Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Danilo V.

Columbres Jr

MAWD 211

“Hali na at Kilalanin ang Kasaysayan at Ganda ng


Pinagbanderahan”

Ang Pinagbanderahan ay isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas na


matatagpuan sa probinsya ng Atimonan Quezon. Sinasabi na ang pinagbanderahan
ay dating kilala sa tawag na bundok “Mirador”, hindi man masyadong kilala ang
Pinagbanderahan sa ibang dako ng Pilipinas ngunit itoy isa sa maipagmamalaki ng
mga tubong Atimonanin, sapagkat dito unang itinatag at iniwagayway ang bandera
ng Pilipinas noong panahon ng mga kastila, ngunit bago naitatag ang bandera ng
Pilipinas sa bundok ng Pinagbanderahan ay may mas nauna pang bandila
binandera dito at yon ay ang bandila ng mga Hapon at Amerikano, pero sa awa ng
diyos at sa pagtutulungan ng mga sundalong Pilipino muling ibinadera sa bundok
ng Pinagbanderahan ang ating watawat noong 1946 hanggang sa kasalukuyan.

Sa tuktok ng Pinagbanderahan dito na matatanaw ang ganda ng Bundok


Banahaw at mga isla ng Marinduque at Mindoro pati narin ang mga pangunahing
bayan ng Atimonan, tanggal ang pagod at paghihirap na dadanasin ng mga mag
sisipag akyat sa Pinagbanderahan sa oras na makita ng bawat isa ang magagandang
tanawin.

Ayon sa kasaysayan ng Pinagbanderahan ang hagdan na ginagamit doon ay


ginawa pa noong panahon ng mga Amerikano at sinasabi din na ang ginamit na
mga materyales ditto ay “lime stone” talaga namang masasabik kang malaman ang
mga natatagong istorya sa bundok ng Pinagbanderahan.

Sulit ang saya at pagod na matatamasa ng mga taong na mag babalak na


puntahan ito marahil pag na akyat na ang tuktok ng Pinagbanderhan dito makikita
ng karamihan ang kagandahan ng kalikasan na talaga namang ating babalik
balikan.

You might also like