Aralin 7 Dewey Decimal System at Bahagi NG Aklat PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Dewey

Decimal
System
Sistema ng Aklat sa mga Aklatan

Ang mga aklatan ay may sinusunod na mga


talaan upang madaling mahanap at makita
ang mga aklat.
Ang mga aklat ay inuuri batay sa nilalaman at
binibigyan ng tiyak na bilang.
Dewey Decimal System
 Ito ang tawag sa paraan o sistema na sinusunod sa mga aklatan.
 Ang paraang ito ay nakakatulong upang mapadali ang pananaliksik
at pag-iingat sa mga aklat.
 Ito ay serye ng mga numero sa mga katalogo ng mga aklatan o gilid
ng pabalat ng aklat sa aklatan (library)
 Gumagamit ito ng numero mula 000 hanggang 999 upang uriin ang
lahat ng materyales ayon sa paksa, anupa’t inoorganisa ito sa
sampung pangunahing pangkat.
 Ito ay nagsimula sa isang sikat na Amerikanong librarian na si
G. Melvil Dewey.
000-099 General Works
100-199 Pilosopiya, Sikolohiya, at iba pa
200-299 Relihiyon at iba pa
300-399 Agham Panlipunan, Ekonomiya, Batas, at iba pa
400-499 Mga Wika
500-599 Matematika, Pisika, Kemistri, at iba pa
600-699 Teknolohiya, Gawaing Pantahanan at iba pa
700-799 Sining, Iskultura, Pagguhit, at iba pa
800-899 Panitikan, Tula, Dula, Sanaysay, at iba pa
900-999 Kassaysayan, Herograpiya, Paglalakbay, at iba pa
Bahagi
ng
Aklat
PABALAT
 Ito ang takip ng aklat kung saan
makikita ang pamagat ng aklat,
mga pangalan ng may-akda, at
naglathala nito.
 Ito ay may tatlong bahagi:
ang harap, gulugod o spine,
at ang likod.
 Karaniwang mas makapal ang
materyal na ginagamit sa pabal
at kaysa material sa panloob na
bahagi ng aklat.
PAHINA NG PAMAGAT

 Ito ang karaniwang nabubuk-


lat kasunod ng pabalat.

 Makikita rin dito ang pamagat


ng aklat at pangalan ng may-
akda.
KARAPATANG SIPI
 Dito mababasa ang taon ng
pagkakalimbag, ang naglimbag,
at ang lugar kung saan nilimbag
ang aklat.
 Dito rin ipinapahayag ng may-
akda na walang sinumang
maaring kumopya ng bawat
bahagi ng aklat ng walang pahin
-tulot sa kinauukulan.
PAUNANG SALITA

 Nakalahad dito ang mga nais ipa-


abot ng may-akda sa kanyang mga
mambabasa.
 Maaaring ito ay tungkol sa paraan
ng paggamit ng kanyang aklat o
kaya’y paliwanag tungkol sa nilala-
man ng aklat o ayos nito.
TALAAN NG NILALAMAN
 Nakasulat dito ang mga
paksa o nilalaman ng aklat
at sa kung anong pahina
iyon matatagpuan.
KATAWAN NG AKLAT
 Ito ang naglalaman ng pangu-
nahing teksto ng aklat.

 Makikita rin dito ang mga


paksa ng aklat.
TALASANGGUNIAN
(BIBLIYOGRAPIYA)
 Makikita ito sa bandang likod
na bahagi ng aklat.

 Makikita rin dito ang talaan ng


mga pangalan ng tao at pama-
gat ng kanilang aklat, journal o
iba pang pinagkunan ng impor-
masyon na ginamit ng may-
akda upang mabuo ang kanya
ng aklat.
TALAHULUGAN / TALATINIGAN
(GLOSARI / GLOSARYO)

 Ito ay talaan ng mga salitang


mahahalaga o may malalim o
teknikal na kahulugan.

 Ito ay nakasulat nang paalpa-


beto at karaniwang makikita
sa likod na bahagi ng aklat.
TALATUNTUNAN
(INDEKS)
 Ito ay talaan ng mga
paksa na nakaayos nang paal-
pabeto at pahina kung saan ito
makikita.

 Ito ay makikita sa bahaging


likod ng aklat.

You might also like