Ako si _____________, may sapat na taong gulang, at kasalukuyang
nakatira sa 105 Purok 1, San Ildefonso, Magalang, Pamgpangaa pagkatapos makapanumpa ng naaayon sa batas, ay malayang nagsasalaysay na:
1. Noong ika-30 ng Enero 2019, ako ay pumunta sa NBI ng
San Fernando, Pampanga upang kumuha ng NBI Clearance. Ang NBI Clearance na ito ay kailangan ko sa pag-apply sa trabaho.
2. Ako ay nagkaroon ng “hit” sa database ng NBI dahil
mayroon akong kapangalan na may mga kaso sa Branch 95 ng Regional Trial Court, Quezon City.
3. Upang makuha ko ang NBI Clearance, kailangan kong
makakuha ng Certification mula sa korte na hindi ako ang __________ na may kaso sa RTC QC Branch 95. Kaya’t noong ika-01 ng Pebrero 2019, ako’y agad agad na pumunta sa RTC QC Branch 95 upang makuha ang Certification na hinihingi ng NBI.
4. Nalaman ko na ang aking kapangalan ay may tatlong
kaso sa QC RTC Branch 95: R-QZN-18-03497; R-QZN-18-03498; at R-QZN-18-03500.
5. Nais ko pong sabihin at patotohanan na hindi ako ang
_________ na kabilang sa mga kasong nakasaad sa itaas. Sa aking pagkakaalam, wala pong kaso na naisampa laban sa akin.
6. Isinasagawa ko ang salaysay na ito upang patotohanan
ang lahat ng nakasaad sa itaas at para sa anupamang kadahilanang naaayon sa batas.
Sa ngayon, ay wala na akong nais pang sabihin.
Nagsasalaysay
SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-01 ng
Pebrero 2019 sa ____________________________ at ipinakita sa akin ng nagsasalaysay ang kanyang _________________________________________________ bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan.