Professional Documents
Culture Documents
Modyul4esp10 190201065903
Modyul4esp10 190201065903
Kalayaan
Gawin ito sa kuwaderno ngunit maaari
ding isulat sa pisara ang mga sagot sa
paggabay ng iyong guro.
Matapos ang gawain ay sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang mga
sagot sa kuwaderno.
a. Ano-ano ang pakinabang na natatamasa
mo dahil ikaw ay nilikhang malaya?
b. Ano-ano ang nagiging mga hadlang sa
paggamit mo ng kalayaan?
c. Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw
ay malaya?
Gawain 3
Panuto:
Ipagpalagay na ikaw ay bibigyan ng libreng limang
oras upang gawin ang iyong gustong gawin. Saan
mo ito gagamitin o paano mo ito gugugulin? Isulat
sa iyong kuwaderno ang mga naiisip mong
gagawin.
Sa gabay ng iyong guro, isulat sa metastrip ang iyong
sagot at idikit ito sa pisara.
Matapos mailagay ang mga sagot sa pisara, sa gabay
pa rin ng inyong guro uriin o ikategorya ang mga
naisulat na planong gagawin. (Maaaring ang mga ito
ay ayon sa pag-aaral, kaibigan, kasiyahan, gadget,
sarili, pamilya, bayan o pagtulong sa kapuwa, at iba pa).
Sagutin ang sumusunod na mga tanong pagkatapos
ng gawain.
a. Ano ang resulta ng gawain?
b. Bakit ito ang iniisip mong gawin sa libreng oras na
ibibigay sa iyo?
c. Ano ang mensaheng nakuha mo tungkol sa
kalayaan mula sa naging sagot mo at ng iyong
kamag-aral sa gawaing ito?
Gawain 4
Panuto:
Pangkatin ang klase batay sa bilang ng kategorya ng mga
gawaing naging sagot ng klase sa Gawain 3.
Italaga ang isang kategorya sa isang pangkat.
Ipagpalagay na ang mga gawaing nakasulat sa metastrip na pinili
mong gawin gamit ang iyong kalayaan ay isang tulay na iyong
tinatahak.
Sa kaliwang dulo ng tulay iguhit ang larawan ng isang batang
kumakatawan sa iyo. Idikit ang mga metastrip na nakapaloob sa isang
kategorya na magiging anyong tulay gamit ang manila paper. Sa
kanang dulo ng tulay ay isulat mo ang inaasahang makakamit
pagkatapos gawin ang mga gawaing nakatala.
Halimbawa:
Kategorya: Kaibigan
Magiging
Ikaw malapit sa
kaibigan
Ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang ginawa sa klase.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
a. Kung ang gawaing pinili mong gawin ay ipagpapalagay na
kumakatawan sa tulay na iyong tatahakin o tinatahak, anong uri ng
tulay ang iyong itinatayo?
b. Saan ito patungo?
c. Kontento ka ba sa epekto o patutunguhan ng pinili mong
gawin? Patunayan.
d. Kung naging kontento/masaya ka sa resulta nito, hanggang
kailan magtatagal ang iyong kasiyahan? Magtatagal ba ito o
panandalian lamang? Patunayan.
e. Nagamit mo ba nang tama ang kalayaang mayroon ka?
Ipaliwanag.
f. Alin sa mga kategorya ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Bakit?
g. Matapos ang gawaing ito, ano ang maibibigay mong kahulugan
sa tunay na kahulugan ng kalayaan?
D. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan