Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

119

Kabanata 5

Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang mga kabuuang natuklasan ng mga


mananaliksik ukol sa kanilang pag-aaral tungkol sa mga Salitang Millennial sa
Sosyal Midya. Ang mga kongklusyon at rekomendasyon ay ibabahagi rin sa
kabanatang ito.

Natuklasan

Batay sa mga nakalap at inilahad na datos at impormasyon na


inimbestiga at binigyang-kahulugan, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon:

1) Sa pagtatala ang Akronym, Pinaikli/Jejemon, Binaliktad,


Ekspresyon/Tagline, Balbal/Swardspeak at Emoji/Emoticon bilang mga
pamamaraan ng “self-expression” kung saan kadalasang ginagamit ng
mga milenyal sa mundo ng Sosyal Midya lalo na sa Facebook, Instagram
at Twitter.
2) Habang sa klasipikasyon, ang mga kabataang millenyal ay nauunawan
ang mga makabagong salitang ginagamit sa tatlong social media sites na
nabanggit at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa
Sosyal Midya man o personal.
3) Sa kahulugan naman, ang mga kabataan sa kasalukuyan, mas hayagang
naipapahiwatig ang mga kaisipan, damdamin at saloobin sa pamamagitan
ng paggamit ng mga bagong usbong na mga salita upang magkaroon ng
pakikibagay sa nagbabagong anyo ng henerasyon.
4) Sa pidbak ang paggamit ng mga salitang millennial sa Sosyal Midya ay
nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa mga kabataan lalo na sa
aspeto ng pakikipagkomunikasyon kung saan mas nangingibabaw ang
hindi pagkakaunawaan ng tagatanggap at tagapagpadala ng mensahe at
nagdudulot ng kalituhan at di-pagkakaintindihan na maaaring humantong
120

sa argumento at hindi magandang pakikipagrelasyon sa kapwa.

Kongklusiyon
Ang mga salitang millennial sa sosyal midya ay may malaking
ginagampanang tungkulin bilang wika at midyum ng pakikipagkomunikasyon. Ito
rin ay tulay tungo sa mas maayos at mainam na pagkapantay-pantay ng tao sa
kadahilanang ang wika mismo ang naging daan upang magkaintindihan at sama-
samang nagbubuklod-buklod ang mamamayan sa isang lipunan. Makatutulong
ng malaki at tiyak ang glosaryong nailikha ng mga tagapagsiyasat upang lubos
na mabigyang-tuon, mapahalagahan at maunawaan ang wikang millennial ng
bawat mamamayan sa iba’t ibang dimensyon, mapasosyal man, personal o sa
panig ng edukasyon.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga


mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

1. Ang pagbabago ng wika ay bahagi ng pag-unlad ng wika sa paglipas ng


panahon kung kaya laging isipin na ito ay normal lamang.
2. Kinakailangan na umaangkop at makisabay sa mga pagbabago na nagaganap
sa wika dahil tumatakbo rin ang panahon baka may di pagkakaunawaan na ang
mga bagong henerasyon at ang mga nakakatanda.
3. Bilang guro, bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na gamitin ang mga
salitang millennial dahil sa ganitong paraan sila naging komportable sa
pagpapahayag ng kanilang sarili.
4. Dapat paalalahanan ng mga guro ang mga estudyante kung kailan at saan
maaaring gamitin ang mga salitang millennial. Kailangan din na malaman nila na
may limitasyon sa paggamit nito.
5. Bigyan ng paalala ang lahat na ang pag-usbong ng mga salitang millennial at
ang palagi ang paggamit nito ang hindi dapat maging rason upang mawaksi na
sa isipan ang pambansang wika.
121

Karagdagang Rekomendasyon

1. Pagsusuri sa mga Salitang Millennial na ginagamit sa mga Soap Opera


2. Implikasyon ng Paggamit ng Salitang Millennial sa mga Estudyante: Isang
Pagsusuri
3. Impluwensya ng mga Sikat na Personalidad sa Paggamit ng Salitang
Millennial
4. Paggamit ng mga Gurong Nagsasanay sa Filipino ng Salitang Millennial
5. Mga Salitang Millennial tungo sa Pagbuo ng Modyul
6. Wikang Filipino sa Makabagong Panahon: Isang Paghahambing
7. Paggamit ng Salitang Millennial sa Pagsulat ng Pahayagan

You might also like