Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Laguna
Sta. Cruz

TEACHER’S GUIDE
IN FILIPINO for
Grade 5

ALICE B. GAZA
Writer
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Laguna
Sta. Cruz

APPROVAL SHEET
TEACHER’S GUIDE
IN FILIPINO for
Grade 5

ALICE B. GAZA
Writer

Reviewed by: Checked by:

ZENAIDA C. YERRO GODOFREDO C. MERCADO


EPS-Filipino EPS LRMDS
Approved:
ORLANDO T. VALVERDE
Chief Curriculum Implementation Division
UNANG MARKAHAN
ARALIN

9
Panlingguhang Layunin

Wikang Binibigkas

Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita o isyu.

Gramatika (Kayarian sa Wika)

Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling


karanasan.

Pag-unlad ng Talasalitaan

Naibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng


kasalungat.

Pag-unawa sa Talasalitaan

Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto.

Pagsulat

Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form.


Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
1 balita o isyu

I. Layunin
1. Nakaiiwas sa mga sakit dulot ng tag-ulan o pagbaha.
2. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita o
isyu.
3. Nakasusulat ng opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita.

II. A. Paksang –Aralin


Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita o
Isyu.

B. Sanggunian: F5PS-Ia-j-1, Bagong Filipino sa Salita at Gawa 6 Batayang Aklat sa


Wika pah.60-61, Hiyas sa Pagbasa 5, pah. 32-33

C. Mga Kagamitan: gawang telebisyon, tunog sa pagbabalita, KM, kwaderno

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Basahin ang teksto at punan ang balangkas.

May dalawang uri ng Cholesterol, ang High density Lipo Protein at ang
Low Density Lipo Protein. Ang una ay mabuting cholesterol pagkat ibinababa
nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang ikalawang uri ay
nagiging sanhi ng sobrang pagtaba ng tao o obesity, sakit sa puso, diabetes
at pagliit ng mga arteryang daluyan ng dugo.

Ang pagkain ng gulay at prutas araw-araw ay makakatulong sa


pagkakaroon ng mabuting cholesterol sa katawan.
Maituturo sa paaralan ang wastong pagkain sa mga proyektong ingat
kalusugan na maaring ilunsad sa bawat baiting.

Ang Totoo sa Cholesterol

I. Uri ng Cholesterol

A. High Density Lipo Protein


1.__________________________________
2. __________________________________
B.Low Density Lipo Protein
1. _________________________________________
2. _________________________________________

II. Pinanggagalingan ng Kolesterol


A. Exogenous
1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
B. Endogenous
1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

III.Mga dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagtaas ng Kolesterol

A._________________________________________________

B. ________________________________________________

C. ________________________________________________

B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Pag-usapan ang mga balitang napakinggan sa telebisyon kagabi.

2. Paglalahad
Babasahin ng guro ang isang balita habang nakikinig ang mga mag-aaral.
Paalalahanan ang mga mag-aaral sa mga alituntunin sa pakikinig.

Masining nga Ba?

Sa larangan ng embroidery, kilala dito ang bayan ng Lumban. Ito ay


tinaguriang “ Embroidery Capital of the Philippines”, na maipagmamalaki ng
mga Lumbeneo.

Kahapon, ika-22 ng Setyembre, ako ay ay napadaan sa bayan ng


Lumban. Aking nasaksihan ang pagdiriwang ng “Lumban Festival”. Ito ay
pinamunuan ng kanilang punung-bayan na si Doktor Reynato R. Anonuevo
kasama ang mga miyembro ng sangguniang bayan. Sa pasimula ay
nagkaroon ng parada ang ibat-ibang lupon ng mga kawani ng bayan na
nakasuot ng iba’t-ibang istilo ng barong .Makikita sa kanilang suot ang mga
nakamamanghang disenyo na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga
Pilipino. Sa plasa ay nakadisplay ang iba’t-ibang yari ng barong at mga
burda nito. Mayroon yari sa kamay at makina, mayroon ding yari sa painting
at iba’t-ibang istilo ng tela tulad ng pininyahan, pinya, husi at iba pa.
Nagkaroon din ng paligsahan sa pagtahi sa kamay ng mga disenyo ng
barong. Marami ang lumahok dito at isa ay si Gng. Alice B. Gaza, guro ng
Paaralan ng Maytalang-I na siyang itinanghal na nagwagi. Sinundan ito ng
iba pang paligsahan tulad ng painting, mga palaro ng bayan tulad ng
palosebo, tag of war at iba pa.

Mababakas ang kasiyahan sa mga Lumbeneo sa kanilang pagdiriwan ng


Lumban Festival na sadyang ipinagmamalaki.

3. Pagtatalakay
a. Itanong: Tungkol saan ang balita?
Sa anong titulo tinawag ang bayan ng Lumban?
Kailan nila ipinagdiwang ang Lumban Festival? Sino-sino ang
namuno dito?
Ano-ano ang makikita sa mga barong na suot ng mga kawani ng
bayan?
Ano-ano ang makikita sa plasa?
Ano-ano ang mga paligsahang isinagawa sa festival?
Masasabi mo ba na masining ang mga Lumbeneo?Bakit?

b. Isagawa ang Basahin Mo sa KM, tumawag ng isang bata na gaganap


bilang broadcaster. Mas mainam kung gagamit ng tunog sa pagbabalita
sa role play.

c. Isunod ang Gawin Mo at Gawin Ninyo sa Pagyamanin Natin

4. Paglalahat
a. Isagawa ang Gawain A sa Isa-isip Mo.
b. Itanong: Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng opinyon sa
balitang napakinggan? Isagawa ang Gawain B sa Isa-isip Mo.

5. Paglalapat
a. Isagawa ang Gawain sa Isa-puso Mo

IV. Pagtataya
Isagawa ang Isulat Mo

V. Takdang-aralin
Makinig ng balita sa telebisyon o magbasa sa pahayagan. Magtala o sumipi ng
isang artikulo. Magbigay ka ng opinyon tungkol dito. Iulat ito sa klase bukas.
2 Nagagamit ang mga panghalip na pamatlig sa usapan

I. Layunin
1. Napahahalagahan ang mga bayani.
2. Nagagamit ang mga panghalip na pamatlig sa usapan.
3. Nakasusulat ng mga panghalip na pamatlig sa usapan.

II. A. Paksang –Aralin


Paggamit ng Panghalip na Pamatlig sa Usapan

B. Sanggunian: F5WG-If-j-3, Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 5 pah.-65-71, Filipino 5


Lahing Kayumanggi pah. 234-237, https://www.youtube.com/watch?
v=HCXcBp8lA8Q,

C. Mga Kagamitan: mga larawan, kwaderno, pentel pen, manila paper

III. Pamamaraan
A. Balik-aral- Pagwawasto ng takdang-aralin
B. Pagsasanay.
Basahin nang malakas at unawain ang balita. Magbigay ng opinyon tungkol
dito. Isulat ito sa loob ng dayagram.

Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pagtuturo sa mga Paaralan


sa Ilocos Sur, Sinimulan
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng pagtuturo,
nais rin makasabay ng provincial government ng Ilocos Sur ang mga
paaralan at mga guro dito sa ilocos Sur, kung kaya’t namahagi ng laptop at
isang set ng projector sina Ilocos Sur governor Ryan Asistio at SK Federated
President Mendoza. Layon ng pamamahagi na maitaas ang antas ng kalidad
ng pagtuturo sa mga paaralan gamit ang teknolohiya upang lalong maging
mabisa at maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin. Kapwa
tiwala ang dalawa na sa pamamagitan nito ay higit na magiging maganda
ang takbo ng paaralan kumpara sa nakasanayang tradisyunal na
pamamaraan
(Ulat ni Benny Malicdem) - [Septembet 18, 2013]

Sang-ayon Di sang-ayon
C. Mga Gawain
1. Pagganyak
A. Ipakita ang larawan ni Andres Bonifacio.
Itanong: Ano- ano ang natatandaan niyo tungkol kay Bonifacio.
Isulat sa tapat ng larawan ni ang sagot ng mga bata.
Pag-usapan ang mga ito.

B. Isagawa ang Tuklasin Mo para sa paglinang ng mga salita na


mababasa sa talata.

2. Paglalahad
Sabihin: Si Andres Bonifacio ay namatay noong Mayo 10, 1897 sa Mt.
Tala Maragondon, Cavite. Basahin natin ang maikling talata
tungkol sa kanyang pagkamatay. Bago ito basahin, magbigay
ng mga pamantayan sa pagbasa ng malakas. Ipagawa ang
Basahin Mo

3. Pagtatalakay
a. Isagawa ang Gawin Ninyo sa Pagyamanin Natin sa KM.

b. Isunod ang Gawin Mo

4. Paglalahat
a. Isagawa ang mga pagsasanay A at B sa Isa-isip Mo.
b. Itanong: Ano ang panghalip na pamatlig? Kailan ito ginagamit
Ipabasa ang Pagsasanay C sa Isa-isip Mo.

5. Paglalapat
a. Ipagawa ang Isa-puso Mo

IV. Pagtataya
Gawin ang pagsasanay sa Isulat Mo

V. Takdang-aralin
Isagawa ang pagsasanay B sa Isulat
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar na salita

3 sa pamamagitan ng kasalungat.

Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto

I. Layunin
1. Naisasa-isip ang mabuti at masamang dulot ng teknolohiya.
2. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat.
3. Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto.

II. A. Paksang- Aralin:


Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di- Pamilyar na salita sa
Pamamagitan ng Kasalungat
Pagbibigay ng Bagong Kaalaman Mula sa Binasang Teksto

B.Sanggunian: F5PT-Ihi-1.5, Bagong Filipino sa Salita at Gawa Batayang Aklat sa


Pagbasa 6 pah. 69-70, 195-196, Bagong Filipino sa Salita at Gawa 5
Pagbasa pah. 214,
https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c

A. Kagamitan: Video clips, kwaderno, manila paper, pentel pen

III. Pamamaraan
A. Balik-aral: Pagwawasto ng Takdang –aralin
B. Pagsasanay
Basahin ang mga salita sa ibaba.
kompyuter elebeytor
Matematika xerox
Ensayklopidya dyanitor
programa basketbol
transistor eskelaytor

Itanong: Anong mga salita ang binasa mo? Tama ang mga ito ay mga salitang
hiram.
Sabihin; Magbigay ng iba pang mga salitang hiram.

C. Mga Gawain
1. Pagganyak
Ipakita ang you tube ng Technology in the Classroom: Digital Media.
Idownload ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=HbVKPhVCRFI

Itanong: Ano ang masasabi mo sa iyong napanood? Ano ang ipinahihiwatig


ng mga ito?
(Palawakin ang usapan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa mga
nakita sa video.
2. Paglalahad
a. Basahin ang teksto tungkol sa Kasaysayan ng Kompyuter. Bago ito
isagawa, Ipagawa muna ang gawain sa Tuklasin Mo sa KM

3. Pagtatalakay
a. Pag-usapan ang mga tanong sa Gawin Ninyo sa Pagyamanatin Natin
b. Ipaliwanag sa bawat pangkat proseso kung paano isasagawa ang
paglalagom.
c .Paalalahanan ang mga mag-aaral sa mga pamantayan sa pagsasagawa
ng pangkatang gawain

4. Paglalahat
a. Isagawa ang mga pagsasanay A at B sa Isa-isip Mo
b. Isunod ang gawain C bilang paglalahat.

5. Paglalapat
Isagawa ang Isa-puso Mo

IV. Pagtataya
Isagawa ang Gawain sa Isulat Mo

V. Takdang- aralin
Magsaliksik sa internet o mga babasahin ng mga bagong kaalaman. Isulat
Ito sa isang buong papel at ibahagi sa klase bukas.

4 Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form.

I. Layunin
1. Naipakikita ang pagiging responsableng bata.
2. Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form
3. Naisusulat ang mga datos na hinihingi ng isang form

II. A. Paksang –Aralin


Pagbibigay ng Datos na Hinihingi ng Isang Form

B.Sanggunian:F5PUIi-16, Gintong aklat sa Pagbasa 6 pah. 160-162, Bagong Filipino sa


Salita at Gawa Pagbasa 6, pah. 201, Binhi 6 pah. 238-239

C. Kagamitan: kwaderno, papel, bolpen, sample ng mga forms

III. Pamamaraan
A. Balik-aral- Pagwawasto ng Takdang-aralin
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Panonood ng video tungkol sa tatlong bibe,idownload ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=D7fTtLFQ2N
Utusan ang mga bata na sumabay sa awit
Itanong: Ilan ang bibe sa awit?
Sino sa mga ito ang may pakpak? Bilang isang lider, ano-ano ang
kanyang dapat gawin? Anong ugali ang dapt ipamamalas ng
isang lider?
Sabihin: Tama, pagiging responsable dahil marami syang tungkulin na dapat
gampanan. Ating alamin kung ang mga bata
sa ating babasahing usapan ay nagpapakita ng pagiging
responsable.

2. Paglalahad
Basahin ang usapan sa Basahin Mo

3. Pagtatalakay
Isagawa ang mga gawain sa Pagyamanin Mo
Magpadala sa bata ng sample ng widrawal/deposit slip. Isa-isahin ang mga
kailangang impormasyon sa Gawin Mo upang maging malinaw at
makatotohanan ang datos na ilalagay ng mga bata

4. Paglalahat
Isagawa ang gawain sa Isa-isip Mo
Maaring gumawa ang guro ng sample ng community tax certificate at biodata
upang makatipid sa oras. Isa-isahin ang mga impormasyon na kailangan nito.

5. Paglalapat
Isagawa ang Isa-puso Mo

IV. Pagtataya
Isagawa ang Isulat Mo

V. Takdang-Aralin
Magpadala ng isang uri ng pormularyo hayaan ang inyong mga kaklase naisagawa
ito.

You might also like