Mga Parabula Ni Nasreddin Hodja PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

MGA PARABULA NI NASREDDIN

HODJA
Parabula mula sa bansang Turkey
Isinalin sa Filipino ni Jessie S. Setubal

(Larawan mula sa pngitem.com)

1. Tatlong Tanong kay Hodja

May tatlong matalino at edukadong lalaki ang naghahanap ng


isang pantas, na makasasagot sa kanilang tatlong tanong.
Naglagalag sila sa buong mundo at sa wakas ay nakarating sa
lugar na tinitirahan ni Hodja.

Itinanong nila, “Sino ang pinakamatalinong tao sa bayang ito?”


Siyempre, dinala ng mga mamamayan si Nasreddin Hodja sa
tatlong lalaki.

1|Pahina
“Nasaan ang pinakasentro ng mundo?” unang tanong kay
Hodja. Si Hodja, na dinala ang kaniyang alagang asno, ay
itinuro ang hayop at sumagot. “Kung saan ang unahang paa
ng aking asno, ay naroon ang pusod ng daigdig.” “Paano mo
mapapatunayan iyan?” tanong ng isa. “Kung ayaw ninyong
maniwala, sukatin ninyo,” tugon ni Hodja.

Dahil imposibleng masukat ito, nagpatuloy sila sa pangalawang


tanong. “Ilang mga bituin ang nasa langit?” tanong ng
pangalawang tao. Sumagot nang walang pag-aalinlangan si
Hodja.

“Kasindami ng mga balahibo ng aking asno.” Tumawa ang


pangatlong tao. “Kung ayaw mong maniwala,” untag ni Hodja,
“maaari mong bilangin ang mga ito.”

Napaghulo ng mga dayuhan na hindi nila makukuha ang


kasagutan sa kanilang katanungan, at ang pangatlong lalaki
ay nagtanong. “Maaari mo bang masabi kung ilan ang
balahibo ng iyong asno?” Muli sumagot si Hodja nang walang
pag-aalinlangan: “Oo naman. Kasindami ng mga balahibo ng
aking asno ang inyong balbas.”

2|Pahina
At nagpatuloy si Hodja: “Ngayon huwag mong sabihing hindi
ka naniniwala dahil mapatutunayan koi to sa pamamagitan ng
pagbunot ng hibla ng balahibo ng aking asno at ang iyong
balbas malalaman natin sa huli na pareho ang bilang ng mga
ito.”

Napagtanto ng tatlong lalaki na nahigitan sila ni Hodja sa


katalinuhan.

(Larawan mula sa iuhere.com / pinterest.fr)

2. Katalinuhang Hindi Maipaliwanag

Isang may pinag-aralang siyentista ang dumating sa bayan ni


Hodja at ibig niyang hamunin ang dunong ng
pinakamatalinong tao sa lugar. Siyempre tinawag ng mga tao
si Hodja.

3|Pahina
Nang magkita sina Hodja at ang dayuhan, napagtanto nilang
hindi nila maintindihan ang wika ng bawat isa.
Napagdesisyonan nilang gumamit ng kumpas para makapag-
usap.

Gumuhit ng bilog ang siyentista sa buhangin gamit ang patpat.


Nangunot ang noo ni Hodja, kinuha ang patpat at hinati ang
bilog sa dalawa.

Gumuhit muli ng linya ang siyentista sa bilog at nahati ito sa


apat na bahagi. Nagkunwaring kinuha ni Hodja ang tatlong
bahagi at ibinigay ang nalalabing isang bahagi sa siyentista.

Itinaas ng siyentista ang kaniyang braso sa ibabaw ng kaniyang


ulo at pinakawag-kawag ang kaniyang daliri, marahan niyang
ibinaba sa lupa ang kaniyang kamay. Ginawa rin ito ni Hodja
subalit sa kabaligtarang direksiyon naman. Marahan niyang
pinagalaw ang kaniyang kamay mula sa lupa paitaas sa
kaniyang ulo.

At naging wakas ito ng pagsusulit ng siyentista. Ibinulong niya sa


mga awtoridad ng bayan: “Ang inyong si Hodja ay tunay
ngang matalinong tao.”

4|Pahina
Ipinagtuloy niya ang pagpapaliwanag sa kaniyang tahimik na
pakikipag-usap kay Hodja.

“Ipinakita ko sa kaniya na ang mundo ay bilog at kinumpirma


niya ito at iginiit na mayroon din itong ikwador. At noong hinati
ko ang daigdig sa apat na bahagi, iginiit niyang tatlong bahagi
nito ay tubig at isang bahagi lamang ang lupa, at hindi ko ito
maitatanggi. Sa wakas, tinanong ko, Ano ang pinagmulan ng
ulan? Tumugon siya nang tahimik at tumpak na ang tubig ay
umaakyat sa ulap sa pamamagitan ng pagsingaw, bumubuo
ng ulap, at bumabalik sa lupa bilang ulan.”

Nang makasarilinan na ng mga mamamayan si Hodja, isa sa


kanila ang nagtanong kung ano ang naging hamon ng
siyentista.

Sinabi ni Hodja: “Ang totoo, unang tinanong ng kapuwa nating


iyon: „Halimbawa mayroon tayong tray ng bilog na baklava’

Kaya sinabi ko: „Hindi mo kayang ubusin ito nang mag-isa. Kaya
kukunin ko ang kalahati.‟

5|Pahina
Pagkatapos ay naging magaspang ang ugali niya at sinabing:
„Ano ang gagawin mo kung hahatiin koi to sa apat na
bahagi?‟

Nainis ako, kaya sinabi ko: „Kung gayon, kukunin ko ang tatlong
bahagi at iiwan sa iyo ang isang bahagi!‟

Napalambot ko siya, sa aking palagay, ipinakita ito ng


pagkawag niya ng kaniyang kamay, at sinabi: „Siguro mas
mainam kung lalagyan ko ng pistachio nuts ang ibabaw ng
baklava.‟

Naging mahinahon din ako at sinabing: „Walang problema sa


akin, subalit kailangan mo itong lutuin sa apoy na ang
panggatong ay kahoy, dahil kapag ipa ang iyong ginamit,
hindi ito masyadong mainit.‟

Pagkasabi ko nito, alam niyang tama ako, at sumuko siya sa


laro.”

6|Pahina
(Larawan mula sa dreamstime.com)

3. Pagbibigay ng Tamang Tip

Isang araw, tumungo si Hodja sa paliguang Turkish subalit


walang sinumang nagbigay sa kaniya ng atensiyon. Binigyan
siya ng lumang roba at tuwalya. Walang ano mang reklamo si
Hodja subalit sa kaniyang pag-alis ay nagbigay siya ng malakig
halaga bilang tip.

Makalipas ang isang linggo, bumalik siya sa paliguan, naging


mahusay ang pagtanggap sa kaniya. Ang lahat ay ibig
tumulong sa kaniya at nagbigay ng mainam na serbisyo.

Subalit sa kaniyang pag-alis, nagbigay lamang siya ng maliit na


halaga bilang tip.

7|Pahina
“Subalit Hodja, nararapat bang magbigay ng maliit na halaga
bilang tip sa kabila ng atensiyon at mahusay na serbisyong
iyong natanggap.

Sumagot si Hodja: “Ang tip ko ngayon ay para sa serbisyong


natanggap ko noong nakaraang linggo at ang tip ko noong
nakaraang linggo ay para nga

8|Pahina

You might also like