JHS - Filipino Nobela

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Liceo de Cagayan University

High School Department


S.Y. 2015-2016

PAMANAHONG PAPEL
Pagsusuri sa Nobelang

“The Heart Of Paris”


Ipinasa kay:

Ma’am Myra C. Cuenca

Ipinasa ni:

Alyssa Mae P. Ramigoso

Disyembre 7, 2015
I. A. TALAMBUHAY NG MAY AKDA

Si Fely Umali ay ipinanganak sa Iriga City, Camarines Sur taong 1988. Nag-aral siya ng BS Psychology
sa Ateneo de Naga. Noong siya ay nasa ika-anim na baitang, natuklasan niya ang kanyang kasanayan o
talento sa pagsusulat ng mga kuwento dahil sa ginawa niyang script para sa kanilang role-play.
Nagsimula ang pagbabasa niya ng mga tagalog pocket books dahil sa kanyang kapatid na babae at
nagustuhan niya ang mga sinulat ni Helen Meriz. Si Helen Meriz ang naging inspirasyon niya sa
pagsusulat ng mga kuwento. Sa huling taon ng kanyang pag-aaral, nakipaghiwalay ang nobyo niya sa
kanya dahil sa kanilang long-distance relationship. Devastated, gumawa siya ng isang nobela. Ito ay may
humigit kumulang sa isang daang libong salita at mayroong tatlumpot pitong kabanata. Pagkatapos ay
naghanap siya ng mga publishing companies kagaya ng www.yourstoryhaven.com na nagpa-publish ng
libre online. Isinumite niya ang kanyang mga gawa at nagkamit ng mga mambabasa sa kanyang apat na
nobela. Si Rebecca Rosal ang naghikayat sa kanya upang subukan ang pagsusumite ng kanyang mga
gawa na mga kuwento. Matapos ang anim na taon, siya ay maligayang ikinasal na, habang ang kanyang
dating nobyo ay nanatiling single.

B. PROBLEMANG PANLIPUNAN SA PAGKABUO NG NOBELA


 Pagkakaroon ng relasyon sa napakabatang edad
II. MAHAHALAGANG TALASALITAAN, IDYOMA, AT TAYUTAY

Talsalitaan
Napagtanto – Napagisip-isip
Abuelo – Lolo
Abuela – Lola
Tumalima – Sumunod (sa utos)
Kopita – Maliit na lalagyan ng alak
Niyebe –Yelong tubig na Kristal na bumabagsak sa langit
Nagtimpi – Pagpigil sa nararamdaman
Sumapit – Dumating (na ang araw)

Tayutay
Ang cha-cha ay parang love – Simile
He looked like a God – Simile
She was even more beautiful and her face was like the sky that gave glow into his heart – Simile
III. PAGSUSURI SA MAHAHALAGANG TAUHAN

Tauhan Ang kanyang mga ginawa Ang dahilan ng kanyang kilos o ginawa
Moonlee Bida sa kuwento. Nag-aral sa France Naging mas matatag siya at naging mas mature.
ng Photography. Mahal niya si Paris. Natupad ang kanyang pangarap na mapanood ng
Isa siyang mapagmahal na anak. live ang Beyond Boundaries. Isang mapagmahal
Gustong-gusto niya ang vocal trio na na tao.
Beyond Boundaries.
Paris Isa siya sa pangunahing tauhan sa Naging isa siya sa miyembro ng Beyond
kuwneto. Mahilig siyang kumuha ng Boundaries. Isang mapagmahal na tao.
mga litrato. Mahal niya si Moonlee.
Mahilig rin siya sa musika kagaya ni
Moonlee.
Bella Nakababatang kapatid ni Moonlee. Naging mas mapagmahal na anak at kapatid.
Siya ay tinatawag na “Starlee” ni
Paris.
Christophe Matalik na kaibigan ni Moonlee. Naging mas malapit silang dalawa ni Moonlee.
Nagkakilala sila ni Moonlee sa Dulot nito ay pinagselosan siya ni Paris dahil
paaralan kung saan sila nag-aaral. inakala niyang kasintahan siya ni Moonlee.
Hannah Kababata ni Paris. Nag-aral sa Nagkagusto siya kay Paris. Dulot nito ay
American University of Dubai. Isang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina
ramp model. Moonlee at Paris.

IV. BUOD NG NOBELA


TAGPUAN
Sa isang sports complex, kung saan sila nagkita ng lalaki/ni Paris. Sa Barangay Hall ng San Rafael,
Pamplona, Camarines Sur, kung saan nadatnan ni Moonlee ang kanyang tiyahin na kausap si Lola Liza at
apat na binatilyo kung saan muli silang nagkita ng lalaki/ni Paris at kung saan ginanap ang sayawan.
SIMULA
Nanonood si Moonlee ng concert ng Beyond Boundaries sa isang sports complex. Napansin niya ang
lalaking nakatayo ilang hakbang mula sa kanya na tahimik na nagmamasid. Mayamaya ay kinuha ng
lalaki ang isang camera mula sa kanyang bag at nagsimulang kumuha ng mga litrato. Nagulat si Moonlee
ng matutok sa gawi niya ang camera na tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig. Nginitian siya ng
lalaki at simula nuon ay palagi nalang laman ng isipan ni Moonlee ang lalaki.
KAKINTALAN
Nadatnan ni Moonlee ang kanyang tiyahin na kausap si Lola Liza at apat pang mga binatilyo. Napako ang
kanyang atensyon sa mga lalaki. Muntik na siyang matisod ng makita ang ikaapat na lalaki. Ang lalaki na
nakita niya sa concert ay ang apo ni Lola Liza na si Paris. Hindi inaasahan ni Moonlee na sa San Rafael
pa sila muling magkikita. Naging magkaibigan sila at hindi naglaon ay nagtapat si Paris ng kanyang
nararamdaman para kay Moonlee at tinanong kung pwede ba siyang ligawan.
KASUKDULAN
Hindi pa pwedeng magka-nobyo si Moonlee dahil napakabata pa niya. Inimbita ni Paris si Moonlee na
manood ng isang play na kung saan siya ang bida. Lumabas si Moonlee dulot ng kanyang pagseselos sa
babaeng ka-eksena ni Paris. Pagkatapos ng play ay napayakap si Moonlee kay Paris at umamin na mahal
niya rin ito.
KAKALASAN
Dumating ang panahon na napagod si Moonlee sa pagtatago ng kanilang relasyon kaya nakipaghiwalay
siya kay Paris. Nasagad na rin si Paris sa pagsuyo kay Moonlee. Noong panahon na iyon ay paputang
France si Moonlee at Bella upang mag-aral. Sampung taon na ang nakaraan at naging matagumpay na sila
sa kani-kanilang career. Bumalik ng Pilipinas si Moonlee. Sa muling pagkikita nila ay inakala ni Paris na
kasintahan ni Moonlee si Christophe. Hindi nagtagal ay umamin si Paris na mahal pa rin niya si Moonlee.
WAKAS
Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Moonlee at Paris dahil kay Hannah. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Paris na kausapin si Moonlee. Tumawag ang
daddy ni Moonlee upang sabihin na nagkasakit ang mommy niya. Hindi siya nagdalawang isip na
lumipad pabalik sa France. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinundan na pala siya ni Paris upang
tuparin ang pangako na sa muling pagpunta niya sa France ay kasama na ang kasintahan.

V . PAGSUSURI NG KABISAAN NG NOBELA SA MAMBABASA


A.BISA SA ISIP
- Sa nobelang “The Heart Of Paris” natutunan ko na mahalaga na dapat muna pag-isipan ng
maayos ang bawat desisyon na gagawin. Dapat huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon ng
dahil lamang sa bugso ng iyong damdamin at dapat isipin muna ang consequences kung ikaw ay
gagawa ng isang desisyon.

B. BISA SA DAMDAMIN
- Nakadama ako ng kilig nang muling nagkita si Moonlee at Paris sa San Rafael. Nanghinayang
ako noong sila ay naghiwalay dahil hindi nakayanan ni Moonlee na palagi nalang nila itatago ang
kanilang relasyon.

C. BISA SA KAASALAN
- Upang magkaroon ng masaya at matiwasay na pag-iibigan, dapat ang dalwang nagmamahalan ay
mayroong tiwala sa isa’t isa. Kung gagawa ng isang desisyon, dapat mo munang isipin kung sino
ang maaapektohan at kung ano ang mga kasunod na consequences nito.

VI. PAGSUSURI NG TEMA NG NOBELA


Ang tema ng nobela ay: Pag-isipan ang bawat desisyon na gagawin at isipin kung sino ang maaapektohan.

Ang mga pagpapatunay o detalye:


1. Hiniwalayan ni Moonlee si Paris dahil sa pagod na itago ang kanilang relasyon.
2. Sinagot ni Moonlee si Paris kahit siya ay hindi pa pinayagan ng kanyang mga magulang.

Kahit sino ay maaari mong masaktan dahil sa mga desisyon na iyong gagawin. Kaya pag-isipan ng
mabuti ang bawat desisyon at huwag magpadalos-dalos upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

VII. PAGSUSURI SA LAYUNIN NG MAY-AKDA


Mga detalyeng pagpapatunay
A. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa Sinulat niya ito upang mailabas ang kanyang
kanyang sarili? saloobin. Siguro ay pinagdaanan niya ang ganitong
klase ng pangyayari kaya sa pagsusulat nalang niya
inilabas ang kanyang damdamin.
B. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa Ang layunin ng may-akda para sa kanyang
kanyang mambabasa? mambabasa ay para magbigay-aliw at magbigay-
inspirasyon sa kanyang mambabasa.
C. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa Nais ng may-akda na ma-engganyo ang mga
layunin? kabataang Pilipino na magbasa ng mga nobelang
Pilipino na tungkol sa pagmamahal.

VIII. PAGGAMIT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Romantisismo
- Nag-iibigan sina Paris at Moonlee. Noong sila ay muling nagkita sa San Rafael at naging
magkaibigan sila, doon nagsimula na magkagusto si Paris kay Moonlee at nanligaw.
Teoryang Sosyolohikal
- Ang tagpuan ng kuwento (Camarines Sur) ay batay sa lugar na kinabibilangan ng may-akda.

IX. PANSARILING REAKSYON


Hindi ako nahirapan sa pagbabasa ng mga kuwento o nobela na nasa salitang tagalog. Ang nobelang
“The Heart Of Paris” ay gumagamit ng mga simpleng salita na madaling maintindihan at maunawaan.
Ngunit hindi sa lahat ng panahon ay madali maintindihan ang mga salitang ito.

Nagagalak ako sa nobelang ito sapagkat ang banghay nito ay katulad ng sa iba pang mga nobela.
Hindi talaga ako mahilig magbasa ng mga nobelang tungkol sa love. Ngunit, ma-irekomenda ko ang
nobelang ito sapagkat marami akong natutunan ditto at ako’y nasiyahan sa nobelang ito.

You might also like