Professional Documents
Culture Documents
Grade 9-FirstGradingExam
Grade 9-FirstGradingExam
B. PROSESO. 10pts.
11. Ang pangatnig na sa di-kawasa ay ginagamit na _________.
a. panlinaw b. pananhi c. pantuwang d. panapos
12. Pupunta sina Melvin sa Tagaytay sa Linggo. Ang pangungusap ay may pang-
abay na pamanahon na _______.
a. walang pananda b. payak na salita c. may pananda d. inuulit
13. ____ ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin. Ang salitang
nawawala sa pangungusap ay:
a. Kapag b. Batid c. Sa d. Simula
14. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang
ginintuan ay ______.
a. nangangatuwiran b. naglalarawan c. nag-uugnay d. nagsasalaysay
15. Sa mga pangungusap na, “Nanalo pa ring musa si Rosa at may mga kaibigang bomoto sa kalaban
niya.” Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
a. kaya b. sapagkat c. subalit d. datapwat
16. “Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. ______
noon, ang kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at
bisita at pang-alay sa mga Santa tuwing may okasyon.” Anong salita ang maaaring ipuno na magi-
ging pananda ng pang-abay na pamanahon?
a. Hanggang b. Kaya c. Mula d. Kapag
17. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?
a. nagbabasa, nagluluto, nag-aaral c. gamitan, asahan, pag-aralan
b. kumanta, tumula, sumayaw d. lumuhod, lumuluhod, luluhod
18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pangatnig na pananhi?
a. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan
b. Mayaman nga si Donya Rustica ngunit matapobre naman.
c. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit maraming naninira sa kanya.
d. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
19. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Hinggil kay Ana, ang pagpapakahulugan
sa pahayag ay malinaw?
a. pananda b. pangatnig c. pang-ukol d. pantukoy
20. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?
a. kasasagsagan b. kakalusong c. kahahatol d. kakaraos
C. PAG-UNAWA. 20pts.
21. Haba ng hair,
Utak niya’y puro air,
Amoy mo ay wagas,
Dapat ka ngang magtawas
Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:
a. mapagbiro b. mapaglarawan c. mapanghikayat d. mapang-aliw
22. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa ______.
a. naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986.
b. taon-taon ay dinadaanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas.
c. nakagagamot sa sakit sa ubo ang dahon ng oregano.
d. kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala an gating pinaghirapan.
23. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,
Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…”
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng _______.
a. pagdurusa b. kaligayahan c. kalutasan d. kalungkutan
24. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
a. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
c. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti sa siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay
ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).
34. Ano ang maaaring maging bunga ng patuloy nap ag-init ng mundo?
a. Matutunaw ang mga yelo na magpapalala sa pagbaha.
b. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo.
c. Masusunog ang mga tao.
d. Magkakaroon ng taggutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.
35. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto?
a. suliranin sa basura c. problema sa polusyon
b. pagkaubos ng mga puno d. pag-init ng mundo
36. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa.
a. paggamit ng kahoy bilang panggatong
b. pagkaubos ng mga puno
c. pagtatapon sa mga estero at ilog
d. makabagong kabihasnan at siyensya
Sa isang sentro ng Ohio, may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar
Na ito ay nakikilala sa tawag na Mount Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higanteng punong-
Kahoy. Bago ito pinutol, may makailang saling ang mga tao ay nauukit ng kanilang tanda at panga-
lan sa katawan nito. Sa dami ng mga sulat sa balat nito, ang pagnanasang mag-iwan ng marka o
tanda ng isang tao ay maliwanag.
Habang iniisip ko ito, naalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki: “Huwag mong iukit
ang iyong alaala sa kahoy o pader, iukit mo sa puso ng bata.” Ang pagmamarka sa materyal na
bagay ay pag-aaksaya ng oras. Ito’y lilipas pagdating ng panahon. Ngunit nais ng isang ama na
mapag-iwan ng anumang magtatagal na alaala sa kabataang ipinagkaloob sa kaniya ng Pangino-
on, umukit siya ng ispiritwal na alaala.
37. Ano ang pahiwatig ng mensaheng may salungguhit?
a. Kukupas ang isang tanda o marking inukit sa puno o pader.
b. Mag-iwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang saw akas.
c. Mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno.
d. Hindi basta-basta nabubura sa puso ang isang alaala.
38. Ano ang layunin ng teksto?
a. naglalahad b. nagpapaliwanag c. nangangatuwiran d. nagkukuwento
39. Makapag-iiwan ng pangmatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng _____.
a. pag-iwan ng marka o tanda sa isang puno
b. pag-ukit ng ispiritwal na alaala
c. paggugol ng panahon sa mga bata
d. pag-iiwan ng alaalang larawan sa isang tao
40. Ano ang maaaring pamagat ng teksto?
a. Alaalang Inukit sa Puso c. Bato sa Ohio
b. Inukit na Alaala sa Puno d. Sa Paglipas ng Panahon…
D. PRODUKTO
Sumulat ng isang pormal na sanaysay na may pamagat na “Filipino: Wika ng Pagkakaisa”. Dapat hindi
bababa ng dalawang daang salita (200).
KAALAMAN 10
PROSESO 10
PAG-UNAWA 20
PRODUKTO 20