Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Klasrum ng UMDC Hindi kaaya-aya sa Pagkatuto

Ni Shelly N. Salutan

Reklamo ng ilang mag-aaral sa MAED-Filipino ng UMDC kada tuwing Sabado ang ingay na dulot ng mga
nagtre-training ng ROTC at ilang di kanais-nais na ingay mula sa ilang estudyante sa labas ng klasrum.

Ayon kay Rona Mae Estremos, mag-aaral ng MAED-Filipino, ang nasabing klasrum na pinagkaklasehan ng
mga mag-aaral ng MAED-Filipino ay malapit lamang sa ilang nagtre-training ng ROTC na minsan ay
nakakadistorbo dahil abot sa klasrum ang kanilang ginagawang ingay.

“Minsan hindi nakakapagpokus sa pakikinig sa diskusyon dahil nakakatawag pansin ang ingay na dulot ng
mga nagtre-training ng ROTC sa labas, masyado lang kasi itong malapit sa klasrum kaya naaabot-tanaw
lang din ang kanilang ginagawa,” saad ni Estremos.

Ayon naman kay Arnel Bernal na mag-aaral din ng MAED-Filipino, minsan meron ding ilang mga
estudyante na hindi alintana na may nagkaklase, may nagpapatunog ng mga instrumento ng banda at
naghahabulan na nakakatawag pansin sa mga mag-aaral ng MAED-Filipino.

“Masyado kasing malapit ang distansya ng mga klasrum ng UMDC at labas masok lamang ang mga ingay
na mula sa labas dahil na rin sa istruktura ng mga bintana,” sabi ni Bernal.

Isinangguni na ng mga mag-aaral ng MAED-Filipino sa kinauukulan ang nasabing suliranin.

You might also like