
7
KAKAYAHANG KUMILALA NG PANTIG
1. Isulat sa papel ang mga salitang nakalista sa ibaba. Sa tabi ng bawat salita, isulat kung
ilang pantig ang mayroon ito.
a. pangarap
b. magnanakaw
c. tinitimbang
d. pinakapaborito
e. kumpas
2. Narito ang ilang pangungusap na may mga kulang na salita. Punan ng mga salita (maaaring
higit sa isa) ang puwang upang maging sampung (10) pantig ang bilang ng pantig sa bawat
pangungusap. Kinakailangang mayroon pa ring saysay at naiintindihan pa rin ang mga
pangungusap.
c. _______ at tumakbo.
8
1. Sa iyong papel, bumuo ng apat na hanay. Isulat sa unang hanay ang Malumi, sa ikalawa ang
Maragsa, sa ikatlo ang Malumay, at sa ikaapat ang Mabilis.
Tukuyin ang tudlik ng mga salitang nasa ibaba. Isulat ang salita sa hanay ng kaniyang
tudlik.
muta
hari anghel
alapaap talahib
tunggali halo bato
tuwa sampu
masaya
2. Ang salitang paso ba ay malumi, maragsa, malumay, o mabilis ang tudlik? Pangatwiranan
ang sagot.
Bago pa man dumating ang mga una nating mananakop na dayuhan, mayroon nang mayamang
kaban ng panitikan ang grupo ng mga pulong kalaunan ay tatawaging Pilipinas. Bawat pangkat-
etniko at pangkatlinggwistiko sa katutubong panahon ay may kani-kaniyang anyo ng tula, alamat,
epiko, at mga kuwentong-bayan.
Gayunpaman, marami sa mga panitikang ito ang naglaho na at hindi na natin mababasa, dahil na
rin sa pandarahas ng mga dayuhang mananakop hindi lamang sa ating mga lupain at yamang pisikal
kundi pati na rin sa ating kaakuhan at kultura. Itinuring ng mga dayuhang mananakop na mababang
uri ang kultura nating mga Pilipino, kung kaya’t hindi karapat-dapat na sagipin.
Naging mahirap din ang pagligtas sa mga naiwang piraso ng katutubong panitikan, pangunahin na
dahil karamihan sa mga ito ay walang nakasulat na bersiyon. Karamihan sa panitikan na umiral
noong panahon ng katutubo ay nakatali sa ating mayamang tradisyong pabigkas—hindi dahil sa wala
9
tayong kakayahang magsulat (mayroon tayong sistema ng pagsusulat na ang tawag ay baybayin),
kundi dahil mas episyente ang pagpapasa ng mga panitikang ito sa pamamagitan ng pagbigkas.
Sa unang pagsusuri ng mga mananaliksik at akademiko, inakalang ang lahat ng naisulat noong
panahon na iyon ay ukol sa karaniwan o pambalanang buhay—halimbawa, kung ang pinagmulan ng
panitikan ay isang pangkatetniko na nakatira malapit sa dagat, madalas ay tungkol sa pangingisda
o dagat ang laman ng mga panitikan nila, gaano man kakaraniwan o kapantastiko ang
pagkakalahad. Ngunit habang mas marami pa ang nauungkat na mga lumang panitikan ng mga
akademiko, mas nakikita na katulad ng mga kontemporaryong akda, hindi maikukulong sa iilang
paksa lamang ang mga katutubong panitikan. Patunay ito na bago pa man dumating sa atin ang
mga Kanluraning paraan ng pag-iisip, mayroon na tayong napakahusay na orihinal na kultura.
Samakatuwid, ang makikita mong mga panitikan sa yunit na ito ay patikim lamang, at paimbabaw
lamang ng kung anong yaman ng ating sinaunang kultura.
PANIMULANG GAWAIN
Hahatiin ang inyong klase sa sampung grupo. Pipili ang bawat grupo ng isang tatayong mensahero.
Ang layunin ng bawat mensahero ay kunin ang isang mahabang mensahe sa kaniyang guro, at ihatid
ito sa kaniyang grupo. Ang problema: bibigyan lamang ng lima hanggang sampung minuto ang
bawat mensahero upang aralin ang nilalaman ng mensahe. Bawal nila itong isulat. Kailangan nila
itong matandaan at ihatid sa grupo sa pamamagitan ng pagbigkas lamang. Pagkatapos, isusulat ng
ibang kasapi ng grupo ang mensahe sa pisara. Ang grupong pinakatumpak ang mensahe ang siyang
magwawagi.
Pagkatapos ng gawaing ito, makipagtalakayan sa klase gamit ang sumusunod na gabay na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba sa katangian ng mensahe ng mga grupong nanalo at ng mga hindi
nanalo?
3. Bakit kaya higit na madaling nakabisado ng mga grupong nanalo ang kanilang mga
mensahe? Bakit mas mahirap ang mensahe ng mga natalong grupo?
4. Kung hahayaan ang lahat ng mensahero na kopyahin sa papel ang mga mensahe, ano kaya
ang kahihinatnan ng laro? Aling grupo ang magiging pinakatumpak ang mensahe?
10
Aralin
TUGMA
Tandaan: Tunog o ponema ang inuulit, hindi titik. Sa mas payak na pagsasabi, mga salita
(sa dulo ng dalawa o higit pang taludtod) ang pinagtutugma. Magkatugma ang anumang
dalawa o higit pang salita kung ang mga ito ay nagtatapos sa iisa o magkapamilyang tunog
o ponema.
3. PANGKALAHATANG KAURIAN
4.1. Walang Impit - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang nagtatapos sa
iisang patinig na walang impit o glotal na pasara.
a e-i o-u
masaya dalaga masiste Tawi-tawi Sulu demonyo
La Paloma kostumbre datu asikaso
pakikipagkita pagpapakabayani
11
Tandaan: Sa tradisyon, maaaring magtugma ang mga salitang nagtatapos sa iisang
patinig mabilis man o malumay ang bigkas ng mga ito. Laging alalahaning mabilis o
malumay lamang ang mga uri ng bigkas na tinataglay ng mga salitang nagtatapos sa
patinig na walang impit.
4.2. May Impit - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang nagtatapos sa iisang
patinig na may impit o glotal na pasara.
a e-i o-u
salita luwalhati siphayo tabo
katunggali Aling paglalaho
dinarakila
Tale naghahari halo-halo
mapagpakana pakikidigma
Tandaan: Sa tradisyon, maaaring magtugma ang mga salitang nagtatapos sa iisang patinig
maragsa man o malumay ang bigkas ng mga ito. Laging alalahaning maragsa o malumi
lamang ang mga uri ng bigkas na tinataglay ng mga salitang nagtatapos sa patinig na may
impit.
5.1. Mahina - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang magkatulad ang patinig ng
huling pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa l, m, n, ng, r, w, y.
a e-i o-u
kasal alam anghel Bohol gahum
halaman kulimlim De pantalon
gatang lahar Belen duling barumbarong
sayaw Baler agiw motor hello*
isprey
bitay baduy
* Bagama’t hindi nagtatapos sa ow/oy ang hello, ang bigkas nito ay /helow/.
12
Tandaan: Sa tradisyon, ang mga salitang may iisang patinig sa huling pantig at nagtatapos
sa alinman sa mga katinig na mahina ay nagtutugma mabilis man o malumay ang bigkas ng
mga ito. Alalahaning sa pangkalahatan, dadalawa lamang ang uri ng bigkas ng mga
salitang nagtatapos sa katinig—mabilis at malumay.
5.2. Malakas - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang magkatulad ang patinig
ng huling pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa b, k, d, g, p, s, t.
a e-i o-u
hikab tagaktak talahib matalik lukob Taruc*
paglalahad bilibid panghilod
pusag alapaap pinipig halughog
patalastas pag- kupkop
uulat susmaryosep hulagpos
buntis pinakbet kilabot
* Hindi man nagtatapos sa ok/uk, binibigkas ang Taruc nang paganito: /taruk/. Kaugnay
nito, lahat ng mga bagong katinig na nadagdag sa ating alpabeto, maliban sa ñ, ay
maitutugma sa mga katutubong katinig na malakas.
a e-i o-u
Dahil mas maluwag tayo ngayon sa pagtanggap ng mga salitang banyaga sa ating
pagpapahayag, alalahanin lamang lagi na mga tunog o ponema ang pinagtutugma, hindi
mga titik. Ang Steve, halimbawa, ay katugma ng talahib, matalik, bilibid, atbp. dahil
binibigkas ito nang paganito: /stiv/. Katugma rin ng mga ito ang Kleenex dahil ang
namamayaning dulong tunog sa bigkas ng salitang Kleenex /kli•neks/ ay katinig na
malakas.
6.1. Payak o karaniwan ang antas ng tugmaan kung simpleng sinusunod lamang ang natalakay
nang panuntunan sa pagtutugma sa itaas. Ang mahalaga lamang ay ang pag-uulit ng
13
dulong-tunog ng salita, malumay man o mabilis o malumi man o maragsa ang bigkas ng
mga salita.
6.2. Tudlikan. Sa antas na ito, isinasaalang-alang na ang bigkas ng salita. Tutugma lamang ang
maragsa sa maragsa, ang malumi sa malumi, ang mabilis sa mabilis, at ang malumay sa
malumay.
Kung babalikan ang mga halimbawa sa 4.1, kolum a, magkatugma ang masaya at dalaga
sa antas na payak. Ngunit kung iaakyat sa antas na tudlikan, ang masaya at dalaga ay
hindi magkakatugma. Mabilis ang masaya, malumay naman ang dalaga.
Sa 5.1, kolum o-u, magkatugma sa payak na antas ang pantalon at barumbarong. Ngunit hindi
magkatugma ang mga ito sa antas na tudlikan dahil ang pantalon ay mabilis samantalang ang
barumbarong ay malumay.
a e-i o-u
6.3. Pantigan. Sa antas na ito, bukod sa bigkas, isinasaalang-alang na rin ang pagkakapareho ng
dulong patinig-katinig (PK) o katinigpatinig (KP) ng mga pinagtutugmang salita.
Sa 4.2, kolum o-u, ang siphayo at tabo ay magkatugma sa antas na tudlikan ngunit hindi sa
antas na pantigan. Ang huling KP ng siphayo ay yo, ang huling KP ng tabo ay bo.
Sa 5.1, kolum a, ang kasal at alam ay magkatugma sa antas na tudlikan ngunit hindi sa antas
na pantigan. Hindi magkaparehongmagkapareho ang huling PK ng mga salitang ito. Ang
huling PK ng kasal ay al samantalang ang sa alam ay am.
a e-i o-u
14
muta palikpik bilog
bata hita halik pitik dulog
batuta balik luhog
untog
Sa mga halimbawa sa 6.3, magkatugma sa antas na dalisay ang mga salitang muta at batuta
sa kolum a. Pansining sa mga salitang ito, kapwa u ang patinig bago ang huling pantig. Ang
palikpik at pitik sa kolum e-i ay magkatugma rin sa antas na dalisay. Kapwa i ang patinig
bago ang huling pantig sa mga salitang ito. Sa kolum o-u, magkakatugma sa antas na dalisay
ang mga salitang dulog, luhog, at untog. Pare-parehong u ang patinig bago ang huling pantig
sa mga salitang ito.
a e-i o-u
SUKAT
3. PANGKALAHATANG KAURIAN
15
§
16
Ang salawikain, (na minsan ay tinatawag ding sawikain o kasabihan) ay isang maikli ngunit
makabuluhang pahayag, na karaniwang may matulaing katangian. Naglalaman ito ng mga aral,
karunungan, o katotohanan.
PANITIKAN
Nagmamatandang kulit,
Nagmumurang kalumpit
Buhay-alamang
Paglukso, patay
17
Ang sakit ng kalingkingan Dama ng buong
katawan
PAGPAPAYAMAN
Bilang ng
Salawikain Sukat Tugma
Taludtod
Sa unang hanay, kopyahin ang mga salawikain sa itaas. Sa ikalawang hanay, isulat kung ilan ang
bilang ng taludtod o linya ng bawat salawikain. Sa ikatlong hanay, tukuyin ang sukat (kung gansal o
pares, at sabihin ang bilang ng pantig) nito. Sa ikaapat na hanay, tukuyin ang tugma.
18
Kumuha ng isang pirasong bond paper. Gumawa ng dalawang hanay. Pagkatapos, pumili ng isang
salawikain mula sa mga nabasa mo sa itaas. Sa unang hanay, iguhit ang literal na sinasabi ng
salawikain. Sa ikalawang hanay, iguhit ang sa tingin mong iba pa nitong gustong sabihin.
Maaaring makipagtalakayan sa klase nang ginagamit ang sumusunod na tanong bilang gabay:
1. Ano ang napansin ninyo sa anyo ng salawikain? Bakit kaya kinakailangang mayroon itong
tugma at sukat?.
2. Ano ang napansin ninyo sa paraan ng paglalahad ng kaisipang nakapaloob sa sawikain? Bakit
kaya mahalaga sa mga ninuno natin na gawin itong matalinghaga?
Ang mga bugtong ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula. Subukin ninyong alamin kung ano
ang tinutukoy ng mga katutubong bugtong sa araling ito.
PANIMULANG GAWAIN
Muling tatalakayin ng inyong guro ang ilan pang bahagi ng Mahahalagang Tala sa Katutubong
Tugma at Sukat. Sa puntong ito, dapat ay pinagtutuunan na ninyo ng pansin ang mga antas ng
tugmaan. Sa mga susunod na gawain, sikaping maging higit pa sa payak ang antas ng tugmaan ng
mga isusulat mong tula.
PANITIKAN
19
May katawan walang mukha, Walang mata’y
lumuluha
Isda ko sa Mariveles
Nang magkaginto-ginto
PAGPAPAYAMAN
20
Sa kuwaderno o sa isang pirasong papel, gumawa ng isang tsart na katulad nito:
Sa unang hanay, kopyahin ang mga bugtong sa itaas. Sa ikalawang hanay, isulat kung ilan ang
bilang ng taludtod o linya ng bawat bugtong. Sa ikatlong hanay, tukuyin ang sukat (kung gansal o
pares, at sabihin ang bilang ng pantig) nito. Sa ikaapat na hanay, tukuyin ang tugma.
Hahatiin ang inyong klase sa grupong kinabibilangan ng lima. Bawat grupo ay kukuha ng kartolina
at iba pang panggawa ng poster. Bawat grupo ay pipili ng isang bugtong sa mga nabasa ninyo sa
itaas. Pagkatapos, gagawa ang bawat grupo ng isang poster na nagpapakita ng anatomiya ng isang
bugtong.
Pabubunutin ng guro ang bawat mag-aaral ng tigalawang piraso ng maliliit na papel. Sa bawat
papel, mayroong nakasulat na isang bagay o gawain. Kailangan mong makaisip ng isang bagong
bugtong para sa bagay o gawain na iyon. Alalahanin:
Kailangang mayroon itong wastong tugma at sukat. Sikaping gawing higit pa sa payak ang
antas ng iyong tugmaan.
21
Kailangan ay tiyak na natutukoy ng iyong bugtong ang pinapahulaang bagay. Ibig sabihin,
hindi maaaring mayroon itong ibang bagay pang natutukoy.
Subuking pahulaan ang mga ito sa inyong klase. Tandaan na hindi nasusukat ang husay ng bugtong
sa hirap o dali ng pagpapahula rito. Ang tagumpay ng isang bugtong ay hindi lamang sa pagiging
mahirap nito, kundi sa husay ng pagtatago—iyong halatang-halata kung ano ang sagot, pero hindi
agad mahuhulaan.
TANAGA AT DALIT
Sa araling ito, makikilala mo ang dalawang katutubong anyo ng tula ng mga Pilipino: ang tanaga at
dalit. Sa ngayon, tutukuyin lang muna natin ang mga panlabas o paimbabaw na katangian ng mga
anyong ito. Hihimayin natin ang kaisipan at nilalaman sa susunod na aralin.
PANIMULANG GAWAIN
Ipagpapatuloy ng iyong guro ang pagtalakay sa Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat.
Sa puntong ito, inaasahang pinipino na lamang ng iyong guro ang inyong kasanayan sa pagtutugma
at paglalapat ng sukat. Muli, sa mga susunod na gawaing patula, sikaping gawing higit pa sa payak
ang antas ng tugmaan sa iyong tula.
PANITIKAN
Basahin ang sumusunod na katutubong tula na nasa anyo ng tanaga at dalit. Marami-rami ang mga
salitang maaaring hindi mo alam ang kahulugan. Sumangguni sa diksiyonaryo, o di kaya ay hingin sa
iyong guro na gabayan kayo sa pagbabasa.
Katitibay ka tulos
22
Sakaling datnang agos Ako’y
mumunting lumot Sa iyo’y pupulupot
Doon nagpapalalo
Gagataliptip kalapad
Kaya nakikipagpusag
Ang kalaguyo’y apahap
23
Huwag kang maglingong-likod
PAGPAPAYAMAN
Bumuo ng grupong kinabibilangan ng limang kasapi. Sa grupo, basahin ulit ang mga tanaga at dalit
na nasa itaas. Talakayin sa loob ng grupo ang panlabas o paimbabaw na katangian ng tanaga at
dalit. Pag-usapan ang sukat, tugma, at bilang ng taludtod. Tukuyin kung ano ang pinagkapareho at
ang pinagkaiba ng dalawang anyo. Inaasahang sa dulo ng inyong talakayan, makapaglalahad kayo
ng hinala sa kung ano ang anyo ng tanaga at ano ang anyo ng isang dalit.
Sa puntong ito, inaasahang naipaliwanag na ng inyong guro kung ano ang wastong katangian ng
tanaga at dalit. Sa iyong kuwaderno o sa isang piraso ng papel, sumulat ng tatlong tanaga na ang
tema ay ang sumusunod:
24
Sikaping gawing higit pa sa payak ang antas ng iyong tugmaan. Sa susunod na pagkikita ng inyong
klase, maaaring ibahagi ninyo ang inyong mga gawa sa harap ng klase.
ARALIN
Bilang isang anyo ng pahayag, hindi isang koleksiyon lamang ang tula ng mga magkasintunog na
titik at makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang mga titik at
salita’y dapat isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa,
damdamin, pangyayari, larawan, o kakintalan.
1. PASUHAY
Kung kukunin natin ang unang dalawang taludtod, makikita agad natin ang gustong sabihin ng
tula: na anumang taas ng niyog ay hindi dapat ito magyabang.
25
Sa unang taludtod pa lamang ay buo na ang ibig sabihin ng tula. Ang sumunod na mga taludtod
(Kung ang uwang ang umuk-ok / Mauubos pati ubod) ay nagpapakita lamang ng dahilan sa kung
bakit hindi dapat magyabang ang niyog gaano man ito katangkad: dahil ang isang insektong
kasinliit ng uwang ay kaya itong patumbahin.
2. PATIMBANG
Pansinin kung paanong ang unang dalawang taludtod ay eksaktong kabaligtad ng dalawang
huling taludtod. Sa unang dalawang taludtod, ang tinutukoy ng tula ay walang dalang ginto
ngunit nagmamayabang. Sa ikalawang taludtod, nagkaroon na ng ginto ang tinutukoy ng tula,
ngunit naging mapagpakumbaba na ito. Samakatuwid, nagtitimbangan ang dalawang ideya.
3. PASUYSOY
Sa balangkas na pasuysoy, ang mga nauunang taludtod ay tumutulong lamang upang isulong ang
pahayag patungo sa huling linya. Sa balangkas na ito, sa panghuling taludtod lamang magiging
lubos na malinaw ang diwa ng tula.
26
Isa itong tula tungkol sa isang maliit na isda na kasinlaki lang ng sapsap at kasinglapad lang ng
taliptip. Pero nagagawang makipagpusag ng isdang ito— isang gawaing para sa mga malalaking isda
—dahil mayroon siyang kasintahang mas malaking isda, ang apahap. Kung pag-iisipan pang mabuti,
maaaring maging tungkol din ito sa ugali ng tao na magmayabang dahil lamang mayroon silang
kaibigan o kakilalang malakas, makapangyarihan, o mayaman.
Sa balangkas na pasuysoy, hindi natin makukuha ang buong diwa ng tula hangga’t hindi natin
natatapos ito. Hindi ito katulad sa balangkas na pasuhay, kung saan alam na natin sa unang
dalawang taludtod pa lamang kung ano ang gustong sabihin ng tula.
PAGPAPAYAMAN
Narito ang ilang mga tanaga at dalit. Tukuyin ang balangkas ng mga tulang ito, at ipaliwanag kung
bakit.
Sa bayang marupok;
27
Di ko naman masundo,
Hanggang sa kasalukuyang panahon, nanatiling buhay ang anyo ng tanaga at dalit. Narito ang ilang
halimbawa ng mga tanaga at dalit na naisulat nitong nakaraang limang dekada. Maganda kung
tatalakayin ninyo sa klase: Ano ang kaibahan ng mga tanaga at dalit na ito sa mga nilikha noong
panahon ng katutubo?
PANITIKAN
Kalungkutan sa Tag-ani
Lamberto Antonio
Agahan
Rio Alma
28
Isang buntonghininga.
Panaginip
PAGPAPAYAMAN
Sa iyong kuwaderno o papel, sumulat muli ng tatlong tanaga o dalit (maaaring magkahalo, hal.,
isang tanaga at dalawang dalit). Maaaring kumuha ng kahit anong tema o paksa, ngunit
kinakailangang magamit ang tatlong balangkas ng katutubong tula. Ibig sabihin, susulat ka ng isang
tulang pasuhay, isang patimbang, at isang pasuysoy.
Piliting maging higit sa payak ang antas ng tugmaan. Ihanda ang sarili sa pagbabahagi ng naisulat
sa susunod na pagkikita ng klase.
PANIMULANG GAWAIN
Naibigay dapat na takdang gawain ng inyong guro ang pagsusuot ng mga damit na sa tingin ninyo ay
naglalarawan sa isang Pilipinong makata. Sa isang buong period, magbabasa at magtatalakayan
kayo nang suot-suot ang inyong makata costume. Sikaping magsalita nang may tugma, kung hindi
man may sukat, ang inyong mga sinasabi.
29
1. Ano ang napansin ninyong karaniwang suot ng mga mag-aaral sa inyong klase ngayong
makata costume day?
2. Kung maaari, ipakita kung paano kumilos at magsalita ang makatang Pilipino sa iyong
pananaw.
3. Bakit kaya ito ang namumuong larawan ng makatang Pilipino sa inyong mga isip?
Aba, si Kasampalok,
PAGPAPAYAMAN
PAGTALAKAY SA TULA
Tatalakayin ng klase ang tulang “Umulan man sa Bundok.” Maaaring gamitin ang sumusunod na
tanong bilang gabay:
1. Pansinin ang anyo ng tula. Ano ang pagkakatulad nito sa mga naunang anyong pinag-aralan
natin? Ano ang pagkakaiba nito?
3. Ano ang hinihiling ng nagsasalita sa tula? Bakit kaya niya ito hinihiling?
4. Ano ang ginawa ni Kasampalok? Sa tingin mo, ano kaya ang ibigsabihin ng ginawa niyang ito
sa relasyon nila ng nagsasalita sa tula?
30
6. Paano kaya naibahagi ng tula ang mga komplikadong damdamin at pangyayari nang hindi
ito kumikiling sa labis na sentimentalidad o pagdadrama?
7. Pag-isipan: Ito kaya ang klase ng tula na nilikha ng inyong istiryotipikal na makata?
Ito na ang huling tulang isusulat mo para sa markahang ito. Dahil dito, bibigyan ka ng lubos na
kalayaan sa paglikha. Kinakailangang may wastong tugma at sukat pa rin ang iyong tula, ngunit
hindi ka na bibigyan ng bilang ng taludtod o saknong. Maaaring maging lubos na maigsi o lubos na
mahaba ang tulang isusulat mo. Ang mahalaga ay ang kalidad ng tula.
Sikaping gayahin ang kalidad ng “Umulan man sa Bundok” napakaraming sinasabing komplikadong
damdamin at pangyayari, ngunit labis na mapagtimpi.
Pang-abay na Pamanahon
ARALIN
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay
ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) may pananda at (2) walang pananda.
Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga
pananda ang pang-abay na pamanahon.
Mga halimbawa:
31
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng “National Artist Award”
buhat sa Pangulo.
Pilipino sa CCP.
Ang Epiko
ARALIN
Ang epiko ay isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o
higit pang bayani o maalamat na mga nilalang. Pinaniniwalaang bawat bayan at pangkat-etniko sa
Pilipinas ay may natatanging epiko, ngunit hindi lahat ay nailigtas mula sa pagbura ng kultura dulot
ng pananakop ng mga dayuhan. Halimbawa, may natatanging epiko ang mga Iloko, Ifugao, at
Waray (na may salita para sa epiko: kandu), ngunit walang may alam kung ano ang epiko ng mga
Tagalog—pinaghihinalaang nawala na ito nang tuluyan dahil sa malakas na impluwensiya ng mga
mananakop na Kastila.
Sa madaling salita, mayroon nang epiko ang mga lahi sa Pilipinas bago pa man makarating sa atin
ang salitang “epiko.” Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang
salawikain o awit.
32
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang. Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na
sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bikol naman ay tanyag ang epikong
Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bikol ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19
dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bikolano na batay naman sa mga bagong
pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga katutubo.
Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa
Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan,
Indarapatra at Sulayman, at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera
Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito
ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at
pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang
ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
PANITIKAN
Ipinanganak si Aliguyon sa bayan ng Hannanga. Si Amtalao ang kaniyang ama, at si Dumulao ang
kaniyang ina. Nang maliit pa lang siyang bata, madalas siyang kuwentuhan ng kaniyang tatay ng
mga pakikipagsapalaran niya sa digmaan. Tinuruan din siya ng kaniyang tatay na gumamit ng sibat
at kalasag. Mabilis na natuto si Aliguyon.
Ilang taon pa ang lumipas, at ginawan ni Amtalao si Aliguyon ng isang trumpo. Tinuruan niya si
Aliguyon kung paano ito paikutin, at kung paano ito gamitin upang talunin at wasakin ang trumpo
ng iba pa niyang kalaro. Tinuruan din niya si Aliguyon kung paanong lumikha ng mga sibat na gawa
sa runo at kung paanong makipaglaban gamit ito.
Habang tumatanda, madalas makinig si Aliguyon sa mga dasal pandigma ng tribu. Kalaunan,
natutuhan din niyang usalin ang mga dasal at salitang makapangyarihan. Dahil sa mga angking
galing ni Aliguyon, siya ang naging pinuno ng mga kabataan sa kanilang tribu.
33
Nang naging binata na si Aliguyon, tinipon niya ang kaniyang mga kasama upang lusubin ang
kalaban ng kaniyang tatay, si Pangaiwan ng bayang Daligdigan. Subalit nang makarating sila sa
Daligdigan, ang nakaharap niya ay hindi si Pangaiwan, kundi ang anak nitong si Pumbakhayon.
Kasintapang at kasinggaling ni Aliguyon si Pumbakhayon. Tumagal ang digmaan ng tatlong taon,
nang hindi malinaw kung sino ang nanalo.
Dahil sa haba ng digmaan, natutuhang irespeto ng dalawang bayani ang husay ng bawat isa. Dahil
tila magkapantay sa galing sa pakikipagdigma, nagpasya silang tapusin ang digmaan. Sa harap ni
Pangaiwan, nagkasundo silang pananatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya.
Nang matapos ang pagkakasundo, niligawan ni Aliguyon ang pinakabata at pinakamaganda sa mga
kapatid na babae ni Pumbakhayon, si Bugan. Iniuwi ni Aliguyon si Bugan sa Hannanga, at lumaki
siyang isang napakagandang dalaga. Dumalaw si Pumbakhayon sa Hannanga upang saksihan ang
kasalan sa pagitan ni Aliguyon at ng kaniyang babaeng kapatid.
Naging matapat at makatwirang pinuno ng tribu sina Aliguyon at Bugan, at minahal sila ng kanilang
mga katribu.
Isinama sa sipi na ito ang orihinal na bersiyon sa wika ng mga Ifugao. Subuking pansinin ang mga
panlabas na katangian ng epikong ito. May sukat ba ito at tugma? Ano kaya sa tingin mo ang
dahilan ng maraming pag-uulit?
Ifugao Filipino
34
Hi Aliguyon, nak Amtalao Si Aliguyon, anak ni Amtalao, Na
nakatira sa Hannanga, Ay
Doladad Hannanga
bumigkas isang araw:
Ohanan bigbigat ya kanana, “Nasaan na kayo, mga kasama ni Aliguyon?
“Daan kayuken, a-ay-ayam Aliguyon? Gawin ang ginagawa sa Hannanga.” Maingay
Gawaon yuy gawanad Hannanga.” na nagtipon ang mga
Kahingayan nan a-ay-ayam Aliguyon Ot kasama ni Aliguyon, At
mun-bowbow-wot aa. naglaro sila ng trumpo.
Bow-wot Aliguyon an inkem adna Tumalbog-talbog ang trumpo ni
ohladanda,
Aliguyon sa bakuran
Hay bow-wot Aliguyon ya natuhg-ug baleda,
Umikot-ikot ito sa loob ng kanilang bahay,
Ct miptok hi bangibang amanan hi
At tinamaan ang bangibang ng matandang
Iken ama.
Gimangao an pimmingo nan bangibang; Tumunog ang bangibang na parang isang
Ding-gol Aliguyon, nak Amtalao, Ot awit;
hunghop itangadna pintyen di baleda Narinig ito ni Aliguyon, anak ni
Nangitada-nay bangibang ot ilaona, Hi Amtalao,
Aliguyon nana intongbanay bangibang ke
Iken Kaya’t itinaas niya ang kaniyang noo,
tumungo sa pinto ng kanilang bahay,
At inabot ang bangibang upang hanapin
Ya inay-unan hinweng di gullu kayda Ot ang kaniyang trumpo, At nang hindi
inay-unan iha-ul hi daulonda. mahanap, ibinato niya ang bangibang sa
Ilabtakna unligtuwan di kamaligda Ya amang matanda.
kanana, “Dakayuken a-ayayamku,
gawaonyuy Ta mamyu taku gullukay ta
ngumayetaku.” Pagkatapos, inalis niya sa pagkakatali ang
kanilang tandang At dinala ito sa ilalim ng
Kahingayan di a-ay-ayamna. kanilang bahay.
35
Uming-ingukud da daulonda, Mahyeto Nagmadali siya papunta sa kamalig, At
pangal-alawag Aliguyon hi daulonda, bumigkas: “Mga kasama, gawin ang
Ya kanana, “Heake gullukaymi, kailangang gawin. Dadasalin natin ang
dasal ng tandang dahil pupunta tayo sa
Gawanah ya yumangudkan pinyuku, Dieket isang digmaan.”
inilam an ikamligda Aliguyon; Ya ipidongmo
Maingay na nagtipon ang kaniyang mga
an pinyukan gullukay.” Himmapit hi
kasama
Indumulao an kanana,
Nagtipon-tipon sila sa ilalim ng
“Antipeh ung-unga-unga, Aliguyon!
bahay;
An bunuhbuh-ku ya inpakainilanah,
Taimtim na nagdasal si Aliguyon sa ilalim ng
Mamyu gullukaymi gawanad bahay,
Hannanga?” Inuusal, “Bigyan kami ng
Abunadih ya lumibwat hi Indumulao Ot palatandaan, o tandang, Bigyan kami
hipduyonay in-yung-nganda, Ya ng palatandaan!
pemmelek hi ohladanda. Hi Aliguyon, nak Sinasamo kita sa aking dasal,
Amtalao, ya ugge naglongan;
Na hindi mo makita ang pagkatalo ni
Ya kanana, “Ba-at dakanah yuddungan mi
gawana! Aliguyon sa digmaan;
Te bokom man lubog Aliguyon, nak Sagutin ang dasal namin ng isang
palatandaan, o tandang.” Lumapit si
Amtalao,
Dumulao, ang ina, at sinabing
Te hi inan hi Indumulao.”
“Itigil mo iyan, anak kong Aliguyon! Mahal
Anud-udpayan Indumulao ya kanana kong anak, kanino mo kaya natutuhang
“Nganne innu-innun Indumulao Kon ung- Dasalin ang dasal ng tandang ng
unga Aliguyon an binuhbuhku Hannanga?”
Ya impakainilana pamyu?” Indumulao-
At biglang tumayo si Dumulao At
ana impiditna nakappong ay
sinipa ang mangkok na may lamang
kawayanda, Ing-ganah ohladanda;
alak
“Im-imbat,” Aliguyon ya kanana
At umalingawngaw ang pagkabasag nito sa
“Baat dakana! Kawayanmi gawanan kapatagan.
Te bokonna luboy Aliguyon Hindi natakot si Aliguyon, anak ni Amtalao;
Te hi inan hi Indumulao.” Isinigaw niya, “Nawa’y ang basag na
mangkok
Ay hindi maging kasamaang palad ni
Aliguyon, anak ni Amtalao,
Kundi ng kaniyang nanay na si
Dumulao.”
Nagulat sa kaniyang narinig, sinabi ni
Dumulao,
“O, anong kailangan mong gawin,
Dumulao,
Sa iyong mahal na anak na
36
Aliguyon,
Na masyadong marami ang alam na dasal?”
Sa inis ni Dumulao, kinuha niya ang
kawayang tinutuntungan ng tandang,
At inihagis ito sa bakuran.
“Nawa,” sigaw ni Aliguyon,
“Na ang kawayang kinuha sa amin
Ay hindi maging kasamaang palad ni
Aliguyon,
Kundi ng kaniyang nanay na si
Dumulao.”
Dahil ang palay namin ay halos ginto na at hinog; Masisira ang aming palay kapag
dito tayo nagdigma.”
At sumagot si Aliguyon, “Anong masama roon?
Lalabanan kita rito hanggang ang mga kawayan at mga punong alimit
Ay tumubo sa iyong palayan.”
37
Matalas ang pag-iisip, nasalo Ni Pumbakhayon ang sibat ni
Aliguyon.
Sinundan ng mga mata ni Aliguyon ang sibat. Nakita niyang nasalo ito ni
Pumbakhayon
Kung kaya’t pumalatak siya sa inis.
Anak ni Amtalao!”
At inihagis nila ang sibat sa isa’t isa,
At nasalo nila ang sibat ng isa’t isa,
Patayin si Aliguyon! Ibigay sa amin ang kaniyang ulo, Nang maging sariwa na ang
hangin sa aming mga kabahayan!”
Tiningnan ni Pumbakhayon ang mga dalaga at sinabing,
“Magsitahimik kayo, mga magagandang dilag,
38
At lumakad siya hanggang sa marating ang pader ng bayan.
Si Pumbakhayon at Aliguyon—
At sinabi, “Walang mas mahusay, pantay sila sa lahat ng bagay.” Sumimangot siya sapagkat
pareho silang magaling.
“Kayong dalawa, ano ang nakukuha ninyo sa paglalaban sa palayan? Pantay lang ang inyong
lakas!
Ano pa ang silbi ng pakikidigma?”
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
Tatalakayin ng klase ang binasang epiko. Maaaring gamiting gabay sa talakayan ang sumusunod na
tanong:
1. Ano-ano ang sinaunang paniniwalang ipinakita sa Hudhud ni Aliguyon? Ano ang halaga ng
mga paniniwalang ito sa mga katutubong Ifugao?
39
2. Ilarawan si Aliguyon bilang bata. Bakit kaya ganito ang napiling katangian ng bidang tauhan
ng mga mananalaysay?
4. Ano kaya ang sinasabi ng epikong ito tungkol sa pagturing ng mga Ifugao sa digmaan?
MALIKHAING GAWAIN
Lumikha ng isang 3-5 pahinang komiks na muling nagsasalaysay ng mga nabasa mong bahagi ng
epiko ni Aliguyon.
PANIMULANG GAWAIN
Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Sa pisara, isusulat ng guro ang “Lalaking Superhero” sa
isang bahagi, at “Babaeng Superhero” sa kabilang bahagi. Itatakda ng guro kung aling bahagi ang
mapupunta sa aling grupo. Pagkatapos, bibigyan ng limang minuto ang bawat grupo upang maglista
ng mga pangalan ng mga kilala nilang superhero ayon sa naitakdang kasarian sa kanila. Ang
pinakamaraming mailista ang mananalong grupo.
Pagkatapos ng gawain, magkakaroon ng talakayan ang klase. Maaaring gamiting gabay ang
sumusunod na tanong:
2. Bakit kaya mas maraming nailista ang isang pangkat kaysa sa isa pang pangkat?
3. Alisin ang mga bersiyon ng superhero sa isa pang kasarian na lumitaw lamang kalaunan.
Halimbawa, kung isinulat si Batgirl, ekisan ito dahil naunang lumitaw si Batman sa kaniya.
May nagbago ba sa estado ng laro? Nagbago ba ang nanalo?
40
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang papel ng kasarian sa dami ng bayani/superhero na
lumilitaw sa kasarian na iyon? Bakit ganoon ang dami ng mga lalaking superhero? Bakit
ganoon ang dami ng mga babaeng superhero?
PANITIKAN
Pinilit ni Matabagka ang kaniyang kapatid na si Agyu na sabihin sa kaniya ang babalang ibinahagi ng
tumanod (gabay na kaluluwa). Napansin kasi ni Matabagka na hindi mapakali ang kaniyang kapatid
noong nakaraang mga araw dahil sa babalang ito.
Nang marinig ito, tumawa lang si Matabagka, at sinabi sa kapatid na wala siyang dapat ipag-alala.
Iniwan ni Matabagka si Agyu, pumunta sa kaniyang silid, at naghanda upang umalis.
Kinuha niya ang kaniyang libon - ang sisidlan ng mga nganga at kung anoano pa. Sumakay siya sa
kaniyang sulinday, isang malaking salakot na nakalilipad. Tahimik na tahimik siyang lumipad palayo
ng Nalandangan.
Nang malaman ni Agyu ang pag-alis na ito ng kaniyang kapatid, nag-utos siya sa kaniyang mga
kawal na hanapin ito. Nagpadala siya ng mga sundalo upang harangin si Matabagka at ibalik siya sa
Nalandangan.
Malayo ang nilipad ni Matabagka, ngunit narating niya ang bahay ni Imbununga. Bumaba siya sa
gitna ng silid kung saan nakaupo si Imbununga, na nagulat sa biglang paglitaw ng isang
napakagandang dalaga sa kaniyang harapan. Para kay Imbununga, parang isang sinag ng araw ang
pagdating ni Matabagka.
41
magbibigay ng kahit anong impormasyon hangga’t hindi siya pinakakasalan ni Matabagka. Hindi rin
makaaalis si Matabagka dahil pinipigil ni Imbununga ang paglipad ng sulinday gamit ang kaniyang
kapangyarihan ng hangin.
Naging mabuting asawa si Matabagka. Ngunit hindi niya nalilimutan ang kaniyang misyon. Nang
makita niya kung saan itinatago ni Imbununga ang taklubu at baklaw, nag-isip siya agad ng isang
plano.
Binigyan ni Matabagka ng isang nganga na may halong pampatulog si Imbununga. Nang bumagsak
ang diyos at nakatulog dahil sa nganga, agad na kinuha ni Matabagka ang taklubu at baklaw, at
tumakas sakay ng kaniyang sulinday.
Nang magising si Imbununga, napansin niya agad na nawawala si Matabagka. Napansin niya rin na
nawawala ang kaniyang taklubu at baklaw. Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na habulin ang
tumakas na si Matabagka. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ng hangin, pinigil ni Imbununga ang
paglipad ng sulinday. Bumagsak ito sa dalampasigan, sakay si Matabagka.
Nakarating ang ingay ng labanan sa mga sundalo ni Agyu, na napadaan sa dalampasigan. Sumugod
ang mga sundalo at tinulungan nilang makatakas si Matabagka. Dumiretso siya sa Nalandangan.
Natuwa si Agyu na makita si Matabagka. Sa pagkapagod, ni hindi makaakyat ang babaeng kapatid
sa hagdan paakyat ng kanilang bahay. Agad siyang inalagaan ng mga manggagamot, at binigyan ng
nganga na may kakayahang magbalik ng lakas ng sinumang ngumuya nito. Ikinuwento ni Matabagka
kay Agyu ang lahat ng nangyari, lalong-lalo na ang pag-aalala sa kaniya ni Imbununga at ang utos
ng diyos sa kaniyang mga sundalong huwag siyang sasaktan.
Naisip ni Agyu na tapusin na ang laban, at makipag-usap kay Imbununga. Nagpunta siya sa
dalampasigan, at hinarap niya nang mapayapa ang diyos ng hangin. Pumayag si Imbununga na
wakasan na ang digmaan kung malalaman lang niya ang nagnakaw ng kaniyang taklubu at baklaw.
42
Ikinuwento ni Agyu ang lahat, mula sa babalang natanggap niya hanggang sa ginawang pagnanakaw
ni Matabagka.
Nang makarating sa dalampasigan, ibinalik ni Matabagka ang taklubu at baklaw sa diyos ng hangin.
Iwinasiwas ni Imbununga ang taklubu, at umihip ang isang napakalakas na ipuipo sa mga
naglalabang sundalo. Nanghina ang mga sundalo dahil sa malakas na hangin, kung kaya’t natigil
silang lahat sa pakikidigma.
Nang matapos ang digmaan, isa-isang nilapitan ni Matabagka ang katawan ng mga pumanaw.
Sinubuan niya ng isang ngangang nakapagbibigay ng buhay ang bawat isa sa mga patay. Nawala ang
mga sugat ng mga ito; at ilang saglit pa, muli silang nakahinga, at muli silang nabuhay.
Pumunta ang lahat ng mga sundalo—kay Agyu at kay Imbununga—sa Nalandangan. Nagdaos sila ng
pista upang ipagdiwang ang pagsasanib ng puwersa ng bayani ng Bukidnon at ng diyos ng hangin...
na hindi magiging posible kung hindi dahil sa katapangan ng babaeng bayaning si Matabagka.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
Tatalakayin ng klase ang binasang epiko. Maaaring gamiting gabay sa talakayan ang sumusunod na
tanong:
1. Ilarawan si Matabagka. Bukod sa kaniyang kasarian, paano siya naging iba sa naunang
bayani ng epiko na nabasa mo, si Aliguyon?
2. May naging epekto kaya ang pagiging babae ni Matabagka sa kaniyang mga ikinilos, pati na
sa naging daloy ng kuwento?
43
5. Ano ang mapapansin mong pagkakapareho o pagkakaiba sa pagwawakas ng Hudhud ni
Aliguyon at ng epiko ni Matabagka? Bakit kaya ito ang napiling wakas ng mga
mananalaysay?
MALIKHAING GAWAIN
Gamit si Matabagka bilang bida, mag-isip at sumulat ng isang kuwento na nagpapakita ng isang
bago niyang pakikipagsapalaran. Siguruhing gamitin ang mga mahiwagang mga gamit na ipinakita
sa epikong iyong binasa.
PANITIKAN
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang
kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni
Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy. May
dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya
pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring may
mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na
naghanda si Tuwaang at isinuot ang kaniyang mga sandata. Kinuha niya ang kaniyang sibat at
kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng
Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya
at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita
ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.
44
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan
ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok nito.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya
mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga
ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon,
balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay
Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy.
Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata.
Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway.
Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Panayangan, na nakaupo sa gintong upuan. Dumating din ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng
Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang
tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi
imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga
bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamaganak ang mga savakan
(mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak
ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan
siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at
gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng
Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita.
45
Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit
ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala
ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang
dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng
Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa
mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si
Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang
ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng
buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni
Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.
PAGPAPAYAMAN
1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may
kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko.
Pagkatapos, sagutin mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing
kababalaghan upang makilala ang mga tauhan?” Gamitin mo ang dayagram sa iyong
pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
46
TUWAANG
Mga Kababalaghan
2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring
nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile tungkol sa pangunahing tauhan .
47
A at B : Pagkakaiba
Tauhan sa C : Pagkakatulad
Tuwaang
ibang
C epiko
A B
4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay epiko ng mga Bagobo?
Isa-isahin ito.
TUWAANG
Mga Patunay
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
48
Portfolio
Balikan ang mga ginawa mong tula, drowing, at kuwento sa markahang ito. Maaari mong
paghusayin pa at rebisahin ang mga nilikha mo. Pumili ng sa tingin mo ay limang pinakamaganda
mong nagawa, at tipunin ito sa isang folder o envelope. Ito ang magsisilbing portfolio mo para sa
markahang ito.
Gumawa ng isang mahabang sanaysay na pinagkukumpara ang ating katutubong kultura at ang
kulturang kinasanayan mo sa kasalukuyan. Maaaring gawing angkla para sa sanaysay na ito ang mga
isyu katulad ng:
Ang paniniwala na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang sakupin ng mga dayuhan.
Ang pananaw na walang orihinal na mga ideya ang mga Pilipino at madalas lamang tayong
manggaya dahil wala tayong kulturang hindi hiram.
Hinihikayat kang gamitin ang mga napag-aralan mo sa markahang ito. Mainam kung tutukuyin mo
ang ilang mga akda bilang halimbawa o patunay sa mga punto na isasama mo sa gagawin mong
sanaysay.
49
PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL
MGA ARALIN
Panimulang Pagtataya
PANIMULANG PAGTATAYA
K
Ano ang alam mo na?
(What do you know?)
W
Ano ang nais mong malaman?
(What do you want to find out?)
H
Paano mo makikita ang nais mong
maunawaan?
50
(How can you find out what you want to
learn?)
L
Ano ang iyong natutuhan/
naunawaan?
(What did you learn?)
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang
sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa mga Pilipino.
Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang
makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan sa
panahong ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagudyok sa mga Pilipino na
magising at magkaisa upang matamo ang minimithing kalayaan.
TULA
Espanyol ay ang likumin at itala ang mga panitikang bayan sa Pilipinas. Sa Nueva Gramatica
Tagalog na isinulat ni Fray Joaquin de Coria noong 1872 ay nailista niya ang sumusunod na
halimbawa ng tula: diona, oyayi, talingdao, dalit, at tanaga. Mahilig din ang mga Pilipino sa dalit
at awit. Ginamit ng mga mananakop ang panitikang bayang ito bilang lunsaran ng mga ideyang
relihiyoso. Isang halimbawa ay ang unang tulang nailimbag sa Pilipinas, ang Santa Cruz na isinulat
ni Fray Francisco de San Jose.
PANITIKAN
Santa Cruz
51
At ang aming tinotongcod ang sandatang
Santa Cruz, pinagpacoan cay Jesus, (na
sa tauo, ay tumubos.)
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
a. Batay sa natutuhan ninyo sa mga naunang aralin, ano ang tugma at sukat ng tula (dapat ay
bigkasing “kurus” ang Cruz, dahil ganito ito binibigkas noong panahong iyon)?
b. Bakit kaya isinulat gamit ang malaking titik ang mga salitang “Diyablo,”
“Santa Cruz,” at “Jesus”?
Alam Ba Ninyo?
Sa karamihan ng mga akda noong panahon ng Espanyol ay may tunggalian sa pagitan ng Kasamaan
at Kabutihan. Napakalat ang ideya na ang panahon bago dumating ang mga mananakop ay siyang
panahon ng Kasamaan, at panahon ng Kabutihan naman ang kanilang pagdating.
ANG PASYON
Ang unang pasyong isinulat sa Tagalog ay pinamagatang Ang Mahal na Pasión ni Jesu Christong
Panginoon Natin na tula. Isinulat ito ni Padre Gaspar Aquino de Belen. Nasa ibaba ang isang sipi
mula sa naturang Pasyon.
52
PANITIKAN
Sipi mula sa Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin Padre Gaspar Aquino
de Belen
3 tapat na pagcacalinga,
IV 1 Di na aco magbalata
3 ay Inang caauaaua,y,
53
V 1 Dito quita nililiyag
3 di co maobos an dili,
3 yaring aquing pananangis 4 icao ang linao nang langit 5 baguin ngayo,y,
pauang dongis.
X 1 Dito aco napaa aco, 2 napatatauag Ina mo, 3 bongso aco,y, paaano? 4
saan aco magtototo, 5 un maolila sa iyo?
54
2 pinacaaamoamo,
2 sa bolinya na narapat
3 ay di nga bongso salam at, 4 cun tinatangap mong lahat 5 na loob mo,y,
sinosucat.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
55
1. Nagpapahayag ng matinding pag-ibig si Maria para sa kaniyang anak ang siping ito. Aling
mga salita ang nagpapahayag ng lubos-lubos na damdamin?
3. Ayon kay Almario (2006), katangian ng panitikan noong panahong ito ang pagsulong ng
“labis na pamimighati at kirot ng kawalang pag-asa.” Batay sa pag-aaral ninyo sa panahon
ng mga Espanyol, bakit kaya ito ang damdamin ng mga akda noon?
PANITIKANG REBOLUSYUNARYO
Hindi lang relihiyoso ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito. Dahil sa pang-aapi ng mga
Espanyol sa mga Pilipino, di nagtagal ay nagpahayag ng pagtuligsa ang mga manunulat. Pangunahin
dito ang mga bayani tulad nina Andres Bonifacio, Marcelo del Pilar, at Emilio Jacinto.
Sa akda ng mga katipunero ay mababatid ang pagnanasa ng ating mga ninuno na matamo ng
tinubuang bayan ang tunay na kalayaan. Sa akda rin nila malalaman ang uri ng lipunan noong
panahon ng pananakop: pagmamalabis, pang-aalipin, at pagyurak sa pagkatao ng mga Pilipino.
Kaya naman karaniwan sa anumang panitikang rebolusyunaryo na may pagpapahayag ng kasawian,
pati na rin ng pagnanais na lumayang muli.
56
Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na nagpahayag ng damdamin sa
kani-kanilang panulat. Basahin at unawain ang bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra
na tutugon sa angkop na akda ng nakalarawang manunulat.
A B
Jose P. Rizal
57
“Pinupuri ko sila. Sila’y kabataang may pagkakaisa at
paninindigan. Dapat silang magsimula: ang kanilang
pagtutol ay makatawag na ng pansin.
- mula sa Impresiones
Apolinario Mabini
Isa si Andres Bonifacio sa mga bayaning ipinahayag ang kaniyang masidhing pag-ibig para sa bayan
sa pamamagitan ng panulat. Anong alam mo sa buhay ng Supremo? Paanong naimpluwensiyahan ng
kaniyang mga karanasan ang damdamin ng akdang ito?
TALASALITAAN
58
Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na salitang ginamit
ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang
letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na
may kaugnayan sa tula, pagkatapos mong magbasa. Gawin sa isang buong papel.
1. isinisiwalat a. itapon
2. sakbibi b. tatalikuran
3. itigis c. inilabas
4. tatalikdan d. kaligayahan
5. lumiyag e. umibig
f. matinding kalungkutan
PANITIKAN
Andres Bonifacio
59
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Kalakhan din niya'y
isinisiwalat.
Bakit? Alin ito na sakdal laki, na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal
nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y
mapasalibingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw, Ang inaasahang araw na darating ng pagkatimawa ng mga
alipin Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?
Tubig n’yang malinaw an anaki’y bubog, Bukal sa batisang nagkalat sa bundok, Malambot na huni
ng matuling agos, Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasam-asam Kundi ang makita'y lupang
tinubuan.
60
Pati ng magdusa't sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap.
Oh, himalang bagay!
Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Ng pusong Tagalog sa puring nilait Aling kalooban na lalong tahimik Ang di pupukawin sa
paghihimagsik?
Sa kaniyang anyo'y sino ang tutunghay Na di aakayin sa gawang magdamdam? Pusong naglilipak sa
pagkasukaban
61
Ng mga Tagalog at hindi lumingap Sa naghihingalong inang nasa yapak
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib, MuIing pabalungi't tunay na pag-ibig Kusang ibulalas sa
Bayang piniit.
Kahoy n'yaring buhay na nilanta't sukat Ng bala-balaki't makapal na hirap, MuIing manariwa't sa
Baya'y lumiyag.
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang ginhawa niya
ay sa lahat.
62
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
2. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda para sa kaniyang bayan?
Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pagibig na ito.
a. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa bayan ang paksa. Sipiin mo
ito at ihambing sa tulang isinulat ni Bonifacio.
GAWAIN: PANANALIKSIK
Magsaliksik tungkol sa iba pang panitikang rebolusyunaryo. Anong mga pinangarap ng mga
Katipunero para sa ating tinubuang lupa? May pinagkaiba ba ang halagahan ng Katipunan sa
halagahan ng mga Kristiyano?
PANITIKAN
Pahayag
Emilio Jacinto
Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbalgimbal na gabing iyon.
Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-
hilakbot at palagiang gumigiyagis sa kaniyang puso, na waring nakabaón sa kaibuturan ngunit
63
sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos
sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinàng tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:
"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at
humahamak sa iyong kabataan at lakas?"
Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapíling siyá at halos apat na hakbang ang
lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring nababálot ng maputîng ulap ang kabuuan.
"Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang katighawan.
Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit
kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?"
"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan at ang katunggakan ay magiging sanhi ng
mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga bayan?”
"Ay, sa abá ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon? Ngunit hindi ako
magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan
mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng
relihiyon at ng mga tao, ng mga kapuwa mo nilikha, at kung kaya naglahò sa inyong mga gunita ang
pagkakilala sa akin ...”
"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig: Ako ay ang simula ng mga bagay na
higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring
matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa
akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa
aking adhikain ay nabigo at namatay ang sigâ ng Santa Ingkisisyon na ginamit ng mga fraile para
busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at
kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikíta kundi ang higit na
64
kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng
pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis
na panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga
ay may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at
ibang pook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga
ng siyensiya, saanmang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang
daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN."
Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nitó at pagkaraan ng ilang saglit ay saka
nakapangusap:
“‘Ako,’ sabi nila, ‘ay nagugutom’, at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay
tumugon: ‘Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming
mariwasang hapag:’”
“Sabi ng aking mga kapatid: ‘Ako'y nauuhaw,’ at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw
ay tumugon: ‘Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat
na kalinga nita:”
"Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap na akong hubad', at siyang nag-utos sa
amin na damitan ang hubad ay tumugon: ‘Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-
patong na mga tanikala:’”
"Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang
mariwasa,' at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon: 'Ang taong iyan ay tulisan,
isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!'”
"Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting awa at kaunting lingap,' at mabilisang tutugon ang mga
maykapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala: 'Ang taong iyan ay
filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'”
65
"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang
aking puso at kung may sanhi ang pagluha ...” "Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni
KALAYAAN sa himig na nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng
pagsasalita."Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay walang dugong maitigis, kung ang
mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin, kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at
katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal, ay
hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa píling
ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan. Lumuha
sa sariling tahanan, sa katahimikan at kadiliman ng gabi, ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang
nararapat para sa isang kabataan ... hindi ito ang nararapat."
"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon.
Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng
mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa lumuha?
Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa."
"Hindi lahat ng naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may masasamang kahiligan at ang
mga ito'y dapat iwaksi lagi ng mga tao."
Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang maapuhap
na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag.
"Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito,
sapagkat hindi maaaring ang wasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung
ito ay binaluktot. Samakatwid, makinig ka. Noong unang panahon, noong ang karuwagan at
pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang naugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko
ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang
simoy na nagdudulot sa kaniya ng buhay at lakas ng katawan; tinatanglawan ng aking liwanag ang
kaniyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat
ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang
katwiran, at ang karampatan, at nangako ng luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kaniya.”
66
"Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang tumalikod at nakahandang
lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga pagmamalabis
na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan. Hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong
pangangalaga?"
"Unawain akong mabuti. Bagama’t hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang aking tainga
at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng
aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may
naririnig na dumaraing. Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung
hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa
aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa."
Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas
dahil sa kawalan ng langis ...
Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may
bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
1. Balikan ang sariling karanasan, kailan ka nakaramdam ng isang malalim at tunay na ligaya?
Totoo ba ang sinasabi ng tauhan sa kuwento? Ipaliwanag.
a. Sabi ng aking mga kapatid: “Ako’y nauuhaw,” at siyang nagturo sa akin na…”Lagukin
ang inyong mga luha at pawis…”
b. Hibik ng aking mga kapatid: “Wala akong damit, ganap na akong hubad” at siyang nag-
utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon: “Ngayon di’y babalutin ko ang buong
katawan ng patongpatong na mga tanikala.”
67
3. Ano raw ang magagawa ng pag-iyak at pagdadalamhati? Ano ang maaaring gawin nito para
sa isang tao?
4. Mula sa pananaw ni Kalayaan, bakit palaging tiyak ang pagiging wasto at tuwid?
5. Ayon kay Kalayaan, sino ang mga karapat-dapat sa kaniyang pagkalinga? Ipaliwanag at
gumamit ng mga kongkretong halimbawa.
Naging popular na babasahin sa ikalawang kuwarter ng ika-19 siglo ang korido at awit. May sukat
na wawaluhin ang korido habang lalabindalawahin naman ang awit. Awit ang tanyag na Florante at
Laura ni Francisco Balagtas. Buhay din ang dula noong panahong ito. Dala ng mga Espanyol ang
zarzuela (dulang may kantahan at sayawan) pati na rin ang komedya. Ang komedya ay patalatang
dula. Nagmamartsa papasok at palabas ang mga tauhan sa dula. May itinatampok itong batalla o
labanan na may koreograpiya at mahika.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. Balikan natin ang KWHL chart na ginawa ninyo sa simula ng pag-aaral ng panahon ng
Espanyol. Talakayin ninyo sa klase ang mga sagot ninyo sa KWHL chart. Paanong nagbago
ang inyong mga pananaw at naunawaan tungkol sa panahong ito ng ating kasaysayan?
Paanong nasalamin ng mga akda noong panahong ito ang kalagayang panlipunan?
2. Magsaliksik tungkol sa iba pang anyo ng panitikan na lumaganap noong Panahon ng mga
Espanyol. Ibahagi sa klase ang mga nasaliksik. Anong mga tema at damdamin ng mga
akdang nasaliksik ninyo?
68
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO
MGA ARALIN
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Napunta sa kamay ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1898. Dahil sa kanila nakarinig ang mga
Pilipino ng balita sa radyo, nakasakay sa tranvia, at nakakain ng cotton candy. Natuto tayo ng
Ingles, nag-isip ng demokrasya, at nalaman na ang “A” ay unang titik ng apple.
69
Tinawag tayong little brown brother ng Amerika, na sabay nagpapakita ng pagmamahal at
pagmamaliit. Pinadala ang mga Igorot sa 1904 St. Louis World Fair at itinanghal bilang mga
kawawang nakabahag at kumakain ng aso kaya kailangang turuang maging sibilisado.
Bahagi ito ng paniniwala ng mga Amerika na itinadhana silang maghari. Tinawag nilang Benevolent
Assimilation o Mapagkalingang Pag-angkin ang ginagawa nila. Ngunit alam ng mga Pilipino na hindi
sila ganap na malaya. Kaya ipinagpatuloy nila ang laban sa larangan ng politika, sa pamamagitan
ng armas, at sa tulong ng mga dula, tula, at kuwento noong panahong iyon.
PAGBABAGO SA PAKSA
Natural na pumasok sa panitikan noong panahong iyon ang kulturang Amerikano. Naging moderno
ang mga paksa—tungkol sa mga indibidwal sa gitna ng malalaking gusali at mga makinang mabilis
ang takbo sa mga sementadong kalsada.
Kasabay nito, naging mahalagang paksa rin ang buhay-probinsiya at mga taong nagbubuklod upang
maging isang bayan.
PAGBABAGO SA ANYO
Iba rin ang nausong porma ng panitikan pagdating ng mga Amerikano. Ang mga dulang komedya at
senakulo ay pinalitan ng sarsuwela at dulang pantanghalan. Ang patulang larong katulad ng duplo
ay naging balagtasan. At ang mga tulang nagtataglay pa rin ng katutubong tugma at sukat ay
sinabayan ng mga tulang nasa malayang taludturan.
Bahaging-bahagi ng rebelyon ang mga manunulat ng mga panahong ito. Pinamagatang Tanikalang
Ginto ang isang dula ni Juan Abad. Pamagat pa lang, alam na natin ang tinutukoy.
Rebolusyonaryo rin ang Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino. May eksena rito kung saan
kailangang kunin ng tauhang si Tagailog ang bandilang Amerikano at apakan sa entablado. Dahil
70
natakot ang artistang gawin ito, si Tolentino mismo ang gumawa (Pineda 1979, 349). Dahil dito,
ikinulong siya katulad ni Abad at ng iba pang may bolpen na nagtatae sa papel ng pamahalaan.
Ang dulang susunod ay tungkol sa giyera, pagkukunwari, at kung paanong nagwawagi ang tunay na
pag-ibig. Sinulat ito ni Severino Reyes na siya ring nagsulat ng Mga Kuwento ni Lola Basyang.
Kinikilala siya bilang Ama ng Sarsuwelang Tagalog.
Gabay sa Pagbabasa:
PANITIKAN
Walang Sugat
Unang Yugto
2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang binata para
sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si Juana.
3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag silang
filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na hirap. May namatay na.
4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teñong, na ibig makita ang asawang Kapitan Inggo
bugbog na sa palo.
71
5 Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina. Sinabi ng
binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan.”
6 Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap. Inggo. Mamamatay
nga ang matanda. Magyayaya si Teñong ng mga kasama na magsikuha ng baril at gulok.
Makikiusap si Julia na huwag ituloy ni Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata.
Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura.
Ikalawang Yugto
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa. Hindi
alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay
Teñong sa tulong ni Lucas.
10 Sasagutin sana ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Maghahandang lumaban
ang mga Katipunero.
Ikatlong Yugto
11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham.
Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga. Ayaw
niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
72
14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas na tumakas
upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina Teñong kaya
walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.
15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay
buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay
naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan, nasa
punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para
makapangumpisal si Teñong.
17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binata—na sila ni
Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si
Tadeo dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak.
Gayundin si Miguel.
18 Ikinasal sina Julia at Teñong. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at... “Walang
sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral
at ni Teñong ang buong eksena.
Wakas
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
4. Ano naman ang dalawang tunggalian sa kuwento ukol sa mga pag-ibig na ito?
5. Paanong maaaring maging talinghagang rebelde ang kuwento nina Teñong at Julia?
73
6. Noong Panahong Amerikano, ano kaya ang nakitang kahulugan ng mga tao sa dulang ito?
8. Makatarungan ba ang panlilinlang na ginawa nina Teñong para maikasal sila ni Julia? Bakit
o bakit hindi?
Susunod naman ang isang sipi mula sa Ikalawang Tagpo ng Unang Yugto. Para malasap mo rin ang
mga aktuwal na tunog ng dula.
Gabay sa Pagbabasa:
1. Panyo lamang ang pinag-uusapan nina Teñong at Julia. Pero ano-ano pa ang ibang usaping
lumalabas sa diyalogo?
3. Mas malalasap ang wika at laro ng dula kung bibigkasin. Bakit hindi subukin?
PANITIKAN
2 JULIA: Huwag na Teñong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.
6 JULIA: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
8 JULIA: Bakit Teñong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
10 JULIA: (Sarili) Nagalit tuloy! Teñong, Teñong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!
11 TEÑONG: Ay!
12 JULIA: (Sarili) Anong lalim ng buntonghininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili)
Lalo ko pang pagagalitin.
16 JULIA: Hindi a, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Frayle.
MUSIKA NO. 2
25 TEÑONG: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at ‘di mapigilan.
26 JULIA: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
32 SABAY: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na mamamatay sa piling mo
oh! (Teñong) niyaring buhay
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
3. Ano naman ang ibig sabihin ni Julia sa talata 10 sa pagsabi niyang nalulunod si Teñong sa
isang tabong tubig?
MAIKLING KUWENTO
Matagal nang nagkukuwentuhan ang mga Pilipino. May mga alamat at epiko ang mga katutubo.
Mayroon ding naisulat na mga kuwento ang mga rebolusyonaryo at mga ilustrado noong panahon
ng Kastila. Ngunit tinawag lang na “maikling kuwento” o “maikling katha” ang mga ito nang
dumating ang mga Amerikano, na napag-alab dahil sa pag-usbong at paglaganap ng teknolohiya ng
imprenta.
Ang mga kuwento noong panahon bago dumating ang mga Hapon ay karaniwang (Almario sa Matute
1992):
2. tumatalakay sa buhay-lungsod;
7. nabibilang sa iba’t ibang uri tulad ng pangkatutubong kulay (story of local color),
makabanghay (story of plot), makakaisipan (story of ideas), makakapaligiran (story of
atmosphere), at makatauhan (story of character).
Ang susunod na maikling kuwento ay gawa ng isa sa mga pinakakilalang pangalan sa genre na ito.
Taong 1936 pa nang nalathala ang kaniyang mga kuwento. At 1939 pa kinilala ang kaniyang
kuwentong Walong Taong Gulang bilang huwarang katha ng kaniyang panahon. Hindi man
kapanahon ay kaestilo ang susunod na kuwento ng pinakamahuhusay na kuwento ni Aling Bebang.
78
Gabay sa Pagbabasa:
2. Pansinin din kung paano naaapektuhan ng guro at ng estudyante ang isa’t isa.
PANITIKAN
1 Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas
siya sa nakaraang digmaan… ngunit ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi
magiging isang binatang dikilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y
mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong
gulang.
3 Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang
ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga-ibang pook.
4 Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa
lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang
panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At
79
5 Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa
nang tahimik at nag-iisa -- umiiwas sa iba. Paminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap
sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Habang tinatanaw ko sa tuwing hapon,
pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang
kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
7 Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga
kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi
ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang
halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
8 Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay
para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid.
Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa
aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na
kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung
alin ang hindi ko totoong ibig.
10 At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa
Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang,
"Goodbye, Teacher,"
80
11 Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga
at sa kanya'y may nagmamahal.
12 Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa
mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at
mapagmahal. Maligaya na siya.
13 Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin
ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-
umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa -- napatangay ako sa bugso ng
damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-
iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang
siya'y mahalaga at minamahal.
14 Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y
nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon
at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking
minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin
ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay din niya ang mga upuan sa bawat
hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man
lamang nang hapong iyon.
15 Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng
pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan.
Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng
pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang
naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
16 Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang
loob.
17 Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang
magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na
yabag ay lumayo nang lumayo.
81
18 Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa
aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
20 Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata
niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang
sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
22 Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi
kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon,
sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
1. Ano ang mga detalye mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lumabas sa talata 1?
2. Ilarawan ang batang pinag-uusapan sa kuwento. Bakit siya dehado? Bakit natutuwa ang
guro sa kaniya? Ano ang kalagayan niya sa buhay?
3. Paano naging malapit ang guro at bata sa isa’t isa? Ano ang naganap na pagbabago sa
bata dahil dito?
4. Ano ang nagawa ng guro? Ano ang nagbago sa kilos ng bata? Ano ang hula ng guro na
damdamin ng bata?
8. Alin-alin sa mga pamantayan ng maikling kuwento sa itaas ang natupad ng akdang ito?
Bakit mo nasabing ganoon?
82
9. Anong uri kaya ito ng maikling kuwento?
BALAGTASAN
Parang paghinga na sa mga Pilipino ang pagtula, dala na rin ng malakas nating tradisyong pabigkas
sa panitikan. Mula pa sa mga bugtong, salawikain, at epiko ng mga katutubo hanggang sa mga
awit, korido, at pasyon ng Panahong Kastila.
Sa Panahong Amerikano, lalo pang tumindi ang tradisyonal na tula. Rumaragasang baha ang
kulturang Amerikano. Dahil dito naghanap ng kakapitan ang mga makatang Pilipino, isang punong
malalim ang ugat at hindi basta-basta mabubunot. Nahanap nila ito kay Balagtas at sa Florante at
Laura.
Matagal nang ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kagalingan ni Balagtas. Kabilang sa mga ito si
Jose Rizal na paulit-ulit binanggit si Balagtas sa kaniyang Noli at nagsalita pa ukol sa Florante at
Laura sa isang panayam sa Alemanya.
Matagal na ring kinikilala ang Florante at Laura bilang akdang maka-Pilipino at kontra-dayuhan.
Kaya nang maghanap ng sandata laban sa bagong mananakop ang mga makata noong simula ng
siglo 1900, pinili nila ang porma ng tulang ginamit ni Balagtas—ang Awit.
83
Isa sa naging bunga ng pagmamahal sa Awit ang tinatawag na Balagtasan. Hindi si Balagtas ang
nagsimula nito kundi ang mga umiidolo sa kaniya— kabilang sina Florentino Collantes at Jose
Corazon de Jesus, ang tinaguriang “Hari ng Balagtasan.” Sila ang nagsulat ng susunod mong
mababasa. Ito ang unang balagtasang itinanghal sa bansa, una sa napakaraming debateng pinanood
ng libo-libong Pilipino noong panahong ito.
Gabay sa Pagbabasa:
2. Tingnan kung paanong sabay magkalaban at nasa parehong sitwasyon ang Bubuyog at Paruparo?
6 kampupot—halamang kapamilya ng sampaguita, mabango rin at maputi ang bulaklak ngunit mas makapal
ang talulot
7 batikan—sanay, subok, mahusay
84
3 Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
12 PARUPARO: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa
párang10,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang11 Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
13 Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talúlot 12, Bulaklak po ito
ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
14 Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos
na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
18 Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan.
10 parang—malawak na kapatagan
11 napanagimpan--napanaginipan
12 talulot—bawat hati ng bulaklak na parang dahong nakapalibot; petal sa Ingles
13 hagkan—halikan
86
19 Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
21 Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
22 BUBUYOG: Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
87
28 Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita.
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito
ang siya ninyong hinahanap?
32 Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa
butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
35 Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
36 Ang inyong taguan, akala ko’y biro, Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
88
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago.
37 Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak di dumarating, Nang
kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
38 Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko
sa aking pag-alis Kung di makita’y di na magbabalik.
40 Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang
halik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan.
41 PARUPARO: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
42 Ikaw ay Bubuyog, sa unang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay
lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan?
43 Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos
yaring mga mata Bulo’t dahon namin ay magkasama na.
89
Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
49 Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong
bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
54 BUBUYOG: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang
magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap.
90
55 Lilipad-lipad ka na payao’t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
59 BUBUYOG: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa.
60 PARUPARO: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita.
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas.
91
65 PARUPARO: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kab’yak na kampupot, aanhin ko
iyan buo o wala nguni’t akin lamang.
67 Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang
kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
69 PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
92
Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala ko’y paspas
lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin.
73 BUBUYOG: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos.
76 LAKANDIWA: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya’t nararapat na maparusahan.
93
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
1. Ano-ano ang malalaman natin ukol sa kasaysayan ng Balagtasan sa talata 3? Bakit ito
kailangang ipaliwanag?
6. Madalas makatagpo ng mga ginintuang parirala (quotable quotes) sa mga awit at tula.
Anong karunungan ang makikita sa talata 29? Sangayon ka ba rito o hindi? Bakit?
9. Paano nagkurus/nagkita ang daloy ng kuwento nina Paruparo at Bubuyog sa talata 35 at 36?
10. Ano ang mga dahilang ibinigay ng Paruparo kung bakit siya ang karapat-dapat kay Bulaklak?
Ano naman ang kay Bubuyog?
11. Ano ang solusyong ibinigay ni Lakandiwa sa talata 63? At ano ang reaksiyon ng dalawa rito?
12. Bakit nabanggit si Solomon sa talata 66? Anong kuwento ukol sa Haring ito ang katulad ng
pinag-uusapan?
14. Sa talata 73-75, bumibigkas ang Bubuyog at Paruparo ng mga ginintuang butil mula sa
Florante at Laura ni Balagtas. Ano-ano ang ito at gaano ito katotoo para sa iyo?
15. Sa huli, sino ang maghuhusga kung sino ang nanalo sa Balagtasan?
17. Paano nakatulong ang mga linya at mismong porma nitong Balagtasan sa pagpapanatili ng
kulturang Pilipino?
94
TULANG TRADISYONAL
Pilipino para hindi matangay ng agos ng rumaragasang kulturang dayuhan. At bahaging-bahagi raw
nito ang tula. Dapat tungkol sa pag-ibig at buhaynayon. Dapat may makabayang tunguhin. Dapat
panatilihin ang mga dating anyo ng tula—lalo na ang mga katutubong anyo tulad ng dalit at tanaga,
at ang anyong awit na ginamit ni Balagtas at makikita sa mga berso ng balagtasan.
Ang susunod na tula ay isa sa pinakakilalang tulang Pilipino. Lalo pa itong sumikat nang awitin ni
Freddie Aguilar at gamitin sa mga kilos-protesta. Isa ito sa mga kinanta sa EDSA 1986 at patuloy pa
ring bumubuhay sa ating diwang makabayan.
Gabay sa Pagbabasa:
2. Anong larawan ang ginamit upang lalo pang palakasin ang mensahe?
PANITIKAN
BAYAN KO
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
3. Ano ang larawang binubuo sa saknong 3 at 4 ng tula? Anong mga salita ang bumubuo sa
larawang ito?
TULANG MODERNISTA
Ngunit may mga nagreklamo na masyado naman daw ang pagkapit ng ibang makata sa tinatawag
nilang “makalumang” gawi at paksa. Dahil daw gustong gawing perpekto ang sukat at tugma,
nakalimutan na raw ang diwa. At dahil puro bayan ang iniisip at itinutula, nakalimutan na raw ng
makata ang kaniyang sarili.
Ganito ang sinasabi nina Alejandro G. Abadilla (o AGA) at ng kaniyang mga tagasunod. Sila ang
maaaring sabihing nagsimula ng Modernong Tula. Mga tula itong madalas ay hindi na nakakulong sa
15 sakdal—napaka, ubod
96
sukat at tugma, at iniisip na ang sarili. Hindi na nakatuon sa ideyal kundi sa totoong karanasan ng
nagsusulat.
Ang susunod na tula ay ang tinatawag na manipesto ni Abadilla. Kung magulat ka at maguluhan sa
tulang ito, huwag kang mag-alala. Isipin mo na lang ang galit at gulo at paghangang idinulot ng
tulang ito noong Panahong Amerikano.
Gabay sa Pagbabasa:
PANITIKAN
ii
97
ako ang daigdig ng tula
ako ang tula ng daigdig ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula ako ang
tula sa daigdig
iii
tula ako
iv
98
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
5. Ngayong wala na ang lahat ng batas at tradisyon, ano na lang ang naiwan sa tula?
6. Basahin ang huling tatlong salita ng tula. Sa ilang paraan mo ito maaaring basahin? Ano ang
nagbabago sa kahulugan depende sa pagkakabasa/pagkakadugtong sa mga salita?
PAGHAHAMBING NG PANITIKAN
Pag-ibig
Teodoro Gener
99
2 Lumiliyag ako, at ang nililiyag ay hindi ang yamang
pagkarilag-rilag pagkat kung totoong perlas lang ang
hangad... di ba’t masisisid sa pusod ng dagat?
Erotika 4
2 Lagi kang may ngiti: ang ibig ko sana Kahit sasandali ay maangkin
kita.
100
8 Ang salitang ganda’y di para sa iyo,
Beybi Peys mong iya’y mahahalikan ko.
TALAKAYAN
4. Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat, at tugma? Ano naman ang pagkakapareho?
Gabay sa Pagbabasa:
1. Pag-ibig na naman ang paksa. Anong klaseng pag-ibig ng tao sa tao ang inilalarawan?
PAG-IBIG
1 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit
isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't
nagkauban, hindi mo pa maunawa.
4 Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos, Walang talon 17,
walang baha, walang luha, walang lúnos18! Ang Pag-ibig na matapang ay
puso ang inaanod19, Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!
16 lintik—kidlat
17 talon—paglundag; agos ng tubig buhat sa itaas
18 lunos—pagkabagabag ng damdamin dahil sa lungkot o panghihinayang
19 anod—pagsama sa agos ng tubig
20 buko—bulaklak na hindi pa bumubuka; bunga ng niyog na hindi pa matigas ang laman
21 katoto—kaibigan
102
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib, At pakpak ninyo'y
masusunog sa pag-ibig!
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
4. Ganito ba ang tunay na pag-ibig? Bakit o bakit hindi? Gamitin ang teksto bilang patunay.
5. Dinig na dinig sa tula ang mensaheng makabayan. Ano-anong salita o larawan ang bumuo
nito?
6. Sa isang pangungusap, ano ang mensahe ng tula sa mga Pilipino tungkol sa pag-ibig nila sa
bayan?
103
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
MGA ARALIN
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Noong Disyembre 8, 1941, apat na oras pagkatapos bombahin ang Pearl Harbor sa Hawaii,
pinasabog din ng mga eroplanong Hapon ang Davao. Sumunod ang Tuguegarao, Baguio, Iba, Tarlac,
at Clark Field. Ganoon nagsimula ang marahas na pagpasok ng mga Hapon sa ating bansa upang
itatag ang kanilang Greater East Asia Co-prosperity Sphere (Zaide 1956, 338).
Sinusugatan ng mga babae ang kanilang mga mukha para hindi maging kaakit-akit sa mga
sundalong Hapon (Fernandez 2013). Bayong-bayong na pera ang kailangan para bumili sa palengke
dahil sa baba ng halaga ng Mickey Mouse Money. Pagtatanim ng kangkong sa mapuputik na lugar
ang nagligtas sa buhay ng libo-libong Pilipino dahil sa hirap ng buhay at kakulangan ng pagkain
(Agoncillo 1977, 460).
KALIGIRANG PAMPANITIKAN
Ipinalaganap ang kultura at wikang Hapon sa pamamagitan ng mga paaralan at media. At upang
mabura ang mga bakas ng Kanluran, sinuportahan din nang husto ang panitikang Tagalog. Iisa na
lang ang naiwang pahayagan sa wikang Ingles—ang Tribune. Namayagpag naman ang diyaryong
Taliba at ang magasing Liwayway sa tulong ni Kin-ichi Ishikawa, ang pinamahala sa mga
palimbagan nito (Pineda et al. 1979, 371). Nabayaran nang maayos ang mga manunulat at kumalat
ang kanilang mga akda sa pamamagitan ng Liwayway. Dito lumabas ang mga maikling kuwento at
104
tulang Tagalog na kaestilo ng mga haiku ng Hapon (Agoncillo 1977). May mga kumikilala sa
panahong ito bilang Gintong Panahon ng Maikling Kathang Tagalog.
TUNGKOL SA KUWENTO
GABAY SA PAGBABASA
Pansinin mo ang pamagat - Lupang Tinubuan. Sa kuwento, dalawa ang tinutukoy nito:
1. Ang Pilipinas. Pinaaalala rin ng pamagat ang pakikipaglaban ng mga bayani para sa bayan.
2. Ang mas tiyak na lugar kung saan lumaki ang isang tao o kung saan nanggaling ang kaniyang
pamilya.
Habang nagbabasa ka, pansinin mo kung ano-anong detalye sa kuwento ang tungkol sa Pilipinas, at
kung ano-ano ang para sa lugar ng pamilya.
Ikaw, saan ka lumaki? Ano ang probinsiya ng nanay mo? Ng tatay mo? Mahalaga ba sa iyo ang mga
lugar na ito? Bakit?
Ano naman ang kasaysayan ng mga lugar na tinukoy mo? Naging lugar ba sila ng labanan laban sa
mang-aapi? Alin-alin? Pinagmulan ba sila ng mga taong namatay nang dahil sa bayan? Sino-sino?
Lupang Tinubuan
105
1 Ang tren ay tumulak22 sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang
nagtitinda ng mga babasahin, Tribune23, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway,
bagong labas.
2 Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba
mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang
supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka
Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang pases 24 mo Kiko, baka
mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman
ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam.
Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. Hs-s-ss.Tsug, tsug, tsug.
3 Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang
hangin at sa liwanag ng umaga.
“Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay
nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan.
5 Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong
wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis,
at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang
Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan
namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.”
6 Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na
kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang
puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa
Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya
Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib
o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay
nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang
puso ang pambihirang pananabik.
8 “Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang
sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib.
“Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito
isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid
nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon
ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.
9 Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang
Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong
Juan, Seling, Marya at
Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay
roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga
bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa
nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang
ilong ko,” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.”
10 Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina
Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay
Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na
lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si
Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantád na25 siya sa pagkamaramdamin ng
kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talúsalíng 26 na sugat sa
puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang
bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.
12 "Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana.
“At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa
asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang
kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit,
binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo
na nagbubuklod ng mga tao.
14 Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng
kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at
lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.
16 “Bakit po?”
19 “Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.”
108
21 “Nasaksihan!” Napahalakhak si Lolo Tasyo. “Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng
ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.”
22 Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. “Doon siya
malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak 27 siya
nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon,
ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.”
23 Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. “Sa itaas ng
punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng
himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong28 Kastila na paparito. At doon, sa
kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula—isang maikling
papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.”
24 Napangiti si Danding. “Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa
Maynila?”
25 “Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. “Nahuli sila sa
tabi ng isang mandala29 ng palay.”
26 “Nahuli po?”
28 Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa
bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo,
at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
29 “Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang
pinsan.
31 Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng
Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit 30 na pagkakawalay nila,
na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang
ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng
Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga
pagkabigo na siyang pamana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding
sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na
halaman.
32 Handa na ang hukay. Wala nang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong.
Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang
ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang
impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurogpuso kaysa maingay.
Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak.
Pinagtiim31 ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay
naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
33 Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding
dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng
kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
34 Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis
siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang
hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si
Danding sa tabi
35 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni
Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-
dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at
binayaang maglaro sa ligalíg32 niyang mukha ang banayad na hangin.
30 batbat-sakit—puno ng sakit
31 tiim—pagtutuong mariin ng ngiping itaas at ibaba sa pagtitimpi ng galit o sama ng loob
32 ligalig—di-mapakali; naguguluhan
110
36 Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-
agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa
37 Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng
nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa
kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang
pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang
gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya
sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng
pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak
ng kanyang ama.
38 Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa
lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay
napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo
at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina
Rizal at Bonifacio.
40 Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang
kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng
dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo
ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang
aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
PAGPAPAYAMAN
TALAKAYAN
111
2. Ilarawan si Danding—ilang taon na siya? Anong klase siyang tao? Ano ang importante sa
kaniya? Magbigay ng mga patunay mula sa kuwento.
3. Alin-alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang pinagugatan ng pamilya ni
Danding?
4. Alin-alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang bayang ipinaglaban ng mga
bayani?
5. Paano nagkaisa ang dalawang kahulugang ito ng Lupang Tinubuan? Pansinin ang talata 31.
6. Ano ang sinasabi ng kuwento ukol sa pagmamahal sa bayan?
Kompletuhin ang pangungusap na ito: “Ayon sa kuwento, mahalaga ang Lupang Tinubuan
dahil...”
7. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko.” (talata 9) Ano pa ang kahulugan ng hirit
na ito kung titingnan na ang mensahe ng kuwento? 8. “Tila isang punong kababaon doon
ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga
luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kaniyang ama.” (talata 37) Bakit makasining
ang pangungusap na ito? Anong larawan ang binubuo at ano ang ipinakikita nito ukol sa
relasyon ni Danding sa Lupang Tinubuan ng kaniyang ama?
9. Basahing muli ang talata 29-30. Bakit “araw” raw ang tinitingnan ni Danding? Ano kaya ang
ibig sabihin nito? May kaugnayan kaya ito sa mga “bituin” sa talata 27?
10. Basahin nang malakas ang talata 15-27. Paano dapat bigkasin ang
“Nasaksihan!” sa talata 21—sigurado? sarkastiko? nakukulangan sa salita?
11. Inilarawan ang tunog ng tren bilang “pintig ng pusong wala nang alinlangan” (talata 5).
Angkop ba ang paglalarawang ito sa mensahe ng kuwento? Bakit?
12. Balikan ang talata 35. Bakit angkop ang paglalarawan sa kapayapaan ng bukid dito?
13. Ano ang paborito mong bahagi at bakit?
14. May karanasan ka bang katulad ng kay Danding? Ano ang naiisip mo ngayon ukol sa Pilipinas
at sa sarili mong pinag-ugatan dahil sa kuwento?
TULA
1. matalinghaga;
2. makabayan; at
3. sumusunod sa tradisyonal at modernong anyo.
112
Ang sumusunod ay tulang lumabas sa Liwayway noong 22 Enero 1944. Isinulat ito ng isa sa grupo ng
mga manunulat na nagpauso ng malayang taludturan (free verse) sa Pilipinas. Nailalathala rin ang
kaniyang mga maikling kuwento sa mga kalipunan na Mga Piling Katha (1948) at Maiikling Katha ng
20 Pangunahing Awtor (1962).
Gabay sa Pagbabasa:
1. Maikli lang ang tula, kaya mahalaga ang bawat salita. Namnamin ang mga ito.
2. May kakaiba rin sa porma nito.
3. Ano ang damdamin/mensaheng binubuo ng mga salita at ng porma?
PANITIKAN
Tahimik
tinitigan
sa kalansay na kamay
ng punong kapok34
Pagnamnam sa Akda:
2. Ano ang pakiramdam na nililikha ng tula? Anong mga salita ang lumikha nito?
3. Ano ang kapansin-pansin sa porma ng tula? Ano ang naidagdag nito sa mensahe at
pakiramdam ng tula?
113
4. Bakit gabi ang nakalarawan sa tula? Bakit masasabing “gabi” rin sa Pilipinas noong
panahong iyon?
5. Ano ang literal na inilalarawan ng “kalansay na kamay?” Bakit angkop din ang salitang
“kalansay” para sa Panahong Hapon?
6. Anong klaseng buwan ang tinutukoy ng salitang “palaba?” Ano ang sinisimbolo ng ganitong
klaseng buwan?
7. Puwede ring isipin na ang salitang-ugat ng “palabang” ay “palaban.” Sinadya kaya ito ng
may-akda? Nakatutulong ba sa tula ang posibleng dalawang kahulugan ng salitang ito?
8. Noong Panahong Amerikano, isa sa pinakakilalang tawag sa mga mananakop ang “aves de
rapiña” o ibong mandaragit (Agoncillo 1977, 298). May kaugnayan kaya ito sa tula?
Ipaliwanag ang simbolismong ito kung Panahong Hapon ang pinag-uusapan.
9. Nagutom ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon. Isa sa mga dahilan ay bulak ang
tinanim sa mga dating palayan. Mas kailangan daw ito ng mga Hapong nakikipaggiyera
(Agoncillo 1977, 459). May kaugnayan kaya ito sa tula?
10. Buwan ang nakatitig sa kuwago, hindi ang mga hayop na dinadagit ng ibon. Paanong
masasabi na panahon ang humahatol sa sitwasyon ng Pilipinas noong Panahong Hapon?
Paano naging pagbabadya ng mangyayari noong 1945 ang tulang ito na isinulat isang taon
bago noon?
11. Sa kasalukuyan, sino ang kuwago, saan ito nakaupo, at ano ang buwan?
Noong panahong ito, itinakdang ituro at dakilain ang kultura at wikang Hapon sa Pilipinas. Bilang
epekto nito, nauso rin ang pagsusulat ng haiku—isang tradisyonal na pormang tula sa bansang
Hapon.
Ang haiku ay isang uri ng tulang Hapon na (sa simpleng pakahulugan ay):
1. may 3 linya;
2. 5 pantig ang una at ikatlong linya, samantalang 7 pantig naman ang pangalawa; at
114
Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ay mula kay Matsuo Basho (1686):
Matandang batis:
Pansinin naman ang mga halimbawa mula kay Gonzalo K. Flores mula sa edisyong Hunyo 1943 ng
Liwayway:
ANYAYA
Halika, sinta.
TALAKAYAN
5. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo?
Tutubi
115
Hila mo’y tabak... ang bulaklak
nanginig sa paglapit mo.
TALAKAYAN
3. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo?
5. Bukod sa insekto, may iba pa kayang posibleng paksa ang tula? Ano? At ano ang bagong
kahulugang nabubuo dahil sa bagong interpretasyon?
6. Ano ang epekto ng haiku dahil sa ikli nito kumpara sa mas mahahabang tula?
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Hal. Natalo ko na ang karibal ko sa iyo. Akala ko akin ka na. Iyon pala gusto mo lang akong
gamitin para sa sarili mong hangarin.
2. Puwede rin ang kabaliktaran. Mag-isip ka ng sitwasyon ng bayan. Paano ito katulad ng isang
kuwento ng pag-ibig?
116
Hal. Ipinaglaban ng mga Pilipino na magkaroon sila ng sariling gobyerno. Naging malaya na
tayong mamahala sa sarili. Pero ang gobyernong Pilipino mismo ang nanloloko sa taumbayan.
3. Gumawa ng maikling tula ukol dito. Malaya kang gumamit ng anumang porma. Maaaring may
sukat at tugma tulad ng tradisyonal na tula at awit. Maaari ding malayang taludturan tulad ng
modernistang tula.
Halimbawang tradisyonal:
Halimbawang Modernista:
Puwede ring ilagay sa isang blog. Puwede ring idaan sa maraming pagpapakinis—sa tulong ng
kaklase, sa tulong ng guro, sa tulong ng grupo ng mga editor.
117
KAWASTUHAN Wasto ang Wasto ang May mga Maraming
balarila ng balarila ng pagkakamali pagkakamali
buo o halos malaking sa balarila na sa balarila na
buong akda. bahagi ng nakaapekto nakaapekto
akda. sa bisa ng nang labis sa
akda. bisa ng akda.
118
Parehong tungkol sa kalikasan ang mga haiku at ang kuwentong binasa mo. Nakita mo rin kung
paanong may simpleng paglalarawan at mayroon ding paglalarawan na may ibang kahulugan.
Mag-isip ng isang larawan mula sa kalikasan sa paligid mo o isang eksena sa probinsiya ng pamilya
mo, isang larawang may sinasabi ukol sa bayang Pilipinas at ilagay ito sa pormang haiku.
Puwedeng may pamagat, pero mas magaling ang wala at buo pa rin.
Halimbawa:
Cellphone—nahulog.
119
Maaaring kolektahin sa isang kalipunan ang mga tula ng klase (parang sarili ninyong Liwayway).
Maaari rin namang gawing poster at ilagay sa paligid ng klase, sa paaralan, sa Facebook, o sa
Instagram.
120
DATING o ESTILO Napakalaka s Malakas ang May dating ang Wala pang
ng dating ng dating ng akda akda sa dating ang akda
akda sa sa madlang madlang sa madlang
madlang pinaguukulan. pinaguukulan. pinaguukulan.
pinaguukulan.
MGA ARALIN
Tulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga
Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy ang panahong ito sa mga taon pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng
mga Pilipinong manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng
mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa.
Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayo sa mga manunulat at
akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang
sa Panahon ng Kasarinlan sa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.
121
139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na
isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
Isa sa mga akdang pampanitikan na nakilala sa panahong ito ay ang dula na “Sinag sa Karimlan” ni
Dionisio Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin
ang anyo ng dula at si Dionisio Salazar. Gawin din ang sumusunod:
1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan (role play) o larong
akting-aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay
din ng isang halimbawa ng ginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas
man ng paaralan.
122
Dula -dulaan
o Akting -aktingan
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________ ________________
123
ANG DULA
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita rito ang paraan ng
pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating
lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilang isang
mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin, at sa
pagpapakilos ng sambayanan.
Maliban sa sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa iyo sa naunang aralin
(Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang dula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa
pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga
pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang
dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit na
nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita
pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
124
b) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring isinasaalang-
alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip
f) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo ang
nagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
SI DIONISIO SALAZAR
Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si Dionisio Santiago Salazar. Nagtapos
ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa
kaniyang MA). Hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9) na
nobelang kaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos
Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award,
at TOFIL Awardee for Drama and Literature. “Sinag sa Karimlan”
1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat ng akda.
125
Sinag sa Karimlan
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________
Pangungusap:____________________________________________
B. MASYADONG KONTROBERSIYAL
Pangungusap:_____________________________________________
c. nalalambungan ng dilim.
Pangungusap:_____________________________________________
Pangungusap:_____________________________________________
E. WALANG PAGKUKUNWARI
126
Pangungusap:_____________________________________________
naglabanan
pagpapanggap
pagtataksil natatakpan
nakakubli
SINAG SA KARIMLAN
Dionisio S. Salazar
MGA TAUHAN :
PANAHON: Kasalukuyan
ORAS: Umaga
127
PROLOGO:
Ernan : Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-
duguan siya.
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro.
(Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
128
Bok : Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan
ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya. (Titingnan si
Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa
barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay.
129
Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa
ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan! (Kay Tony)
mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay
saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito… (Hihinga muna nang mahaba.)
Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong… Naisip kong
walang ibubungang mabuti ang kasamaan… Malaki’ng utang na loob
ko ke Padre Abena… sa aking pagbabago… Totoo nga naman, walang
utang na hindi pinagbabayaran…. Me parusa sa bawat kasalanan!
130
:
131
naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat… Nakakahiya
pero… dahil sa barkada’y natuto akong mandukot, mang-agaw,
magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito
pagkatapos…
Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong
puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira
kayo.
Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian
ay ang di pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal.
Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak
(Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap ang kanilang
kaligayahan.
Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan : K’warenta’y singko na.
132
:
Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling tawanan.)
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kong ibig sulatin
kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang
batong may mataas na uri… Ituturing kitang parang tunay na anak.
Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming
ilang ari-arian… pagaaralin ka namin.
Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pagaaralin din daw
ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang
katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong
na nagkakaanak ng alipin.
Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni
Rizal, binaril –
Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang
pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan.
Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino
na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi
mapagsamantala yaong walang colonial mentality.
133
Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa
naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang
may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro
magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi trangkaso…
Lumpo (Titingnan si Doming)… Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan)
… Galaslas ang tiyan?
Ingunguso si Tony.Tawanan na naman.)
Tony : Maiba ‘ko, Mang Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan : Hindi naman.
Doming : ‘Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa ba’ng makata?
Ernan : Isinisilang sila, Doming…. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang
tumula nang dumalaw itong minsan ang
Presidente?
Tony : Ako nga ho.
Ernan : Ang binigkas mong tula’y –
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat
ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat
sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero
matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero
hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay…
Uling-uli ko sila. Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor
nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa
134
:
dingding pagkatapos).
Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming…. Alam mo Tony, ang bilangguan ay
hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga
sinamang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa…
padrino, sabi nga ni Bok.
Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas? Seksi?
Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang
mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!
Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy
forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at
patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming
kataksilang nangyayari!… Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang
kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
135
pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat
na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay.
Magpakasakit.
Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho?… Ba’t nga kaya napakaraming
mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan. At meron
pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gantimpala.
May –
Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon, Padre maaabsen ako
sa ‘ting klase?
P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak
sumama kagabi.
Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke
Direktor.
P. Abena : Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos. Ang tumatawag ay dinirinig.
Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony : Padre, ke buti-buti n’yo! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig ding…Wala raw silang
anak.
136
:
Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na
kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa,
nagnobena, namintakasi upang magka-anak, subalit…Aywan ko ba kung
bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena : Talagang isa sa marami ang batang iyan. Masunurin siya. Matulungin.
Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat
ibang kurso ang kanyang ibig.
Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na senyong wala ‘na akong
Tatay!
P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang
damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, ‘di na nga bale.
Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony?
Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena : Mabuti
kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa
bahaging ito’y
137
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang
panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig sana) “Tubig!
Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!”
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na
‘yon. (Susundan ito ng alis.)
Lahat : Adyos, Padre.
Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring
tulad niya… Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral… kung
sakali…
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad
ng pananampalataya… Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng
kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras,
samantalang ako… Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat.
Pananalumpati. Pag-aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming
mag-asawa ang tagapagmana.
138
Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni
Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na… (Haharapin si
Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawaan na kayo ni Miss
Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim
na pagsangayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin
din nina Bok at Doming.)
Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss
Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming : Listo! Ayan na naman hang-tay-ban! (Darating ang dati ring tanod.)
139
pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan.
Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo
Tony : Inuulit ko: wala na akong ama!… (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula
nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y
sapin-saping hirap ang aming dinanas… lalo na’ng aking Nanay… Pati
pag-aaral ko’y natigil… Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay… Me
sakit si Baby… Nagkasangla-sangla kami… At nang lumao’y wala nang
ibig magpautang sa ‘min… ‘Sang araw e napilitan akong… Nang-agaw
ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman.
Subalit… nang dumating ako sa amin ay… (mababasag ang tinig)
patay nang kapatid ko! Sa
140
tulong –
Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung
si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng
kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
siya.
141
Tony : (Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si
Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok.
Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad
naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony : (Matapos pahirin ng likod ng palad ang dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong
pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.)
(Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong
pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking
anak; tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong.
Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas.
Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pagukulan ng may
pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan
ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis
ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito.
Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina
Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo
sa gilid ng kanyang teheras si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng
pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na
pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana
ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang dugong
nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag
mo nga ang doktor…(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat
‘yan.
Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba…
142
Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang
teheras; sa sarili) A, kung
Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas.
At huwag kang maggagalaw ha, Tony?
Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes
pala!
Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy… Sige ka, hm…
143
Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman!
Alam mo na iyan… matagal na. (Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama
sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes… Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris
mo…
Tony : Siya nga po ang babaing handa kong…
Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama, pabor ako. (Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak,
ang tatay mo’y… nagkita kami. Nakiusap siyang -
Tony : (Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng
kausap) Padre!… Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan
na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si
Tony. Si
144
Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-
hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak.
Mauuntol ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman na hindi pa
tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may
pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw
‘pagkat makasasama sa ’yo?
Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y… Sige, higa na.
(Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-
ama. Matagal silang magkakatinginan.
Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa, gawin ang sumusunod:
- Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na
labag sa batas?
- Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga
pagkukulang sa inyong pamilya?
145
- Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o
pagkakaiba ba ito sa ngayon?
Mga SALOOBIN
Tauhan PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA
Tony
Ernan
Doming
146
Bok
Simul a
Wakas
Gitna
Balikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita.
147
nakapagpapatawad… (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap
na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina
Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa
pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa
bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa
sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y
unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring
ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-
mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba
ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang
lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagatlabi’t
mapapatungo nang marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang
mag-ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)
Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay nagsasabi ng kilos.
Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang nagtutulak ng pag-usad ng salaysay.
May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap
ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang
pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay
nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na; aspektong
imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na
hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibong katatapos kung nagsasaad ito ng kilos na
katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin ang sumusunod.
1. Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa mga aspekto
nila.
ASPEKTO NG PANDIWA
Aspektong
Aspektong Aspektong Aspektong
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
148
2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari
pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin
at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay.
3. Sinasabi na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng doktor, abogado, at
inhinyero. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa
paghubog ng lipunan. Kaugnay ng paksang ito, gumawa ng isang maikling dula na
nagpapakita sa halaga ng mga guro. Tiyakin na ito’y a) malikhain; b) nagkakaugnay-
ugnay ang mga eksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito, nalalaman ng mga
nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon ng mga nanonood. May mga dula
pa ngang interaktibong nakikibahagi ang mga manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa
dula, nakapagbibigay din sa ibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan,
nakita, napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita ng mga
manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon o pagsalungat.
Mga Halimbawa:
Tama.
149
* Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon.
Mabuti sana ngunit… Ikinalulungkot ko
ngunit… Nauunawaan kita subalit.
Ayaw.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.
150
- Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.
Sumasang-ayon ako.
Sumasalungat ako.
Ang pangangatuwiran ko ay
_______________________________________.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. Dugtungan ang mga nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Tandaan na
itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa araling ito sa mga idurugtong na
pahayag.
151
Naliwanagan ako dahil sa…
Naunawaan ko na…
Nalaman ko na ….
152
Masasalamin pa
ba ang kulturang
Filipino sa mga
dulang
pantanghalan sa
kasalukuyan?
Naging mabisa
bang
kasangkapan ng
mga manunulat sa
pagpapahayag ng
kanilang
damdamin,
saloobin, opinyon,
at karanasan sa
dula?
Bakit mahalagang
matutuhan mo
ang tamang
paraan ng
pagpapahayag ng
pagsang -ayon at
pagsalungat ?
153
3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang
dumalo sa gaganaping seminar-workshop tungkol sa “Dula at Dulang Tagalog sa
Modernong Panahon.” Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang
video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o
artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na
iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos
itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa
sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal,
e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan
sa pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa pamamagitan
ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita
ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain
mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.
154
MGA ARALIN
- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks
Antas ng Wika
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating
bansa. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media network gaya ng
Facebook at Twitter, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga
website gaya ng YouTube, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang
pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang
nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo nito. Paano nga ba naiiba ang
tradisyonal na uri ng panitikan sa panitikan sa kasalukuyan? Bakit nagkaroon ng
transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikang Pilipino tungo sa panitikan sa
kasalukuyan?
Upang simulan ang pagkilala sa ilang anyo ng kontemporaryong panitikan, gawin ang
sumusunod.
1. Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa ibaba.
Gabay
2. Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik
ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.
156
Tradisyonal na Panitikan Kontemporaryong
Panitikan
_____________________ _____________________
Paksang Tinatalakay _____________________ _____________________
_______________ __________________
_____________________ _____________________
Wikang Ginagamit _____________________ _____________________
_______________ __________________
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-
araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang
isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa “Sanib-
Isip” (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid.
William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang
ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
157
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa
telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil
lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo
ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o 'di kaya'y magsagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid
ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang
midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun
nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa
broadsheet?
158
b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na internet, bakit
marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
2. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga bahagi o pahina
nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung bakit inilagay ang bahaging iyon at
kung ano ang inaasahan nitong mambabasa.
Pangalan ng Tabloid:
Petsa ng Pagkakalathala:
MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito
ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para
mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng
pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng
magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
159
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pagaalinlangan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang
mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget.
160
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ng pananaliksik sa mga guro
sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa
pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba.
Pamagat: _______________________________________
KONGKLUSYON
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagama’t palagiang
paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining
na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin
ang kanilang sariling ekspresyon.
161
162
163
Kuwadro-
Naglalaman ng Pamagat ng
isang tagpo sa kuwento
kuwento (frame)
Larawang guhit
Kahon ng ng mga tauhan
Salaysay - sa kuwento
Pinagsusulatan ng
Lobo ng usapan-
maikling salaysay
tungkol sa tagpo Pinagsusulatan ng usapan ng
mga tauhan; may iba’t
ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay
na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula
sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang
teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating
mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super
karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming
binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
164
Mga larawan
mula sa
Philippine
Online
Chronicles
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin
bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula rito, nagsulputan na
ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks
noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel.
Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga
dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya.
Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, at iba pa.
Pagkatapos ng Batas Militar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral. Ang
pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990
dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa
na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga
ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, world-class ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng
sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga
komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio,
Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay
Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para
makakita at bibig para makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
165
1. Sagutin ang sumusunod na tanong.
b. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon, at ang
kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
2. Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng comic strip
upang makabuo ng isang kuwento.
Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento ng
lola ni Cyrus
ang mga
sumikat na
komiks noon
na siya ang
isa sa mga
dibuhista nito.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang balbal
166
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga
panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal,
obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa
sa ginagamit sa pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na
binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang sumusunod:
1. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin, at komiks. Tingnan ang antas ng wikang ginagamit
ng mga ito at kung bakit ganoon ang mga ginagamit nilang antas ng wika.
2. Kumapanayam ng tatlong tao na may iba’t ibang uri ng trabaho (tulad ng guro, kaibigan,
at magulang). Ilarawan ang antas ng wika nila. Paghambingin ang mga antas ng wikang
ginagamit nila.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Batay sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika, bumuo ng isang
literary folio ng klase na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito
ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng folio.
167
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio.
Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat, at
kinakailangang mga larawan.
3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga
akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa
bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento,
dula, at iba pang akdang pampanitikan.
Ang sumusunod naman ay ang pamantayan sa pagsuri sa gagawin ninyong literary folio.
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
168
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
LEYENDA
20 – 25………………………………………………... Napakahusay
15 – 20 ………………………………………………. Mahusay
MGA ARALIN
Konsepto ng Pananaw
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryang Pantelebisyon
BROADCAST MEDIA
169
Madalas na Pinanonood sa Telebisyon:
____________________________ _____
Madalas na Pinakikinggang
Programa sa Radyo:
___________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
______________________
_________________
Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman
kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle.
Unawain at limiin ang isinaad na mga datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang
mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.
170
T E L E B I S Y O N M V
L M N H I E A Y O A U M
E J O S H I D I E T S U
L I R A B A L I T A I S
E C A C R I S T Y S K A
O M A R I C A R R O A K
D O K U M E N T A R Y O
Maraming tao ang lumalabas sa telebisyon at radyo. Karamihan sa kanila ay kilala hindi
lamang dahil sa kaledad ng kanilang mga pag-uulat kung hindi pati na rin sa paraan ng
kanilang pananalita. Bumuo ng isang grupo at pumili ng isang kilalang programa sa radyo o
telebisyon, subukang pagaralan ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabalita.
Ipresenta ang paraan ng pagbabalita ng mga nasaliksik sa klase.
Mula sa mga gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang
pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang ating
kultura at panitikan? Paano ito naipakilala ang ilang bagay na dapat talakayin sa ating
bansa?
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang
arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa
loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel.
Gayahin ang pormat.
171
nagpapahatid ng
mga panawagan
naghahatid ng nagpapalabas
musika ng pelikula
nagpapakilala ng nakikinig ng
isang produkto mga awit
naghahatid ng
napapanahong
balita
Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang
naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng
panitikang popular? Ipaliwanag.
Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong panradyo. Unawain
ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang
“Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo,
gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na
hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit! Roel:
Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga
na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa
bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang
desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa
pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag
hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.” Roel:
Naku! Naloko na!
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/
173
Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga
pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?
MOTIBASYON: RADYOPINYON
Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng
positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo.
Gawin sa iyong sagutang papel.
K W H L
Ano ang alam mo na? Ano ang nais mong Paano mo makikita Ano ang
malaman? ang nais mong iyong natutuhan/
maunawaan? naunawaan?
174
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:
a. Politika
Hindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa iba’t ibang pamamaraan ng
mga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig. Subalit hindi nila maaaring kunin sa
kung saan lang ang kanilang impormasyon. Dahil dito dapat silang manaliksik tungkol sa
mga gustong mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa mga maaari nilang
gamitin sa ganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.
Survey:
Gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga
programa. Maaari din silang kumuha ng mga panayam tungkol sa kanilang mga programa.
Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey.
1. Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey.
Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng
sagot sa iilang titik.
175
Tingnan nang mabuti ang mga sitwasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang sa
tingin mong sasabihin mo?
2. Pumasok ka sa iyong klase nang ika-pito ng umaga ngunit matapos ang ilang
minuto, kinansela ang klase dahil sa bagyo.
a. “I hate the rain. I should still be sleeping at this moment!”
b. “Kainis naman tong ulan. Dapat tulog pa ako eh!”
c. “I hate the rain. Dapat tulog pa ako eh!”
4. May pagsusulit kayo at wala kang panulat. Hihiram ka sana sa iyong katabi.
a. “May panulat ka pa ba na pwedeng hiramin?
b. “May extra kang pen? Pwede borrow?”
c. “Do you have an extra pen I can borrow?”
Punan ng ekis ang sumusunod na kahon na malapit sa inyong ginagamit na wika. Punan ng
X ang SA kung sang-ayon, W kung Walang Sagot, at DS kung Hindi Sang-ayon.
Mga Tanong SA W DS
176
1. Napalalakas ng wikang gamit ko ang aking loob.
3. Likert Scale – Ang Likert scale ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng
isang tao ang sarili niya.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa Ingles at 5
bilang mas malapit sa Filipino.
INGLES FILIPINO
1------------------2--------------------3------------------4-----------------5
Ilan lamang ito sa mga maaaring lamanin ng isang survey, maaari ding ayusin at
pahusayin ang paraan ng pagtatanong. Bukod sa mga ito maaari ding gamitin ang pagkuha
ng panayam sa mga tagasubaybay.
Panayam
Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mga dapat na gawin at
tatanungin. Subalit kasabay nito ang pagiging handa rin sa pagbuo ng mga pagpapalalim na
tanong. Totoong may mga gusto tayong malaman subalit minsan ay di natin makukuha ang
nais nating sagot. Minsan may pangangailangan ng pagdedetalye subalit kailangan pa ring
tandaan na dapat ay nasa paksa pa rin ang mga tanong.
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o mapagkukunan ng impormasyon.
Maaaring kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas makatotohanan ang
177
impormasyon na manggaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis. Ito ang tinatawag
na pangunahing batis ng impormasiyon.
Teknik sa Pakikipanayam
Bago Magpanayam
2. PAKIKIPANAYAM
* Maging magalang
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Teknik sa Pakikipanayam
Tagumpay sa Pakikipanayam
178
Pagkatapos ng Panayam
Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na
iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa
hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina sagutin ang unang
apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin
kaugnay ng telebisyon.
Bumuo ng grupong may tigatlo hanggang tiglimang miyembro at pumili ng isang gustong
gawin na paraan ng pananaliksik. Mula dito bumuo o humanap ng paksa at bumuo ng isang
concept web. Ipresenta ito nang tulad ng isang skit ng talakayan o pag-uusap tao tungkol sa
napiling paksa.
EHERSISYO: RADYOMENTARYO
179
Bilang bahagi ng iyong gawain puntahan ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig
ng ilang napapanahong mga balita.
click radyo5
tunein.com/
radio/Radyo-Patrol-630-s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen
-to-92-
3-news-fm-online/
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol
sa:
180
BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT
TANDAAN
KUWENTUHANG MEDIA
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan,
biruan, at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda, at sariwang opinyon,
analisis, at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad
o usapin. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.
181
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-
hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan
ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng
bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging
susi sa paglalahad ng mga detalye?
3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik
ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?
PAGTATASA: RADYOPORMASYON
Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang
kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel.
Mga nagpapahayag ng
impormasyon
Sariling pananaw
182
UGNAY WIKA
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano
ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/
batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng,
at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan
ng isang tao. Tulad nito:
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang
plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
183
halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
RADYOMENTARYONG MAKABAGO
Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang
tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.
K
W
H
L
Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, bigyang-pansin ang mga
bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas
malawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan.
184
2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.
Napakahus Kabuua
Pamantaya ay Mahusay Umuunlad Nagsisimul
ng
n 3 2 a1
4 Marka
185
Masining at Natatangi Masining at Masining at Masining na
maingat na ang maingat na maingat na ginamit ang
paggamit ng paggamit ng nagamit ang nagamit ang wika ng
wika wika ng wika ng wika ng kabataan sa
kabataan kabataan sa kabataan sa karamihan
nang higit pa kabuuang karamihan ng pahayag
sa pagpapahayag ng pahayag sa nabuong
inaasahang sa nabuong sa nabuong materyal
pamamaraan materyal. materyal. ngunit hindi
sa materyal. maingat ang
paggamit.
Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito
naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.
SAGOT:
____________________________________________________________________________
186
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________.
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa
kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa
tunay na buhay ay mabibigyang - kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang
katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa
kaalaman ng bawat mamamayan.
187
Weekend XXX
Getaway
TV Patrol Talentadong
Pinoy
Matanglawin TV Patrol
Tween Hearts
TELEMBISTIGA
188
STORYLINE INVESTIGATIVE S. O. C. O.
DOCUMENTARIES
REPORTER’S
NOTEBOOK
189
3. Ano kaya ang genre na kinabibilangan ng programang gusto ko?
“Kislap ng Bituin”
Jeystine Ellizbeth L. Francia
Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy ang aking isipan sa
tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na
nagaganap sa labas ng aming tahanan. Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga
ito. Bukod sa mga panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-
iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinatatatag.
Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio isang lugar kung saan
may mga guro at batang hindi alam ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa
buhay. Bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga
landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.
190
makita nila ang mga bagay na dapat nilang makita, ang sakit ng lipunang aking
ginagalawan ay higit kong madama at maipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng
panulat, baka sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at
makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sa kanilang paligid.
Hangad kong, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng
walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan
ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin na
magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim.
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong
magagamit mo sa susunod na gawain:
191
Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malaking
impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?”
TELEMENTARYO
192
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama,
may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng
kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong
nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.
2. PARAAN AT LAYUNIN
layunin)
194
3. PARAAN AT RESULTA
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga
halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral,
(paraan + resulta) nakatapos siya ng kaniyang kurso.
195
Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung
at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang
bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag
na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Pagtataya
SINEMATOTOHANANG KAGANAPAN
Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang
kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.
kaisipan kaisipan
Larawan ng Mag-inang
Pulubi sa Lansangan
kaisipan
kaisipan kaisipan
196
kaisipan
Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang sumusunod
na tanong.
3. Ano pa kayang problema sa lipunan ang mahusay na gawing paksa ng ganitong mga
paglalarawan?
MOTIBASYON: DOKPANTELE
Sitwasyon:
Bumuo ng isang plano kung papaano iprepresenta ang mga ito. Bumuo ng balangkas ng
takbo ng programa.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
197
Sa bahaging ito, subukang pagnilayan ang sumusunod na gawain upang higit mong
mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito.
Inaasahan na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay
naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na
dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa
ating araw-araw na pamumuhay.
BROADCAST MEDIA
RADYO TELEBISYON
1. pagbibigay ng impormasyon
2. pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
3. pagpapabatid ng mga pangunahin g suliranin
4. paglalatag ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliranin
5. aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na
mga suliranin (serbisyo publiko)
PAGPAPALALIM: PAGSASALIN
198
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling
ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong
tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga
aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak na matagumpay na naisakatuparan ang mga
gawaing iyong isinagawa! Batid din ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa
paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon
ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino.
Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan.
199
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o
dokumentaryong pantelebisyon:
Katangiang Pang-Multimedia
200
kaugnay ng paggamit ng
copyright sa multimedia
paggamit ng features.
multimedia
features.
Pagiging Malikhain
Pagtatanghal
Bumuo muna ng concept web upang matulungan sa paghimay ng paksa. Isulat ang
matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat
nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubrik na ginamit sa pagtataya ng
komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.
201
RUBRIK PARA SA MULTIMEDIA PRESENTATION
Nilalaman: Layunin
Nilalaman: Kongklusyon
202
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad.
__________________________________________________________.
Bumuo ng grupong may tigatlong miyembro. Siguraduhing may isang mahusay gumuhit,
magsulat, at magsalita sa bawat grupo.
Para sa gawaing ito kailangang bumuo ang bawat grupo ng isang konseptong palabas.
1. Pamagat ng programa
4. Guhit ng sumusunod
203
b. Palabas tungkol sa krimen – hitsura ng set
a. Talk Show – mga magsasalita at mga dahilan kung bakit sila iimbitahan
• Elemento ng Pelikula
Panuto: Kompletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat
bilang.
204
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong
mas maging makatotohanan. D _ _ u _ _ _ t _ _ y
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at diyalogo ng mga
tauhan at artista. I _ _ _ i _
205
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin, at mga pananaw para sa isang
dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa pagbabagong panlipunan?
Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin ang pormat.
Pagmasdan at pag-aralan ang mga nakasaad sa kahon. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at
pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 3-2-1
Chart. Gawin sa isang pirasong papel.
I -WITNESS DOCUMENTARIES
REELTIME DOCUMENTARIES
Ang Pagdadalaga NI
Maximo Oliveros
206
_____________________________________ Alin
sa mga palabas o pelikula na
Kung bibigyan k a ng
pagkakataon, ano ang isang tanong na
nais mong
Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa itaas. Subukin mong
ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala
mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at
mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
207
DOKUMENTARYO PELIKULA
A. Pagkakaiba B. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad
PAUNLARIN
Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip ng pelikula.
Makatutulong ito upang malaman mo kung paanong ang isang pelikula ay mabisang
instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan.
Narito ang isang halimbawa ng isang pelikula at ang isang bahagi ng iskrip nito. Ito ay
pinamagatang “Bata, Bata...Paano Ka Ginawa?” mula sa panulat ng isang batikang nobelista
na si Lualhati Bautista.
Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa
isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin
ang iyong imahinasyon nang sa ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang
pelikula ay mas malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang pelikula na katulad nito.
(Screenplay)
Lualhati Bautista
208
Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga batang babaing
kasali sa miss kinder beauty contest. Ang tugtog: Butsiki.
Graduation day ito ng kindergarten class. Puno ang school ground. May mga nanay pa nga
na dala pati mga baby nila.
Habang ginaganap ang sayaw, kanya-kanyang hanap ng magandang puwesto ang mga
magulang na may dalang camera para makuhanan ang kanilang mga anak. Kabilang na sa
kanila si Lea. Siyempre, nasa kalipunan din ng mga tao sina Ojie at Ding. Nakasampay sa
kamay ni Ojie ang toga ni Maya, isinusunod iyon kay Lea.
Isang batang lalaking ga-graduate ang basta na lamang umihi sa upuan niya. Nagpulasan ang
mga tao. Tilian ang mga babae, Aaaayyy! Aaaaayyy!
Isang batang nagkikislapan ang damit na kulay gold ang kinukurot ng palihim ng kaniyang
ina.
Ina ng batang kumikislap ang damit: Tahan ka na sabi dyan! Putris ka, dalawang libo ang
gastos ko sa baro mo!
Natapos ang sayaw ng grupo ng mga bata. Nagpalakpakan. Nagsalita na ang teacher-emcee
sa stage.
209
Teacher-Emcee : At ngayon naman, magpapakita ng kanilang angking talento ang mga
kandidata. Sila ay aawit, tutula, at sasayaw. Tawagin natin ang
candidate number 1...si Arlina de los Santos! (palakpakan)
Hahabulin ni Ding si Lea papuntang backstage. Mabilis na iniabot ni Lea ang camera sa
kanya. Sa background, sumasayaw ng “Papa, Don’t Preach” ang
kandidata.
Makikita sa camera na halos natataranta ang mga ina sa pagbibihis ng kanilang mga anak.
From long gown to casual na kasi ang susunod na eksena. Naghahabilin ang bawat isa. Nag-
ooverlapping ang mga diyalogo.
210
Sisiksik si Lea papunta sa unahan, nakaumang na ang camera. Kasunod niya sina Ding at
Ojie.
Lea : Excuse me po! Excuse me po! Sa stage, uumpisahan na ni Maya ang kanyang tula.
Kumpleto sa acting.
Hindi, iba.
Ding : (kay Lea) Turo mo, turo mo yon? Pambihira ka...hindi mananalo
yon!
Magsisimula na ang graduation march. (Sa backstage) Nakaupo si Lea sa harapan ng anak,
mini-medyasan niya ito para sa sapatos na itim.
Ding : (kay Maya) Sana naman anak, iba na lang ang tula mo. Hindi
mananalo iyon.
Lea : Di bale, kahit hindi manalo ‘no! Hindi naman ‘yan pagandahan.
Maya : (Medyo magsisimangot konti) Kuya, akin na ang toga ko, maka-
graduate na. Kukunin na ni Lea ang toga. Hindi pa rin ibababa ni
211
Ojie ang kamay niya.
Ojie : (medyo naaasar na) Gusto n’yong itanong kung anong nangyari sa
kamay ko? Namatay na, o...naging bato na!
Sa isang banda, medyo pa-ismid na binibihisan ng nanay ang batang nakagold na pahikbi-
hikbi pa rin.
Ina : Wala na, natapos na ang Miss Kinder. Ang mahal-mahal pa naman
ng baro mo. Dalawang libo iyan.
Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin ang sumusunod na tanong upang makuha ang
bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang kaalaman, pagkilala sa sarili, at pagkamulat sa
kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.
212
Paano nakapagpapamulat ng
kamalayan ang isang uri ng media
tulad ng mga pelikula na bahagi ng
ating kultura at panitikang popular?
Ipaliwanag.
213
Higit pang palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na
Ugnay-Panitikan:
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang
naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang
realidad. Naging wartime propaganda, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon
upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na
“Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula
totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng
mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o tagalikha ng pelikula at ng kaniyang film
subject o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging
makatotohanan, mabisa, at makabuluhan ang isang dokumentaryo.
214
Mga Elemento ng Pelikula
215
GAWAIN: PATINIKAN SA PANITIKAN
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
216
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong
detalye.
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa
ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus
ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus
ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging nakasisiya at mabisa ang
isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo
ng kamera na tinatawag na camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda
ang screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan nito sa
emosyon, lalim at kakintalan, at ang magiging implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga
manonood nito.
217
Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at ang
kahalagahan nito sa pelikula, ngayon naman ay muli kang gumuhit sa papel ng ilan sa mga
eksena mula sa mga napanood mong pelikula batay sa anggulo ng kamera na iyong
natutuhan. Maaari ding gumupit ng mga larawan ng mga eksena sa pelikula mula sa magasin
o pahayagan. Tukuyin lamang kung anong uri ng camera shot ang ipinakita at ang nais
nitong ipahiwatig.
__________________________________
Nais Ipahiwatig:
__________________
____
____________________________________
___________________________
________
__________________________________
Nais Ipahiwatig:
__________________
____
____________________________________
___________________________
________
__________________________________
Nais Ipahiwatig:
__________________
____
____________________________________
___________________________
________
218
Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong
pampelikula ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o
Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating
naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng
kaniyang mga pananalita.
ARALIN: PAGPAPAHAYAG
1. Pagbibigay-babala
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala)
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
219
2. Panghihinayang
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
3. Hindi Pagpayag
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong
gagawin.” “ Bahala na kayo sa anumang hakbang na
nais n’yong isagawa.”
Pagtatasa: Pahayag Ko, Tugon Mo
Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin
kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin ang tamang
sagot mula sa kahon sa itaas. Isulat sa papel ang mga sagot.
Pagtanggi Pagsang-ayon
Pagbibigay-babala Panghihinayang
Panghihikayat “Ang sampagitang ito ay para sa mga ga-
gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang
mahiya, bagay sa iyo ito.”
1 . ___________________________________
“Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat
kasama natin siya sa pagboto.”
220
makababawas ng aking pagkatao.” “ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng
pananghalian natin.”
4 . ___________________________________
6 . ___________________________________
“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras, ang
bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang.
Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay, at
nilalang sa mundo ay sumasabay din sa isang maligalig na daigdig.”
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito “Talagang sang-
ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon,
mas higit na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng
isa. Sumagot naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon diyan, mas marurunong at mas
maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila?
Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman?
Madalas din silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y
madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito
sabay sambitin ang mga katagang, “Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong
mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na
nawa’y tahakin natin ang tama at tuwid na landas.
221
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap
sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay.
Makikita ito sa uri at estilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga
pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala, at paninindigan sa
buhay. Isa sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng
modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon” at ang paglitaw
ng teoryang Global Village kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay
wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng
pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, YouTube, Skype, at iba pa
upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang tamang panahon
upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang
araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko
lamang sana iyon.”
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging
minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig
sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!
Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: __________________________________
Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: __________________________________
Pahayag: ______________________________
222
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________________
Pahayag: ______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________ Katutubo –
Kapatid, Kapamilya’t Kapuso
Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga kapatid nating
katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na komunikatibong pagpapahayag.
Lapatan ito ng sariling pamagat.
Magturo sa isang nakatatanda (maaaring lola, lolo, o magulang) ng isang panibagong bagay
o gawain na sa tingin ninyo ay kumakatawan sa inyong henerasyon. Pagkatapos ay subukan
ding magpaturo ng isang bagay o gawain mula sa kanilang henerasyon. Pagkatapos nito ay
sumulat ng isang papel na naglalarawan sa ginawa at sumasagot sa sumusunod na tanong:
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
223
PAGTATASA: INTERDAYAL (DIYALOGO KO, INTERPRETASYON MO)
224
Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang komunikasyon ang
pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muling balikan ang ilang diyalogo sa
dokumentaryong pinanood na tumimo sa iyong isipan, bigyan ito ng pagpapakahulugan.
Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na mahalagang
bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na
pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong
kakayahan sa bagay na ito.
Umisip ng isa sa mga pelikulang napanood mo na at gumupit ng larawan tungkol dito mula
sa pahayagan o sa magasin at idikit ito sa papel. Maaari ding iguhit ang ilang eksena mula
sa pelikula. Subukin mong bumuo ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng iba’t
ibang uri ng mga pahayag na ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel.
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________________
___________________________________________
225
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
____________________
____________________
Karamihan pa nga sa mga ito ay ang iba’t ibang mga indie films, dokumentaryong
pampelikula, at iba pang uri ng mga de-kalidad na pelikula. Kaya’t ang matataas na uri ng
mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula
ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa ating
bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating kamalayang
panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa iyo bilang mag-aaral.
Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng isang pelikula o dokumentaryong pampelikula
na iyong pinanood batay sa sumusunod na aspekto. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
226
Pamagat ng Pelikula:
__________________________
IMPLIKASYON
Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon na upang ibahagi
mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang isang batang lider sa
pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan.
Magsimula sa pamamagitan ng pagbuo ng sumusunod na concept web.
227
Ako Mismo,
Batang Lider
Pumili ng isang ideya mula sa nabuong concept web. Bumuo ng konkretong plano kung
papaano mo ito magagawa. Sumulat ng hakbang upang maisakatuparan ito. Bukod dito
bumuo rin ng maikling paliwanag kung bakit ito ang napiling gawan ng plano. Sa pagsulat
subukang patunayan ang halaga ng gawaing ito.
PAGSASALIN: ISKRIPKOTO
228
Eksena Mga Detalye/
Mga Tauhan at
Kuha at Anggulo ng Paglalarawan at
Bilang at Iba pang Datos na
Kamera
Tagpuan Kaisipan ng Eksena Kinakailangan
Eksena / Long Shot sa isang Ipakikita ang andar Mga ilang bata sa
Sequence 2: Sa dyip na patungo na ng isang dyip sa elementarya na
isang dyip na sa isang nayon mabato at nagtapos, mga ina,
patungo sa isang maalikabok na sanggol at iba pang
(maalikabok at
malayong nayon daanan. mga batang
mabato ang mga
daanan) sumama sa
Masayang graduation at tampok
Medium Shot sa mga nagtatawanan ang ang pangunahing
nagsisipagtawanang mga tauhan tungkol tauhan
mga ina habang sa katatapos na
nakasapnay ang graduation hanggang
kanilang mga sa pagdating sa
sanggol. kanilang lugar
Close-Up Shot sa
nagsasalitang isang
bata (pangunahing
tauhan)
229
Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng pangkat ng mag-
aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal na may temang: “Tiwala ang
Tanging Sandigan – Pagsisikap at Pagdarasal
____________
____________
____________
5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing
layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan. ____________
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
230
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na aspekto o mga
bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyonal na uri tungo sa mga
panitikang popular.
Lengguwahe / Wika
Makabagong Teknolohiya
Tradisyonal
Mga Suliranin at
na Panitikang
Kalagayang Panlipunan
Popular
Anyo ng Prinsipyo at mga
Paniniwala
Panitikan
231
gaya ng komiks. Maaari ding bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong
video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa
telebisyon at pelikula. Maaari ding i-post sa internet ang malilikhang campaign material.
Inaasahang maitatampok sa bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong
barangay at ang magagawa ng kabataan sa paglutas ang mga umiiral na suliranin ayon sa
inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Bago tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang
paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip para sa mga eksena sequence script
at iskrip na pandiyalogo
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang iba’t
ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
MATERIAL
Orihinalidad at Pagkamalikhain - 40 %
232
Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 %
Aplikasyong Teknikal - 10 %
100 %
MGA Kapugaypug
Magaling Umuunlad Nagsisimul MARK
PAMANTAYA ay
3 2 a1 A
N 4
Masaklaw na Komprehensib Masaklaw, Makabuluhan May
paglalahad o at makabuluhan, at makabuluhan
ng makabuluhan at napapanahon at
napapanaho ang napapanahon ang mga napapanahon
ang mga
ng napapanahon impormasyon g mga
impormasyon g mga impormasyong g inilalahad impormasyong
impormasyon inilalahad sa sa materyal inilahad sa
g inilalahad sa materyal alinsunod sa materyal ukol
materyal alinsunod sa paksang sa paksang
alinsunod sa paksang itinatampok itinatampok
paksang itinatampok. ngunit may ngunit limitado
itinatampok. mga ang mga ito.
detalyeng
hindi
nailahad.
Masining at Natatangi ang Masining at Masining at Masining na
maingat na paggamit ng maingat na maingat na ginamit ang
paggamit ng wika ng nagamit ang nagamit ang wika ng
wika kabataan wika ng wika ng kabataan sa
nang higit pa kabataan sa kabataan sa karamihan ng
233
sa kabuuang karamihan ng pahayag sa
inaasahang pagpapahayag pahayag sa nabuong
pamamaraan sa nabuong nabuong materyal
sa materyal. materyal. materyal. ngunit hindi
maingat ang
paggamit.
Mahusay na Tipong Taglay ang Taglay ang Naipamalas
aspektong propesyonal lahat ng mga susing sa materyal
teknikal ang kailangang elemento sa ang minimal
pagkakagawa elemento sa mabisang na antas ng
sa materyal mabisang pagbuo ng pagtatagpi-
dahil sa pagbuo ng materyal at tagpi ng
husay ng materyal. naipamalas elemento at
pagtatagpitag Naipamalas ang angkop teknikal na
pi ng mga ang kahusayan na teknikal na pagganap.
elemento sa teknikal na pagganap.
nito. pagganap.
Pagkapraktik Ang mga Malinaw at Makabuluhan May mga
al ng kapakipakinab ang rekomendasyo
inilahad na
rekomendasy ang para sa karamihan sa ng inilahad
rekomendasy
on lahat ang inilahad na ngunit
on ay
inilahad na rekomendasy mabuway ang
nagmumungk
rekomendasyo on. mga
ahi ng
n. iminumungkah
kaisipang
ing kaisipan.
pangmatagal
an sa
kamalayan ng
madla.
KABUUANG
MARKA
GLOSARYO
234
AGAM-AGAM – HINALA
Analitikal – pagbuo ng mga ideya mula sa iba’t ibang ideya upang makabuo ng higit na
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay
Babae sa Septic Tank – Isang independent o indie film na nagtatampok ng mga isyung
panlipunan at ang tunay na kulay ng showbiz na labis ang pagiging prestihiyoso
ngunit may mga kabulukan sa likod ng tabing at kamera.
Balakid – hadlang
Balangkas – pagkakasunod-sunod
BETERANO – DATIHAN
Camera Shots and Angles – Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera para sa isang
partikular na eksena. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang emosyong nais idiin ng
isang senaryo.
235
Cinema Truth – May katuturang “pelikula totoo;” katangian ng isang dokumentaryong
pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
Cinema Verite – Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at
pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kaniyang film subject, upang mas
higit itong maging makatotohanan. Isang uri ng pagsasa-pelikula sa kasalukuyan.
Coordinator – tagapangasiwa
Corrupt – Isang taong may posisyon at ginagamit ang pondo ng bayan sa sariling kapakanan.
DAMBUHALA – MALAKI
Dedikasyon – pag-aalay
Dialogue Script – Isang uri ng iskrip kung saan nakapaloob ang diyalogo ng mga aktor at
aktres ng bawat eksena. Nakabatay ito mula sa sequence script.
DINURO-DURO – MINALIIT
Elemento ng Pelikula – Mga sangkap o mga bahagi ng isang pelikula upang ito ay kilalanin
bilang isang mataas na uri ng likhang-sining.
236
Estratehiko – pamamaraan
Film Subject – Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng kamera upang maidiin
ang nais ipahiwatig ng isang film maker.
Gusot – problema
Himukin – hikayatin
Independent / Indie Films – Mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat
pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan.
237
Information and Communication Technology (ICT) – Isa sa pangunahing midyum sa
kasalukuyang panahon upang mas maging mabilis at patuluyan ang proseso ng
gawaing pangkomunikasyon at pagbibigayimpormasyon.
IPINIPINID – ISINASARA
Kalumbayan – kalungkutan
Kariktan – kagandahan
KINAMIHASNAN – KINAMULATAN
Komentaryo – pagbibigay-opinyon
Kredebilidad – kapani-paniwala
238
Kultura – Ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga ideya, pananaw,
kaugalian, kakayahan, at tradisyong umunlad ng isang lipunan. Bahagi rin nito ang
institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng mamamayan tulad ng paaralan
(edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at mga establisimentong pansining.
Larawang-diwa o Imahe – tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa, nagpapatalas ito ng
pandama.
Lihim – sekreto
Likumin – kolektahin
Lumalawig – lumalawak
Mauuntol – matitigilan
239
MIDYUM – DAAN, INSTRUMENT
Minindal – miryenda
Munti – maliit
Pagaril – pagaralgal
Paglalayag – paglalakbay
Paglililo – pagtataksil
PAGOD – HAPO
Pagpapalaluan – pagyayabangan
Pahiwatig – Mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais nitong
iparating. May mga pantulong na palatandaan sa loob ng pangungusap o sa mga
bahagi ng akdang makatutulong upang maunawaan ang kahulugang nais nitong
sabihin.
Paksang-diwa o Tema (theme) – Ito’y pangunahing kaisipan ng tula, katha, dula, nobela,
sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na
nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral.
Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong
maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa
kaligayahan ang pagiging ina.
Panitikang Popular – Anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil
na rin sa makabago nitong mga pamamaraan, estilo, at anyo. Partikular na ito’y
binabasa at pinanonood ng kabataan sa panahong kasalukuyan.
241
Sa orihinal na legal na kahulugan, pag-aari ng mamamayan. Kawing sa populace na
ibig sabihi’y hindi aristokrata, hindi aral, mababang uri. May konotasyong inferior na
uri ng literatura, hanggang sa tribyal
Sanggunian – kalipunan
Sarat – pango
Sequence Script – Isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga detalye at kaisipan
ng bawat eksena ng isang pelikula o dokumentaryo. Gayundin ng bawat camera
shots and angles nito.
242
Short Films – Maiikling uri ng pelikula na naghahatid ng mahahalagang mensahe sa mga
manonood.
Simbolo – Ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-
iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa, isang bagay o kaisipan na
kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring bigyan ng maraming antas ng
kahulugan.
Tabloid – Maliit at abot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas maliit ang
espasyo sa tabloid, mas maliit din ang inaasahang pagkonteksto sa mga balita. May
puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito,
nagkakasya ang maraming sambahayan para sa balita at impormasyon.
Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories (panggagahasa,
pananamantala / molestation, kidnapping, atbp.) at mga kuwentong ikamamangha
ng mga mambabasa kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet.
Sa anyo ng balita hanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o
mali.
TANGAN-TANGAN – HAWAK-HAWAK
Teksto – Sa tradisyonal na gawi, ang nakasulat na anyo. Sa pag-aaral, ang teksto ay sasakop
di-lamang sa nakasulat na anyo, pati na rin sa praktikal na gawi sa produksyon ng
literatura.
243
TRANSAKSIYON – KASUNDUAN
Travelogue – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok ng iba’t ibang mga lugar kung
saan maaaring maglakbay.
Utusan – katulong
244
SANGGUNIAN
AKLAT
Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009
Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. C & E
Publishing, Inc. Quezon City. 2008
Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV Makati City,
Philippines, Diwa Scholastic Press Inc., 1999.
Rubin, Ligaya T. et al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines, Rex Book
Store: 2001.
Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C & E Publishing Inc., 2007
Pahayagan
245
Pilipino Mirror. Eros Atalia. Dagling Katha, Oktubre 29, 2012
MAGASIN
HTTP/WWW.YOUTUBE.COM/WATCH
http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf
http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?&show_interstitial=1&u=
%2Fjournal%2Fitem
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph
http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw
http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free dom-of-
information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre
http://www.goodreads.com/author/show/562411.Liwayway_A_Arceo&docid=A
BGlKlbQ9ckHIM&imgurl=http://photo.goodreads.com/authors/1285673744p5/
562411.jpg&w=200&h=255&ei=qcWYUIG4C-
246
http://www.google.com.ph/images
http://www.google.com.ph/imgres?q=amado+v.+hernandez&num=10&hl=fil&b
iw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ea4EYMmffqTL9M:&imgrefurl=http://tl.wi
kipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez&docid=4iKXVzDQtavxDM&imgurl=htt
p://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/4/4d/Amado_V_Hernandez.jpg/20 0px-
http://www.google.com.ph/imgres?q=epifanio+matute&num=10&hl=fil&biw=1
366&bih=586&tbm=isch&tbnid=ZLKmBTzQV0CoJM:&imgrefurl=http://www.p
anitikan.com.ph/authors/m/egmatute.htm&docid=_HCanklXMTkfgM&imgurl
http://www.google.com.ph/imgres?q=genoveva+edroza+matute&num=10&hl=
fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=TGmUnIRphI7ZEM:&imgrefurl=http:/
/banareskimberly.blogspot.com/2012/07/ang-kuwento-ni-mabuti-ni-
http://www.google.com.ph/imgres?q=manuel+l.+quezon&num=10&hl=fil&biw
=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=hZL8VgvZzhW9CM:&imgrefurl=http://www.
takdangaralin.com/history/philippine-presidents-history/manuel-
http://www.google.com.ph/imgres?q=narciso+reyes+lupang+tinubuan&num=1
0&hl=fil&biw=1366&bih=586&tbm=isch&tbnid=CPphnem0zXRMpM:&imgrefur
http://www.123people.ca/s/narciso%2Breyes&docid= http://www.google.com.ph/imgres?
q=rene+villanueva&hl=fil&biw=1366&bih=5
86&tbm=isch&tbnid=ZtEk2Y6A4zEuuM:&imgrefurl=http://eatingthesun.blogsp
ot.com/2007/12/rene-o-villanueva-1954
http://www.google.com.ph/imgres?q=severino+reyes&hl=fil&biw=1366&bih=5
50&tbm=isch&tbnid=LKWSzchujeP65M:&imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wik
i/File:Severino_Reyes.jpg&docid=J7AUpzUBsdm2zM&imgurl=
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related
HTTP:/WWW.GOOGLE.COM.PH
Thefreedictionary.com
www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigativedocumentaries
247
www.starcinema.com.ph
www.wikipedia.com
248