Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 62

NEOLIBERAL NA OPENSIB A

NG IMPERYALISMO SA
EDUKASYON
Inilimbag ng Anakbayan, League of Filipino Students, Student
Christian Movement of the Philippines, National Union of Students
in the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, at
Kabataan Partylist.

Enero 2017
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

BALANGKAS

I. Introduksyon ..........................................................................................4
II. Partikular na kalagayan ng kabataan ...................................................6
III. Saligang oryentasyon at kasaysayan ng sistema ng edukasyon .... 10
A. Ano ang katangian ng sistemang panlipunan sa Pilipinas?
B. Ano ang oryentasyon ng edukasyon sa ilalim nito?
C. Paano ito pinatindi ng mga patakaran sa loob ng nakaraang
mga dekada?

IV. Ang neoliberal na opensiba sa edukasyon ..................................... 27


A. Ano ang neoliberalismo at neoliberal na edukasyon?
B. Ano ang layunin, nilalaman, at epekto nito?
1. Pahuhulma ng edukasyon para sa mura at maamong
lakas-paggawa
2. Pagpapatakbo sa mga pamantasan bilang malaking
negosyo
3. Panlilinlang at pasismo laban sa malaya't makabayang
kaisipan at pagkilos

V. Alternatiba at Kagyat na Panawagan .............................................. 60

3
Ano ang kinabukasang naghihintay para sa kabataan sa ilalim
ng kasalukuyang sistema?

Biktima ng matinding karalitaan at kahirapan ang mayorya ng


kabataan at kanilang mga pamilya dahil sa kawalan ng sariling
lupang sinasaka, kakulangan sa trabaho, papababang sahod, at
papataas na presyo ng bilihin at serbisyo. Dahil dito, marami sa
kabataan ang hindi makapag-aral, nakagapos sa
kamangmangan at kakarampot ang pinag-aralan.

Halos tatlong daang bilyong dolyar 1 ang halaga ng


pinagtatrabahuhan ng mamamayan sa mga bukirin, pabrika’t
opisina. Lumalaki ito sa bawat taon ngunit papaliit naman ang
halaga ng sahod at kinikita ng mga magsasaka’t manggagawa.
Habang tila walang katapusan ang kahirapan na nararanasan
ng mayorya, wala ring wakas ang paglaki ng yaman na inilalabas
sa bansa at kinakamkam ng iilang naghaharing uri.

Sa halip na tugunan ang kahirapan at tiyakin ang magandang


kinabukasan para sa mga kabataan, nakatuon ang estado sa
pagpapanatili ng malakolonyal at malapyudal na sistemang
panlipunan na dominado ng mga imperyalista, malaking
burgesya-kumprador, at panginoong may-lupa.

Itinataguyod ng estado ang edukasyong kolonyal,


komersyalisado, at pasista upang lumikha ng
mapagsasamantalahang lakas-paggawa, magpalaganap ng

1
World Bank on Philippine Gross Domestic Product, 2015 (291.97 Billion USD)
4
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

kolonyal na kaisipan, at linlangin ang mga mamamayan. Ang


mga patung-patong at pahirap na bayarin, lumalaking bilang ng
di nakakapag-aral, bulok na pasilidad, mababang kalidad ng
edukasyon ang mukha ng pagkabulok ng edukasyon sa ilalim ng
kasalukuyang sistemang panlipunan.

Lalo pang pinatitindi ang atake sa mamamayan at sektor ng


edukasyon habang nalulubog sa krisis ang pandaigdigang
sistemang kapitalista. Lahatang-panig ang opensiba ng
imperyalismo gamit ang patakarang neoliberal na globalisasyon
sa paniniwalang maisasalba nito ang sarili kung ibayong
pipigain ang tubo mula sa mamamayan ng atrasadong bansa.

Nagiging malinaw sa kabataan na walang mabuting


kinabukasan sa pagpapatuloy ng sistema. Higit na lumalalim
ang kagustuhan ng kabataan na maunawaan ang kanyang
kalagayan at ang ugat ng kawalang-pag-asa sa kasalukuyang
lipunan.

Interesado ito na kumilos at makibaka upang wakasan ang


bulok na sistemang panlipunan na nagdudulot ng pagkabulok
ng sistema ng edukasyon at itaguyod magandang kinabukasan
para sa bayan sa ilalim ng isang bagong lipunan.

5
Malaking bilang ng kabataan ang di nakakapag-aral,
nakagapos sa kamangmangan at kakarampot ang
pinag-aralan. Dahil sa matinding karalitaan at kahirapan,
hindi nila kayang tumbasan ang patung-patong at taun-taong
pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga paaralan at
pamantasan.

Ayon sa datos ng gobyero noong 20122, sa bawat 100 mag-aaral


na pumapasok ng Grade 1, aabot lamang sa 43 ang makakatapos
ng highschool. Sa bilang na ito, 23 lamang ang makakatuntong
ng kolehiyo habang 14 lamang ang makakapagtapos dito.

Sa kabuuan, may 12.3 milyong kabataan (32%) edad 6 hanggang


24 taong gulang ang di nakakapag-aral 3 . Nasa 4 na milyon 4
lamang ang nag-aaral sa kolehiyo mula sa 11 milyong edad 16-
215. Mataas na bayarin at pangangailangan upang maghanap-
buhay ang pangunahing dahilan ng pagtigil sa pag-aaral.

Biktima rin ng papabagsak na kalidad ng edukasyon


ang kabataang Pilipino. Pinatatakbo ang mayorya ng mga
paaralan bilang diploma mills. Pangunahing nakatuon ang mga
ito sa mabilisan at bultuhang paglikha ng semi-skilled, skilled,
at rank-and-file professionals na kinakailangan ng mga

2
Department of Education (DepEd), 2008.
3
FLEMMS 2008
4
Commission on Higher Education, 2016 (CHED Chair Licuanan press report)
5
Philippine Statistics Authority Population Projections
6
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

imperyalista at kapitalistang bansa. Ipinagkakait ang kaisipan


at kasanayan na kinakailangan ng mamamayan upang itaguyod
ang produktibo, malaya, at nakatitindig-sa-sariling ekonomiya
sa bansa.

Sadyang hindi maabot-abot ang istandard na kalidad sa


edukasyon na itinatakda ng gobyerno at imperyalistang
kapangyarihan upang bigyang-katuwiran ang panghihimasok
ng dayuhang pinansiyal na institusyon sa sistema ng edukasyon.

Kung pagbabatayan ang National Achievement Test (NAT) ng


gobyerno, 68.8% lamang ang karaniwang score sa Grade 6
habang 51.41% naman sa 4th year. Sa highschool, mababa pa sa
50% ang resulta ng pagsusulit sa Math, Science, at Critical
Thinking6

Kumpara sa ibang bansa, kulelat ang Pilipinas sa HS II Math


(rank 34 our of 38), HS II Science (43rd out of 46).7 Pinakahuli
naman sa 10 bansa ang Pilipinas sa Advanced Math Category
kahit mga science highschools lamang ang pinalahok noong
2008. Nasa 15 milyon ang walang basic at functional literacy sa
buong bansa.8

Matinding pagsasamantala ang hinaharap ng


kabataan dahil sa malalang disempleyo, papababang
sahod, kontraktuwalisasyon, at pagyurak ng
karapatang magwelga at mag-unyon.

6
DepEd NAT 2013
7
TIMSS 2003
8
FLEMMS 2008
7
Kalahati ng mga nagsisipagtapos na kabataan ang hindi
nakakakuha ng trabaho at dumadagdag sa lumulubong
disempleyo. Mga kabataan ang halos kalahati (48.2%) ng
walang trabaho sa bansa. Nasa 50% ng edad 15 hanggang 23
ang walang trabaho. 9 Sa pamamagitan nito, nalilikha ang
malaking reserbang hukbong paggawa na nagiging batayan
para sa tuluy-tuloy na pagpapababa ng sahod.

Hindi nakakapagtaka na umabot na sa 5,021 kada araw ang


napipilitang mangibang-bansa upang maghanap ng trabaho.10
Samantala, aabot naman sa 6 sa 10 manggagawa ang
kontraktuwal.

Pinagsamang panunupil at panlilinlang ang dinaranas


ng kabataan sa loob ng mga paaralan at lugar-trabaho.
Sa kabila ng matinding kahirapan at pagsasamantala, kinikitil
ang malayang pag-iisip, pag-oorganisa, at pagkilos upang gawin
silang kimi at sunud-sunuran. Bawal sumali sa organisasyon at
unyon, bawal tumutol at magreklamo, bawal sumuway sa
administrasyon at mga bisor, sumunod at manahimik lamang
sa lahat ng panahon.

Nagtutulung-tulungan ang burgis na edukasyon, mass midya,


batas, at iba pang institusyon upang ipalaganap ang kaisipang
sumasamba sa dayuhan at nagtitiis sa pagkaalipin. Inililigaw
naman ang mga paglaban mula sa landas ng rebolusyunaryong
pakikibaka tungo sa kompromiso at repormismo na dumudulo
sa pagkagapi.

9
Philippine Statistics Authority, 2014
10
Ibon Praymer, QC: Ibon Foundation, Hulyo 2016.
8
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Biktima rin sila ng bulok na kulturang burges-pyudal na


makikita sa paglaganap ng dekadenteng gawi at panunuot ng
konsumerismo, gadgetismo, indibidwalismo sa hanay ng
kabataan.

9
A. Ano ang katangian ng sistemang panlipunan
sa Pilipinas?

Malakolonyal at malapyudal ang naghaharing sistema


ngayon sa Pilipinas. Sa pulitika, bagamat idinedeklarang
“malaya” ang bansa, hindi maikakaila na nananatili ang papet
na estadong kontrolado ng imperyalistang U.S. Dominado
naman ang ekonomiya ng mga burgesya-komprador at
panginoong may-lupa na nagsisilbi rin sa interes ng
imperyalista.

Sa loob ng mahigit tatlong daang (300) taon, direktang


pinangasiwaan ng dayuhang kapangyarihang Espanyol ang
bansa. Napagtagumpayan ng mamamayang Pilipino ang
pakikibaka para sa kalayaan sa pamamagitan ng armadong
rebolusyon noong 1898. Subalit nanghimasok ang U.S. at
dinurog ang rebolusyunaryong gobyerno’t kilusan upang
humalinhin sa kolonyal na paghahari sa Pilipinas. Nagtagal ito
hanggang sa sakupin naman ng bansang Hapon ang buong
bayan noong 1942-1945.

Matapos na gapiin ng mamamayang Pilipino ang mananakop


na Hapon, iginawad ng U.S. ang huwad na kalayaan sa Pilipinas
noong 1946. Tiniyak ng U.S. na maitatatag ang gobyernong
pinamumunuan ng mga papet nitong pulitiko na nagmula sa
hanay ng malalaking burgesya kumprador at panginoong may-
10
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

lupa. Siniguro nito na nakapwesto pa rin ang kontrol nito sa


ekonomiya, armadong hukbo, mga instrumento ng panunupil,
reaksyunaryong batas, popular na kultura, at sistema ng
edukasyon.

Kinubabawan ng monopolyo kapitalismo ang atrasadong


pyudalismo. Nakipagsabwatan ang imperyalismong U.S. sa
lokal na naghaharing-uri upang pagsamantalahan ang
mamamayang Pilipino, laluna ang mga manggagawa at
magsasaka. Ginamit ng U.S. ang direktang pamumuhunan,
pagbubuwis, at pautang upang pabilisin ang palitan ng hilaw na
materyales mula sa Pilipinas at yaring produkto ng U.S.

Mula noon, sadyang pinanatili ng imperyalismong U.S. ang


pagiging atrasadong agrikultural at pre-industriyal ng bansa
upang gawing tambakan ng dayuhang puhunan at kalakal
habang pinagkukunan ng murang hilaw na materyales at lakas-
paggawa.

Ang malakolonyal at malapyudal na sistema sa ilalim ng


pandaigdigang monopolyo-kapitalismo ang nagbibigay ng
oryentasyon sa ekonomiya, pulitika, at pangunahing larangang
sosyal ng bansa.

B. Ano ang oryentasyon ng edukasyon sa ilalim ng


malakolonyal at malapyudal na lipunan?
Instrumento ang edukasyon sa paghuhubog ng isipan ng
mamamayan. Sa isang lipunang nahahati sa mga uri, ginagamit
ito ng naghahari-uri upang ipalaganap ang kaisipan, kagawian,
at pagpapahalaga na kinakailangan upang panatilihin ang
kanilang paghahari sa kaayusang panlipunan.
11
Malaki ang naging papel ng edukasyon sa mahigit tatlong daan-
taong paghahari ng mga Espanyol at sa sumunod na pag-agaw
ng U.S. sa ating kalayaan. Sa lahat ng mga kampanyang
pananakop at pasipikasyon, laging magkatuwang na ginagamit
ang armadong atakeng militar at opensibang kultural upang
pasukuin ang anumang anyo ng paglaban ng mamamayan.

Ang pagkatatag ng papet na Republika ng Pilipinas


noong 1946 ang hudyat ng pagiging malakolonyal at
malapyudal na lipunan. Ito ang nagbunsod ng isang
kolonyal, komersyalisado, at pasistang sistema ng
edukasyon.

Mas maraming kawani na may pormal na edukasyon ang


kailangan ng modernong imperyalismo kumpara sa lantay na
pandarambong ng lumang kolonyalismo. Kaya’t itinatag ng U.S.
at papet na gobyerno nito ang mas masaklaw na pampublikong
sistema ng edukasyon upang mabilisang lumikha ng mura,
maamo, at mapagsasamantalahang lakas-paggawa. Ito
ang pangunahing pinagkukunan ng ‘supertubo’ ng
pandaigdigang monopolyo kapitalismo.

Maliban sa malaking reserbang hukbo ng lakas-paggawa,


kinakailangan din nito na magsanay ng grupo ng mga lokal na
negosyante, propesyunal, burukrata, at mga empleyado na may
relatibong mataas na pinag-aralan upang maging katuwang
ng U.S. sa pagtatanggol at pagpapagana ng buong
malapyudal at malakolonyal na sistema.

Tulad ng pagkubabaw ng imperyalismo sa pyudal na ekonomiya,


kinubabawan din ng maka-imperyalistang edukasyon ang
pyudal at relihiyosong edukasyon sa mga pribadong paaralan.
12
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Sa pampublikong pamantasan, ipinalaganap bilang opisyal na


ideolohiya ang tipo ng liberalismo na konserbatibo at kontra-
rebolusyunaryo. Ipinanawagan ang “free market of ideas”
bilang katumbas ng “free market place of goods”. Binibigyan
ng peti-burges liberal na bihis ang mga kaisipan,
patakaran, at hakbang ng monopolyo-kapitalistang
U.S.

1. Kolonyal

Pangunahing katangian ng edukasyon ang pagiging kolonyal o


nagsisilbi sa interes ng dayuhan, partikular ng imperyalismong
U.S. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
ideolohiya, kaisipan, mga pag-aaral, at pananaliksik na
nagbibigay-katuwiran sa kanilang dominasyon at
pagsasamantala sa mamamayan.

Sa mga unibersidad at kolehiyo, ipinapalaganap ang burgis-


liberal na ideolohiya na nagtataguyod ng pananaw at
paninindigan ng burgesya at nagtatanggol sa imperyalismo’t
mga patakaran nito. Itinuturo ang superyoridad ng
Kanluraning mga bansa at hinuhulma ang kabataan na maging
pala-samba sa U.S. at iba pang kapitalistang bansa. Binubulag
din ang kabataan ng indibidwalismo, konserbatismo,
repormismo, pluralismo, at post-modernismo upang ilayo sa
landas ng makabayan at rebolusyunaryong paglaban.

Maliban sa ideolohikal na opensiba, makikita din ang kolonyal


na katangian ng edukasyon sa pangmalagiang paglilingkod nito
sa paglikha ng sanlaksang mura at maamong lakas-paggawa na
pakikinabangan ng malalaking dayuhang kumpanya at negosyo.
13
Mapapansing nakabatay ang mga pangunahing patakaran ng
gobyerno sa edukasyon sa mga rekomendasyon ng foreign
lending institutions gaya ng IMF, WB at ADB. Sistematiko ang
panghihimasok ng mga nasabing institusyon sa sektor ng
edukasyon sapagkat nakataya rin dito ang pang-ekonomiyang
interes ng mga dayuhang korporasyon.

2. Komersyalisado

Dulot ng oryentasyong kolonyal, pinagtitibay ang


komersyalisadong katangian ng edukasyon. Imbes na
karapatang ipinagkakaloob sa lahat, itinuturing ito na kalakal
na ipinagbibili sa presyong dikta ng merkado. Ginagawang
pribilehiyo ng iilan imbes na natatamasa ng lahat ng
mamamayan.

Naaayon ito sa kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sapagkat


para sa pangunahing kapakinabangan ng U.S. at naghaharing-
uri ang panatilihing nakagapos sa kamangmangan, katiting ang
pinag-aralan, o hindi nakapag-aral ang malaking bilang ng
kabataang Pilipino. Gayundin, malaking pinagkukunan ng tubo
ng mga lokal na burgesya ang mga eskuwelahang pinatatakbo
na tila negosyo at korporasyon.

Sadyang pinapabayaan ang mga pampublikong pamantasan,


hinahayaang bumaba ang kalidad, at pinatataaas ang mga
bayarin sapagkat sagka sa interes ng imperyalista at malalaking
negosyo ang pagkakaroon ng sistema ng pampublikong
edukasyon na nagkakaloob ng libre, makabayan, at de-kalidad
na edukasyon sa mamamayan.

3. Pasista
14
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Para pa rin sa interes na panatilihin ang paghahari ng


imperyalismong U.S. at lokal na naghaharing-uri kaya’t
isinasagawa ang pasistang panunupil sa kampus. Tinatanggalan
ng batayang pulitikal na karapatan ang mga estudyante at
pinatatakbong tila garison ang mga pamantasan at kolehiyo.
Sinusupil ang kanilang demokratikong karapatan at kalayaang
pang-akademiko.

Partikular na anyo ng pasismo sa kampus ang sumusunod:


pagbabawal sa estudyante na sumali sa protesta, pagbabawal na
magpropaganda, pagbabawal sa pagsali sa mga kapatiran at
progresibong organisasyon, pagkakait sa otonomiya ng mga
konseho, censorship sa mga publikasyon, pagtatakda ng
istandard ng pananamit at itsura, diskriminasyon sa mga LGBT,
at red-tagging.

Nariyan rin ang pagpasok, paniniktik, at pagkakampo ng militar


sa mga paaraalan. Ginagamit ang ROTC para bumuo ng Student
Intelligence Network (SIN) upang mag-intel sa mga aktibista,
progresibo, lider-estudyante, at mamamahayag sa kampus.

Pinagtitibay ang napakaraming bawal sa pamantasan upang


magpalaganap ng kulturang pasibo, kimi, sunud-sunuran, at
makasarili. Ine-engganyo din nito ang pyudal na relasyon sa
pagitan ng mga administrador, guro, at estudyante.

4. Krisis sa sistema ng edukasyon

Resulta ng kabuuang sistemang panlipunan ang krisis sa


sistema ng edukasyon. Dahil sa pananatili ng paghahari at

15
dominasyon ng U.S. sa bansa, tumatagos din ang kontrol nito
sa ating ekonomiya, pulitika, at pangunahing larangang sosyal.

Kusang hinulma ang edukasyon para panatilihin ang pagiging


atrasado ng agrikultura at pre-industriyal ng produksyon.
Pinapalakas nito ang pagiging dependyente ng bansa sa
ekonomiya ng U.S. Ito ang dahilan kung bakit maliitan na nga
ang pagsasanay ng mga propesyunal, nakatuon pa itong
magsisilbi sa dayuhang negosyo at hindi sa pambansang
industriyalisasyon.

Wala rin sa direksyong mag-ambag ang sistema ng edukasyon


sa paglutas ng pangunahing dahilan ng karalitaan ng mayorya
ng mamamayang Pilipino. Hindi ito nakatuon sa pag-aaral at
pagpapatupad ng tunay at malawakang repormang agraryo na
magwawakas sa monopolyo sa lupa, magtitiyak ng sariling
lupang sinasaka, at magpapaalwan ng kabuhayan ng mayorya
ng Pilipino na nasa kanayunan.

Susi din ang ginagampanan ng kolonyal, komersyalisado, at


pasistang sistema ng edukasyon upang bigyang-katuwiran,
gawing lehitimo, at pagtakpan ang sistema ng pang-aapi at
pagsasamantala sa mamamayan.

Sistematikong ipinapatanggap sa mamamayan ang


kasalukuyang kalagayang mapang-api at mapagsamantala
upang disarmahan sila na lumaban at maghangad ng
pagbabago. Gumagampan ng papel ang edukasyon sa burgis at
makadayuhang dominasyon ng kaisipan, kaugalian, at emosyon
ng buong sambayanan.

16
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

C. Paano ito hinulma sa loob ng nakaraang mga


dekada?

Sapol ng imperyalismong US at lokal na naghaharing-uri ang


papel ng sistema ng edukasyon sa pagtatanggol at pagpapa-
iral ng kanilang paghaharing malakolonyal at
malapyudal. Ito ang huhulma sa mga patakaran sa edukasyon
ng mga sumunod na papet na rehimen.

Kaya noong panahon ng kolonyalistang Amerikano, itinayo ang


mga pangunahing pamantasan kagaya ng Philippine Normal
School (PNU) noong 1901, Philippine Business School (PUP)
noong 1904, at Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1908
upang tiyakin na taglay ng mga guro, burukrata, at
teknokratang Pilipino ang makadayuhan at burgis-liberal na
kaisipan. Mahalagang kasangkapan ito sa pagpapanatili ng
malakolonyal na paghahari ng U.S. sa bansa.

Nang igawad ang huwad na kalayaan sa Pilipinas noong 1946,


tuluy-tuloy na pinatakbo ng U.S. ang sistema ng edukasyon.
Sinanay nito ang unang mga faculty at personnel ng mga
pamantasan katuwang ang International Cooperation Agency
(o USAID). Namigay ng grants at scholarships ang mga
foundations tulad ng Ford, Luce, Rockefeller, at Fulbright para
sa mga sinasanay na dekano, administrador, burukrata, at
teknokrata ng papet na gobyerno.

Sang-ayon sa patakarang Cold War, ginamit ang mga


pamantasan laluna ang U.P. upang maging “American conduit
of anti-communist propaganda” o daluyan ng anti-
komunistang propaganda ng U.S.

17
Nagsimula ang mga ligalig ng anti-imperyalistang pagkilos sa
UP noong 1950s upang ipagtanggol ang academic freedom
laban sa anti-communist withchunt ng Commission on Anti-
Filipino Activities (CAFA) at Anti-subversion Law. Nabuo ang
study circles ng Student Cultural Association of UP (SCAUP)
noong 1959 upang tunggaliin ang maka-imperyalistang
katangian ng edukasyon sa UP at makapagbuo ng isang
“progresibong paaralan sa loob ng reaksyunaryong
unibersidad”.

Nang lumakas ang “Kaliwa” sa UP sa maagang bahagi ng 1960s,


sinunod ng reaksyunaryong gobyerno ang tulak ng U.S. na
hirangin si Carlos P. Romulo bilang Presidente ng U.P. Ginamit
ni Romulo ang Ford at Rockefeller foundation grants para
palalimin ang impluwensya ng U.S. sa curriculum ng
pamantasan.

Sa mga sumunod na taon, inilarga sa pamamagitan ng


pagpopondo at pautang ng World Bank ang pinakamalalaking
interbensyon ng imperyalismong U.S. sa sistema ng edukasyon
sa Pilipinas.

18
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Mayor na Interbensyong Imperyalista


sa Sistema ng Edukasyon
Rehimen Patakaran sa Edukasyon
MARCOS Philippine Commission to Survey Education
(1970s to (PCSE), E.O. 202, 1969
early 1986) - National College Entrance Exam
- National Manpower Youth Council
(TESDA ngayon)

Education Development Decree, P.D. 60-A, 1972


- EDPITAF

Foreign Borrowing Act, RA. 6142, 1972

Education Act of 1982, B.P. 232

AQUINO I Socialized Tuition and Financial Assistance


(1986-1992) Program (STFAP), 1989

Government Assistance to Students and Teachers


in Private Education (GASTPE), R.A. 6728, 1989

Education Commission (EDCOM) Report of 1991


RAMOS Education 2000 (ratipikasyon ng GATT WTO,
(1992-1998) 1994)

Higher Education Modernization Act of 1997

ESTRADA Philippine Education Sector Study, World Bank &


(1998-2001) ADB, 1998

Philippine Commission on Education Reform


propositions:

19
ARROYO Long-Term Higher Education Development Plan
(2001-2010) (2001-2010)

Revised Basic Education Curriculum or


Makabayan curriculum, 2002

Strenghten English as Medium of Instruction,


E.O. 210, 2003
AQUINO II K-12 Program, 2012
(2010-2016)
Internationalization of Higher Education

CMO 3

Rehimeng Marcos

1969: Binuo ang Presidential Commission to Survey Philippine


Education (PCSPE) sa bisa ng E.O No. 202 ni Marcos. Direktang
sinabi ng komisyon na kinakailangan ng mga pagbabago sa
sistema ng edukasyon upang magsuplay ng hinihinging
manpower (trainable at mobile assembly line ng mga semi-
skilled na manggagawa, farmhand, at craftsmen) ng mga
multinasyunal at transnasyunal na mga kumpanya. Tugma ito
sa panahon ng pagdagsa ng mga dayuhang empresa sa export
processing zones na binuksan ni Marcos sa tulak ng U.S.

Sinimulan na ring ipatupad ang National College Entrance


Examination (NCEE) upang salain ang estudyanteng didiretso
ng kolehiyo at kukuha ng bokasyunal na kurso. Itinayo din ang
National Manpower Youth Council (TESDA ngayon).

20
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

1972: Education Development Decree sa bisa ng P.D. No. 6-A.


Binuo nito ang Educational Development Projects
Implementing Task Force (EDPITAF) para sa pagpapatupad ng
isang Ten-Year Educational Development Plan upang itulak ang
mga repormang iminungkahi ng PCSPE.

Upang palitawin ang P500 M na kinakailangang pondo para rito,


inamyendahan din nito ang RA 6142 o Foreign Borrowing Act
upang pahintulutan ang mas malawak na pag-utang mula sa
dayuhang entidad para sa proyekto sa sektor ng edukasyon.

Ipinautang ng World Bank ang pondong kinakailangan kapalit


ng pagpapatupad ng bagong kurikulum na nakatuon sa mga
kursong teknikal at bokasyunal para sa lakas-paggawa na
kinakailangan ng mga dayuhang mamumuhunan at kanilang
katuwang na lokal na malalaking negosyante. Sa pagpapatupad
ng New Elementary School Curriculum (NESC) of 1983 at New
Secondary Education Curriculum (NSEC) noong 1989, mga
librong aprubado at pinondohan ng WB din ang ginamit.

1982: Ipinasa ng Kongreso ang Education Act of 1982, B.P. 232


na nagbigay pahintulot sa malayang pagtataas ng matrikula at
iba pang bayarin. Ito ang naglatag ng deregulasyon sa
edukasyon sang-ayon sa neoliberal na agenda ng
imperyalismong U.S.

Rehimeng Aquino I

Sa ilalim ng rehimen ni Cory Aquino, ipinalaganap ang islogan


ng liberalisasyon sa kalakalan na naging hudyat ng pagsisimula
ng malawakang pagpapatupad ng “neoliberal na globalisasyon”
21
na idinikta ng U.S. Nagkaroon ito ng katumbas na patakaran na
“neoliberal na edukasyon”.

Nauna nang ipinasa ni Marcos ang Education Act of 1982 upang


ganap na magbigay-laya sa pagtataas ng matrikula at iba pang
bayarin nang walang kontrol ng gobyerno. Ito ang nagbunsod
ng walang katumbas na paglobo sa halaga ng mga bayarin ng
mag-aaral simula 1980.

Sa ilalim ni Cory Aquino, pinatindi ang komodipikasyon ng


edukasyon sa pamamagitan ng pagtutulak ng komersyalisasyon
at pribatisasyon ng mga paaralan. Pinahintulutan ang pagtataas
ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribado at
pampublikong pamantasan. Binawasan ang badyet para sa mga
pampublikong pamantasan upang itulak ang pagtataas ng
matrikula at palakihin ang puwang para sa panghihimasok ng
World Bank, pinansiyal na institusyon at mga negosyo.

1987: Binuo ang Task Force to Study the State of Higher


Education, kinutya ang mga pagkuha ng mga SUCs ng halos 90%
ng kanilang pondo mula sa gobyerno. Iminungkahi nito na
ipatupad ang diskriminasyon sa pagbigay ng subsidyo sa mga
estudyante upang maging cost-efficient ang mga SUC. Ayon pa
sa report, “all students except for those qualifying on the basis
of need, merit and priority area are to pay fully for their
education.” 11 Mula rito, ipinatupad sa U.P. noong 1989 ang
Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP,
STS ngayon) na nagtaas ng matrikula mula P40 tungo P200
kada yunit.

11
Task Force to Study State Higher Education. “Report on the Panel on Financing State Higher
Education.” Ministry of Education, Culture and Sports. Philippines. 1987.
22
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Itinaas ang matrikula sa mga SUCs upang lubusin ang


deregulasyon sa sistema ng edukasyon. Mahalaga sana ang
papel ng SUCs upang pigilan ang todo-todong pagtataas ng
matrikula ng mga pribadong paaralan kung mura o libre at
dekalidad ang edukasyon dito.

1989: Habang kinakaltasan ng pondo ang SUCs, binigyan


naman ng ayuda ang mga pribadong paaralan sa pamamagitan
ng RA 6728 o Government Assistance to Students and Teachers
in Private Education (GASTPE). Nagdahilan ang gobyerno na
hindi kayang tugunan ng mga pampublikong pamantasan ang
mga pandaigdigang istandard at kurikulum sa kursong
engineering at iba pang teknikal na kurso kaya’t ipauubaya na
lamang ito sa pribado at bibigyan sila ng ayuda mula sa mga
pinansyal na institusyon.

1991: Ipinasa ng binuong Education Commission (EDCOM) ng


Kongreso ang kanilang report na nagsulong ng parehong
rekomendasyon sa PCSPE. Gayunpaman, idinagdag nito
rekomendasyon ng pag-reistruktura tungong tri-focalization
(Basic ed, tertiary ed, technical-vocational ed).

Rehimeng Ramos

Binuo ng rehimen ni Fidel Ramos ang programang Education


2000 sang-ayon sa niratipikang kasunduang GATT-WTO na
itinulak ng World Bank. Hinulma ang sistema ng edukasyon
upang lumikha ng lakas-paggawa na “globally competitive” at
madaling ipatapon saanman may pangangailangan ang
dayuhang korporasyon at malalaking negosyo. Isinulong din

23
ang pagbabawas ng badyet para sa SUCs at paglalaan ng mas
malaking pondo para sa pagbabayad-utang.

1997: Sa bisa din ng Educ Act, ipinasa ang Higher Education


Modernization Act (HEMA) na nagbukas ng SUCs sa
malawakang pribatisasyon at komersyalisasyon. Layunin
nitong patakbuhin ang mga pampublikong pamantasan na
parang malaking negosyo sa pamamagitan ng pagtutulak na
maging “self-sustaining” o magkamal ng kita at pagbabawas ng
subsidyo para rito.

Kung kaya’t binigyan nito ng laya ang Board of Regents (BOR)


ng mga pampublikong pamantasan na itakda ang halaga ng
sisingiling matrikula at iba pang bayarin. Binigyan din ito ng
kapangyarihang pumasok sa mga joint ventures sa pribadong
negosyo tulad ng pagpapagamit ng lupa at ari-arian para sa
dagdag na kita.

Rehimeng Estrada

1998: Muling itinulak ng WB katuwang ang ADB ang


pagbabago ng kurikulum sa pamamagitan ng Philippine
Education Sector Study (PESS). Bukod sa pagtulak sa
pribatisasyon ng mga SUC at pagsiguro ng kita ng pribadong
negosyo, muling idiniin ng pag-aaral ang pagtutok sa mga
araling teknikal na maglilinang ng hinihinging kasanayan sa
mga korporasyong dayuhan, at pagbabawas naman ng mga
araling panlipunang tinukoy na nakapagpapasikip sa
kurikulum (“overcrowded curriculum”) ng mga paaralan.
Tinarget din na bawasan ang bilang ng SUCs mula 110 tungo sa
12-15 na lamang pagdating ng 2008.

24
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Noong 1999, itinulak ng IMF-WB ang Washington Concensus


at Bologna Accord na naglatag ng mga global standards upang
lalong paglingkurin ang edukasyon sa mga multinasyunal na
korporasyon. Itinulak nito ang “reporma” sa edukasyon sa iba’t
ibang bansa sang-ayon sa neoliberal na agenda. Matapos din
nito, naglipana ang mga pribadong accreditation firms.

2000: Binuo din ni Estrada ang Philippine Commission on


Education Reform (PCER) na naglabas ng Philippine Agenda
for Educational Reforms na may direktiba na higit na ibaba at
irasyunalisa ang badyet sa pampublikong edukasyon, itaas ang
matrikula, at magpatupad ng socialized tuition scheme, buksan
sa komersiyal na paggamit ng pribadong sektor upang
magpalitaw ng pondo. Inirekomenda din nito ang pagkakaroon
ng isang taon na “bridge program” sa pagitan ng hayskul at
kolehiyo.

Rehimeng Arroyo

2001: Pagtitibayin at ipapartikularisa ni Gloria Arroyo ang mga


rekomendasyon ng WB at ADB sa PESS at PCER sa pagbubuo
ng Long-Term at Medium-Term Education Development Plan
(2001-2010). Kabilang sa kanyang isinulong ang:

 Pagbabawas ng 20% sa kabuuang bilang ng mga SUCs;


 Pagtransporma sa 20% ng SUCs patungong semi-
corporatized entities;
 Pag-asa-sa-sarili ng 20% ng SUCs sa pamamagitan ng
paglikha ng pondo mula sa pagbebenta ng intellectual
products at grants;

25
 Pag-aatas sa 50% ng SUCs nga maglunsad ng mga active
income generating projects;
 Paniningil ng matrikulang kapantay sa mga pribadong
paaralan sa 70% ng SUCs at;
 Pagpasok ng 60% ng SUCs sa mga kontrata kasama ang
malalaking negosyante.

2002: Ipinatupad din ni Arroyo ang Revised Basic Education


Curriculum (RBEC) o Millenium Curriculum. Inisponsor ng WB
at ADB ang repormang na nagsusulong ng mas matagal na pag-
aaral ng English, Science, at Math bilang mahahalagang
asignatura para sa “globally competitive education”.
Pinagsama-sama sa isang subject na “Makabayan” ang pag-
aaral ng Sining at Kultura, Araling Panlipunan, at Physical
Education.

2003: Sa bisa din ng Executive Order 210, itinulak ang


pagpapalakas ng English as Medium of Instruction in the
Educational System.12

2004: Isinulong ang rekomendasyong “Bridge Program”


ngunit nilabanan at binigo ng mga nagprotestang estudyante at
mamamayan

12
Abad, Melania. “Neoliberalistang Pagpaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at
Episyenteng Pagpapahayag”. Sa Mula Tore Patungong Palengke.
26
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

A. Ano ang neoliberalismo at neoliberal na


edukasyon?

Nang pumutok ang pandaigdigang krisis sa sistemang


kapitalista noong dekada 70, pinalabas ng mga gobyerno ng
pangunahing imperyalistang bansa na ibinunsod ito ng mataas
na sahod at malaking pampublikong subdisyo sa serbisyong
panlipunan.

Kasunod nilang ipinalaganap ang pananaw na dapat bigyang-


laya ang mga kapitalista na itakad ang halaga ng sahod at
palakihin ang tubo upang pasiglahin ang produksyon at
ekonomiya.

Pinangunahan nina Ronald Reagan (U.S.), Margaret Thatcher


(Britain), at Augusto Pinochet (Chile) ang pagpapalaganap ng
neoliberalismo at pagtutulak ng patakarang neoliberal
globalization.

Sa pamamagitan ng mga internasyunal na institusyon tulad ng


International Monetary Fund, World Bank, at World Trade
Agreement, itinaguyod ang sumusunod na mga patakarang
neoliberal sa pandaigdigang saklaw:

27
 Deregulasyon – ang pag-alis ng regulasyon sa
ekonomya upang mabigyan ng mas malaking tubo ang
mga kapitalista;

 Pribatisasyon – ang pagpapaubaya ng industrya o


serbisyo mula sa kamay ng publiko sa pribadong
negosyo;

 Liberalisasyon – ang pagtanggal ng lahat ng mga


balakid para makalabas-masok ang kapital at lakas
paggawa; at

 Denasyunalisasyon – ang paglilipat ng kontrol ng


mga bahagi ng pambansang ekonomya sa dayuhang
monopolyo kapital.

Binihisan ang neoliberal na patakaran bilang mga repormang


bago at progresibo. Sang-ayon sa burges-liberal na appeal,
tinawag na “income-generating project” ang kumersyalisasyon,
“pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholder” imbes na
pribitisasyon, at “awtonomiyang piskal” imbes na pag-
abandona ng estado sa pampublikong pamantasan.

Pero sa kaibuturan, matinding atake at pagsasamantala ang


hatid nito sa manggagawa at mamamayan ng buong daigdig.
Tinanggal ang regulasyon sa monopolyo kapital habang
inaatake sahod, disenteng trabaho, pag-uunyon, at serbisyong
sosyal. Ibayong ipinalaganap ang kontraktwalisasyon na
umatake sa seguridad sa trabaho. Mabilisan ding inaayon ang
bilang ng manggagawa, kanilang oras ng pagtatrabaho, gawaing
ginagampanan, at halaga ng sahod sa pangangailangan ng

28
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

malaking kumpanya at kalagayan ng pamilihan sa ilalim ng


“labor flexibilization”.

Ipinataw ang mga patakarang neoliberal sa pamamagitan ng


mga di-pantay na kasunduan at Structural Adjustment
Programs (SAP) ng World Bank. Itinulak ang mga gobyerno,
laluna ng mahihirap na bansa, na magpatupad ng mga
patakarang higit na tutugon sa interes ng paghuthot ng mas
malaking tubo, paglikha ng mura at supil na lakas paggawa at
pag-atake sa mga karapatan ng mamamayan. Gamit ang
kapangyarihan ng estado, naisakatuparan nila na buwagin ang
anumang hadlang sa ibayong paglago ng monopolyo kapital.

Nagresulta ito sa tinatawag na “race to the bottom” kung saan


nagkumpetisyon ang mga gobyerno ng mahihirap na bansa sa
pababaan ng sahod at bagsik ng pag-atake sa karapatan ng
manggagawa upang mas maging kaayaaya sa dayuhang
pamumuhunan.

Neoliberalismo sa Edukasyon

Sa ngalan ng “malayang pamilihan”, binawi ang mga karapatan


at serbisyong panlipunan na naipagwagi ng kolektibong
pakikibaka ng mamamayan. Itinuring ang edukasyon bilang
kalakal imbes na karapatan. Pinatakbo bilang negosyo at
pagawaan ng murang lakas-paggawa ang mga paaralan upang
umayon sa pangangailangan ng pagkakamal ng kita.

Nangangahulugan ang neoliberalismo ng higit na pagpapatibay


ng oryentasyon ng edukasyon para sa pagsuplay ng murang
lakas-paggawa sa pandaigdigang pamilihan, pagpapalaki ng
29
kita at tubo ng kapitalista, pagbabawas ng subsidyo ng gobyerno,
panlilinlang, panunupil, at iba pang ideolohikal na opensiba
upang supilin ang malaya, makabayan, at kritikal na kaisipan sa
kabataan.

B. Ano ang layunin, nilalaman, at epekto ng


neoliberal na patakaran sa edukasyon?

1. Paghuhulma ng edukasyon para sa mura,


maamo at mapagsasamantalahang lakas-paggawa

Ginawang kasangkapan ang sistema ng edukasyon upang


mag-suplay ng pangangailangan ng imperyalismo para sa
mura at maamong lakas-paggawa.

Sa ilalim ng sunud-sunod na mga rehimen, masugid na


ipinatupad at isinulong ang pagre-reistruktura ng edukasyon
bilang lukratibong larangan para sa interes ng supertubo at
kita ng pribadong negosyo. Sang-ayon ito sa mga
rekomendasyon ng mga dayuhang institusyon na kontrolado
ng U.S. gaya ng IMF-WB, ASEAN, APEC, at iba pa.

Mula sa mga bagong kurikulum at labor export ni Marcos,


“education reforms” ni Corazon Aquino, Education 2000 ni
Ramos, Millenium Curriculum ni Arroyo, hindi lumihis ang
mga rehimen sa tunguhin na maghulma ng sunud-sunod na
henerasyon ng kabataan na magsisilbing malalim na balon ng
murang lakas-paggawa ng pandaigdigang sistemang
kapitalista.

30
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Taliwas sa pangakong solusyunan ang krisis sa edukasyon,


lalo pa itong patitindihin ni Noynoy Aquino sa pagpapatupad
ng drastikong pagre-reistruktura sa sistema ng edukasyon.
Dalawa ang mayor na patakarang nilalaman nito: ang K+12
program sa basic education at Internationalization
sa higher education.

Layunin ng mga hungkag na mga “reporma” na ito ang


pagkambyo't paghulma ng lahat ng aspeto ng edukasyon
upang pabilisin ang pagsusuplay na semi-skilled at skilled
laborers na kailangan ng pandaigdigang kapitalismo.
Pinapalawak din nito ang pagpasok ng pribadong negosyo sa
edukasyon at higit na komersyalisasyon.

1.1. K+12 Program

Ginamit ni Aquino ang katuwirang tanging ang Angola at


Djibouti na lamang ang mga bansang may 10-taong
kurikulum sa basic education. Panahon na diumano para
maging “globally competitive” ang edukasyon sa bansa.
Sinunod nito ang Washington Consensus at Bologna Accord
na nagtatakda na kinakailangang tapos ng 12-taong basic
education bago kilalanin ang mga propesyunal na nais mag-
aral o magsa-praktika nito sa U.S. at Europa.

Isa din ang K12 sa mga rekisito na “reporma” ng ASEAN


integration upang ibaba ang halaga ng sahod, pasiglahin ang
export ng manggagawa at magtakda ng istandard sa
edukasyon para sa cross-border na pag-empleyo sa loob ng
Timog-Silangang Asya. Inirekomenda ito ng ASEAN Mutual
Recognition Arrangement Projects at ng Southeast Asian
31
Ministers of Education Organization Regional Center for
Educational Innovation and Technology (SEAMEO
INNOTECH). Inako ng SEAMEO INNOTECH ang
pagpopondo sa paglikha ng mga babasahin upang tulungan
ang DepEd sa pagpapatupad nito.13

Sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon sa hayskul o


Senior High School (SHS) Program, di na kinakailangang
mag-kolehiyo ng mga kabataan pagkat buo na ang rekisito sa
edad at batayang kasanayan upang mag-trabaho. Pagkatapos
ng SHS, 18 taong gulang na sila at tapos na ng vocational at
technical na kurso tulad ng baking, welding, cosmetics,
housekeeping, carpentry, plumbing, at iba pang kasanayang
“in-demand” sa pandaigdigang merkado.

Mga In-Demand Skills sa Labas ng Bansa at mga


Technical-Vocational Kurso Ng K-1214
OFW
In-Demand na TVL Course sa ilalim
Destination
skills/Trabaho ng K12
Country
Saudi Arabia,
United Arab
Housekeeping,
Domestic helper Emirates,
Household Services
Malaysia,
Hong Kong
United States,
Saudi Arabia,
Shielded metal, Arc
Welder Australia,
welding
United
Kingdom

13
SEAMEO INNOTECH at DepEd. K to 12 Toolkit: Resource Guide for Teacher Educators,
School Administrators and Teachers (Quezon City: SEAMEO INNOTECH, 2012).
14
Tucay, Marjohara. “K-12: Who benefits, who losses?” Sa Philippine Daily Inquirer, Hunyo
7, 2015.

32
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Saudi Araba,
United Arab
Plumber Plumbing
Emirates,
Australia
Tailor/dressmaker Saudi Arabia Tailoring/dressmaking
Saudi Arabia,
Canada,
United Arab
Cook Emirates, Cookery
Australia,
United
Kingdom
Butcher Canada Slaughtering operations

1.2. Internationalization of Higher Education

Sa ganitong balangkas din ipinapatupad ang mga pagbabago


sa kurikulum ng mga kolehiyo at pamantasan sa tulak ng
internasyunalisasyon ng tersyaryong edukasyon. Nauna nang
itinakda ang direksyong ito sa mga kasunduang pinasok ng
gobyerno tulad ng General Agreement on Trades in Services-
World Trade Organization (GATS-WTO) at ASEAN
Integration.

Bahagi ng “reporma” na itinutulak ng dayuhang institusyon


ang pagrebisa sa kurikulum, kurso, paraan ng pagtuturo, at
materyales sa tersyaryong edukasyon upang sumunod sa
istandard na itinakda ng mga kasunduan sa Bologna at
Washington. Itinutulak din nito ang pagbabawas ng mga
kurso at programa upang magkonsentra at mapabilis ang
paglikha ng mga skilled workers at propesyunal na kailangan
at kapaki-pakinabang para sa mga kapitalistang bansa.
33
Sa Road Map for Higher Education Reform ni Aquino,
itinulak ang rasyunalisasyon ng mga programa at kurso ng
SUCs. Pagsasama-samahin ang iba’t ibang SUCs upang
bumuo ng mga regional university systems na may partikular
lamang na ispesyalisasyon na umaayon sa dikta ng
pandaigdigang demand. (cite example)

Pinangunahan na ng U.P. System ang pagdidisenyo ng


rasyunalisasyon sa saklaw nito sa pamamagitan ng
pagtatakda ng ‘niches’ ng bawat yunit nito. Ire-rebisa o
tatanggalin na ng tuluyan ang mga kurso o program na hindi
naka-align dito.

CU Niches
UP Diliman Natural and computational sciences,
engineering, arts, humanities, letters,
and law
UP Manila Medicine/Health Sciences
UP Los Banos Agriculture, Forestry, Rural
community development, and
natural resources
UP Visayas Fisheries and aquatic/ocean sciences
UP Baguio Environment and indigeneous
culture of the Mountain Provinces
UP Cebu Industrial design and IT
UP Open University Open learning and distance
education

Bahagi rin ng reporma para sa internasyunalisasyon ang


direktibang ng CHED Memo No. 20 na magkaltas ng bilang
ng General Education (GE) courses tungong 21-36 units. Nais

34
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

nitong pabilisin ang pagsusuplay ng mga propesyunal na


nakatutugon sa standard skills na idinidikta ng mga
transnasyunal na korporasyon. Tuwiran nitong
pinaglilingkuran ang mga dayuhang kumpanya na hindi
naman nangangailangan ng mga empleyadong bihasa sa
kasaysayan, wika, at kultura ng bansa.

Sa internasyunalisasyon, nire-reorganisa at nire-reistruktura


ang higher education upang tumugon sa demand sa
propesyunal at skilled laborers ng pandaigdigang monopolyo
kapital. Tinatanggal ang papel ng edukasyon para sa
pagpapaunlad ng nakatitindig-sa-sariling ekonomiya ng mga
bansa. Binabawasan ang pag-aaral ng kasaysayan, panitikan,
wikang Pilipino, arte at sining, pilosopiya, araling panlipunan,
mga Humanidades, atbp. Higit ding pinapalaganap ang Ingles
bilang midyum ng instruksyon at komunikasyon.

Sa gayon, tutulong ang K-12 at internationalization sa


paglikha ng napakalaking na bilang ng mga manggagawang
mag-aagawan sa kakaunting trabahong kayang likhain ng
lokal na ekonomiyang naka-asa sa mga empresang dayuhan.
Ang malaking bilang na ito ng mga naghahangad ng trabaho
ang siya namang magbibigay ng kundisyon sa higit pang
pagpapababa sa sahod. Handa ring ibugaw ng pamahalaan sa
pagpapa-alipin sa ibang bansa ang malaking bilang ng
desperado sa trabaho lalo na’t lumalaki ang pangangailangan
ngayon para sa pinakamurang lakas-paggawa bunsod ng
matinding krisis sa pandaigdigang kapitalismo.

35
2. Pagpapatakbo sa mga pamantasan bilang malaking
negosyo

2.1. Walang tigil na pagtataas ng matrikula

Pinahintulutan ng pagkakapasa ng Education Act of 1982 ang


neoliberal na patakaran ng deregulasyon at pribatisasyon sa
sektor ng edukasyon.

Malinaw ang layunin nitong palakihin ang kita at tubo ng mga


kapitalista sa pamamagitan ng pagtatanggal ng regulasyon at
iba pang hadlang sa pagtataas ng matrikula at pagpapataw ng
samu’t saring bayarin. Nagresulta ang deregulasyon sa
matrikula ng 5,000-7,000% pagtaas sa halaga ng matrikula sa
mga pribadong eskuwelahan. Mula sa dating P700-P2,600
kada semestre noong 1982, umabot na ito sa P40,000-
P80,000 nitong 2015.

Pagtaas ng kabuuang halaga ng bayarin sa ilang pribadong


paaralan simula 1982 hanggang 2016
82-8315 87-8816 00-0117 10-1118 15-1619
UE 725.50 1,083.00 38,595.00 41,589.00
FEU 808.00 1,040.00 11,000.00 41,587.00 67,250.00
UST 766.45 1,348.00 44,474.00 51,074.00
DLSU 1,902.85 3,140.00 23,400.00 66,000.00 74,874.00
ADMU 2,609.00 7,118.00 72,351.00 89,120.40

15
Riel, T. 1987. A comparative analysis of the tuition fees of selected tertiary schools in Metro
Manila from SY 1980-1988
16
Riel, T. Ibid.
17
Caparas, C. 2005. An analysis of the post-secondary education sector in the National Capital
Region : relevance of tuition fee increases to enrollment
18
Respective University websites
19
Respective University websites
36
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Itinulak rin ang mga SUCs na magtaas ng matrikula at iba


pang bayarin upang pahintulutan ang deregulasyon sa buong
sektor. Ipinalaganap ang kampanyang “magbayad ang kayang
magbayad at bigyan lamang ng subsidyo ang walang
kakayanan”, na nagresulta sa todong paniningil at pagpiga sa
lahat ng iskolar ng bayan.

Ipinatupad ang ‘socialized tuition’ na nagtaas ng matrikula sa


UP ng 12,000%, mula P40 kada yunit noong 1989 tungo sa
kasalukuyang P1,500/unit.

Pagtaas ng matrikula sa UP Diliman simula 1982 hanggang 201620


Taon 82- 84- 85- 86- 89-90 92-93 07-08 13-14
83 85 86 87
/uni 15.13 23.0 28.0 40.0 200.0 300.0 1,000.0 1,500.0
t 0 0 0 0 0 0 0
18un 272. 414. 504. 720. 3,600. 5,400. 18,000. 27,000.
it 34 00 00 00 00 00 00 00

Unti-unti rin na ipinatupad ang mga “sosyalisadong” iskema


ng paniningil ng matrikula sa iba’t ibang mga SUC sa buong
bansa, kabilang dito ang West Visayas State University
(WVSU) sa Iloilo, Bicol University sa Legazpi, at iba pa. Ilang
beses din itong sinikap na ipatupad sa PUP ngunit palagiang
sinasalubong ng maiigting na protesta mula sa mga
estudyante.

2.2. Pagdami at paglaki ng other school fees

Bukod sa pagsirit ng halaga ng matrikula, nagdulot ang


patakaran ng deregulasyon ng walang katapusang paniningil

20
Riel, T. Ibid.
37
ng mga samu’t saring mga bayarin. Simula 1982, kapansin-
pansin ang pagdami at paglaki ng ipinapataw na napakamahal,
paulit-ulit, at kahina-hinalang other school fees (OSF). Sa
kasalukuyan, hindi bababa sa P30,000 kada semestre ang
dagdag-singil na ito.

Kung babalikan ang pakahulugan ng CHED sa “tuition”,


malinaw na sinasaklaw na nito ang lahat ng gastusin na
kinakailangan para sa pag-aaral ng estudyante (halimbawa,
sweldo ng guro, library, serbisyong medical at dental,
paggamit ng laboratory, kuryente at tubig, atbp).
Samakatuwid, tatlong bayarin lamang ang maaaring singilin
bilang miscellaneous fee, ito ang student publication fee,
student council/government fee, at ang ID fee.

Ngunit ginagamit ang paniningil ng iba pang fees upang mas


mabilis na ilusot ang papalaking panghuhuthot ng kita mula
sa mga estudyante. Mula sa kakaunting other school fees
noong 1980, samu’t sari at iba’t ibang tipo na ng bayarin ang
sinisingil ngayon ng mga pamantasan. Makikita ito sa kaso ng
University of Santo Tomas (UST) at iba pang pamantansan.

Karagdagang OSF sa UST dulot ng deregulasyon mula 1982

1982-1983 2013-2014
Miscelleneous Fees Miscellaneous Fees
Library 59.85 Library 1,110.00
Med/Dent 19.25 Med/Dent 700.00
Guidance 12.00 Guidance 800.00
Athletic 12.00 Athletic 1,500.00
Varsitarian 12.00 Varsitarian 150.00
Publications 4.70 Registration 950.00

Other Fees
Alumni 750.00

38
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Audio Visual 500.00


Central Student Council 17.00
College Journal 125.00
Comelec 10.00
Community Service 150.00
Cultural 200.00
Drug Testing 380.00
Energy 2,000.00
Information Development 1,500.00
Learning Management System 100.00
Learning Materials (Exam) 125.00
Local SC 18.00
Physical Infrastructure Devt 1,700.00
Retreat and Recollection 1,100.00
Special Development 600.00
Sports 150.00
Student Activity 325.00
University-wide Organization 5.00

Additional Fees
Computer 1,430.00
Installment 1,500.00
NSTP 1,973.00
PE I 2,696.00
PE II-IV 2,630.00
PE uniform 750.00
ROTC 2,022.00
SLF (CA TV Prod) 2,350.00
Thesis Advising 1,200.00
Thesis Defense 1,800.00
Out of State $50.00
Penalty for Late Enrolment 1,500.00

Talamak ang “redundant” o paulit-ulit na paniningil sa


pamamagitan ng OSF. Halimbawa nito ang Athletic Fee at
Sports Fee na iba pa sa P.E. fees, gayundin ang iba’t ibang tipo
ng Development Fees (Information Development, Physical
Infrastructure Development, at Special Development).

39
Marami din ang kwestyonableng bayarin na sinisingil tulad ng
Registration Fee, Late Registration Fee, Installment Fee,
Thesis Advising, Thesis Defense, OJT Fee, Readmission Fee,
at marami pang iba.

Kung susuriin ang kabuuang halaga na binabayaran ng mga


estudyante, lumilitaw na 30-50% nito ang OSF. Samakatuwid,
napakalaking halaga ang dagdag na singil na napakamahal,
paulit-ulit, at kahina-hinala.

Halaga at Porsyento ng OSF sa


Kabuuang Binabayaran ng Estudyante
Total % of OSF
Tuition
Total OSF Education sa Total
Fee
Cost Cost
UE 11,000 25,000 36,000 31%
FEU 16,000 30,000 46,000 35%
UST 13,600 30,000 43,600 31%
DLSU 30,000 30,000 60,000 50%
San
Beda 30,000 40,000 70,000 43%

UP 9,000 27,000 36,000 25%


PUP 2,000 270 2,270 88%

Sa PUP, kung saan matagumpay na ipinaglaban ng mga


estudyante ang mababang matrikulang P12/unit, inilusot
naman ng administrasyon ang paniningil sa pamamagitan ng
napakaraming OSF.

(insert PUP OSF)

40
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Napakamahal na nga ang mga bayarin, lalo pang pahihirapan


ang mga estudyante ng di-makatarungang patakaran ng
paniningil tulad ng “No permit, no exam”, “no promissory
note”, “no late payment”, “carry-over scheme”, at marami
pang iba.

2.3. Pagtindi ng panghuhuthot dulot ng K12 at


internasyunalisasyon

Sapagkat naka-align na sa internasyunal na istandard,


bibigyang-daan nito ang “transnasyunal na edukasyon” na
magbubukas sa tersyaryong edukasyon sa pagne-negosyo ng
mga dayuhang korporasyon at institustyon sa edukasyon.
Ilalako ang joint projects at joint programs sa mga lokal na
pamantasan upang palakihin ang dayuhang panghihimasok
at palubhain ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon.

Sa isang banda, pinagtitibay ng internasyunalisasyon ang


pagturing sa edukasyon bilang isang “kalakal” na maaaring
pagkakitaan ng limpak-limpak at kailangang maging
“competitive” sa pandaigdigang “education market”. Sa
kabilang banda, magastos na tunguhin ang
internasyunalisasyon kung kaya lalo lamang nitong
patindihin ang komersyalisasyon ng edukasyon.

Sa harap ng sistematikong pagbabawas ng subsidyo sa mga


pampublikong pamantasan at pagtutulak ng “fiscal autonomy”
ng mga SUCs, tiyak na estudyante ang magpapasan sa bigat
ng gastusin ng internasyunalisasyon sa pamamagitan ng
pagpapataw sa kanila ng mas matataas na bayarin at singilin,
kasabay ng pagpapatindi ng pribatisasyon ng pamantasan.
41
May epekto din ito sa mga kaguruan at kawani. Sa pagtutulak
ng internasyunalisasyon, upang gawing mas kaakit-akit sa
dayuhang pamumuhunan, gagawing mas pleksible ang
paggawa sa pamantasan - titindi ang kontraktwalisasyon at
kawalan ng benepisyo, habang pinapanatiling mababa ang
sahod ng mga guro at kawani.

Ipinagmamalaki ng gobyerno na walang regulasyon sa


matrikula, Ingles ang wikang ginagamit na pangturo, at
mababa ang pasahod sa bansa para akitin ang mga dayuhan
na magtayo ng kanilang negosyong paaralan dito. Sa kabuuan,
pagtitibayin at eengganyuhin nito lalo ang pagpapatakbo ng
pamantasan na parang isang malaking negosyong nakatuon
sa pagkamal ng kita sa iba't ibang mga paraan.

Samantala, tinatayang aabot naman sa P100,000 hanggang


P200,000 ang kinakailangan ng mga mag-aaral upang
makapagtapos ng karagdagang dalawang taon sa hayskul:
P30,000 hanggang P60,000 para sa pagkain at
transportasyon, P4,500 hanggang P10,000 para sa notebooks
at iba pang school supplies, P6,000 hanggang P15,000 para
sa modules, uniporme, ID, at iba pang miscellaneous fees, at
P12,000 hanggang P25,000 para sa mga kinakailangang tools
at kagamitan. Dahil sa mga pahirap na dulot ng K-12, mahigit
400,000 na nagtapos ng Grade 10 ang hindi tumuloy sa SHS
sa pagbubukas ng klase. Walang-duda na dagdag-pahirap ang
K12 sa kabataan at mamamayang Pilipino.

2.4. Bilyon-bilyon na kita ng negosyo sa edukasyon

42
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Dominado ng pribadong sektor ang sistema ng edukasyon sa


Pilipinas. Aabot sa 81% ng mga institusyon ang pagmamay-
ari ng mga negosyante kung saan nag-aaral ang mahigit 66%
ng mga estudyante.21

Ipinamana ng okupasyong Amerikano sa bansa ang ganitong


kalakaran. Ayon sa isang Amerikanong opisyal, “the private
schools in the aggregate are ‘big business’ and they
supplement the public educational system by providing
facilities which thus far the government has not had the
funds to supply.”22 Nagpatuloy ang dominasyon ng pribadong
negosyo sa mga kolehiyo at pamantasan sa kabila ng pagtapos
ng direktang kolonyal na paghahari ng US noong 1946.

Tunay ngang isang malaking negosyo ang edukasyon sa


Pilipinas. Bilyon-bilyon ang kinikita ng malalaking negosyo
mula sa napakaraming paraan ng panghuhuthot sa mga
estudyante at pakikipagsabwatan sa gobyerno. Ayon sa
financial reports na taunang isinusumite sa Securities and
Exchange Commission (SEC), tuluy-tuloy ang paglaki ng kita
ng pinaka-malalaking pribadong unibersidad s aloob ng
huling 5 taon.23

Paglaki ng net profit sa loob ng 5 taon24

2010 2015 % increase

21
Joshi, K. M. “An Exploration of Private Sector Financing of Higher Education in the
Philippines and Its Policy Implications for India”. Sa Ankara University Journal of Faculty of
Educational Sciences, Vol. 40, No. 2 (2007). pp.321-346.
22
Sinpi mula sa Alcala, Angel. “Higher Education in the Philippines”. Sa Philippine Studies,
Vol. 47, No. 1 (First Quarter 1999). pp.114-128.
23
Kabataan Partylist, Pebrero 2016.
24
Kabataan Partylist, Ibid.
43
UE 352,000,000 463,500,000 32%
FEU 713,000,000 1,080,000,000 51%
UST 941,000,000 1,300,000,000 38%
DLSU 381,900,000 734,000,000 92%
Lyceum 272,600,000 657,600,000 141%

Palagian din na kabilang sa Top 1,000 Corporations ng bansa


ang mga paaralang Far Eastern University, Centro Escolar
University, Mapua Institute of Technology, University of the
East, at Manila Central University. Sa katunayan, ang pitong
pinakamayayamang indibidwal sa Pilipinas ang nagmamay-
ari ng malalaking pamantasan. Marami sa kanila ang nakuha
ang pagmamay-ari sa mga ito sa huling 15 taon.

Samantala, ini-invest na rin sa negosyo ng malalaking


burgesya kumprador ang kinikita ng malalaking paaralan na
pinatatakbo ng mga relihiyosong orden.

Mga negosyante sa Edukasyon ng bahagi ng


50 pinakamayaman sa bansa25
Itinatag sa
Asia-Pacific
Henry Sy #1 pakikipagtulungan
College
sa IBM noong 1991
Binili ang 60% ng
shares noong 2008
Henry Sy National
#4 sa pamamagitan ng
Lucio Tan University
SM Investment
Corporation

25
Lopez, Elyssa Christine. “The 7 richest school owners in the Philippines”. Sa Entrepreneur.
June 7, 2016.
25
Manasan, Rosario. “Rationalizing National Government Subsidies for State Universities and
Colleges”. Sa Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series, No. 2012-
03 (January 2012).
44
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Binili ang 21% ng


Far Eastern shares mula sa
University pamilyang
Montinola
University of Simula pa noong
the East 1990
University of
Binili sa halagang
Nueva
P450 miyon noong
Caceres
2015
(UNC)
Jaime Zobel
#8 Ayala
de Ayala Itinatag noong 2012
Affordable
para samantalahin
Education
ang programang
Center
K12
(APEC)
Centro
Binili ang 55%
Emilio Yap #14 Escolar
shares noong 2002
University
Binili ang
Mapua
Alfonso pamantasan sa
#30 Institute of
Yunchencgo halagang P975
Technology
milyon noong 2000
Itinatag noong 1928
Lourdes Far Eastern
#47 at nagmamay-ari ng
Montinola University
40% ng shares
Araullo
University
(Cabanatuan)
Ramon del Cagayan de
Rosario (PHINMA) Oro College
University of
Pangasinan
University of
Iloilo

45
Southwestern
University
(Cebu)

2.5. Pagpasok ng pribadong negosyo sa pampublikong


edukasyon

Sa pamamagitan ng iba’t ibang insentiba, masigasig na


hinihikayat ng gobyerno ang pribadong negosyo na pasukin
ang sektor ng edukasyon. Pinalalabas ng estado na hindi
produktibo at hindi episyente ang mga pampublikong
serbisyo kung kaya’t kinakailangan ng pribatisasyon.

Iba’t ibang porma ng pagpapasok sa pribadong negosyo ang


itinulak ng neoliberal na mga patakaran sa loob ng nakaraang
mga dekada: paglilipat ng buo o bahagi ng pagmamay-ari sa
pribadong sektor, pagpapagamit ng mga ari-arian ng
gobyerno para sa negosyo, tagibang na kasunduan sa public-
private partnerships, at pagbibigay ng pampublikong
subsidyo sa pribadong negosyo.

K12: Pagpasok ng negosyo sa Basic education

Ipinaubaya ng gobyerno sa mga pribadong paaralan at


malalaking negosyo ang pagbibigay ng dalawang taong
dagdag na taon sa K-12. Halos 78.89% ng SHS sa NCR ang
pribado pagkat sadyang ginawang limitado ang kakayanan ng
pampublikong mga paaralan.

Sapagkat hindi umano kaya ng public schools na tugunan ang


pangangailangan ng K12, bibigyan na lamang ng pondo ng
gobyerno ang mga private schools sa pamamagitan ng SHS
46
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

vouchers at Government Assistance Program to Students and


Teachers in Private Education (GASTPE). Sa nakaraang mga
taon, pinalobo ang alokasyon ng GASTPE tungong P20 billion
para sa 2016 na katumbas na ng buong alokasyon nito mula
2001-2009.

Dambuhala ang pakinabang ng malalaking negosyo sa


edukasyon lalo na ang Ayala-Pearsons na nagtayo ng Ayala
and Pearsons ng Affordable Private Education Center (APEC
schools). Binigyan ng gobyerno ang nasabing kumpanya ng
minimum na P500 milyon para sa unang taon ng
implementasyon ng SHS.

Nalantad kalaunan ang sabwatan ng gobyerno at ng Ayala-


Pearsons para negosyohin ang K12. Nauna na pa lang
nagsagawa ng pananaliksik at pagdidisenyo ang Ayala-
Pearsons para sa implementasyon ng SHS. Ibinatay ng DepEd
sa dikta ng Ayala-Pearsons ang plano at halaga ng SHS
vouchers.

Dapat ding busisiin ang pagkontrata ng gobyerno sa


pribadong sektor para sa konstruksyon ng mga kulang na
klasrum at pasilidad sa ilalim ng programang Private-Public
Partnerships (PPP). Umabot sa P16.43 bilyon ang inilaan na
pondo para sa proyektong PPP for School Infrastructure
Project (PSIP) Phase I na nagtayo ng 9,296 klasrum sa tatlong
rehiyon sa Luzon (Ilocos, Central Luzon, Calabarzon). Nasa
iskemang Build-Operate-Transper ang ipinatupad na PSIP
Phase I ng Citicore-Megawide Consortium, Inc. kung saan

47
titiyakin ng gobyerno ang kita ng pribadong kumpanya sa loob
ng 10 taon.26

Higher education

Pinahintulutan ng HEMA of 1997 ang pagpapagamit ng


lupain at iba pang pagmamay-ari ng mga pampublikong
pamantasan, pagsasapribado ng mga serbisyo, at direktang
kolaborasyon sa mga pribadong korporasyon. Binigyan din ng
kapangyarihang tulad ng isang CEO ng korporasyon ang
Presidente ng State Universities tulad ng U.P.

Ibinukas ang lahat ng pagkakataon para magkamal ng kita


ang mga pribadong negosyo. Itinulak ang mga SUCs na
ipagamit ang mga lupain at iba pang ari-arian nito, isapribado
ang mga serbisyo, at pumasok sa direktang kolaborasyon sa
mga pribadong korporasyon.

Ginagawang komersyal ang gamit ng mga lupa at ari-arian na


dapat sanang pang-akademiko. Itinayo ang mga
kolaboratibong proyekto ng eskuwelahan at mga kumpanya
sa pamamagitan ng call centers at “science and technology
parks”.

Malinaw na halimbawa nito ang pagtatayo ng mga


commercial complex ng Ayala Land, Inc. tulad ng Techno Hub
at Town Center sa lupain ng UP Diliman. Taliwas sa
sinasabing tutulungan ng mga negosyong ito na punan ang
kinakailangang badyet ng pamantasan, lumalabas na aabot sa

26
Mateo, Janvic. “DepEd completes P16-B PPP project.” Sa The Philippine Star, Enero 7,
2016
48
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

P205 milyon ang di pa nababayaran ng Ayala sa UP. Bukod pa


sa kwestyonable rin ang pagpasok sa mga di-pantay na
kontratang malinaw na maka-isang panig ang benepisyo sa
pribadong negosyo. Kung gaano kahigpit ang UP sa paniningil
ng mataas na bayarin sa estudyante, ganoon naman kaluwag
ang ibinibigay na pabor sa malalaking negosyo.

Tinutulak din ang pribatisasyon ng mga dormitoryo, canteen,


at iba pang serbisyo sa kampus. Sa UP Diliman din, ginamit
ang higit P900 milyong pondo na nalikom mula sa pagtataas
ng matrikula upang magtayo ng Acacia at Centennial
dormitories na bukod sa napakamahal ng singil sa estudyante,
pinangangasiwaan din ito ng pribadong kumpanya. Hindi
nakaligtas sa unti-unting pribatisasyon maging ang
Philippine General Hospital (PGH) na pinangangasiwaan ng
UP Manila.

Ginawa na ring malaking negosyo ang information at


computer systems ng UP sa pamamagitan ng maanomalyang
Student Academic Information System (SAIS) at eUP Project.
Nagresulta ito sa palpak at inkombenyenteng proseso ng
enrolment sa UP Los Baños at iba pang kampus. Kahit pa may
kakayanan ang mga propesyunal ng UP na mag-develop nito,
ipinaubaya ang information system nito sa pribadong
kumpanya tulad ng Oracle at ePLDT upang pagkakitaan.

Para na ring prangkisa ng food chain ang UP sa pagpayag nito


na gamitin ang pangalan upang magtayo ng mga kolehiyong
pagkakakitaan sa mga lupain ng malalaking land developers.
Sa halagang P400 milyon, naipatayo ang UP Henry Sy Sr Hall.
Itatayo din ang UP Vista Land sa Cavite kapalit ng donasyon
mula sa pamilyang Villar.
49
2.6. Pagpopondo sang-ayon sa neoliberal na adyenda

Bahagi ng neoliberal na atake sa edukasyon ang pagpapaliit


ng pondong inilalaan sa serbisyong panlipunan tulad ng
edukasyon. Layunin nitong palakihin ang puwang sa
pagpasok ng pribadong negosyo sa edukasyon.

Makikita sa taunang pagpopondo ng gobyerno ang mga


tunguhin at patakaran nito sa sektor ng edukasyon. Sa loob ng
mahigit isang dekada, tuluy-tuloy na lumalaki ang bahagi ng
internally-generated income mula sa pangkalahatang
operating budget ng mga SUC. Mula sa 12% lamang noong
2000, lumaki ito ng higit sa 30% noong 2012.

Sa paglobo mula P8 bilyon tungo sa P13 bilyon na kabuuang


kita mula sa sinisingil sa mga estudyante, makikita ang
papatinding paniningil sa mga SUCs.

Paglaki ng Internally-Generated Income ng


SUCs mula 2000-2012
Internally Bahagi ng
Bahagi ng
Generated Internally-
Taon Subsidyo ng
Income (sa generated
Estado
libong piso) Income
2000 2,176,365 12.26% 87.74%
2001 2,708,491 15.86% 84.14%
2002 2,934,108 15.60% 84.40%
2003 3,903,024 17.90% 82.10%
2004 3,990,758 19.31% 80.69%
2005 5,668,025 23.96% 76.04%

50
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

2006 6,624,920 26.00% 74.00%


2007 7,994,834 28.18% 71.82%
2008 9,649,692 29.77% 70.23%
2009 10,641,136 28.03% 71.97%
2010 11,124,481 32.65% 67.35%
2011 11,894,386 33.69% 66.31%
2012 12,395,425 34.42% 65.58%

Makikita na pinakamataas na alokasyon para sa edukasyon


ang 30.78% ng kabuuang pambansang badyet noong 1955.
Unti-unti itong bumaba hanggang umabot sa 7.68% na
lamang noong 1981 sa rurok ng diktaduryang US-Marcos.27

Subalit sa pagdaan ng panahon, makikitang napaghusayan na


rin ng mga kumpanya at korporasyon ang pagmaksimisa sa
pondong nakalaan sa serbisyo sosyal para sa kanilang
kapakinabangan sa tubo. Nagkaroon ng pagtataas ng
pondong inilalaan sa edukasyon ngunit kung bubusisiin,
nakalaan ito para sa mga programang Public-Private
Partnership na magtitiyak ng kita ng pribadong negosyo.

Bahagi ng Edukasyon sa
Pambansang Budget28
1955 30.78%
1960 27.50%
1970 24.40%
1975 11.33%
1980 9.91%

27
Cortes, Josefina. Education and National Development: The Philippine Experience and
Future Possibilities (Quezon City: Publishers' Printing Press, 1987).
28
Department of Budget and Management
51
1981 7.68%
1984 10.50%
1992 12.80%
1998 17.81%
2016 14.52%

Ginagamit din ang ng gobyerno ang “Normative Funding


Scheme” upang ipitin ang mga SUC na sundin ang balangkas
ng pagtataas ng matrikula at pagpapasok ng pribadong
negosyo bilang batayan ng paglalaan ng pondo ng gobyerno.
Tanging ang mga SUCs na ito ang bibigya ng malaking pondo.

2.7. Buung-buong kontrol ng pribado at pagyurak sa


academic freedom

Sa harap ng higit na pagpasok ng pribadong negosyo sa


edukasyon, pagbabago sa kurikulum upang umayon sa interes
ng pamilihan, pagbabawas ng subsidiyo ng estado, at
pagpapaliit ng regular na faculty at kawani, nagiging buo na
ang interbensyon at kontrol ng imperyalismo sa sistema ng
edukasyon.

Tuluyan nang nawalan ng “academic freedom” ang mga


pamantasan sa pagpapasya ng nilalaman, pamamaraan, at
layunin ng edukasyong ibinibigay nito. Itinulak ang mga
institusyon na umayon sa “spiraling demand for higher
education on the one hand, and the globalization of economic,
financial, and technical change on the other.

Kumikitid ang papel ng publiko – lalo na ng mga mag-aaral,


magulang, guro, at kawani – sa pagpapasya at paghuhubog sa

52
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

edukasyon. Mistulang tagapagpatupad na lamang sila ng mga


“management models” na nakabatay sa praktika ng mga
korporasyon at mga “efficiency standards” na tinatakda ng
pandaigdigang pamilihan. Pinagpapasyahan na ang mga
patakaran sa edukasyon sa loob ng mga boardroom ng mga
burukrata at mga kasosyo nilang “industry leaders” na walang
anumang pananagutan sa publiko. Kongkretong halimbawa
nito ang K12 at internationalization na mga dayuhan at
pribadong institusyon ang pangunahing nagplano.

Isa ring epektibong mekanismo ng interbensyon ang mga


pribadong “accreditation firm” na umaastang “pulis” para sa
monopolyo kapitalismo. Ang World Bank na kontrolado ng
U.S. ang nagtulak, nagpondo, at naglatag ng sistema ng
akreditasyon at kaakibat na “international standards” na
dapat sundin.

Binibigyan ng grado ng mga accrediting firms ang mga


pamantasan at kolehiyo sang-ayon sa pagsunod ng mga ito sa
mga pamantayang itinakda ng dayuhang institusyon.
Malinaw na layunin nito na tiyaking nagsisilbi ang
pamantasan sa pangangailangan ng monopolyo kapitalismo.

Dahil dito, ilang beses na binago ang mga kurikulum at ilang


beses na tumaas ang matrikula sa mga paaralang naghahabol
ng akreditasyon.

3. Panunupil at panlilinlang laban sa malaya at


makabayang pagkilos

53
Pilit na pinananatili ng imperyalismo at lokal na naghaharing-
uri ang isang sistema ng edukasyon at kultura na humuhubog
sa konserbatibong paraan ng pag-iisip at pag-uugali sa mga
kabataan.

Dahil sa di natatapos na pagtindi ng krisis, karaniwang


umuusbong ang mga kilusang nagsusulong ng bagong kaisipan,
pulitika at kaayusan mula sa hanay ng kabataan. Kaya’t todo rin
ang pagtitiyak ng estado na gamitin ang sistema ng edukasyon
upang ilayo sila sa landas ng rebolusyunaryong paglaban at
gawaing kimi, sunud-sunuran, at walang pakialam. Mas
gugustuhin pa ng naghaharing-uri na malulong sa dekadente at
kontra-produktibong gawi ang mga kabataan kaysa mamulat sa
ugat ng pagsasamantala at kawastuhan ng rebolusyunaryong
pakikibaka. Higit sa lahat, layunin nito na gamitin ang kabataan
para sa pagsusulong at pagbibigay-katuwiran sa anti-nasyunal
at anti-mamamayang adyenda nito.

Sa paglipas ng panahon at pagtindi ng tunggalian ng mga uri,


pinaunlad ng naghaharing-uri ang kumbinasyon ng mapanupil
na patakaran at mga pakanang mapanlinlang laban sa malaya
at makabayang pagkilos ng mga kabataan.

3.1. Anti-nasyunal na kurikulum

Bahagi ng ideolohikal na opensiba ng imperyalismo ang


pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran sa edukasyon.
Malinaw itong makikita sa sunud-sunod na mga hakbang upang
tanggalin sa kurikulum ang pag-aaral ng kasaysayan ng
Pilipinas, wikang Filipino, at iba pang mga araling Pilipino;
paggamit ng wikang Ingles bilang medium of instruction at mga
materyales na halaw sa dayuhang institusyon; at pagbago ng
54
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

mga kurikulum upang umayon sa pangangailangan ng mga


malalaking dayuhang korporasyon.

Sa ilalim ng programang K-12, pinaliliit lalo ang puwang sa pag-


aaral ng kasaysayan at wikang Filipino. Halaw sa kurikulum ng
National Council for Social Studies (NCSS) ng Estados Unidos29,
tinanggal ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul
at pinalitan ng Asian History sa Grade 7, World History sa
Grade 8, Economics sa Grade 9, at Contemporary Issues sa
Grade 10.

Malinaw ang tunguhin nito sa pagpapalaganap ng kolonyal na


mentalidad at pagpapatanggap ng neoliberal na globalisasyon.
Nasa balangkas ng paghahari ng imperyalismong US at
panananatili ng pandaigdigang kapitalismo ang C3 Framework
for Social Studies State Standards ng NCSS. Sinabi pa ng
SEAMEO INNOTECH na “The amount of time allotted for
teaching social studies or Makabayan in the Philippines is
disproportionately high compared to that in the other three
countries.”30

Niyuyurakan ng K-12 ang pambansang identidad ng mga


Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanggal ng araling Filipino sa
kurikulum ng programang ito kapalit ng paggamit ng “global
language” na Ingles bilang medium of instruction. Kahit pa
sabihin ng pamahalaan na pinagyayaman nito ang lokal na
dayalek mula Grade 1 hanggang Grade 3, hindi nito

29
National Council for the Social Studies (NCSS). College, Career and Civic Life (C3)
Framework for Social Studies State Standards: Guidance for Enhancing the Rigor of K-12
Civics, Economics, Geography, and History (Silver Spring, MD: NCSS, 2013).
30
SEAMEO INNOTECH at DepEd. K to 12 Education in Southeast Asia: Regional
Comparison of the Structure, Content, Organization, and Adequacy of Basic Education
(Quezon City: SEAMEO INNOTECH, 2012).
55
maitatatwang nasa balangkas pa rin ito sa kung paano mas
mabilis matutunan ng estudyante ang wikang Ingles.

3.2. Patakarang panunupil ng Oplan Bayanihan

Bukod sa mga anti-nasyunal na “reporma” sa kurikulum,


itinutulak din sa loob ng kampus ang patakaran ng panunupil
laban sa malayang kaisipan at makabayang pagkilos.

Tinutulak ng neoliberalismo ang pagtanggal sa mga


pampublikong espasyo, pagpapatahimik sa mga tumututol, at
pagpapabawal sa pag-oorganisa ng mga mag-aaral, guro, at
ibang sektor at pag-uunyon sa loob ng kampus. Instrumental sa
ganitong tunguhin ang pagsabatas ng mga “Student Handbook”
na nagpapatibay ng mga mapanupil na kalakaran sa
pamantasan.

Kadalasang nakasaad sa mga handbook na ito na bawal ang


magprotesta sa loob o sa ilang mga kaso kahit sa labas pa ng
kampus. Nililimitahan at isinasailalim sa buong kontrol ng
administrasyon ang karapatang magbuo o sumapi sa
organisasyon. Pinahihirapan ang org recognition sa
pamamagitan ng napakaraming rekisito tulad ng mataas na
grado ng mga upisyal ng organisasyon, malaking na bilang ng
kasapian, pagkakaroon ng org adviser, at iba pa. Pinagbabawal
din ang pagbubuo ng mga progresibo at pambansa-
demokratikong organisasyong masa sa maraming mga pribado
at pampublikong eskuwelahan.

Hawak din sa leeg ng administrasyon ang mga konseho at


publikasyon na dapat sanang instrumento ng makabayan,
demokratiko, at independyenteng pamumuno sa hanay ng
56
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

estudyante. Bantay-sarado ang bawat kilos at desisyon ng mga


institusyong pang-mag-aaral. Mabilis na dinudurog at tinatakot
ang mga lider sa unang senyal pa lang ng pagrereklamo at
paglaban.

Sang-ayon sa balangkas ng Oplan Bayanihan (ang Internal-


Security Plan ng estado na naka-padron sa U.S. Counter-
insurgency Guide), sistematikong pinapasok ng estado ang
pasistang kaisipan sa pamamagitan ng ROTC. Nais nitong
hubugin ang mga kabataan na maging sunud-sunuran sa
“otoridad” at tanggapin na lamang ang pagsasamantala laban sa
kanila. Binubulok nila ang mga kabataang opisyal at kadete sa
kultura ng karahasan at macho-pyudal. Sa loob mismo ng ROTC,
talamak ang hazing, pambubugbog, pisikal at emosyonal na
harassment, pagsasamantala sa kababaihan, at mga
dekadenteng gawi. Napakarami nang naging biktima ngunit
walang pinapanagot at walang hustisya. Hindi kayang
pagtakpan ng ‘pampabangong’ socio-civic activities umano ng
ROTC ang malalim na pagkabulok ng pulitika at kultura sa
kaibuturan nito.

Direkta din na nagpo-propaganda ang ROTC laban sa


makatarungang paglaban ng mamamayan. Tinutukoy nito ang
progresibo at makabayang kilusan sa loob at labas ng kampus
bilang mga ‘terorista’. Nagrerekluta sila sa hanay ng ROTC
cadets at officer ng Student Intelligence Network (SIN) na may
tungkulin na tiktikan ang kapwa-estudyante bahagi ng mga
pambansa-demokratikong pangmasang organisasyon.

Nitong nakaraang tatlong taon, nagsasagawa ng mga pagtitipon


(Summit, leadership trainings, atbp) ang AFP upang tipunin
ang mga kabataan sa mga komunidad na tukoy nitong may
57
malakas na rebolusyunaryong paglaban upang itaas ang ante ng
kontra-rebolusyunaryong propaganda at panlilinlang. Nais
nilang gamiting sandata ang kabataan sa kontra-insurhensyang
kampanya at durugin ang anti-pyudal at anti-pasistang kilusan
sa kanayunan. Nagtayo pa ito ng mga alyansa para umano sa
kapayapaan upang magsulong ng pagbabago na “non-violent”
habang pinagtatakpan na ang imperyalismo, estado, at AFP
mismo ang may pinakamahabang kasaysayan ng paglabag sa
karapatang pantao at ng paggamit ng brutal na dahas laban sa
mamamayang lumalaban.

Pagkat palagiang nabibigo na ibalik ang mandatory ROTC sa


kolehiyo, balak naman ng AFP na sa Senior High na isagawa ito
sa tulong ng Dep Ed. May kasaysayan ng pag-ayon ang Dep Ed
sa militarisasyon sa mga paaralan tulad ng pagpayag nito na
magkampo ang mga militar sa mga eskuwelahan sa kanayunan.

3.3. Panlilinlang ng repormismo

Kaakibat ng Oplan Bayanihan sa mga paaralan, ipinapalaganap


ang mga burgis na kaisipan ng repormismo upang ilayo ang
kabataan sa siyentipikong pagsusuri at rebolusyunaryong
paglaban.

Sapagkat hindi na mapagtakpan ang malalang krisis at ang mga


aksyong masa na naka-target sa bulok na sistema, hindi na
makapaghari sa lumang kaparaanan ang imperyalismo at lokal
na papet nito. Ipinapalaganap nito ang kaisipang repormismo
at ligalismo bilang porma ng kompromiso, rekonsilyasyon, at
pagpapailalim ng kahingian ng mamamayan sa interes nito ng
patuloy na paghahari.

58
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

(example)

Nakakapinsala ang repormismo sapagkat sinisikap nitong


ipailalim ang makatarungang demanda ng mamamayan sa
patuloy na makauring paghahari ng imperyalismo at lokal na
papet nito. Samakatuwid, nagbibigay ito ng ilusyon ng paglaban
ngunit nasa balangkas ng hangganan at kaparaanang
pinahihintulutan ng naghahari-uri. Kinukumbinsi nito ang mga
aping uri na makuntento sa mga ‘minimum’ at mga konsesyon
imbes na kilalanin na makatarungan ang maghimagsik upang
ibagsak ang buong sistema at kamtin ang maksimum na layunin
ng rebolusyon.

Iniiendorso ng repormismo ang di makatarungang sistema ng


pagsasamantala at pang-aapi. Pinoprotektahan nito ang bulok
na sistema mula sa galit ng mamamayan. Sa huli, dadalhin nito
ang pagkilos ng kabataan at mamamayan sa kompromiso at
pagkabigo.

Kasabay nito, hinihikayat ang kaisipang indibidwalista upang


maging disorganisado at watak-watak at mawalan ng
kakayanan ang mamamayan sa organisadong paglaban; ang
paghahanap ng kagyat na kongkretong benepisyo upang
maliitin ang paghahangad ng pundamental na pagbabago; ang
pluralismo na nagsasabing “walang may monopolyo ng
katotohanan” upang iwasan ang pagbabanggaan ng pagsusuri
at isantabi ang makabayan at progresibong kilusan bilang “isa
lamang sa mga perspektiba”; at ang post-modernismo upang
itanggi ang tunggalian ng uri bilang pangunahing tunggalian sa
lipunan.

59
Interes ng kabataang Pilipino ang pagkakaroon lipunan na
tunay na malaya sa kontrol ng imperyalismo at tunay
na demokratiko sa pagtugon sa interes ng mayorya ng
mamamayan. Sa panahon na mamulat ito sa katotohanang
ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo ang
pangunahing salot sa lipunang Pilipino at siyang panganib sa
magandang kinabukasan, makikitang handa ang mayorya ng
kabataan na lumahok sa pambansa-demokratikong pakikibaka
na may sosyalistang perspektiba.

Tanging sa pagpapabagsak ng malakolonyal at malapyudal na


lipunan matutugunan ang pangarap na malaya at maalwan na
kinabukasan. Sa pagpapalit ng makauring estado at
pagpapatupad ng repormang agraryo’t pambansang
industriyalisasyon mararanasan ang pagkakaroon ng sariling
lupa, sapat na trabaho, nakabubuhay na sahod, malawak na
serbisyo-sosyal, at pagkilala sa karapatang pantao.

Kasabay ng MKMP na lipunan, ibabagsak din ng mamamayan


ang kolonyal, komersyalisado, at pasistang sistema ng
edukasyon upang itaguyod ang makabayan, siyentipiko, at
makamasang sistema ng edukasyon.

Sa balangkas ng anti-imperyalista, anti-pyudal, at anti-


pasistang pakikibaka, isusulong natin ang alternatiba sa
kasalukuyang sistema ng edukasyon at kultura.

60
Neoliberal na Opensiba sa Sistema ng Edukasyon

Makabayang edukasyon

Huhubugin ng makabayang edukasyon ang talino at galing ng


kabataan para sa pagsusulong ng interes ng sambayanan.
Bahagi ng makabayang edukasyon ang pagtatanggol at
pagtataguyod sa ating soberanya at kalayaan. Papahalagahan
nito ang kakayanang tumindig sa sarili upang tanggalin ang
kundisyon para sa dayuhang pagsasamantala. Pangunahing
diin nito ang pagbubuo ng pambansang industriya na
nakatuntong sa pagpapa-unlad ng agrikultura at kabuhayan ng
mayorya ng mamamayan.

Papawiin nito ang kolonyal na mentalidad at lalabanan ang


bawat pangkulturang pananalakay ng dayuhan. Pagyayamanin
nito ang patriyotismo, respeto sa sarili, at pag-asa sa sarili ng
bansa, habang bukas itong matuto at tumanggap ng mga ideya
at praktika mula sa labas na kapaki-pakinabang para sa
mamamayang Pilipino.

Siyentipikong Edukasyon

Isinusulong ng siyentipikong edukasyon ang siyentipikong


pananaw at pamamaraan ng pag-iisip upang pataasin ang
kamulatan ng mamamayan. Mangunguna ito sa paglikha ng
kulturang kritikal laban sa mga kaisipang mapanupil at
nagtatanggol ng inhustisyang panlipunan.

Isa itong edukasyon na nagsusulong ng malayang kaisipan,


wastong pagsusuri sa kongkretong kalagayan, at pag-unawa sa
batas ng pag-unlad ng mga bagay. Pinagsasanib nito ang teorya
at praktika nang may pagdidiin sa panlipunang praktika bilang
61
batayan ng katotohanan. Ine-engganyo nito ang pag-aaral at
pananaliksik upang unawain ang mga batayang problema ng
lipunan at wastong direksyon paano ito babaguhin.

Papawiin rin nito ang mga pyudal at atrasadong gawi at


kaisipan tulad ng paniniwala sa pamahiing walang obhetibong
batayan maging ang mababang pagtingin sa kababaihan at mga
may piniling kasarian.

Makamasang Edukasyon

Kinikilala ng makamasang edukasyon ang karapatan ng bawat


isa na makapag-aral at makapasok sa paaralan. Itinatatag ang
malakas na pampublikong sistema ng edukasyon upang tiyakin
ang libreng edukasyon para sa lahat.

Pinapawi ng makamasang edukasyon ang alienasyon ng


mayorya ng mamamayan sa eskuwelahan. Sa ganitong
oryentasyon, mataas ang pagpapahalaga at kapakinabangan ng
mamamayan sa edukasyon dahil nakabatay sa kanilang
kongkretong kalagayan at praktikal na pangangailangan ang
itinuturo at paraan ng pagtuturo. Tinitiyak din nito ang direkta
at positibong epekto ng mga eskuwelahan sa pag-unlad ng
kabuhayan ng mamamayan sa bawat komunidad.

Tinitiyak din nito na hindi nahihiwalay ang estudyante mula sa


malawak na masa. Tinatanggal ang malaking agwat sa pagitan
ng mental at manwal na manggagawa sapagkat sabay na
pinauunlad ang intelektuwal at manwal na kasanayan ng bawat
isa.

62

You might also like